"Partner in Governance"
- Doy Cinco
Isang trahedya o man made calamity ang dinastiya't warlordismo sa Maguindanao. Sa patuloy na pamamayagpag ng isang pusakal, modern day GODFATHER at dinastiyang Ampatuan clan, ang realidad ng kawalang pag-asa, paghihikahos, karalitaan, karahasan at panunupil ng demokratikong karapatan ng mamamayan sa Maguindanao ay tila wala ng katapusan. (Location Map, www.khaleejtimes.com/
Isang classic example ng guns, gold, goons ang pampulitikang dinastiya ng mga Ampatuan. Ito ang mga kadahilanan kung bakit isang "banana republic," atrasado at hindi maka-uga-ugaga sa kahirapan ang Pilipinas. May ilang dekada ng namamayagpag ang dinastiya't political clan sa Pilipinas. Ilan sa mga kilala; Singson, Marcos at Ortega ng Ilocos region, Enrile, Dy, Albano ng Cagayan at Isabela, Cojuangco ng Tarlac, Arroyo ng Pampanga at Negros Occidental, Joson ng Nueva Ecija, Remulla ng Cavite, Ynares ng Rizal, Villafuerte ng Camarines Sur, Espinosa ng Masbate, Durano't Garcia ng Cebu, Romualdez, Codilla-Petilla ng Leyte, Espina ng Biliran, Datumanong, Dimaporo ng Mindanao, Valera ng Abra at marami pang iba.
Kinunsinti ng administrasyong Arroyo ang monopolyong paghahari ng dinastiyang Ampatuan. Sa katunayan, kaanib ng LAKAS-CMD ang mga Ampatuan. Ano man ang naising gawin, iligal at hindi marangal, nasusunod na parang hari ang Ampatuan Clan. Mula sa luho, armas, droga, pangungulimbat at institusyunalisasyon ng private armies. Ang katawa-tawa, ginawang tanga ang mga institusyon (Comelec at Hustisya) ng estado, pagpapatahimik sa media, grupong simbahan at kilusan ng mamamayan.
Iisa lang ang hangad ng mga Ampatuan, ang durugin ang mga kaaway at pagpapalawak ng pampulitikang kapangyarihan sa Mindanao. Maliban sa pagpapayaman at pagpapalakas ng sariling private armies, bumili ng mga bago at modernong baril at ituring mga security guards ang Philippine National Police, Civilian Volunteer Organization at ilang military personel. Ang karumal-dumal na Maguindanao Masaker kahapon ng umaga sa bayan ng Ampatuan kung saan may 60 sibilyan ang pinagpapatay ay patunay lamang na "patay na ang rule of law at ganap ng naparalisa ang mga demokratikong institusyon sa rehiyon."
Kabilang sa "Club 20" o pinakamahirap na probinsya ng Pilipinas ang Maguindanao. Ang bilyong pisong pondo ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), IRA ng probinsya, milyong dolyar na proyekto mula sa US-Aid, United Nation (UN) Agencies, Japanese-European International Agencies at NGOs ay nawalang saysay dahil sa katiwalian, karahasan at warlordismo. Halos walang maiprovide na basic services, edukasyon, duktor at hospital, inprastruktura, maiinum tubig at kuryente, pabahay, agricultural production, livelihood at suportang pagbubukid.
Isa lamang "moro-moro" ang halalan sa Maguindanao. Ilang buwan bago ang takdang halalan, pili na, dinisisyunan at pinauupo na sa pwesto at ang halalan ay isang formality na lamang. Bukud pa sa sabwatan sa pagitan ng warlords at mga MAFIA sa Comelec, tinatakot at pinapatay ang mga nag-aastang makitunggali sa pulitika. Alam ng mundo na tapos na ang 2010 election sa Maguindanao. (Photo:list Private Military Contractors (PMC/ www.ellentordesillas.com/.
Kung walang iiral na emergency measure ang Comelec, tiyak "failure of election" ang 2010 Poll Automation. Una; isa-ilalim sa kontrol ang rehiyon, magsagawa ng internal cleansing process ang Comelec. Buwagin ang mga private armies, private military international (MERCENARY) Security companies na karaniwang pinagmumulan ng advance high powered na armas ng mga local warlords. I-demilitarized ang buong Mindanao at para maminimized ang perennial election violence, gawing mas maaga (April 2010) ang iskedyul ng halalan sa lugar" at tulad ng mga Ampatuan, i-disqualify ang mga warlords sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng pakikipag-ututang dila, nakontrol ng Administrasyong Arroyo ang mga warlords-dinastiya sa walong (8) taong pamamalagi sa Malakanyang. Hindi lamang sa pakinabang ng "dag-dag – bawas, hello Garci for political survival, nagawang paglaruan ang lehitimong panawagan at agenda ng kapatid nating mga Muslim sa Mindanao sa pamamagitan ng pag-o-orchestrate ng ganansya sa digmaan at paghati-hati ng mamamayang Moro."
Tulad ng Afghanistan, Iraq at ilang FAILED STATE sa Africa, ginagamit at pinakikinabangan na parang salbabida (political survival) ng isang "weak state" tulad ng administrasyong Arroyo ang pampulitikang angkan at dinastiya, manatili lamang sa poder ng kapangyarihan.
Kung walang seryosong reporma sa sistema ng pulitika, magpapatuloy ang dinastiya't warlordismo, katiwalian, karalitaan, kawalang hustisya at demokrasya sa Pilipinas.
4 comments:
pareng doy, ito ba ang klase ng mga tao na inaasahan nating magpatakbo sa kanilang probinsya? hindi ba applicable sa warlord-dominated areas yung demand ng tao for good governance, accountability and transparency? kung hindi pala, bakit pa tatawaging "province" o "municipality" ang mga lugar na ito -- bakit hindi na lang "kaharian" tutal yun naman talaga sila.
Korek ka diyan Noldie...isang medieval/feudal-barbaridad at demonyong kaharian.
Di mo ba alam na ilang buwan bago ang Maguindanao Masaker, may on going NEGOSASYON sa pagitan ng GMA govt at Ampatuan Clan. Ang trade-off at alok AMBASADORIAL position sa matandang Ampatuan, basta't may power sharing sa dalawang malalaking paksyon politikal sa probinsya. Kalasingan sa kapangyarihan ang nagbunsod sa mga Ampatuan na dominahin-solohin ang paghahari sa Maguindanao.
May bahid ng dugo at alam ng GMA Administration na ilang linggo bago ang MASAKER ay mag magaganap na matinding karahasan sa Mindanao at PINABAYAAN, dinedma at kononsinti ni GMA ang mga Ampatuan. DAWIT ang GMA. si GMA na isyu dito at hindi na si AMPATUAN.
May nagbigay ng INFO sa'kin na isang grupo (Ging Delez -Hyatt 10) ng Noynoy/Mar (LP) Camp ang nakipagNEGO din sa mga AMPATUAN?
Ito rin ang grupong nakipagNEGO sa mga RECTO at nagpasok sa LP Senatorial slate na ikinatampo naman ng dating Senador Serge Osmena.
susmaryosep. kung totoo yan, tiyak deny to death sila ngayon. hehehe
Hi !.
You may , probably very interested to know how one can manage to receive high yields .
There is no need to invest much at first. You may start to receive yields with as small sum of money as 20-100 dollars.
AimTrust is what you need
AimTrust represents an offshore structure with advanced asset management technologies in production and delivery of pipes for oil and gas.
It is based in Panama with structures around the world.
Do you want to become a happy investor?
That`s your chance That`s what you wish in the long run!
I`m happy and lucky, I began to get real money with the help of this company,
and I invite you to do the same. It`s all about how to choose a proper partner who uses your savings in a right way - that`s it!.
I make 2G daily, and my first investment was 500 dollars only!
It`s easy to start , just click this link http://nunofusi.greatnow.com/nonoga.html
and lucky you`re! Let`s take our chance together to feel the smell of real money
Post a Comment