Tuesday, September 11, 2012

May "Direct Line" kay PNOY



Ilang araw bago ang naka-abang na Senate investigation,    tuluyan na ngang nagbitiw sa pwesto si Usec Puno sa DILG at malamang sa hindi,  naka-abang na sa kanya ang isang low profile na trabaho sa burukrasya. (Left Photo; ang panunumpa ni PNOY kay Puno, courtesy of;ph.news.yahoo.com)

Bugbog sarado sa intriga't puna ng mamamayan at media ang  isa sa pinagkakatiwalaang tao ni Pnoy sa DILG na si Rico Puno,  matapos tangkain nitong pasukin ang condo unit (sa utos ni Pnoy) ni Sec Robredo na nasawi sa plane crash,   upang isecure ang mga maseselang dokumento patungkol sa kaduda-dudang kontratang pinasok ng huli sa Philippine National Police (PNP).

Mukhang nagkakatotoo ang mariing kahilingan ni  Sec Mar Roxas, ang bagong talagang kalihim,  na "magbitiw ang lahat ng mga co-terminos" sa DILG,  kasama rito ang kontrobersyal na Usec Puno, isang SUPPLIER ng baril at kabarilan ni PNOY.

Kahit anong ipaliwanag ng palasyo sa kaso ng kontrobersyal na Usec Rico Puno, walang dudang nadungisan ang “matuwid na daang” isinusulong ng  kasalukuyang administrasyon.    Bagamat itinatanggi at isinasangkalan ang mataas na satisfaction rating ni PNOY (last survey),  nananatiling kalakaran pa rin ang deka-dekadang padre-padrino,  ang sistemang pangingibabaw ng "personal na relasyon" kaysa sa kabutihan ng nakararami.

Maaring nalusaw na ang mga nagbabanggaang paksyon sa loob ng Malakanyang  (Balay, SAMAR, Kamag-anak inc. at iba pa),  ngunit may makatotohanang makapangyarihang  “INNER CIRCLE,”  o CORE GROUP sa loob ng palasyo na may kakayahang impluwensyahan si PNOY na gumuhit, gumawa ng mga patakaran at direction para sa ating bansa lalo na sa mga komplikadong mga usapin at masasalimuot na isyu.

Open secret sa madla na “hindi type ni Pnoy ang sistema ng pangangasiwa” ng Magsaysay Awardee na si Robredo,  lalu na raw nuong panahon ng kampanyang eleksyon nuong 2010, Bus Hostage taking sa Luneta, handling sa ARMM at incumbent local officials.   Kaya naman,  bago maitalagang kalihim si Jess Robredo sa DILG,  nauna ng ipinuwesto  ni PNOY si Usec  Rico Puno at ayon sa huli,  "may tagubiling itong kontrolin  ang Philippine National Police at diretsong linya mula kay PNOY.  Kahit ‘di type ni Pnoy si Robredo,  ginawaran pa rin niya ito ng isang STATE FUNERAL at itinurin isang bayani ng mga bicolano at mamamayang Pilipino.  Ang PNP ang isa sa itinuturing "dysfunctional" na opisina ng gubyerno sa ilalim ng DILG.

Bagamat naitalaga bilang kalihim sa makapangyarihang ahensya sa gubyerno  ang  seryoso at sinasabing tagapamandila ng reporma't matuwid na daan sa lokal na  gubyerno (DILG),  nakatikim ng matinding hagupit ng "power dynamics" mula sa mga may “direktang linya” kay PNOY  si Sec Jess Robredo.   Maraming Jess Robredo sa gubyerno; sa ehekutiba,  lehislatura at maging sa hudikatura, kaya lang,  ang malungkot,  wala sa kanila ang lubus-lubusang tiwala't suporta ni PNOY.

Kung makaka-apekto sa tuwid na daan ang  "direct line," sinasabi ng iba na  maaring tignan  “positibo at depende raw ito sa sitwasyon at pangangailangan."   Maija-justify raw ito kung talamak at tiwali ang mga namumuno sa mga ahensya,  hal; DILG, Kagawaran sa Aduana (Custom - Finance),  Land Transportation Office, Immigration, Public Highways (DPWH),  Armed Forces of the Philippines (AFP),  mga nakakasang malalaking proyekto sa PPP (public private partnership) at higit sa lahat sa pagpapalakas ng partidong Liberal (LP) at paghahanda sa 2013 midterm election.

Maraming uri ng pamumuno,   may bumubuntot,  kumandista at bumabandera,  may awtokratiko at demokratiko at  may kombinasyon - liberal.   Kahit anong klase ng gubyerno o organisasyon dito sa ibabaw ng mundo,   karaniwan at typical na ang  power play at dynamics  o  mga tunggalian ng mga grupo’t personalidad na may kanya-kanyang mga agenda,  interest at ang tanong na lang ay kung makabubuti at makasasama ito sa isang lipunan at nakararami.

Kahit saan  anggulo tignan,  ang “direct line  o  ang brasuhan" ay isang uri ng bantay salakay,  TRAPO approached na tipo ng pamumuno.   Hindi lang simpleng demoralisasyon ang epekto nito sa mga matitino,   isa itong dagok sa  isinusulong  na “transparency at accountability”  pra sa “tuwid na daan “ ng administrasyong Pnoy.    Bagamat seryoso raw si PNOY sa “reform agenda,”  mukhang mahihirapan itong maisustina kung isasa-isang tabi ang “democratikong proseso (weakest point ng PNOY administration)” at tulad ng dati,  wala tayong maasahang pagbabago.

4 comments:

Unknown said...

from my own personal opinion regarding this matter, I do believe that there is a hidden agenda that was to take place in the raid. I see no reason why there needed to be an action taken under surreptitious circumstances

Unknown said...

Totoong may hidden agenda...at power play. Ang daming espekulasyon at bulung-bulungan sa gilid-gilid.

Kung ganito ng ganito ang sistema, maaaring magkaroon ng leadership crisis sa burukrasya at maka-apekto sa demoralisasyon sa hanay ng ehekutiba.

Anonymous said...

True...patronage now is widespread and disperse...

Anonymous said...

Download Showbox if your are movie freak. With showbox app you can download HD movies at just one click.
showbox apk
showbox app
showbox latest app