Doy Cinco
May 1.05 milyon at pumapangalawa (1st ang QC) sa may pinakamaraming rehistradong botante ang Manila sa NCR. May kabuuang 897 maliliit na barangay at anim (6) na legislative district, kung saan ang 5th District, na kinabibilangan ng Ermita, Malate at Paco area ang may pinakamalaking bilang ng botante.
"Llamado at mukhang mananatili ang incumbent Mayor Fred Lim-LP (60.0%-Dec electoral survey) sa Manila. Kung tinalo ni Lim noong 2007 election ang anak ni Lito Atienza (LA), mukhang mauulit ang scenario sa 2010. Mukhang tatalunin ni Lim ang dalawa niyang mga katunggaling si LA at Razon."
Ganun paman, malakas na uma-arangkada si Razon (NPC-KAMPI), ang manok ng administrasyong Arroyo at presidentiable bet na si Gibo Teodoro. Dating Kalihim sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Processes at Chief of the Philippine National Police si Razon. Kung magkatotoo, tuluyan ng ma-i-ease out ang Lito Atienza at sa bandang dulo, lalabas na “pulis laban sa pulis” ang magiging labanan sa Manila.
Ayon sa ilang source sa gilid-gilid, malaki ang itinapon na resources at pondo si Razon nuong nakaraang taon, ang panahon ng paghahanda (last quarter of 2009) para sa 2010 kung ikukumpara kay LA at Lim. Maagang naihanda ni Razon ang pagtatayo ng makinarya, network , agenda at mensahe para sa kampayan. Sa pamamagitan ng WARM (We are the Razon / Reason Now), iba't-ibang sectoral Organization at ilang maka-Kaliwang grupo ang na-ugnayan ni Razon para makalikom ng malaking suporta't boto para sa election.
Sigurado na si Isko Moreno sa vice mayoralty race. Ka-tandem ng dalawang magkatunggaling mayoralty bet ang oportunistang incumbent vice mayor ng Manila.
Mukhang di na makababalik sa Mayoralty position ang LA, ang nakatatlong termino (9 years) bilang mayor, dating Kalihim ng DENR at naging masugit na kaututang dila ng administrasyong Arroyo. Nalulong si LA sa masalimuot na gawaing sa DENR na nagbunsod ng pagkaka-atrasado ng paghahanda at pagdidiklera ng kanyang kandidatura ng halos isang (1) taon. (Larawan: Si Lito Atienza sa itaas, sa baba Mayor Fred Lim)
Natali si LA sa komplikadong pinasukang kontrata, proyekto, mga isyung bumabalot sa Kagawaran at pagkalinga kay Manny Pacquiao. Inasikaso ni LA na kastiguhin ang Lim-Isko administration sa pagiging malamya at pagpabor nito sa mainit na isyu ng pagpapanatili ng delikadong OIL DEPOT sa Manila samantalang siya naman ang tunay na kumalinga at nakinabang sa extension ng depot. Umaasa si LA sa suportang ibinigay sa kanya ng dating presidenteng si Erap Estrada.
Congressional race
Bagamat maagang pinaghandaan ni Nieva (NPC) ang laban sa 2010, namumuro na ang incumbent Rep Atong Asilo - PDP Laban (katiket ni Lim) sa 1st District. Two corner fight ang 2nd District, llamado ang incumbent Carlo Jim Lopez (Lim slate – Lakas) sa katunggaling ex-councilor Rolando Valeriano (NP). Anak ng dating pulitiko at ex-Rep Jaime Lopez si Carlo Jim, habang malapit sa dating President Erap Estrada ang oposisyong si Valeriano.
Sigurado na ang incumbent Rep. Naida Angpin (NPC-Razon's slate) sa 3rd District. Siya ang asawa ni ex-Rep Harry Angpin, dating ambasador sa China at may suporta sa Chinese community. Mukhang mahihirapang talunin ni ex-councilor Letlet Zarcal (LP) ang track record at resources ng mga Angpin.
Closed fight sa pagitan ng manok ng administrasyon at incumbent Rep Trisha Bonoan David (Lakas-KAMPI) at ex-Rep Rudy Bacani (katiket ni Lim-LP) sa 4rt District. Kung maipa-package ang mensahe at magandang imahe, maaring masilat ni Bacani si Trisha David, ang "tarpuline queen" ng Maynila.
Closed fight din ang 5th District. Sa pagitan ng incumbent Rep. Amado Bagatsing (KABABA - katiket ni LA- LP) at ex-Rep Joey Hizon (katiket ni Lim), dating Lakas-CMD at natalo sa vice mayoralty race noong 2007 election. Sa 6th District, llamado at malakas ang incumbent Benny Abante (Lakas-KAMPI) kaysa sa dalawa pa niyang katunggaling ex-Vice Mayor Danny Lacuna (NP) at ni Sandy Ocampo (Lim's slate), kilalang politikong angkan ng Manila.
Epekto sa Presidential Campaign
Walang mayoralty candidate si Villar (NP) at mahina ang kanyang partido sa congressional at city councilor race. Maliban kay Vice Mayor Isko Moreno, na hindi lubusang dapat pagkatiwalaan, dalawa ang kilalang kandidato ng Nacionalista Party (NP) na maaring makatulong at asahan ni Villar, si Valeriano na kandidato sa 2nd District at Danny Lacuna ng 6th District.
Ang problema ni Villar, matatag at malalakas ang local candidates ng Liberal Party at NPC-Lakas-KAMPI sa katauhan ng katunggaling si Sonny razon at incumbent Mayor Lim, tatlo pang katiket nito sa congressional race at halos kompletong slate sa city councilor.
Inaasahang mas malaki pa ang local machinery ng Lakas-KAMPI, Gibo Teodoro kaysa Nacionalista Party ni Manny Villar. Bagamat itinuturing mahina sa Manila, sa laki ng pondong pangkampanya, may kakayahan makapagdeliver ng boto ang sino mang local candidates na makikipag-ututang dila kay Villar. "Tanging ang kaliwa't-kanan pakikipagnegosasyon (negotiated votes) ang aasahan ni Villar 'wag lang makopong ni Noynoy Aquino ang mahigit 50% boto sa Manila."
9 comments:
Kahit short, one liner....salamat pa rin Joy sa comment.
Predilection casinos? weed elsewhere this issue [url=http://www.realcazinoz.com]casino[/url] steersman and wing it denigrate online casino games like slots, blackjack, roulette, baccarat and more at www.realcazinoz.com .
you can also inhibit our brand-new [url=http://freecasinogames2010.webs.com]casino[/url] barter something at http://freecasinogames2010.webs.com and carry off the palm bear witness to incredibly touched in the noodle !
another unsurpassed [url=http://www.ttittancasino.com]casino spiele[/url] grade is www.ttittancasino.com , because german gamblers, feel haven unstinting online casino bonus.
tama kayo dyan. malalakas talaga ang liberal-kkk tandem sa manila. lalo ng yung mga bagong council candidates na katicket ni mayor lim.
Salamat sa mga komento. Pahabol, sana hindi maging NINGAS KUGUN ang kampanyang linisin sa iligal na campaign materials ni Mayor Lim - LP / KKK at ng Comelec, ang MAYNILA. Wag sanang SALAULAIN sa basura (tarp, posters) ng mga pulitiko ang kahabaan ng ESPANYA, ROXAS BLVD, QUIRINO Av, TAFT Av., Vito Cruz, RECTO Av, Avenida Rizal at paligid ng INTRAMUROS at Luneta areas sa basura.
Kung sa QC, mga iligal Campaign parapenalia sa kahabaan ng COMMONWEALTH, Quezon Av., EDSA, AURORA Blvd, MINDANAO at VISAYAS AV, TIMOG, EAST, WEST Av, E. RODRIGUEZ Av, TANDANG SORA, KALAYAAN Av., at KATIPUNAN AV.,
Many people are not believing in Manny Villar, but for me, I am much prepared with Villar, because they prove what will be the issue is being thrown.
alam nyo ba na maraming biniling boto yang c angpin sa 3rd district??ganyan klaseng tao yan!!the whole philippines must know..
retro jordans
goyard handbags
off white nike
air jordan
adidas yeezy
ferragamo belts
kobe byrant shoes
air max 270
golden goose sneakers
kobe shoes
try here replica bags china basics replica ysl visit this page replica gucci bags
Home Page Dolabuy Hermes see this here have a peek here pop over to this website Dolabuy Chloe
Post a Comment