Doy Cinco
Una, bukud sa kodigo o listahan ng kursunadang kandidatong iyong iboboto, 'wag kalimutang dalhin and inyong voters’ ID o iba pang ID kasama ang iyong registration stub (ito namang reg. stub ay para sa mga bagong botante). Minsan mahirap makita kung saang presinto tayo nakalista kaya para mapaghandaan ang ganitong mga aberya, pumunta ng maaga sa polling place. Wag mag-atubiling magpatulong sa Voter's Assistance group, mga Poll Watchdog na kadalasa'y matatagpuan sa lobby, harapan at perimeter ng polling place o paaralan at ipa-chek kung ang iyong pangalan sa listahan at lokasyon ng iyong clustered precint.
Pagdating sa presinto, checkin ule ang iyong pangalan sa Listahan ng mga Botante na nakapaskel sa pader, sa labas malapit sa pintuan.
Pangalawa; matapos makita ang iyong presinto, agad pumila at humanay sa sampu-sampung botanteng naka-abang (tinawag) para bumoto. Matapos ma-identified, tanggapin ang balota mula sa Board of Election Inspector (BEI).
Pangatlo; Kapag nakatanggap na ng balota, siguraduhing walang marka, malinis at walang kahit anong mga shades ang balota. Di tulad nuong nakaraang eleksyon, ang Balota sa automated election ay ise-shade na lamang. Punuin ng shade ang napiling kandidato. Para ka lang sumasagot sa NCEE, NSAT, NCAE o Lotto. Huwag mag-shade ng dalawa o higit pa sa mga nakatalagang bilang sa napiling posisyon. Sabi nga, “touch Move”. Paniguradong irereject ng machine ang mga items na hindi nashaded properly or yung mga nafilled out with anything aside from a shade tulad ng checks at crosses.
Pang-apat; Matapos ang pagsi-shade sa mga bilog sa tabi ng mga pinag-isipang kandidatong iyong ibinoto, isusuksok ang balota sa Precinct Count Optical Scan (PCOS). Agad ibeberipika ng PCOS machine ang isinuksok mong balota at makakatanggap ka ng confirmation message sa scree ng PCOS, “Your vote has been casted.” Simple lamang ang proseso. Ang kailangan lang nating gawin ay maging extra careful sa pagsi-shade sa mga oblong circles.
Kung gusto mo pang magmatyag, mag-usisa at panuurin ang pagsara at pagbilang lalo na yung paglabas ng election return (ER) at malaman kung sino ang nanalo at natalo sa iyong presinto. Awtomatikong bibilangin ng makina ang lahat ng mga boto at magpi-print ng 30 kopya ng ER na ipamamahagi sa mga watchers at watchdog.
Pangwakas; Kung gusto mo ng pagbabago, tayo ay bumoto sa Mayo 10. Sana nga lang ay maging malinis, mapayapa, kapani-paniwala ang eleksyon. Ilantad na rin ang napipintong alyansa sa pagitan ng administrasyong Arroyo at Manny Villar.
Responsableng TAO sa panahon ng Botohan
BOARD of ELECTION INSPECTORS (BEI)
Tulad ng dati sa kada presinto; 3 regular members; Chairman (mag-aabot ng balota sa botante), Poll Clerk, Third member at Support Staff ang bumubuo ng BEI. Ang bilang ng BEI ay magdedepende sa dami ng presintong ika-clustered.
Kapangyarihan at Gawain ng BEI
Magkondukta ng botohan sa polling place at pangasiwaan ang electronic counting ng boto.
Mag-imprenta ng election return at electronically itransmit ang resulta ng eleksyon sa pamamagitan ng makinang PCOS sa mga ss;
a) City / Municipal Board of Canvasser;
b) dominant majority party, dominant minority party; accredited citizens' arm at KBP at
c) central server
Umakto bilang mga deputado ng Commission sa pagkondukta ng eleksyon;
Magmintina ng kaayusan sa polling place at sa kanyang nasasakupang lugar; panatilihing bukas o may access ang sino man at walang kagambalaan; matapat na tutupad sa batas; kaayusan at prohibisyong paggamit ng mga ipinagbabawal kahaluntulad ng cellphone at camera ng mga botante.
Ipatupad ang katungkulan ayon sa isinasaad ng batas - tagubilin at mga reglamento napromulgate ng Commission.
a) Mga rehistradong botante sa ikinalulugarang nilang polling place o presinto ng isang bayan o lunsod;
b) May magandang reputasyon
c) Malinis ang record at hindi pa naakusahan sa salang paglabag sa eleksyon o ano mang krimen (has not been convicted by final judgement of any election offense or of any other crime);
d) Marunong bumasa at magsulat ng Pilipino, English o lokal / rehiyonal na dialekto
e) hindi kamag-anak o walang relasyon sa kandidatong kanyang pinaglilingkuran (antas pang-apat civil degree of consanguinity or affinity)
Karapatan ng Poll Watchers
a) Saksihan at karapatang malaman ang naging daloy at itinakbo ng botohan at gawain ng BEI;
b) Magtala ng lahat ng kanyang narinig at nakita sa araw ng elekston;
c) Idokumento o kuhanan ng litrato ang kinahinatnan ng eleksyon mula sa zero report-initialization report, larga ng botohan, bilangan, paglabas at pamamahagi ng election return, transmission ng resulta hanggang ballot box;
d) Magsampa ng reklamo't magprotesta sa ano mang irigularidad o mga paglabag sa batas na may kinalaman ang BEI, ng kanyang miembro o ng kanyang staff;
e) Tumanggap sa BEI ng mga sertipiko o forms na kakailanganin sa pagsasampa ng protesta, reklamo at mga resolusyon ipinatutupad ng BEI o ng commission;
Ganunpaman, hindi pinahihintulutang makipag-chika ang mga watcher sa sino mang miembro ng BEI; huntahan sa mga botante o sa kapwa watcher na makadidistorbo o makaka-apekto sa gawain ng BEI.
Pipirma at magta-thumbmark sa election return ang mga itinalagang watchers na kumakatawan sa mayorya, minoryang partido at kani-kanilang kandidato o mga watcher na kinabibilangan ng Citizen's Arm o mga grupong Election Watchdog.
Ilang oras bago buksan ang presinto o bago magsimula ang botohan, kasama sa bubusisiin ng watcher ang mga KITS, forms at supply na gagamitin sa botohan na ipinamahagi ng City / Municipal Treasurer sa kada presinto / clustered precint sa BEI.
Mahalagang ma-Chek ang mga Forms at Supplies
Ilang oras bago ang botohan, masusing che-chekin ng BEI at mga watchers ang iba't-ibang mga election forms, dokumento, supplies, ang kantidad at kalidad ng mga ito. Ang mga opisyal na balota na inilaan ng Commission ay dapat ilagay sa isang ligtas, tamper proof na bag / container. Pipirmahan ng BEI ang tatlong kopya ng Certificate of Receipt (CE form mo. 14) kung saan ang orihinal na kopya ay idedeliver sa City / Municipal Treasurer, na siya namang ipadadala matapos ang araw ng eleksyon sa mga kinaukulang ERSD, Comelec, Manila.
Pangalawa, isang (1) kopya ng Precint Computerized Voters List (PCVL) na ipapaskel sa pasilyo't pintuan ng presinto;
Pangatlo, 2 kopya ng Election Day Computerized Voters List (EDCVL) (List of Voters na may Voting Record); at
Pang-apat, kopya ng Appointment at Oath of Office ng BEI at Support Staff (A30/A31).
Tiyaking naka-SILYADO ang Book of Voters. Garantisadong sertipikado ng Election Registration Board ang PCVL at EDCVL. Nasa pangangalaga ng Poll Clerk, ikatlong miembro at nakatalagang support staff ang Book of Voters at isang kopya ng EDCVL.
Siguraduhin mga tunay at tiyak ang mga Identity ng Botante
Bago magsimula ang Botohan
Sa pagbubukas ng botohan, mahalagang maipakitang walang laman ang ballot box at pag-iinitialization ng makinamg PCOS. Magkakaroon ng pag-iimprenta ng “ZERO REPORT,” pagpapakita na walang ipinasok na bagay o walang botong nakita sa memorya ng makina
Panahon ng Botohan: 7:00 umaga – 6:00 ng gabi
Una, ililista ng Poll Clerk ang mga pangalan na mga nakapila. Pangalawa; tatawagin ang botante na bumoto na at ang mga botanteng hindi magpapakita matapos tawagin ng dalawang beses ang pangalan ay maaring hindi na payagang makaboto pa. Panghuli; obserbahang mabuti kung paano pinangangasiwaan (BEI) ang mga botanteng nakalinya sa loob at labas ng presinto.
Bantayan ang kahina-hinalang delaying tactics sa pagboto ng ilan na makaka-apekto sa bilis ng daloy ng pagboto ng iba. Para iwasan ang aberya, maaga po tayong bumoto at saksihan ang pagbubukas ng presinto.
(Official ballot: click to enlarge)
6 comments:
vpaDJv toprol xl pharmacy noZQhQ biaxin visa/mastercard/amex/echeck uIQwfh viagra soft world shipping GPDOUm grifulvin v no prescription CSKGxy female viagra online YwDvPz sumycin discount cwQQdJ atarax online
Q4LVP9DZka Emerald Queen Casino ihVkm7EWZ Mountaineer Casino ehBry7Qp6X Casino Server Q2c0Wrj5lm Ace Casino fuzQK09PO Maxima Casino peiMfVmrES Free Casino iSnpyjxFz Firekeepers Casino mIR6Yc9wi2 Du Casino
The topic which you chosen for discussion is really very good....Thanks.
http://www.mynetpharma.com/
Kung gusto mo pang magmatyag, mag-usisa at panuurin ang pagsara at pagbilang lalo na yung paglabas ng election return (ER) at malaman kung sino ang nanalo at natalo sa iyong presinto. Awtomatikong bibilangin ng makina ang lahat ng mga boto at magpi-print ng 30 kopya ng ER na ipamamahagi sa mga watchers at watchdog.
pakistani designer stitched suits
buy stitched pakistani suits online
pop over to these guys click here to read anchor useful source More about the author go
l4s28p7h51 p6g43t2f54 f5x93k8i12 t6y09p1m72 z9v78c1n91 z0w15q2l96
Post a Comment