December 2, 2008
Hindi na natuto ang Malakanyang sa aral ng kasaysayan. Bagamat nagsilbing panggising at political awareness sa mamamayang Pilipino ang talamak na katiwalian at kaganapang ungguyan sa Kongreso, mas marami ang nagdalamhati't naki-isang labanan ang term extension cha cha express - Constitutional Assembly. Sabihing nakaungos sa unang sultada ang administrasyon Arroyo-Justice Committee sa pagtiguk ng impeachment complaint sa Kongreso, hindi nangangahulugang nagwagi ito sa labanang pulitikal sa kabuuan. "Ang Kongresong pinamumugaran ng TRAPO, kasal binyag libing, SARO (special allotment release order – pondo) adik na pulitikong kaanib sa KAMPI at LAKAS ay tuluyan ng nawalan ng moral ascendancy at credibility." (Photo: zamboangajournal.blogspot.com)
Sa gitna ng political uncertainty, layon ng cha cha - Con As na manatili sa poder at iligtas sa kapahamakan si GMA at buong barkada sa patong-patong na kasong pandarambong, krimen at pag-aabuso sa kapangyarihan matapos ang termino nito sa 2010.
Inaasahang dead on arrival sa Senado at kakapusin sa itinakdang bilang na 195 o ang 3/4 sa kabuuan sa Kongreso ang Con As – Cha Cha. Kahit hinihinalang kontrolado nito ang mayorya ng mahistrado sa Korte Suprema, ipagmayabang may sariling bogus na “civil society, ang Kongreso ng Mamamayan at Sigaw ng Bayan,” may suporta ng Lokal na Gubyerno, ang ULAP (Union of Local Authorities of the Philippines) at LMP (League of Mayor of the Philippines), may Philippine National Police na handang tupdin ang kautusang “no permit-no rally, gamitin ang bagong EO 739 prelude sa emergency power at naka-ambang diklerasyon martial law," ipagmudmuran ang Calibrated Pre-emptive Response (CPR), BP-880 at iba pang mga kahalintulad na kautusang anti-demokratiko, hindi ito magtatagumpay.
Hindi outright na tumututol ang mamamayan sa ninanais na pagbabago ng paggugubyerno, mula presidential na porma tungo sa parliamentaryong sistema. Kung maisusulong ang "radikal na pagbago (reporma) patungkol sa pulitika at eleksyon at mawawala sa kapangyarihan ang GMA administrasyon," mas paborable sa mamamayan ang charter change.
'Di hamak na mas demokratiko at mas magagarantiya ang partisipasyon ng mamamayan sa paraang Constitutional Convention kaysa sa napakakontrobersyal at self-serving na Con As na panukala ng mga alipores ng Malakanyang sa Kongreso." Sapagkat isasabay ito sa 2010 election, tipid ang gubyerno, mas malawak ang suporta ng Con Con mula sa Comelec, Senado, mulasa "reform constituencies" mula sa taong simbahan, negosyo at hanay ng civil society. Ang problema, sumang-ayon kaya ang ilang militanteng grupo at sagadsaring trapo ng KAMPI at LAKAS sa Kongreso?
Related Story:
FVR tells Arroyo to stop Charter change
By MANNY MOGATO, Reuters as of 12/02/2008 9:52 PM
Former Philippine President Fidel Ramos called on President Gloria Macapagal Arroyo on Tuesday to stop any moves to amend the constitution amid growing disquiet in the country over attempts by her allies to extend her term. (Photo: former Pres Fidel V Ramos; www.upou.org)
http://www.abs-cbnnews.com/nation/12/02/08/fvr-tells-arroyo-stop-charter-change
Multi-sectoral rally vs charter change set for Dec 12
MANILA, December 2, 2008—A multi-sectoral rally against moves by pro-administration legislators to change the constitution through Constituent Assembly has been set for December 12 in Makati City.
At “The Forum,” the regular public affairs program co-sponsored by CBCPNews and the Catholic Media Network, various religious groups, people’s organizations, members of the academe and the opposition formally announced the holding of the rally.
Sr. Fely Cabillo, OSB, said the rally will be held to show MalacaƱang and its lackeys that people have had enough and would resist any attempt to alter the constitution that will eventually prolong the terms of office of those in power. “Our rally’s theme is Labanan ang Cha-cha ni Gloria,” Sr. Fely said. The rally hopes to gather at least 20,000 warm bodies.
http://www.cbcpnews.com/?q=node/6155
No comments:
Post a Comment