December 5, 2008
“Mas mataas ang degree ng political maturity ng mga Pilipino kung ikukumpara sa Thai, hinding-hindi raw mangyayari ang malawakang kilos protestang naganap sa Thailand sa konteksto ng Pilipinas,” ito ang pagsusuri ni Deputy Presidential Spokesperson Anthony Golez at ni Senator Gordon. Kung matatandaan, may ilan beses ng nakuryente sa maling analysis at posisyon patungkol sa pampulitikang kalagayan ng mga kalapit-bansang tulad ng Burma, North Korea at mga bansa sa Middle East ang palasyo. (Larawan: Peole's Alliance for Democracy, http://www.nationmultimedia.com/admin/specials/nationphoto/photo/pt2DHjW.jpg)
Baka nga naman may punto rin si Golez, sapagkat dito sa Pilipinas, “politically immature o ilang kabang bigas pa ang kakainin ng demokratikong pwersa para matapatan ang level na pakikibakang inabot ng Thailand.” Sa Pilipinas, "mukhang mahihirapan na o dili kaya'y matatagalan pa upang sabihing kaya ng marating ang critical mass o ang TIPPING POINT" na magpapaknock-out sa administrasyong Arroyo. Mukhang malayo pa tayo sa kakaibang "citizens movement na ipinamalas ng Thai, ang reframing ng pag-oorganisa, pamumuno at prinsipyo ng PLURALISMO." Bukud sa hati, "kalat-kalat, sectoralized, may kahirapang ipagkumbina ang isyu ng “REFORMA at PAGREREVOLUTION.” Ang panawagan ng pitong (7) bishops na "patalsikin na sa ngayon ang immoral na pangulo sa Malakanyang, magkaroon ng isang radikal na pagbabago hindi lamang sa pang-ekonomya, panlipunan at pampulitika. Ika nga ng mga Bishops, “the time to prepare a new government is now at hindi sa 2010” at dahil sa parang napagod, apathy, hindi gaanong kinagat ng kilusang panlipunan ang panawagan ng mga obispo.
Hindi natin alam kung saan nanggagaling ang mga patutsada ng tapagsalita ng Malakanyang lalo na sa mga sensitibong mga pahayag na “panlalait sa pakikibakang Thai para sa demokratisasyon at maayos na paggugubyermo. Maaaring magkaiba ang pakahulugan ng political maturity ni Golez at ng social movements ng Thailand, sa NGO community, civil society at sa hanay ng mga akademiko dito sa Pilipinas.
Dahil sila ang nasa kapangyarihan at gusto nilang imintina't palawigin pa hanggang sa abot na makakaya lagpas sa itinatadhana ng batas, hindi kataka-takang bansagang "political immaturity" ang "mob rule, (non-productive) ang people power, ang rally" na nakapatungkol sa pagpapabagsak ng isang gubyernong hindi tumtugon at hindi naglilingkod sa interest ng mamamayan. Tulad ng maraming naghihingalong mga ESTADO (weak state) sa mundo, ang panunupil, ang devide and rule tactics, kasinungalingan at propagandang makakapagDEMOBILISA sa mamamayan, ang karaniwang tugon ng isang undemocratic at awtokratikong mga gubyerno. Ang palasak na linyang “imbis na isakalsada ang mga hinaing, idaan sa tamang proseso at sa tamang rule of law.”
Kaya lang, nasaan ang rule of law, kung ang hustisya ay para lamang sa mga dambuhala't makapangyarihan at mga demokratikong institusyong pinahina at sinalaula. Tayo na ang may "pinakamahabang Maoist insurgency sa mundo at Moro rebellion sa Asia," super katulong o "tagapunas ng puwit ng mga PUTI sa mundo," kaliwa't kanang demolition, eviction ng maralitang lunsod at bilyong pisong iminumudmud sa anyo ng SARO (special allotment release order) sa mga pulitiko at "dole out mendicant policy" na "conditional cash transfer" sa mga mahihirap na Pilipino? Paano ipapaliwanag ni Golez ang pagkakalibing ng halos apat na beses na impeachment complaint, kamuntikanan at ilang beses na pagtatangkang pagpapabagsak sa administrasyong Arroyo? (Larawan, NPA guerillas, http://www.espionageinfo.com/images/eeis_03_img1034.jpg)
Mas tagilid si Golez kung isusupalpal ng Thai ambasador ang pagkakalukluk sa paraang people power Edsa 2 revolution ni GMA nuong 2001. Parang sinasabing political maturity ang "mob rule" ng Edsa 1, 2 at 3 at political immaturity naman maituturing ang pagkubkub ng government buildings at International Airport sa Thailand?
Bukud sa pagiging validictorian sa pangungurakot sa Asia, mahihirapang burahin sa mata ng mundo ang klase ng kabulukan ng sistemang pulitika at eleksyon sa Pilipinas. Sa loob ng dalawang dekada, matapos maibagsak ang diktadurang Marcos, patuloy na tumatag ang patronage politics sa ilalim ng elite democracy o represenatative democracy. Nabuhay at lumalakas ang oligarkiya, casique, dinastiya at mga maimpuwensyang taong labas sa gubyerno; ang mga Henry Sy, Lucio Tan, Enrique Razon, Cojuangco at iba pang may kahariang nagdidikta sa lipunan; ang drugs, gambling, smuggling at corporate LORD.
Sa ngayon, sa gitna ng political uncertainty, muling itatangkang buhayin ng Malakanyang sa tulong ng mga tuta nito sa Kongreso ang kinamumuhiang Cha Cha – Constitutional Assembly. Ang alam ng marami, “pakay nitong manatili sa poder ang Administrasyong Arroyo lagpas sa itinakda ng Konstitusyon (2013-16) at iligtas sa kapahamakan ang sarili at buong barkada sa patong-patong na kasong pandarambong, krimen at pag-aabuso sa kapangyarihan matapos ang termino nito sa 2010." Ang tanong, “maaari bang sabihin na itong mga inisyatiba't panlalamang sa panukalang charter change ay isang uri ng political maturity ng palasyo?”
Dec 12 Inter-Faith Rally
Walang dudang isang POLITICAL MATURITY ang nalalapit na kilos protesta para kontrahin ang makasariling isinusulong na Cha Cha at pagpapatalsik kay GMA sa December 12 sa Makati na pangungunahan ng taong simbahan (Inter-Faith) at civil society. Kung saka-sakaling mapanghahawakan ng maayos, peaceful at non-violence, broad at imiminimized ang sectarianismo, pagdodomina ng isang politikang bloke sa isang maliit na bloke, magpapartisipa ang malaking bilang ng panggitnang pwersa at maiiwasan ang talamak na naglalakihang streamers at banners, "malalagpasan nito ang rally at pagkilos na isinagawa noong nakaraang taon laban sa katiwalian ng ZTE."
Lubhang napakahalaga ang kilos protesta sa Dec 12. Bukud sa magsisilbing "SHOW OF FORCE, tinatantyang nakasalalay ang pampulitikang balanse at mga susunod na senaryo sa susunod na tatlong (3) buwan ang Dec 12 rally. Maaring "malagay sa bingit ang kapangyarihan ni GMA (political survival) at hindi na umabot sa 2010 o kumapit ito sa patalim, gamitin ang emergency power at idiklara ang martial law." Kung mauuwi sa isang ordinaryong rally at kilos protesta ang Dec 12, "ganap na magbabago na ang moda ng labanan, maaaring itulak na ang cha cha express-Con As o dili kaya'y ikasa na ng maraming grupo ang preperasyon para sa 2010 election."

2 comments:
click now important source pop over to this site home click reference my company
q4d78w9t03 r9z62t1k49 y9c95b3u95 b1f84g9x40 w2r39m8p27 y3t35h3v90
Post a Comment