Wednesday, May 04, 2011

Next Ombudsman, hahawakan ng Aquino administration

Doy Cinco

Marami ang naniniwala na hahawakan sa leeg ng Pnoy administration ang susunod na Ombudsman. Ano man ang maging palusot na dadaan ito sa konsultasyon, sa proseso at sa JBC (Judicial and Bar Council), sa itinatakbo ng mga pangyayari at init ng pulitika, hahawakan ng Aquino administration ang Ombudsman at "walang naniniwalang tutuwid ang landas at magtatagumpay ang kampanya laban sa pangungurakot sa bansa."

Ang campaign slogan na "kung walang corrupt, walang mahirap" ay isang propaganda lamang, pang-election at bangungot na maisasakatuparan ng kasalukuyang administrasyon.

Simple lamang ang diskurso ng mga tao sa komunidad, dahil napaka-estratehiko ng ahensya, “hindi makapapayag ang administrasyong nakaupo sa kapangyarihan na tupdin nito ang mandato't oryentasyon, maging isang malaya, may awtonomiya, walang kinikilingan at tapat sa sinumpaang labanan ang dekadang pangungurakot sa bansa." Hindi ito pipili ng isang ahas na maaring manuklaw sa palasyo o batong ipampupukpok sa sarili. Ang pagtatalaga ng mga bagong commissioner sa Comelec, planong pagpapaliban ng election at Officer in Charge (OIC) sa ARMM ang isang matibay na pruweba.

Kung babalikan ang mga nakaraan, may dalawang dekada na mula ng ito'y maitatag, naging inutil, palamuti at tau-tauhan ng sino mang nakaupo sa Malakanyang (Ramos, Estrada, GMA) ang Ombudsman; magmula kay Conrado Vasquez (‘88-95), Aniano Desierto (’95-2002), Simeon Marcelo (’02 – 05) at ang nagbitiw na si Ma Merciditas Gutierrez (2005 – 2011). (Larawan: retired Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales as the next new Ombudsman)

Mas madaling paniwalaan ng isang libong beses (1000 x) na may agenda ang Pnoy administrasyon na hawakan ang Ombudsman, hindi lamang upang magsilbing proteksyon sa sarili, durugin at paluhurin ang kaaway sa pulitika, takutin ang mga pasaway, ipagmayabang na "mission accomplished" ito sa kampanyang anti-corruption sa nalalapit na SONA (state of the nation address) sa July taong kasalukuyan at tiyaking tuloy-tuloy na makokontrol ang pampulitikang kapangyarihan beyond 2016.

Ayon sa mga nagsusuri, ang basihan ang siyang makapagpapatunay; una, ang nagdudumilat na katotohanang weather-weather lamang (magkakapareho, nauulit lang at at hindi natututo) o isang predatory politics ang uri ng politika, meaning, buhay at kamatayan ang labanan. Sa kasabihan ng mga matatanda, "bantay salakay o galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw.”

Pangalawa, dahil mahina ang ating mga institusyon, walang naaaninag na repormang pina-priyoridad ng kasalukuyang administration na "mag-eempower (strengthening the institutions) at mag-iinstitusyunalisa ng participation, accountability at transparency (public trust)," maliban sa mga papogi point at pagsasampa ng plunder case sa mga kaaway sa pulitika.

Para sa mga akademiko, ang deka-dekadang "sistemang padrino, palakasan (patron-client) at utang na loob" ang lumumpo sa institusyon, "ang salarin at pabrika ng katiwalian sa ating bansa. Siya ang nakapangyayari at nananaig sa pang-araw-araw na takbo ng buhay-burukrasya at labanang pulitikal ng mga naghaharing elite factions sa ating lipunan."

11 comments:

Ate Ving said...

Sa totoo lang eh wala namang ipinagkaiba ang Pangulong Penoy kay Gloria Macapagal Arroyo. Pareho silang mga balut penoy: Mabantot!Walang laman kundi puro kabulukan at walang iniisip kundi mga pansarili lamang. Dito lang sa UP, ang matagal na naming hinihinging back COLA eh hanggang ngayon malabo pang aprubahan. Katamaran pride kasi ang nangyari sa panig ng DBM na nasa ilalim ng pamamahala ng Malakanyang. Ito'y malaking kapabayaan ng DBM noong panahan ni GMA at hanggang ngayon ay pinagdudusahan ng mga simpleng kawani ng gobyerno lalo na dito sa UP na ang sahod ay pang-kasambahay lamang ng isang Chinese household!
Tulungan mo naman kami Pres. Penoy!

Ate Ving said...

Sana ang pipiliing Ombudsman ay magkapanahong siyasatin ang malaking injustice o kapabayaang ito na kagagawan ng DBM mismo!

doy said...

Korek ka diyan, masyadong mabagal ang kilos ni Butch Abad ng DBM. "Wala pa sa kalahati ng pondo ng bansa ang nagagalaw o nagagastos." Ang tanong ng marami, ito ba'y good governance, mabusisi o may POBYA sa katiwalian nung nakaraang administrasyon. Sa ganitong sistema, pati ang maliliit na kawani ng gubyerno, apektado. Apektado rin ang mga Community-based Organization na nakikipagtuwang sa mga pangkaunlarang proyekto sa komunidad.
Nanatiling matatag ang pwersa ng katiwalian sa maraming ahensya ng gubyerno lalo na sa Regional at Provincial level; DA, DPWH, DOH, DEP ED, DSWD, DND, DENR, DOLE at iba. Mabawasan lang ng kalahati (50%) ang katiwalian, isang tagumpay na yon sa panig ng mamamayan.

Anonymous said...

You can certainly see your skills in the work
you

write. The world hopes for more passionate writers like you who aren't afraid to mention how they believe. All the time go after your heart.

Feel free to surf to my blog post: www.roundgames.net

Anonymous said...

I truly appreciate this post. I have been looking everywhere for
this! Thank goodness I found it

on Bing. You have made my day! Thanks again

My homepage :: boevye-iskusstva.bosa.org.ua

Anonymous said...

This design is steller! You obviously know how to

keep a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (well,


almost...HaHa!) Fantastic job. I really enjoyed what you had to say, and more than

that, how you presented it. Too cool!

My website: robbreport-us.easytech.com.ar

Anonymous said...

Simply want to say your article is as astonishing.
The

clarity to your post is just

excellent and i could think you're a professional on this subject. Fine together with your permission

let me to grab your feed to keep updated

with impending post. Thank you a million and please continue the gratifying work.

Here is my webpage; http://louisapickering.blogspot.ru/

Anonymous said...

certainly like your web site but you have to check the

spelling on quite a few of your posts. Several of them are rife with spelling problems

and I find it very troublesome to tell the truth nevertheless I’ll surely come

back again.

My homepage: http://sawyouat.org

Anonymous said...

Write more, thats all I have to say. Literally, it seems as though you relied on the video to make your point.
You

definitely know what youre talking about, why waste your
intelligence on just posting

videos to your blog when you could be giving us something
informative to read?

Also visit my web blog ... just click the following webpage

Anonymous said...

I’m impressed, I must say. Really not often do I encounter a
blog that’s both educative and entertaining, and let me tell you,
you have got hit the nail on the head. Your

idea is excellent; the difficulty is something that not


enough individuals are speaking intelligently about.
I'm very

completely satisfied that I stumbled throughout

this in my search for one thing referring to this.

My website: http://encyklopedie.brodec.org

Anonymous said...

hi!,I love your writing very a lot! percentage
we

be in contact extra about your post

on AOL? I require a specialist on this house to unravel my

problem. Maybe that is you! Having a look ahead to see you.


Here is my web blog: Lochcarrongarage.com