Tuesday, February 10, 2009

WB report, kayang lusutan ng Palasyo


Doy Cinco / Feb 10, 2009

Kung ang United Nation Human Right (UN) report ni Philip Alston at London based Amnesty International (AI) patungkol sa talamak na extra-judicial killings at human right violation ng Administrasyong Arroyo ay nakaligtas at naigpawan ng palasyo, ang World Bank pa? Hindi hamak na subuk na sa husay ang spin doc ng pangulo. Na-master na ng palasyo ang teknolohiya ng psy war, napruwebahan ito at ang track record ng Malakanayang pagdating sa palusutan, maniubrahan, brasuhan at political survival ang makapagsasabi.

Maliban sa WB report, hindi lingid ang iskandalong naiugnay sa Unang Ginoo tanging Esposong si Mike Arroyo (FG) sa ZTE broadband
"back off," hello Garci dagdag-bawas, weteng payola, fertilizer scam at Jose Pidal controversy. Idagdag pa ang kaliwa't-kanang inbestigasyong isinagawa ng iba’t-ibang kilalang International watch dog na experto sa larangan ng katiwalian at pangungurakot, ang Europe based TRANSPARENCY INTERNATIONAL at Transparency and Accountability Network (TAN).

Nalusutan ng palasyo ang lahat ng ito at ang katawa-tawa, ang sinisi at ang pinalabas na may kasalanan pa ay ang mga Institution ng Mundong nabanggit. Pinalabas pang sinungaling, destabilizer at naakusahan pang kasabwat at kagawan lamang ito ng political opposition? Sa bandang huli, lumabas na kontrabida ang mga International watchdog at bayani at inosente ang pamilyang Arroyo.

Pagtatawanan lamang ng Malakanyang ang inaasahang Senate hearing patungkol sa WB Report lalo na't hahawakan ito ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, chairperson of the Senate economics committee. Una; malaking hinala ng marami na hindi sisiputin ni FG ang hearing ni Sen Miriam Defensor. Kung si FG na't asawa ni President Arroyo ang nakasangkalan, aasahang magmimistulang KUTING at hindi TIGRE ang postura ni Sen Miriam Defensor. Kung PADRINO, kung pader na ang babanggain, tiyak na mag-iiba, lalambot ang trato kung ikukumpara sa ibang isinalang na pipitsuging personalidad sa Senado.

Pangalawa; simpleng estratehiya't taktika ang gagamitin. Palalabasing may malubhang karandaman, hindi pa humuhupa ang chronic fatigue syndrome, ang bypassed operation sa puso na maaring maka-apekto't lumala kung sakaling maisasalang sa hearing. Sa simpleng technicalities, "medical certificate," walang dudang MAE-EXCUSED ang Unang Ginoo at Tanging Esposo (FG). Iimbis na kaladkarin sa Senado, lalabas na ang komite pa ni Miriam ang magsusumamo, ang makiki-usap, ang makikisuyo at pupunta’t luluhud sa Unang Ginoo.

Kung hindi makakasipot,
malamang na kuhanan na lamang ng testimonya o deposition si FG, idedelay ang isyu at hearing hanggang sa matabunan ang balita sa headline, unti-unting mabura sa isip ng tao at lumamig ng tuluyan ang isyu. Ang masakit pa rito, "baka upakan pa ni Sen Miriam Defensor ang WB o ang institution ng Senado sa walang humpay na kaiimbistiga nito at wala namang nangyayari't naipapakulong.”

Sa'di mabilang na kaso't inbestigsyon, hindi mahirap paniwalaang mauuwi lamang sa wala, sa cashunduan ang paparating na inbestigasyon ng Komite ni Sen Miriam sa Senado. Kaya lang, kung paulit-ulit na lamang at walang napaparusahan, sino man ang maggugubyerno sa 2010 and beyond, tiyak na magiging inutil at mahina. At dahil sa may kabigatan at sensetibo ang usapin, sari-saring haka-haka a
t espekulasyon ang lumalabas.
Kung mamarapatin, isang “impartial at independent panel of Prosecutor” ang dapat na itayo ng Senado't gubyerno. Isang option at mahirap tanggapin ng palasyo, ang "maagang pagresign
ni GMA at pagkakaroon ng constitutional succession."

Related Story:

GMA House allies blame WB for bid rigging mess
By Jess Diaz and Delon Porcalla
MANILA, Philippines - Administration lawmakers have turned the tables on the World Bank and other international lenders, saying their rejection of a cap on the cost of foreign-assisted projects has spawned corruption.
One of those who hit back at the World Bank (WB) was former congressman Prospero Pichay, who described the institution’s report on anomalies in road projects as an affront to the country’s sovereignty. (Photo: Ex Cong Pichay at Rep Datumanong
, mga "hardcore" na alyado ng Malakanyang)
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=439261&publicationSubCategoryId=63

No comments: