Thursday, November 27, 2008

Siphayo sa Pilipinas, Sigla sa Thailand

November 26, 2008

Sa ika-apat na pagkakataon ay muling binigwasan ng mayorya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang impeachment complaint na inihain ng minorya. Katulad ng mga naunang complaint, unang round pa lang ng labanan, ibig sabihin sa Committee on Justice, ay nabasura na ang kaso laban kay Gng. Arroyo. Muling pinatunayan na ang institusyon ng Mababang Kapulungan ay isang kapulungan ng mga kongresistang nakakapit sa saya ni Gng. Arroyo. Ang susunod na taon ay preparasyon na para sa eleksyon sa 2010 at hindi kayang sikmurain ng maraming kongresista ang mawalan ng pork barrel kung iipitin ni Gng. Arroyo ang Special Allotment Release Order (SARO) ng kanilang mga proyekto. (Photo: http://newsbreak.com.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=5623&Itemid=88889051)

Ang mawalan ng SARO ang parusa ng administrasyong A
rroyo sa mga oposisyonista at pro-impeachment na kongresista at senador. Ang proyekto na walang SARO ay nangangahulugang walang pondo. Kapag wala kang proyekto, wala kang maipakitang serbisyo sa iyong mga botante. Ito ang muntik nang nagpatalo kay Congresswoman Darlene Antonino sa kanyang kampanyang reeleksyon noong 2007. Ito rin ang nagpahina sa mga militanteng oposisyonistang party-list parties noong nakaraang eleksyon tulad ng Akbayan at Sanlakas.

Ang pagkabigo ng impeachment complaint ay singil na rin ng kapalaran kay dating Speaker Jose de Venecia. Naging biktima rin si de Venecia ng sarili niyang maniobrang ginamit sa mga naunang naibasurang complaint. Naging biktima si de Venecia ng Mababang Kapulungan nsa ginawa niyang tiangge na bentahan ng mga desisyon, boto, pusisyon sa isyu, at iba pa. Ang biruan tuloy, kapag tumatagal na nakasalang ang impeachment complaint ay tumataas ang presyong pabuya ng mga kongresista.

Pero malamang ang Malakanyang ay nakat
ipid ngayon sa pamumudmod ng pabuya dahil kinakabahan din ang maraming kongresista sa kasalukuyang imbestigasyon ngayon ng Senado kay Jocjoc Bolante sa fertilizer fund scam. Nag-aalala ang mga kongresista na ibunyag ni Jocjoc ang mga pangalan ng nakinabang sa P750M pondo sa abono na ginamit sa kampanya sa eleksyong 2007. Kaiba sa mga nauna, ang huling impeachment complaint ay tumagal lamang ng tatlong araw sa Committee of Justice bago ibasura.

Kung paano nabuhusan ng malamig na tubig ang oposisyon ni Gng. Arroyo ay siyang taas ng moral ng kilusang kontra-gubyerno sa Thailand. Habang binabasura sa Kongreso ang impeachment complaint ay siya namang pagkubkob ng kilusang protesta sa pangunahing airport ng Bangkok. Nauna nang pinaligiran ng kilusang protesta ang Parliament, ang Government House na siyang luklukan ng Prime Minister.

Ang rumaragasang kilusang protesta sa Bangkok ay para pwersahing bumaba sa kapangyarihan ang Punong Ministro at buwagin ang parlyamento dahil sa korupsyon. Noong 2006 ay napatalsik sa pwesto si Prime Minister Thaksin ng isang kudeta sa gitna ng hindi matinag na kilusang kontra-gubyerno. Noong Agosto ay bumaba rin sa pwesto ang naging kahalili ni Thaksin. (Photo: Nakubkub na Suvarnbhumi (Bangkok Interantional) Airport, The FINAL BATTLE, http://pad.vfly.net/)

Ang pangunahing nangunguna sa kilusang protesta ay ang People’s Alliance for Democracy – isang malawak na koalisyong demokratiko ng mga non-government organzations, grupong oposisyong pulitikal, ng mga propesyunal at samahang sibiko. Ang Thailand, katulad ng Pilipinas ay dating pinagharian ng diktadurya at mula noong nakamit ang demokrasya, ang kilusang demokratiko ng Thailand ay patuloy ang pagsulong sa pagpapatatag ng demokrasya at maayos na paggugubyerno ng bansa.

Ang Thailand ay natuto sa Pilipinas sa produksyon ng bigas. Ngayon ang Pilipinas ay bumibili ng bigas sa Thailand. Ang Thailand ay natuto sa Pilipinas kung paano pinayayabong ang guapple fruit. Ngayon ang mga guapple na nabibili sa bangketa ng Pilipinas ay galing ng Thailand. Tiningala ng Thailand ang people power ng Pilipinas noong 1986. Ngayon ay aktibong rumaragasa ang people power ng Thailand basta may pang-aabuso ang kanilang gubyerno. Ngayon, ang people power sa Pilipinas ay isang holiday na lang ng paggunita.


Ano ang nangyari? Ang mga organisasyong kalahok sa kilusang demokratiko ng Bangkok ay mayroong mataas na kredibilidad sa mata ng publiko. Sa panahon ng walang protesta, mahusay at epektibo ang mga programa, serbisyo at proyekto sa komunidad ng naturang mga organisasyon. Sa kabila ng marupok pang demokrasya ng Thailand, ang kilusang demokratiko ay mataas ang adhikain para sa reporma at institusyunalisasyon ng kanilang demokrasya. Ang adhikaing ito ay hindi lamang propaganda o nagsisilbi sa ibang pampulitikang agenda. Organisado at disiplinado ang mga mobilisasyong masa.


Sa loob ng koalisyong PAD, malakas ang papel at inisyatiba ng mga sektor hindi lamang para kapakanan ng kanilang sektor kundi pangunahin para sa kapakanan ng mamamayan. Sa kabila ng kanilang mga militanteng porma ng pagkilos, ang kilusang demokratiko ay mataas ang respeto sa tradisyong Thai, halimbawa ang pagiging mapagkumbaba at pluralismo. Dahil dito kaya’t hindi nauubusan ng bago at malikhaing pamamaraan ng pagdadala sa kampanya, mobilisasyon at protesta. Gagap din ng kilusang demokratiko sa Thailand ang lengguahe ng reporma ng karaniwang Thai. Kaya’t kahit na kampanya laban sa korupsyon, na malayo ang epekto sa sikmura ng sibilyang Thai, ay aktibong nilalahukan.

Babagsak o magtatagal pa ang kasalukuyang gubyerno sa Thailand, ang namamalas ngayon na kilusang demokratiko ng Thailand ay hindi pangunahing resulta ng walang kamatayang pagpapataas ng pampulitikang kamalayan kundi ang simpleng padaluyin ang pagka-mamamayan (citizenship) na organikong Thai. Mahalagang elemento ng prosesong ito ang kredibilidad ng kilusang mamamayan. Sana hindi ito mabitiwan ng People’s Alliance for Democracy, katulad ng pagbitiw ng mga kilusan sa Pilipinas.

Pasakalye sa Pulitika

3 comments:

Anonymous said...

Download Online Casino tyuueooru
Free Casino Bonus
Reliable Online Casinos
Get free welcome bonus when depositing for the first time! You'll get 100% free with your first deposit or up to $20.
[url=http://www.nhgaa.org/]Download Casino[/url]
Most significantly, it's necessary for you to conduct a thorough search regarding the best gambling websites out there.
http://www.nhgaa.org/ - No Deposit Casino
If you end up choosing a not-so-good online casino website, you'll never enjoy the actual pleasure arriving with online gambling.

Philippine Senatorial Candidate 2010 said...

I recently came across your blog and have been reading along. I thought I would leave my first comment. I don't know what to say except that I have enjoyed reading. Nice blog. Anyway, I'm been looking for topics as interesting as this. Looking forward to your next post.


-pia-

yanmaneee said...

yeezy 700
balenciaga
jordan shoes
kate spade handbags
golden goose
golden goose outlet
nike basketball shoes
yeezy boost 350 v2
christian louboutin outlet
yeezy 500