Saturday, January 09, 2010

Air War pinatindi ni Villar

Doy Cinco

Sa layuning makadikit kay Noynoy Aquino, bilyong pisong warchest para sa political Ad ang pinakakawalan ng presidential bet na si Manny Villar. Mula sa 27% noong Dec 5 – 10 survey, umani ito ng 6%, o 33%, may 11 % kakulangan na kalamangan ni Noynoy Aquino itong huling survey nuong nakaraang linggo, December 27-28, 2009.

Sa anim na porsientong dagdag noong kapaskuhan, may tantyang nanggaling sa "undecided, mga botanteng hindi pa pumipirmis, kay Chiz Escudero na umatras sa laban kamakailan at kay ex-president Erap Estrada na kapareho nitong pumupuntirya ng C, D, E at kulay orange na political color na pananamit".

Natuto si Villar sa 2004 at 1998 presidential election, na ang pangunahing labanan sa presidential election ay “kunin ang kiliti at emosyon ng masang Pinoy.” Sa electoral political combat framing, "MARKET VOTES" ang diin. Kung baga, packaging, image building at name recall. Ang air war sa lenguwahe ng kilusang kaliwa ay "PROPAGANDA WAR." Kaya't madaling unawaing gagastos ito ng isang-katlo o 1/3 ng total na gastos sa kampanya para lamang sa "projection ng sarili."

Ang istratehiyang nangingibabaw kay Villar ay dikitan si Noynoy Aquino pagdating ng pormal na campaign period sa unang linggo ng susunod na buwan (February, 2010). Tinatantyang magwawaldas si Villar ng isa hanggang 3 bilyong piso (P1 - 3.0 bilyon) sa AIR WAR kahit sabihin ng madla na bahagi na ito ng maagang pangangampanya o bahagi na ito ng tinatawag na "early at premature campaigning."

Nung nakaraang taon, si Villar ay umani ng kaliwa't kanang batikos nang mapangahas niyang ipinagwagwagan "na sa 2010 presidential election, kung wala ka ring lang BILYONG PISO raw. huwag ka ng tumakbo at panigurong isa kang nuisance candidate." Kung ganito ang electoral framing ni Villar, malalagay sa kangkungan at kaawa-awa ang aktibistang si Nick Perlas.

Ayon sa mga source sa gilid-gilid, “sa laki ng pondong ilalaan ni Villar (tinatantyang may P10 – 15.0 bilyon), hindi na raw ito tumatanggap ng tulong pinansyal mula sa malalaking negosyanteng Filipino-Chinese community at ang tanging hinihinging pabor na lamang niya sa mga padrinong ito ay huwag ng maki-alam o maging partisan sa 2010, huwag na lamang bigyan-abutan ng pondong pangkampanya ang kanyang mga kalaban, meaning si Erap Estrada, Gibo Teodoro ng administrasyong Lakas-Kampi at si Noynoy Aquino ng partidong Liberal na nangunguna sa labanan.”

Hindi ipinagkakaila na isang super bilyunaryo at pinakamayamang pulitiko si Villar sa lahat ng nagpapanakbuhang presidentiable. Sa laki ng pondong pangkampanya, kaya nitong kabigin at baligtarin ang kaluluwa ng lokal na MEDIA at makinarya (LGUs, Legislative District) ng Lakas-KAMPI CMD (PALAKA) ng administrasyong Arroyo sa Northern Luzon, Central Luzon, Bicol, Visayas at Mindanao.

Sa apat (4) na seryosong naglalaban, si Manny Villar ang may pinakamalamya, iwas pusoy at pinakamalambot na “kritiko” ng administrasyong Arroyo. Si Villar na may "economic-cultural centered advocacy na Sipag at Tiaga,” ang hinihinalang magpapawalang sala sa kasong pandarambong at katiwalian ng pamilyang Macapagal Arroyo.


Note: Local politics (electoral campaign) tayo sa susunod na mga artikulo.

11 comments:

Unknown said...

pareng doy, kung totoong tuluyan na ngang binaliktad ng supreme court ang desisyon sa penera (wala nang premature campaigning na masasabi), may epekto ba ito sa budget cap na ipinapataw ng batas sa total na gastusin ng isang kandidato sa kanyang kampanya?

o talagang paramihan ng pera na lang ang labanan ngayon?

doy said...

Salamat sa komento Nold.
PAREHO. totoong paramihan ng Pera at kahit paano, may epekto din sa budget cap na ipinataw ng Arrroyo Administration.
Hindi mahirap paniwalaang tatabo-kakabig ng pera ngayon ang Arroyo Admin, partikular ang Unang Ginoo at tanging esposong si Mike Arroyo. Example na lang ay ang STRADCOM-LTO, nabuliltaso nga lang. Ang PAGCOR/ LOTTO, ang CUSTOM, ang WETENG at iba pang iligal na panggagalingan na kakailanganin sa electoral campaign.
Iba pang usapin ang papel ng TAIPAN at ang Enrique RAZON, ang bilyunaryong kabagang ng Arroyo family.
I some way, may tricle down effect sa ekonomiya ng bansa.

Unknown said...

Sa kasalukuyan ba bro. doy anobang mga negatibong puna sa mga tumatakbong kandidito sa pagka presidente, bise at senador ang may matinding epekto sa kanilang pagka-panalo?

doy said...

Jonny, salamat sa komento. Sa tanong na "ano ang mga "negatibong puna na makaka-EPEKTO sa kanilang kandidatura"? Mahirap ang tanong mo, pero sa akin, YUNG ALAM NG TAO NA NAGPASASASA KA SA KASALUKUYANG ADMINISTRASYON (GMA), yung isyu ng katiwalian at pagiging malinis at dalisay ang PAGKATAO mo.
Kung baga, yung track record, walang bahid na imoralidad ang at hindi sakim sa kapangyarihan. Ewan ko, parang ganun JONNY.

Anonymous said...

Yesterday, while I was at work, my sister stole my apple ipad and tested to

see if it can survive a thirty foot drop, just so she
can be a youtube sensation. My

apple ipad is now broken and she has 83 views. I know this is
completely off topic but I

had to share it with someone!

my web-site - Lloret de Mar,

Anonymous said...

I know this if off topic but I'm looking into starting my own weblog and was wondering what all is

needed to get setup? I'm assuming having a blog like yours would cost a pretty penny?
I'm not very

web smart so I'm not 100% positive. Any recommendations or advice

would be greatly appreciated. Thanks

Feel free to visit my web-site; Www.word-mart.Com

Anonymous said...

Have you ever thought about adding a little bit more than just your articles?

I mean, what you say

is valuable and all. However think about if you added some great images or
video clips to give your posts more,

"pop"! Your content is excellent but with pics and video clips, this
website could

certainly be one of the best in its niche. Great blog!

Review my blog; http://www.gloriouslinks.com/Travel/404-not-found-1262/

Anonymous said...

Thanks for every other great

post. The place else could anyone get that type of info

in such a perfect manner of writing? I have a presentation next

week, and I am at the look for such information.



Feel free to visit my site ... tn valley weather

Anonymous said...

Thanks , I've just been looking for information approximately this subject for a long time and yours is the greatest I've came

upon so far. But, what in regards to the conclusion? Are you positive about
the supply?

Feel free to visit my web-site :: 110579.redber.net

Anonymous said...

Keep functioning ,terrific job!

my webpage ... fishing holidays west wales

Anonymous said...

Hmm is anyone else experiencing problems with the pictures on this blog loading?
I'm trying

to figure out if its a problem on my end or if it's the blog.
Any

suggestions would be greatly appreciated.



Review my blog http://www.community.mietmie.nl/blogs/entry/Where-To-Go-And-Where-To-Eat-In-Toledo-Spain