Monday, July 28, 2014

SONA 2014 ni PNOY, Pasang – awa na naman


"Tinimbang ka ngunit Kulang"


Emosyunal, tulo ang luha at naging madrama ang huling pananalita ni Noynoy Aquino (Pnoy) sa ika-limang state of the nation address (SONA) nito kanina. Kung baga,  culturatic frame ang handling na may layuning i-captured ang damdamin maawain ng malawak na masa.  Parang gustong ipahiwatig ang pagsusumamo, pang-unawa at patuloy na pagtitiwala sa nalalabi pang dalawang taon sa Malakanyang. (Photo courtesy of; 28-Jul-14, 8:27 PM | Lira Dalangin-Fernandez, InterAksyon.com)

Magkaka-iba ang reaksyon ng tao depende sa kung sino, saang nangmumula, pinanggagalingan ang mga tirada at diskurso.    Sa kanyang ika-apat na taon sa kapangyarihan,  ang sigurado, may mga nagawa,  may napabayaan, may positibo at negatibo, may nasa labas at nasa loob ng kusina,  may nakinabang,  maraming na-marginalized  at may walang paki-alam.

Sa mga kaalyado, sasabihing  totoong tao at seryoso si Pnoy.  Sa mga kritiko, kulang-kulang,  isang gimmick, isang telenobela at teleseryeng napapanood gabi-gabi sa telebisyon ang SONA.   Naging kapana-panabik sa mga suportador,  walang substansyal, fashion show at nakakaburyong  naman sa mga kritiko.  Tulad ng dati,  retorika,  recycled at propaganda ng mga nasa kapangyarihan ang mga pahayag at panawagan.  Sa kabuuan, “kulang sa timbang” ang SONA ni Pnoy.

Ang masamang epekto ng pamumulitika at ang katayuang “sick man of Asia” ang siyang naging panimulang entrada ni Pnoy.  Bagamat  binalikan ang nakaraang mga  isyu, mababaw na pinagbasihan ito kung ano talaga, saan patungo ang nalalabing panahon ng kanyang administrasyon?  Hindi gaanong natumbok nito ang ugat kung bakit parang cancer ang sakit ng pulitika at ekonomiya ng bansa.  

Kasunod ng kapasyahan ng Korte Suprema at silakbo ng damdamin ng mamamayan laban sa katiwalian,  naubligang ibasura ni Pnoy ang pork barrel - PDAF habang kampante at kasunod na nakabalangkas ang instrumentong magpapabilis daw ng proseso ng kanyang programang pangkaunlaran, ang Disbursement Acceleration Program (DAP).    Hindi matanggap ni Pnoy ang naging hatol na unconstitutional  ang DAP.   Para sa kanya, in "good faith" at  malaki ang naitulong ng programa sa paglago raw ng ekonomiya,  na pinabulaanan naman agad ng mga kritiko at kaaway sa pulitika.  

Malaki ang paniwala ng marami na ang DAP ang magbibigay assurance o kasiguraduhan upang mailatag ang total victory ng kanyang kaalyado at sariling manok sa papalapit na 2016 presidential election. (Photo: courtesy of: :http://www.philstar.com/opinion/2014/07/04/1342213/editorial-better-system)

Dahil sa kontrobersya ng DAP,  nakahanap tuloy ng puwang ang kanyang kaaway upang  pabulaanan ang kampanyang  slogan “tuwid na daan at kung walang kurap walang mahirap."   Mas lalong nakumplika at nalagay sa depensiba si Pnoy ng kasuhan siya ng magkakasunod na demanda't impeachment complaint kahalintulad ng mga naunang mga tiwaling rehimen. 

Mukhang pangangatawanan ni Pnoy ang kampanyang  “tuwid na daan,”  ang pamanang  iiwan (legacy) sa mamamayang Pilipino.  Patunay ang apat (4) na mga kilalang political personalities;   isang dating president,  isang SC chief justice, tatlong senador,  mga operator at iba pang mga isusunod na pulitiko sa hanay ng oposisyon at administrasyon.   

Kung tutuusin,  kulang pa at nanghihinayan ang ilan.   Mas mai-institusyunalisa sana ang labang "kung walang corrupt walang mahirap,"  kung  may freedom of information (FOI),  kung malalakas ang political parties at may demokratic representation ang mamamayan o anti-dynasty.      Maganda ang  6 – 7 % GNP growth rate at pag-angat ng credit rating,  kaya lang, hindi siya sustainable at hindi  randam sa mga komunidad.  Kung nakinabang at pinahanga ni Pnoy ang mundo ng negosyo,   “inclusive growth” ang nagkakaisang naging tugon na kakulangan.  
    
Ipinagmayabang ang mga pagbabago sa edukasyon (K-12) at  paglaki ng collection sa buwis.    Kaya lang,  hindi  nabanggit ang lugmok na kalagayan ng agrikultura,  mabagal na programa sa relief and rehab sa tuwing delubyo at krisis na kinakarap sa enerhiya.   Ang pangamba ng marami,  mawawalan ng katuturan ang inaasam na pag-unlad ng ekonomiya kung  bigong  mareresolba ang krisis sa enerhiya  (Photo: courtesy of: http://www.philstar.com/opinion/2013/12/12/1267130/editorial-power-crisis)

Marami ang natuwa ng kilalanin at panagutan ng estado ang mga biktima ng kalupitan ng diktadura at ikasa ang compensation o bayad damyos sa mga biktima.  May naaaninag na liwanag sa dulo para sa pangkapayapaang proseso hindi lang sa Mindanao at bangsa moro bagkus,  sa iba pang  grupong pulitikal na hangad pabagsakin ang estado sa paraang rebelyon at insureksyon.

Crucial ang nalalabing dalawang taon upang maihanda at maipagpatuloy ang  bunga ng kanyang pagsisikap  lagpas sa 2016 presidential election.  Bagamat hindi tinukoy kung sino ang magiging kahalili, nai-set niya ang pamantayang dapat taglayin ng  kanyang mamanukin na magsusustina ng kanyang legacy.

Sa maluha-luhang pananalita,   muling sinariwa ni Pnoy ang  “worth dying and fighting for”  na sinimulan ng kanyang magulang.  Hindi raw ito nasayang (Ninoy at Tita Cory) at magpapatuloy.    Sabi nga ni Butch Abad,  tao lang si Pnoy, liberal,  nagkakamali at hindi perpekto. 

Tuesday, September 17, 2013

Zamboanga standoff and Military Offensives



“Surrender first, then we talk”

May dalawang Linggo na ang labanan at standoff sa Zamboanga, ang pinakamadugo at itinuturing pinakamatagal na standoff sa kasaysayan ng modernong pakikibaka at rebelyon sa Pilipinas.   Habang isinusulat,  mahigit 100 ang casualties sa magkabilang panig, ilan daan ang sugatan, mahigit limang libong (5,000) istruktura't kabahayan ang nasunog,  may 100,000 ang nag-ebakwet at mahigit kalahating milyon tao ang nabulabog sa labanan.  (Larawan: courtesy of  www.rappler.com)

Isang higly urbanized at sentro ng komersyo, industriya at politika sa timog-kanlurang ng Mindanao ang lunsod.  May isang milyon ang populasyon  at pang-anim sa pinakamalaking lunsod sa bansa at dahil sa "iligal na rally at planong pagtitirik ng bandila"   nagmistulang Syria at Afghanistan ang Lunsod ng Zamboanga.

Ayon sa Commander in Chief na si Nonoy Aquino,  “hindi na raw kailangan magdiklara ng state of emergency,”  pero,  may carfew mula  8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga, suspindido ang lahat ng antas ang klase  (pribado at pampubliko),  sarado ang negosyo,  tigil ang lahat ng klase ng transportasyon (himpapawid, pandagat at panlupa), looting at unti-unting may kakapusan na ang suplay ng pagkain at ang pinakamatindi,  inaamin na ng gubyerno na nalalagay na sa "humanitarian crisis" ang sitwasyon ng Zamboanga.  


Hindi maitatangging alam ng mga awtoridad  na nagpapalakas ang MNLF at planong magmobilisa sa anyong “peace rally” sa Zamboanga at   hilingin ang “full implementation ng peace agreement" na napagkasunduan nuong 1996 na sa pagkaka-alam nila ay ibinasura na (tripartite review)  ng gubyernong Aquino.   Sa kabilang banda, nakatakda ng pirmahan ni Noynoy Aquino sa katapusan ng taon ang  comprehensive peace agreement sa Moro Islamic Liberation Front, ang karibal at break away group ng MNLF.

Hilong talilong ang administrasyong Aquino sa tindi,  lawak at impak ng Zamboanga standoff, sa kung paano ang wastong pagtugon sa krisis, conflict management at  command structure na angkop sa sitwasyon.   Napaghaha
latang pikon at tensyunado ang crisis management lalo na nung pumasok sa eksena ang mahigpit na karibal na si VP Binay.   
Dahil sa Cabatangan Incident noong 2001 at  dami ng civilian na madadamay,   "calibrated response" ang tugon,  meaning, “walang ceasefire at cessesion of hostilities, “no compromise,  surrender or we fight" at higit sa lahat, walang  lalabag sa protocol at dadaan sa "wastong linya" ang mga desisyon.  Kaya lang,  magkaiba man ang approached,  maliwanag na "utak pulbura" pa rin ang umiral na pananaw at oryentasyon. 

Kung pagkukumparahin ang trahedyang natural at man-made calamity,  kung sinasabing mahigit P350.0 million kada araw ang pinsala't nagagastos sa standoff,  tinatantyang  nahigitan na nito ang bagyong Ondoy na puminsala ng mahigit limang bilyung pisong (P5.0 bilyon) ari-arian at kumitil  ng maraming tao may apat na taon na ang nakalipas.

Kung babalikan,  ilang buwan (July) bago ang insidente,  may mahigit isang libong  MNLF fighters at supurtador ang nagtipun sa Sulo upang manawagan ng "Independent Bangsamoro Republic.”  Halos kasabay na pangyayari ang mainit na isyu ng “paghahatid sa Crame ni Noynoy Aquino kay Napoles, anunsyong abolition of PDAF" at Luneta One Million March for Abolition of Pork Barrel System at ikinakasang prayer rally ng Edsa.  (Larawan: MLF chairman Nur Misuari talks to Kumander Malik /  courtesy of globalbalita.com )  

Hindi maiiwasan magtanong sa palasyo ang ilang malilikot ang isip;  pinabayaan ba at hinayaan  bang makapasok at diversionary tactics sa mainit na isyu ng abolition of pork barrel system o ito ba’y  planadong pag-aalsa ng grupo ng MILF resulta ng kahinaan sa handling ng gubyerno sa usapang pangkapayapaan?

Walang dudang mas supeyor ang pwersa ng military at magugupo ang standoff.   Ang mas pinangangambahan ng marami  ay ang pangmatagalang epekto ng tunggalian at ganting aksyon ng suportador ng MNLF,  lalo na kung patuloy na i-exclude sa usapang pangkapayapaan ang grupo.   Inaasahan at maaring  i-organisa ni Misuari ang isang nagkakaisang prente (united front) na binubuo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ni Umbra Kato,   isang breakaway group ng MILF at ang Tausug based Al Qaeda affiliated Abu Sayyaf  group laban sa imperyong gubyerno ng Maynila.

Nagtagumpay man ang administarsyong Aquino na paghiwa-hiwalayin ang Tausug,  ang Maguindanaoan at Maranaoans at  magupo ang Zamboanga standoff,   hindi maitatatwang nananatiling malakas at mapagpasyang pwersa at hindi maaring baliwalain ang isang grupo ng Bangsamoro.   Ipinakita ng Zamboanga standoff na hindi maaring  maitchapwersa ang MNLF sa ano mang pagde-desisyon patungkol sa usaping pangkapayapaan sa muslim Mindanao. 

Mahuli man at mapatay si Misuari at si Kumander Malik, hindi  maipagkakaila ang masamang imaheng naipakita ng standoff;  na ang Pilipinas na nagsisimula na sanang bumangon ay muling nadapa't naunsyami,  ang Pilipinas ay nananatiling isa sa mapanganib na lugar sa mundo,  kulturang walang katahimikan (violent culture) at  higit sa lahat,  gubyernong mahina at reaksyunaryo.



Sunday, August 25, 2013

Luneta Million March to Abolish Pork Barrel, Tagumpay



Ano ang implikasyon at Kasunod?

Matapos mabuko ang kahindik-hindik na P10.0 bilyong pork barrel scam ng mga honorableng mga pulitiko,  mga kilalang senador, mga hindi mabilang na mga kongresista, kasabwat ang ilang operador at pekeng NGOs, isang indignasyon at pagdalamhati ng mahigit kumulang na 500,000 mamamayan ang nagtipun-tipon sa Luneta kanina upang ipanawagan ang pagbabasura ng sistemang pork barrel at pag-usig sa mga salarin at may kagagawan.    Larawan: courtesy www.gmanetwork.com )

Nagmula sa ilang netizen ng social media,   facebook, tweeter, blogs at iba’t-ibang makabagong electronic gadget, ikinasa ang Aug 26 Luneta One Million March for to Abolition of Pork Barrel. Lumawak ang suporta at mabilis na kumalat na parang kidlat ang panawagan.   Bukud sa  Luneta,  tumugon ang ilang malalaking mga sekundaryong mga lunsod sa probinsya,  nakii-isa ang ilang malalaking lunsod sa USA,  Hongkong,  Middle East at sa iba pang mga kalat-kalat na lugar sa mundo na may malaking concentration ng mga OFW.

Pluralista,  magkakaiba-iba, diverse group ng mga  indibidwal at grupo ang kalakhang dumalo sa Luneta kanina.  Visible ang ilang mga kilalang personalidad sa simbahan, showbiz, columnist, academe, artist, kilalang aktibista, NGOs, civil society at ilang party list organization.   Bagamat nirerespeto,  hindi na siya kontrolado't binubuo ng mga blokeng politikal (post-bloc), meaning, kalakhan ng mga dumalo ay mga independenteng mga indibidwal  at grupo na maaaring maituring mga "politically matured" na katangian.

Mao-obserbahan ang pagtitiwala, kakayahan at kapangyarihan ng bawat isa na makapagsagawa ng pagbabago at paglilingkod. Sa kabuuan, naging masaya, malaman, matagumpay at educational ang naging pagtitipon sa Luneta.

Halos kahawig ng people power revolution na nakapagpabagsak sa rehimen Marcos at kay Erap ang Luneta activity. Bagamat  hindi direktang puntirya ang estado at si Presidente Noynoy Aquino, nagkakaisa ang lahat sa prinsipyo ng "good and democratic governance,"  wakasan ang katiwalian at pangungurakot sa pamamagitan ng pagbabasura ng sistemang pork barrel - patronage politics at isabatas ang freedom of information (FOI) sa paraang peaceful at non-violence.

Kung matatandaan,  tinangka ni Noynoy Aquino na idiskaril ang naka-kasang pagkilos tatlong araw bago ang Luneta One Million March activity sa isang press con na "ibabasura nito ng pork barrel sa anyo ng pagbubusisi,  mga safety net, budget line item at pagpapatupad ng "accountability at transparency"  na isagawa ng Malakanyang.   Mas lalong umigting ang damdaming nag-aalab ng marami sa katotohanang hindi aalisin ang discretionary sa budget ng mga senators at kongresman lalo na kung ito'y mga kapanalig sa politika.

Isa lamang palabas ang naturang anunsyo sa abolition,  isang "reincarnation" at sa esensya, patuloy na imimintina ni Noynoy ang sistemang pork barrel at patronage politics sa bansa." Ang nakapanggagalaite sa marami,  "gagamitin ni Noynoy ang sistemang pork barrel upang kontrolin at mamanipula ang kongreso't senado sa kanyang pampolitikang agenda at  daang matuwid."
Maaring bumigay at magmatigas si Noynoy Aquino sa panawagang i-aboliish  ang pork barrel na magresulta ng sustainability ng pakikibaka sa mas mataas na antas lalo na't kung walang immediate action na gagawin ang administrasyon sa isyu at pag-usig sa mga salarin.  Ang isang positibo,  muli nitong naibalik ang iba't-ibang pormasyon at tradisyon ng people power, ang aktibistang pagkamamamayan ng mga Pilipino.


Hindi man naabot numerically ang isang milyon sa Luneta,  mukhang ito na ang simula at magsisilbing babala sa mga tiwali, pang-aabuso't pagsasamantala ng mga nasa kapangyarihan at mas magiging mapagbantay sa galaw at gawi ng mga pulitiko at administrasyong Noynoy Aquino.  Sa ganitong usapin,  masasabing isang tagumpay ang Luneta One Million March para i-Abolish Pork Barrel.


"Mga Diskurso ni Doy"  blogger Doy Cinco, 11:00 am, Aug 26, 2013,  Luneta One Million March to Abolish Pork Barrel

Monday, July 22, 2013

Micro-management sa ika-apat na SONA ni PNOY



Kakaiba ang SONA ni Noynoy Aquino kahapon.   Maditalye, mahaba't nagmamadali at parang gusto na niyang tapusin agad ang nakakaburyong na aktibidad.  

Tumagal ng halos dalawang oras at tulad ng inaasahan, mayorya ng kanyang mga kabalahibo sa kongreso, si Belmonte, si VP Binay at ruling elite, nakangisi at kumbinsido. (Photo: Ed cartoon, tribune.net.ph) 

Tagalog ang ginamit na medium at mukhang naka-adres sa pangkaraniwang Pilipino ang SONA at hindi sa lehislatura. Sa temang “para sa mamamayan ang SONA,  para sa atin ang SONA,”  ibinida ang accomplishment report sa kahalintulad na istilo ng dating kinamuhiang presidenteng si Gloria Arroyo.  Ginamitan ng power point na naglaman ng iba't-ibang mga kaso ng katiwalian at matatagumpay na karanasan ng mga individual na tao.  

Ibinida ang pag-unlad na nairehistro sa unang kwarto ng taon (pinakamataas sa Asia) at kaluwagang ibigay ng pandaigdigang financial institution sa pagpapautang,  inamin hindi ito ramdam ng maraming komunidad at ang trahedya,  para lamang ito (exclusive) sa mga dambuhala't  makapangyarihan.

Imbis na ilahad ang pangkalahatang larawan, estado poder at solusyon sa mga maiinit na isyung sumambulat kamakailan, pangangastigo sa ilang piling palpak na pamunuan ng mga ahensya ipinokus ang SONA. Marami ang naaliw at marami ang nanghinayang na sa magpahanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung saan patungo ang ating gubyerno, sa kahalagahan ng pagpapatibay ng mga patakarang magsisilbing gabay sa pagpupursigi ng "daang matuwid," paulit-ulit na panawagang reporma at pagbabago sa gubyerno.

Bagamat nabanggit ang "social transformation," hindi malinaw kung ito’y naka-tuon sa pagbabagong hangad ng bawat indibidwal para sa daang matuwid at kontra katiwalian  o  ito'y nakatuon sa pagbabago ng bulok na sistema ng pulitika at halalan na siyang ugat, ang punu't dulo ng kurakot sa burukrasya?

Mula sa kontrobersyal na pamumudmod ng inutang na pera ang Conditional Cash Transfer  (pangatlo sa buong mundo bilang pinakamalaking CCT-doleout),  ang lumalalang katiwalian at kriminalidad,  ang kamandag ng political patronage, mga kakulangan sa edukasyon, inprastraktura at tanggulang pangseguridad.

Maaring totoo ang ilang pagbabago sa administrasyon ni Noynoy Aquino sa loob ng tatlong taong panunungkulan,  subalit marami ang nainiwala na hindi ito sasapat at sustainable.   Mukhang magpapatuloy ang "sick man of Asia" at pagiging kulelat sa South East Asia-6 bunsod ng mga suliranin sa burukrasya, sa loob at panlabas na salik sa daigdig at politika.

Inaasahang patuloy na lalaki ang agwat ng sobrang mahirap at sobrang karanyaan, un-employment, kriminalidad,  naghihingalong mga demokratikong institusyon, pamamayagpag ng political clan,  dinastiya-pork barrel at pangungurakot,  karapatang pantao, marginalization at exclusion sa lipunang Pilipino.

Kung baga, ano ang patakarang (policy direction) mayroon ang administrasyon ni Noynoy Aquino sa kanyang napaka-rupok at mapanganib na tatahakin sa nalalabing mga taon ng kanyang termino? Ito rin ang mga kahalintulad na inaasahang panawagan ng kanyang mga “ahensya sa baba lalo na sa usaping kontra-karalitaan (anti-poverty) at community development.

Sa kawalan ng kongkretong pagbabago at direksyon,  tulad ng isang tradisyunal na pulitiko,  may katwiran na mag-micro management si Pnoy.   Ang tanong ng marami, ano ang bago sa SONA?

Tuesday, October 02, 2012

“Makapangyarihang Padrino't Angkan” sa 2013 election


DEMOKRASYA,  NALAGAY sa ALANGANIN 


Habang nag-iintensify ang isyu ng "libel provision ng Cybercrime law,"  dedma at di alintana ang mundo ng pulitika, fiesta't zarzuella mood ang araw ng filling of certificate of candidadacy para sa 2013 midterm election.   Iprinoklama ng magkabilang kampo, LP-NUP at  United Nationalist Alliance-UNA at  tinaas ang mga kamay ni Pnoy at ng Big 3 (Enrile, Erap at Binay) ang kani-kanilang mga mamanuking senatoriable candidates.

Mga dati’t mga recycled na pulitiko,  magkakapatid, mag-ama at mga anak ng beteranong pulitiko ang halos bumubuo ng 2013 senatoriable candidates.   Dahil raw sa “winnability factor,   pina-atras"  ang tatlo (3) sa Liberal Party (LP) at isa sa UNA habang pinoproblema naman ang tatlong (3) “guest o adopted candidates,”   kung saang entablado raw ito tutungtung at mamamangka.

Upang maisalansan ang linyada at maging kombinyente sa bawat isa,  binuhay muli  ang “koalisyon.”   Binubuo ng mahigit pitong (7)  naghihingalo’t halos  non-functional na partido ang "koalisyon."   Binuo hindi dahil sa "ideological principles – may vision, mission at  direksyong pulitikal ng ating bansa" bagkus sa oryentasyong “personal, barkadahan,  pagpapalakas ng kahariang kontrol ng angkan  at buhay na PATRON na may kanya-kanyang agenda at  interest. ”

Nagkatutuo ang kutub ng marami na ang nalalapit na 2013 election  ay "labanan ng mga personalities,  labanan ng mga malalaking  angkang politikal (political clan)" at labanan "kung sino ang may tunay na koneksyon, masisilungang  padrino at malapit sa kusina ng palasyo?” 

Ayon sa tagapagsalita ng Malakanyang,  “isang referendum o  hatol ng bayan daw sa administrasyon ni Pnoy ang 2013 midterm election.”   Kung baga,  “labanan daw ito kung kontra ka  o kakampi ka ni PNOY.”   Para palamnan ng mas konstruktibong diskurso,    “labanan daw ito kung sang-ayon ka  o  disgusto ka sa reform agenda ng kasalukuyang administrasyon.”

Ang “ gumagandang ekonomiya, tiwala ng puhunan at publiko” raw ang pangtapat ni PNOY sa mga kalaban.  Kaya lang, ang kakatwang tanong ng marami,   "sino ba ang kalaban ni Pnoy?  Suportado rin ng  Big 3 ang reporma at adhikain ng administrasyon ni Pnoy."   Ang dilenma ng UNA ay ang kanyang identity.   Hindi maiiwasan ang kantsawang, “sino ba kayo,  oposisyon, collaborator  o  alyado ng kasalukuyang administrasyon?”  Sa kabila nito,  mataas ang kumpiyansa ng magkabilang kampo na walo (8) raw sa panig nila  ang "kaya nilang ipanalo."

Kumplikado at magiging magastos ang kampanya. Tinatayang may minimum na "P200.0 hanggang P800.0  milyon ang  warchest ng bawat isang seryosong kandidato  para makuha ang 15.0 - 20.0 million winning votes,"  kahit nasa “top 20 sa survey,”   kilala at  may name recall.  Ang padrino ang inaasahang panggagalingan ng malaking bulto (50-75%)  ng campaign funds (private, corporate, illegal), habang ang  natitirang  bahagi  ay siya namang babalikatin ng kanya-kanyang angkan.  Muling babaha ng pera,   magtri-trickle down effect, milyong trabaho ang maililikha at kahit paano,  pansamantalang lalago ang ekonomiya ng bansa.(Left photo, courtesy; mindanaocross.net)

Kumbinasyong Air war -  mainstream media (radio at TV), social media,  local machinery, personal network, vote denial and conversion, mistulang karnabal at zarzuela ang magiging porma’t estratehiya  ng labanan.  Bukud sa “pagkukumpara at track records,”  magiging karaniwang paraan ang "special ops;  junking-trayduran, demolition job, pananakot at political violence."

Maliban sa vote protection, personal endorsement at sample ballot,   "walang aasahang pondong manggagaling sa koalisyon, lalo na sa mga pekeng partido na kabilang sa mga koalisyon." Kanya-kanyang diskarte't pangangalap ng pondo,  kanya-kanyang mga campaign sorties sa lokal (LGUs) at kanya-kanyang pagtatayo ng campaign machinery ang magiging takbo ng labanan."

Ang tanong ng marami,  sino ang makikinabang at  sino ang talo at panalo sa 2013 midterm election?  Siguradong panalo at gaganansya  sa 2013 ang PADRINO, ang pamilya’t angkan,  ang campaign donors at sponsor, ang mga campaign managers, operators,  entertainers,  ang mga na-ambunan ng vote buying operation at higit sa lahat,  ang mainstream media.

Sino ang talo?  Ang mamamayang Pilipino,  ang accountability at transparency,  ang rule of law at Constitution,  ang  repormang isinusulong ng administrasyon at higit sa lahat,  ang DEMOKRASYA.

Tuesday, September 11, 2012

May "Direct Line" kay PNOY



Ilang araw bago ang naka-abang na Senate investigation,    tuluyan na ngang nagbitiw sa pwesto si Usec Puno sa DILG at malamang sa hindi,  naka-abang na sa kanya ang isang low profile na trabaho sa burukrasya. (Left Photo; ang panunumpa ni PNOY kay Puno, courtesy of;ph.news.yahoo.com)

Bugbog sarado sa intriga't puna ng mamamayan at media ang  isa sa pinagkakatiwalaang tao ni Pnoy sa DILG na si Rico Puno,  matapos tangkain nitong pasukin ang condo unit (sa utos ni Pnoy) ni Sec Robredo na nasawi sa plane crash,   upang isecure ang mga maseselang dokumento patungkol sa kaduda-dudang kontratang pinasok ng huli sa Philippine National Police (PNP).

Mukhang nagkakatotoo ang mariing kahilingan ni  Sec Mar Roxas, ang bagong talagang kalihim,  na "magbitiw ang lahat ng mga co-terminos" sa DILG,  kasama rito ang kontrobersyal na Usec Puno, isang SUPPLIER ng baril at kabarilan ni PNOY.

Kahit anong ipaliwanag ng palasyo sa kaso ng kontrobersyal na Usec Rico Puno, walang dudang nadungisan ang “matuwid na daang” isinusulong ng  kasalukuyang administrasyon.    Bagamat itinatanggi at isinasangkalan ang mataas na satisfaction rating ni PNOY (last survey),  nananatiling kalakaran pa rin ang deka-dekadang padre-padrino,  ang sistemang pangingibabaw ng "personal na relasyon" kaysa sa kabutihan ng nakararami.

Maaring nalusaw na ang mga nagbabanggaang paksyon sa loob ng Malakanyang  (Balay, SAMAR, Kamag-anak inc. at iba pa),  ngunit may makatotohanang makapangyarihang  “INNER CIRCLE,”  o CORE GROUP sa loob ng palasyo na may kakayahang impluwensyahan si PNOY na gumuhit, gumawa ng mga patakaran at direction para sa ating bansa lalo na sa mga komplikadong mga usapin at masasalimuot na isyu.

Open secret sa madla na “hindi type ni Pnoy ang sistema ng pangangasiwa” ng Magsaysay Awardee na si Robredo,  lalu na raw nuong panahon ng kampanyang eleksyon nuong 2010, Bus Hostage taking sa Luneta, handling sa ARMM at incumbent local officials.   Kaya naman,  bago maitalagang kalihim si Jess Robredo sa DILG,  nauna ng ipinuwesto  ni PNOY si Usec  Rico Puno at ayon sa huli,  "may tagubiling itong kontrolin  ang Philippine National Police at diretsong linya mula kay PNOY.  Kahit ‘di type ni Pnoy si Robredo,  ginawaran pa rin niya ito ng isang STATE FUNERAL at itinurin isang bayani ng mga bicolano at mamamayang Pilipino.  Ang PNP ang isa sa itinuturing "dysfunctional" na opisina ng gubyerno sa ilalim ng DILG.

Bagamat naitalaga bilang kalihim sa makapangyarihang ahensya sa gubyerno  ang  seryoso at sinasabing tagapamandila ng reporma't matuwid na daan sa lokal na  gubyerno (DILG),  nakatikim ng matinding hagupit ng "power dynamics" mula sa mga may “direktang linya” kay PNOY  si Sec Jess Robredo.   Maraming Jess Robredo sa gubyerno; sa ehekutiba,  lehislatura at maging sa hudikatura, kaya lang,  ang malungkot,  wala sa kanila ang lubus-lubusang tiwala't suporta ni PNOY.

Kung makaka-apekto sa tuwid na daan ang  "direct line," sinasabi ng iba na  maaring tignan  “positibo at depende raw ito sa sitwasyon at pangangailangan."   Maija-justify raw ito kung talamak at tiwali ang mga namumuno sa mga ahensya,  hal; DILG, Kagawaran sa Aduana (Custom - Finance),  Land Transportation Office, Immigration, Public Highways (DPWH),  Armed Forces of the Philippines (AFP),  mga nakakasang malalaking proyekto sa PPP (public private partnership) at higit sa lahat sa pagpapalakas ng partidong Liberal (LP) at paghahanda sa 2013 midterm election.

Maraming uri ng pamumuno,   may bumubuntot,  kumandista at bumabandera,  may awtokratiko at demokratiko at  may kombinasyon - liberal.   Kahit anong klase ng gubyerno o organisasyon dito sa ibabaw ng mundo,   karaniwan at typical na ang  power play at dynamics  o  mga tunggalian ng mga grupo’t personalidad na may kanya-kanyang mga agenda,  interest at ang tanong na lang ay kung makabubuti at makasasama ito sa isang lipunan at nakararami.

Kahit saan  anggulo tignan,  ang “direct line  o  ang brasuhan" ay isang uri ng bantay salakay,  TRAPO approached na tipo ng pamumuno.   Hindi lang simpleng demoralisasyon ang epekto nito sa mga matitino,   isa itong dagok sa  isinusulong  na “transparency at accountability”  pra sa “tuwid na daan “ ng administrasyong Pnoy.    Bagamat seryoso raw si PNOY sa “reform agenda,”  mukhang mahihirapan itong maisustina kung isasa-isang tabi ang “democratikong proseso (weakest point ng PNOY administration)” at tulad ng dati,  wala tayong maasahang pagbabago.

Tuesday, July 24, 2012

Gradong 3.0 (pasang-awa) at 4.0 (conditional) sa SONA '12 ni PNOY



Tulad ng inaasahan, ipinagmalaki’t  ibinida ni Pnoy  ang 2 taong mga  nagawa’t pagbabago sa SONA kahapon.   “REPORT kay Boss,  SONA ito ng sambayanang Pilipino at  mamamayan ang gumawa  ng pagbabago,” ang mensahe ng ikatlong SONA ni Pnoy.  Nagpursigi raw sa apat na larangan ang administrasyon; ang paglaban sa katiwalian at karalitaan,  inprastraktura at kumpiyansa ng dayuhang namumuhunan.         Isa’t kalahating oras tumagal, pinakamahaba at mahigit isang daang masigabong palakpakan sa mga nakangising nanuod na kaalyado ng administrasyon.   (Larawan: Pnoy's SONA adres,    indopinoy.blogspot.com)                                                           

Gradong 99.0% para kay Sen Jinggoy at ex-Pres Erap Estrada (UNA) ang SONA ni PNOY,  pero para kay Bishop Cruz, isang kritiko, anya,  “parang masaya at nasa paraiso na ang lipunang Pilipino,” parang wala ng problema at nalunasan na ang pagiging “sick man of Asia” at  pagiging kulelat  sa maraming larangan sa Timog-Silangang Asia ang Pilipinas.   

“Mukhang 'di prioridad ang freedom of information (FOI),” hustisya't konpensasyon para sa mga biktima ng  diktadurang Marcos at OFW," ang sabi ni Rep Erin Tanada (LP).  Wala rin sa bukabularyo ng palasyo ang political reform (kabulukan ng sistemang pulitika),  ang "pagpapalakas ng partido pulitikal at demokratikong institusyon."                                                                                                                                       
Totoong may ipinagbago kung ikukumpara sa nakaraang tiwaling administrasyon.    May na-irehistrong 6.4% sa ekonomiya,  may pagsisikap sa “reform agenda” at pihit sa mindset ng bawat isa.  Kaya lang,  hindi ito nararandaman sa mga komunidad.   Ang realidad, nananatiling "nasa intensive care unit (ICU), bangkarote at lubug sa utang ang estado poder ng gubyerno (P6.0 trilyon)."   Patuloy ang mga panawagan sa trabaho, presyo ng bilihin, bansot na kita-income, laganap na karalitaan at kriminalidad.                                                             
Hindi maikakaila ang katotohanang nananatili ang kulturang katiwalian may ilang dekada ng nakabaon sa ating lipunan.  Namamayagpag pa rin ang patronage politics, ang palakasan at padri-padrino,  lalo na’t papalapit na ang midterm 2013 election.  Ang larawan ng kabulukan nuon ay nananatili sa kasalukuyan,  mga dahilan kung bakit “usad pagong” ang pagsulong at pagbabago.                                                                                                              
Ganun pa man,  totoong hindi kayang tawaran ang magandang hangaring “tuwid na daan” ng administrasyong Pnoy, lalo na’t malaking bilang ng kanyang gabinete ay mga reform advocates at  mga dating  aktibista.   Kaya lang,  malaki pa ang bubunuin o room for  improvement  sa "wastong approached,  pamamaraan sa inplementasyon ng mga programa at  paggugubyerno."  Ang malungkot, bukud sa burukratikong proseso at kawalan ng road map, dole out, piece by piece,  elitist,  kulang ng coordination at integration, lutang, may biases at mala-akademikong paraan ang istilo't oryentasyon.”                                        
                                                          
Walang mababago sa buluk na kalakaran sa pulitika (TRAPO) hanggang 2016.  Kaututang dila na ng ruling party (Liberal Party - Pnoy administrasyon) ang kalakhang mga incumbent local officials (LGUs) at kongresman na markadong nagpasasa sa nakaraang administrasyon sa ilalim ng partidong NP-NPC at Lakas (oportunista at may bahid katiwalian).                                                                                           
Alangang sabihing "SONA ng sambayanang Pilipino"  ang inihayag na SONA ni Pnoy kahapon at parang ang sarap pakinggan  na "ang mamamayan daw ang gumawa ng pagbabago?"  Inaasahang magkakaroon ng bitak ang 2 taong honeymoon sa pagitan ng administrasyon at mamamayang Pilipino.                                                                                    
Sa tatlong SONA, wala pa rin linaw kung anong direksyon o STRATEGIC VISION  ang Pnoy administration.   Kung  uno (1.0) ang grado ng mga nakikinabang, 4.0 (conditional) ang igagawad ng marami sa administrasyon ni Pnoy.   Mas patutunayan ito sa performance ng ating atleta sa London Olympic,  Philippine football team Azkal sa nalalapit na ASEAN – Suzuki Cup sa Nubyembre at higit sa lahat sa ipinagmamalaking P2.0 trilyong “empowerment”  (election)  2013 budget na nakatakdang isalang ng palasyo sa kongreso sa susunod na mga araw at linggo.