Tuesday, July 26, 2011

ABOLISH the Pork Barrel / PDAF



Habang hinahagupit ang Luzon ng natural na kalamidad, ang bagyong Juaning, buhay at bilyung piso na naman ang damage perwisyo, sa araw-araw na takbo ng buhay, nagpapatuloy sa buong bansa ang daang bilyung pisong man-made calamity ng culture of corruption.

Katatapos lamang ng SONA ni Pnoy at muling pinagwagwagan ang intensyong durugin ang buwaya't buwitre sa pamahalaan, ang “wang-wang at itaguyod ang pantay na labanan” (level of playing field) sa gubyerno. Bagamat ilang henerasyon pa ang lalakbayin para sa "matuwid na daan; social transformation, positibong pananaw, re-orientation, rethinking at re-evaluation," magandang propaganda na rin ito ni Pnoy sa panawagan niyang pagbabago sa pulitika't lipunang Pilipino.

Ang culture of corruption sa tatlong sangay ng gubyerno lalong lalo na sa lehislatura kung saan ang kontrobersyal na usapin ng pork barrel matatagpuan ang "larawan ng kabulukan ng sistemang pulitika sa bansa." (larawan, courtesy of; leytesamardaily.net / Aquino favors pork barrel…but! President Pnoy)

Kung matatandaan, may ilang buwan ng umaaray ang maraming tongresman sa patuloy na pagkakait ng kani-kanilang pork barrel o ang “priority development Assistance fund (PDAF).” Sa kabila raw ng pagtalima sa mga requirements na hinihingi ng Department of Budget and Management (DBM), bakit tila ipinagmamaramut daw ni Sec Butch Abad ang “para raw sa kanila???”

Ayon sa mga tongresman, "nadidistorbo na raw ang economic activity at naaantala na raw ang delivery ng basic social services, tulad ng mga proyektong scholarships, medical assistance, infrastructure at iba pang mga “soft projects” na kanilang ipinangako sa kanilang mga constituencies??? Ang "pagiging oposisyon, ang pagboto nila sa impeachment complaint kay dating Ombudsman Merceditas Gutierrez at ang pagtutol sa pagpapaliban ng ARMM election ang dahilan daw ng pagka-unsyami ng pork barrel? ”

Nakatanggap na ng pork barrel ang halos kalakhan ng 285 MAMBABATAS at ang dahilang ng pagpending sa iba ay bunsod daw ng hindi pagsunod sa mga guidelines na istriktong ipinatutupad ngayon ng DBM sa SARO. Nananawagan silang “huwag idelay ang release ng pork barrel sapagkat ito raw ay lubhang makaka-apekto sa programang employment generation ng gubyerno.” May P70.0 million nakalaang pork barrel sa bawat Kongresman; P40.0 million para sa infrastructure at P30.0 million para sa health and education projects.

Dagdag pa ng ilang Tongresman, “parang hindi kompleto ang pagiging pulitiko (reason for being politician) kung walang pork barrel, sisikip ang kanilang mundo, magkakaroon ng identity crisis at parang sinasabing wala na silang gagawin kung ia-abolished ang pork barrel ? ” Kung walang pork barrel, paano nila mababayaran ang mahigit limampung milyong pisong (P50.0 million) ginastos sa vote buying nung electoral campaign?
Ang pork barrel ay isang political tools ng padrino mula sa itaas patungo sa baba at isa sa pangunahing pinagmumulan ng kurakot sa bansa (komisyon, cuts).

Marami na ang kumukwestyon sa mahigit 6 na dekadang pagpapairal ng pork barrel, kung “tunay nga ba itong nakatulong sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga Pilipino?" Inaamin mismo ng ilang MAMBABATAS na ang “pork barrel ay nawawaldas lamang, hindi pinag-aaralan, nasasalaula, hindi naipoproseso (community-based?), non-priority, non-essential at higit sa lahat, hindi nai-coordinate sa local development council. At dahil "top-down approach," nauuwi sa disbentaheng kalagayan (dis-empowerment) ng mamamayan ang resulta.”

Kung baga, "wala sa guni-guni ng mga mambabatas na isa ito sa makakatulong sa ilang dekadang karalitaan ng mamamayan at magkaroon ng seryoso, integrated at sustainable development" sa maraming mahihirap na komunidad sa buong kapuluan.

Sa totoo lang, walang jurisdiction ang mga mambabatas na sapawan sa gawain ang sangay ng ehekutiba, ito may sa lokal (LGUs), nasyunal at ahensya ng gubyerno. Ang gumawa ng mga "patakaran (policies), batas, OVERSIGHT at mag-appropriate ng budget ang tungkulin ng MAMBABATAS at hindi ang kompetensyahin at gumampan ng gawain kahalintulad ng mga Gubernador, Mayor, pumapel bilang mga development at social worker at umaktong patron, Kasal Binyag Libing."

5 comments:

willy j yambao said...

Kanya pala kung anu anu ang paninira kay Pnoy. Nagagalit sila kasi walang dilensya ang mga tongressman sa pg ipit ni Pnoy sa pdaf. Hindi nakapagtataka kung bakit nag ngi ngitngit na ang mga kakutsuba ni gloria na ngtamasa sa pork barrel. Dapat nga talaga i-abolish na ng tuluyan ni Pnoy and pdaf. Tama ka dahil yang pdaf na yan ang pinangagalingan ng isang uri ng corruption sa gobyerno.

doy said...

Maraming salamat sa komento Willy. Tama ka, delhensya lang talaga ang PDAF at wag ka, ang PDAF / PORK BARREL sa 2012 ay lubhang mahalaga upang di sila maitsapwerra, matiguk at magsurvive sa 2013 midterm election kung saan mukhang mamomonopolyo ng LP ang tagumpay sa labanan sa lokal, Congress at sa Senate. Malabong maalis ang PORK BARREL sa ilalim ng Pnoy Administration, sapagkat ito ang bumubuhay sa TRAPO, ito ma'y oposisyon o administrasyon. Pare-pareho lamang sila.

Anonymous said...

After examine a few of the blog posts in your

web site now, and I actually like your means of blogging.
I

bookmarked it to my bookmark website record and might be checking again
soon. Pls check out my web site as nicely and let me
know what you think.

Take a look at my web page: http://szczepanski.net.pl

Anonymous said...

Hello! I could have sworn I've been to this blog

before but after checking through some of the post I realized it's new to me.
Nonetheless, I'm definitely happy I found it and I'll
be bookmarking and checking back

frequently!

Also visit my web site - http://Blogdootimismo.Blogspot.com/

Anonymous said...

Unquestionably believe that which you stated. Your
favorite reason seemed to be on the web the simplest thing to be
aware of. I say to you, I definitely get irked while people consider
worries that they plainly do not know

about. You managed to hit the nail upon the top and defined out
the whole thing without having side-effects , people could take a signal.
Will probably be back to get more. Thanks

Feel free to surf to my page :: fire emblem altea