Thursday, February 05, 2009

HOPELESS SCENARIO

Doy Cinco / Feb 5, 2009

Sa isang pagtitipon ng Lakas at KAMPI sa Clark, Pampanga, matapos tanggaping "wala ng kapagka-pag-asang magmaterialized ang cha cha-con as, ang administrasyon Arroyo ay nanawagang magsanib pwersa ang KAMPI at LAKAS at paghandaan ang 2010 election." Matapos ang ilang araw, tiniguk nito ang isang panukalang magbabasura sa cha cha at para makakabig ng alyado sa Senado, biglang inilutang ang sariling bersyong Nograles economic provision.

Kahit pa sabihing idederetso ang cha cha provision sa Korte Suprema, meaning kakatigan nito ang sistemang bicameral, ang hiwalay na paghuhusga ng Kongreso at Senado, may approval ng ¾ sa House at ¾ sa Senado at hindi ang 3/4 totality ng magkasamang Senado’t Kongreso na inilalarawan ng constitutional assembly (Con As), kung kaya't pinapangunahan ng hindi ito magtatagumpay. Bukud sa unpopular ang cha cha sa mata ng mga Pilipino, nangingibabaw ang kawalan ng kredibilidad at pagtitiwala sa administrasyong Arroyo. Walang kaduda-dudang hindi ito lulusot sa Senado, may "bantang maghahalo ang balat sa tinalupan, muling mapopolarized ang lipunan at magkakagulo." Parang dalawa na lamang ang lumalabas na option; ang magplano at magpanalo ng manok sa 2010 o iumang lang at ipagpilitan hanggang huling sandali ang cha-cha.

Walang sapat na bilang na ‘warm bodies’ ang Lakas at KAMPI na isustini’t ipanalo ang cha cha. Kahit nagpanibagong packaging at iumang ang resolution ni Nograles na economic provision, nagbibigay lupa (60/40), kaluwagan na pag-aari ng dayuhan, walang kumakagat, walang naniniwala. Ang kutub ng marami, "kapag nabuksan ang pintuan, awtomatikong bubulwak ito at hindi mahirap paniwalaang hahantong din ito sa pulitika; term extension at postponement ng 2010 election." (Larawan; Speaker Nogie Nograles-Lakas at Rep Villafuerte-KAMPI)

Una; power play at bilyung pisong kickback, pork barrel at proyekto ang dahilan ng lumalalim na gusot ng KAMPI at Lakas. Parang ang ulo ni Nograles ang nakasangkalan sa cha cha at naka-abang na bilang kapalit si Cong Villafuerte. Maaring bahagi sa estratehiya ang framing na “psy war, may layuning mabulabog lamang ang mainit na iskandalong bumabalot sa admnistrasyong Arroyo,” ang kaliwa’t kanang inbestigasyon pangungurakot sa Senado, ang exposay ng World Bank (WB) na inuugnay sa Unang Ginoo at tanging esposong si Mike Arroyo.

Pangalawa, sa konteksto ng walang winnable at popular na kandidato ang administrasyong Arroyo sa 2010, ang pag-umang ng cha cha ay magbibigay buhay sa nalalapit na kamatayan ng partidong Lakas-KAMPI at NPC, ang ruling party at galamay ng Malakanyang sa nalalapit na 2010. Sa patuloy na paggigiit ng cha cha, maiibsan ang senaryong “lame duck president, mapipigilan ang malawakang exodus,  break-up (Lakas, KAMPI at NPC), re-allignment of forces at kung saka-sakali, may maluwag na maniubrahang pulitikal sa 2010 election na alam ng marami ay hindi na mapipigilan.”

Sa kabuuan, ang lahat ng pagsisikap ng Malakanyang ay may direksyong "durugin, i-marginalized ang political opposition at mahadlangan at all cost ang posibleng landslide victory sa 2010 election." Sa kabilang banda, palakasin, imintina ang mga kriminal, mga dambuhalang pulitiko, elitista't oligarkiyang pwersa, hindi matulad kay Thaksin ng Thailand at iwas pusoy sa seldang naghihintay sa mga Arroyo.

2 comments:

Boniface Lord said...

Please help us send this message to Barack Obama.

Please visit the link.

http://thinkwithapurpose.blogspot.com/

Thanks.

doy said...

effen, salamat...kabi-kabilang anomalya't kahihiyan ang dumadagok sa palasyo't mga alipores. 'di ko alam kung paano nila ito malulusutan...World Bank, LEGACY, PRE-NEED, OFW at hirap ng buhay...
'di ko rin alam kung iintindihin, may panahon pa si Barack Obama sa iligal na omuukupa sa Malakanyang.