Monday, February 08, 2010

Northern Luzon (CAR, Ilocos, Cag Valley Region), GIBO-Villar bailwick


Doy Cinco

Kung Pulse Asia survey ang pagbabatayan, "statistical tie" na ang Noynoy Aquino at Manny Villar sa presidentiable race. Ganumpaman, balikan natin ang sitwasyon sa lokal na pulitika ng Northern Luzon o ang rehiyon ng Cordillera, Ilocos at Cagayan, ang tinatawag na "SOLID NORTH" at subukan nating ipagtugma ang kasalukuyang latag ng presidential campaign sa national.

Malaki ang naging papel sa pambansang pampulitika ang Northern Luzon. Malaking bilang ng mga prominenteng political player ang galing sa Northern Luzon. May kabuuang 5.2 million solidong botante; 2.6 million ang Ilocos Region, 850, 000 ang Cordillera Autonomous Region (CAR), at halos 1.8 million sa Cagayan Valley.

Dumaranas ng masidhing krisis pangkabuhayan, mataas na un-employment rate at bagsak na produksyong pang-agrikultura, kawalan ng industria, natural at man made calamities; ang bagyong Pepeng, apat (4 decades) na dekadang pangungubabaw ng drug lords, gambling lords, warlordismo, oligarkiya, bad governance, rebelyon at insureksyon na naka-apekto ng masidhing karalitaan halos kapantay na kinahinatnang inabot ng mamamayan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WW II).

Ito ang mga dahilan kung bakit itinuring bailwick ng sino mang naka-upong administration ang tatlong rehiyon. Mula pa kay Marcos, FVR hanggang sa Administrasyong Arroyo, ang "solid north" ay parang kawayang sumunod sa ihip ng hanging pulitikal at nagdeliver ng boto para sa kanilang malapit sa kusinang kandidato. Nagkawatak-watak man, patuloy na namayagpag ang mga kaharian at impluwensya sa malalaking bayan, lunsod at distrito. . (Northern Luzon, http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/6/6f/Ph_ilocos.png)

Sa Pangasinan halimbawa, ang pinakamalaking botante sa region (1.5 milyon) bagamat may asim pa't impluwensya ang FVR-Joe de Venecia, umusbong ang mga Espino, ang kasalukuyang gubernador, Agbayani, Lambino, Celeste, de Venecia, Cojuangco, Fernandez at Estrella sa probinsya. Inaasahang closed fight ang gubernatorial race sa pagitan ng incumbent Gov Espino at Ex-Governor at Rep Victor Agbayani (LP).

Patuloy na lumalakas ang mga Marcoses sa Ilocos Norte, Manong Jonny Enrile at kanyang anak sa Cagayan, magbabalikan sa poder ang mga Dy at Albano sa Isabela, nakasisiguro na ang mga Padilla at Cuaresma ng Nueva Viscaya at Cua ng Quirino. (Rep Jacky Enrile-Cagayan)

Epekto sa Presidentiable Election Campaign

Maliit man ang impluwensya sa Ilocos, CAR at Cagayan Valley Region, may mga ilang lugar lunsod sa Ilocos Norte at probinsya ng Isabela ang maaring mai-swing ni Noynoy Aquino. Mas malaki ang posibilidad na mag Villar-Loren o Gibo-Manzano ang Chavit Singson ng Ilocos Sur, Ortega sa La Union, Gov Antonio ng Cagayan, Cua ng Quirino at Padilla ng Nueba Viscaya. Halos walang kalaban ang mga Ortega sa La Union.

Nananatiling maimpluwensya ang political clan ng mga DANGWA, Domogan, Cosalan, Molintas, Fongwan, ang kasalukuyang governor ng Benguet. Bagamat walang LP candidates sa gubernatorial at vice gubernatorial race, malaki ang posibilidad na mag Noynoy Aquino ang mga Cosalan at Agpas, mga maimpluwensyang pamilya ng Benguet.

Maraming local Independent candidates ang tumakbo na nagtataguyod sa kandidatura ni Noynoy Aquino, ang ilan dito ay sila; Francisco Golingab (LP), Ernesto Matubay (LP), John Botiwey (PDP-LABAN), Poole (Ind), Nelson Dangwa (Ind), Ike Bello sa Congressional at councilor race sa Baguio. Nanatiling malakas ang ex-Governor Baguilat (LP) na tatakbo bilang Lone District ng Ifugao at Gov Grace Padaca ng Isabela. Hindi pa natin pinag-uusapan ang papel ng NGO community at laki ng bilang ng middle class sa lugar na critical sa administrasyong Arroyo't Gibo Teodoro.

Mahihirapan makadapo si Noynoy Aquino sa La Union, Cagayan at ultimo Quirino at Nueva Viscaya, itinituring mga balwarte ng administrasyon Arroyo at Nacionalista Party (NP) ni Villar. Ang Pangasinan, bagamat balwarte ng administrasyon, "maaring makangkong (switching) ni Villar ang malaking bahagi ng boto kaysa kay Gibo na kulelat sa labanan, sa kabila ng kalamangan ni Noynoy-Mar sa ilang malalaking distrito at lunsod." Two corner fight sa pagitan ng incumbent admin bet Governor Espino (Lakas-KAMPI) at aspiranteng Agbayani-Lambino (LP). (Rep / ex-Gov Agbayani of Pangasinan and Gov Baguilat of Ifugao; (northernwatchonline.com/.../ 2.bp.blogspot.com/.../s200/baguilat.jpg)

Habang kampante ang pambato ng Liberal Party na si Noynoy Aquino sa “market votes,” ang lokal na makinarya naman ang panigurong aasahan ng Lakas-KAMPI CMD at Nacionalista Party sa Northern Luzon. May ilang tayong nakalap na information na may malaking bilang ng minority candidates, mga independent candidates sa Cong District, Mayor at councilors ang posibleng bitbitin si Noynoy.

Sa kabuuan, kun di man neck to neck, triple tie ika nga. Nakalalamang ang Gibo (PALAKA) at Villar (NP) at segundang dikit si Noynoy.


2 comments:

Blogger said...

If you're searching for the #1 Bitcoin exchanger, then you should pick YoBit.

Cassandra Cain said...

Great bloog you have here