Doy Cinco
Ang isyung pinagtatalunan na lang ay kung gaano kalaki ang kanyang magiging kalamangan; 10%, 15% o hihigit sa 20% at sinu-sino ang posibleng kakatawanin ng kanyang administrasyong (cabinet secretaries) may tendensiyang "center-left at liberal democratic formation." Ang sigurado, nakikinita na ang isang landslide victory for president para kay Noynoy Aquino.(Larawan: Noynoy Aquino http://cache.daylife.com/imageserve/0bx95FJ4c69AT/610x.jpg) Matapos pumanaw ang democracy icon ng bansa na si Tita Cory at nakitaan ng simpatya ng sambayanang Pilipino, naitulak sa presidentiable bet si Noynoy matapos bumaba sa Vice Presidentiable race si Mar Roxas. Popular na presidentiable candidate sa kasaysayan ng bansa si Noynoy Aquino. Mukhang siya na lang ang tanging presidentiable bet na may kakayahang pagkaisahin at tumugon sa ilang dekadang democratic deficit (political reform agenda) ng lipunang Pilipino. Kung mababa sa 70% ang voter's turn out (35.0 million -TO), ang 40% ni Noynoy ay katumbas ng botong 14.0 milyon, habang parehong naglalaro lamang sa 7.0 milyon boto o bahaging 20% si Manny Villar ng Nacionalista Party (NP) at Erap Estrada ng Partido ng Masang Pilipino (PMP). Sa kalamangang 19% sa sumisigundang kalaban at may kartang 39% ng kabuuang bilang ng botanteng Pilipino, lumalabas na mahigit 7.0 milyon ang inaasahang kalamangan ni Noynoy Aquino sa kanyang sumisegundang kalaban. Kung magkataon, tinatantyang hihigitan pa nito ang kinahinatnang panalo ni Pres Estrada nuong 1998 presidential election kung saan umani ito ng mahigit kumulang na 40% boto sa kabuuan. Isang himala at suntok sa buwang makakahabol pa ang pinaghihinalaang manok ng pamilyang Arroyo na si Manny Villar at ang nahatulan at na pardon sa kasong pandarambong na si dating Presidenteng si Erap Estrada. Apat (4:10) sa sampung botanteng Pinoy ang solidong Noyn Ipagpalagay na nating magkakatotoo ang argumento ng Defense Sec Norberto Gonzales na magkakaroon raw ng "failure of election," talamak ang dayaan, bilihan ng boto sa hanay ng lokal na election officers at magiging magulo ang kauna-unahang poll automated election sa bansa. Ang tanong ng marami, sino ang may kakayahan, may resources at may capabilities na mandaya sa eleksyon? Ang tanging kasagutan at persepsyon ng marami, "ang bantay salakay, ang malakanyang." Ipinagmamayabang ng Lakas-KAMPI ang 5-10% vote delivery ng kanyang lokal na makinarya na malamang maiswing vote sa sino mang paboritong manok ng pamilyang Arroyo. Ang masaklap, mas uunahing isalba nito ang kani-kanilang mga sariling kandidatura kaysa habulin ang mahigit 15% kalamangan ni Noynoy Aquino. Ang insidente ng pagmalfunction ng mga PCOS machine sa maraming lugar, kasama ang Metro Manila sa isinasagawang Testing and Sealing kahapon ay maaring isang simpleng teknikal na usapin na kayang resolbahin ng Smartmatic at Comelec. Sa malilikut ang isipan, tinitignang posibleng pananabotahe, politically motivated, bahagi ng isang iskimang guluhin ang democratic process at idiskaril ang peaceful transition ng kapangyarihan. Kaya lang, sa ayaw man natin o sa gusto, automated man ito o parallel manual counting, dumadagundong ang panawagang ituloy ang eleksyon sa Lunes, May 10, 2010. Katawa-tawa at mas kahiya-hiya tayo sa mundo, sa mata ng mamamayang Pilipino kung madidelay, papalpak o madidiskaril ang kauna-unahang poll automation sa bansa. Dalawa ang posibleng scenarios; Una, "kung sa failure of election o partial failure of election, walang dudang nakatuon sa pagsasawata sa napipintong landslide victory ni Noynoy Aquino, ang kalabang mortal sa pulitika ng pamilyang Arroyo at itinuturing ng Kaliwa na "tuta na raw ng Imperyalistang Estados Unidos." Ang tanging hangarin at makikinabang sa ganitong scenarios ay ang pwersang gustong manatili sa kapangyarihan, ang praning sa patung-patong na kasong pandarambong na dili't iba ang administrasyong Arroyo. Karugtong nito ang layuning itayo ang isang interim transition government o isang military junta." Ang pangalawa; "sa failure of eleksyon, marami ang naniniwala na ang dulong Kaliwa ang walang dudang makikinabang at aani ng mga labanan at sitwasyon. Katuwang ang ilang kandidato sa nasyunal, ang failure of election ay makapagki-create ng isang revolutionary situation, political uncertainty, anarchy at hindi mahirap paniwalaang sasakyan ito ng mga extremista tungo sa down fall ng ating demokratikong institusyon at estado. Walang dudang kasunod na ang pagtatayo ng isang diktaduryang sistema ng paggugubyerno, kahalintulad ng Burma at North Korea." |
Tuesday, May 04, 2010
Noynoy's landslide Victory and "Failure of Election"
Monday, May 03, 2010
Villaroyo at ang bangungot ng Local Machineries
Noynoy-Mar, namumuro
Halos tatlong linggo na lamang ang nalalabi bago ang paghuhusga. Sa takbo ng mga pangyayari, may saisenta porsiento (60%) ng labanan sa presidentiable ay tukoy na't namumuro na ang Noynoy-Mar tandem. Kung walang abirya sa kondukta't tutupdin ng Comelec ang kanyang mandato, kung mamiminimized ang pinangangambahan fraud and terrorism, partial failure of election at kung maimimintina ang double digit (+ 15%) na kalamangan ni Noynoy Aquino at ni Mar Roxas hanggang sa huling linggo ng April, peaceful transition, may bagong gubyernong astig at palabang presidenteng mapoproklama sa Hunyo, taong kasalukuyan.
Mula sa may 10 bilyong pisong winaldas sa air war at kampanya ng apat na presidentiable, magsi-shift na ang istratehiya patungo sa pinakadelikading na huling yugto ng labanan, ang pinakamagastos na pakikipag-negosasyon sa mga stakeholders (special Ops), vote protection at vote delivery operation. Ayon sa mga beteranong operador, isang-katlo (1/3) ng kabuuang gastos ng isang kandidato ay inilalaan sa “vote delivery at vote protection operation, meaning, ibinubuhos ang pondo sa bisperas, sa araw ng election, bilangan, canvassing hanggang proklamasyon.”
Sa panimulang pagtatasa, sinasabing “kung sino man ang maipo-project at pupusturang political activist, malinis,” maliban sa makinarya at resources ay siyang magtatagumpay sa lababan. Naging mapagpasya sa labanan ang air war o propagandang dala na "Villarroyo alliance," ang alegasyong sikretong lantad na manok ng pamilyang Arroyo na si Manny Villar. Marahil, bunsod na rin ng malamyang campaign message o pag-iwas laban sa kabulukan ng administrasyong Arroyo, ang pasibong mensaheng "sipag at tiaga," pagmamaramut ng campaign funds at turncoatism ng dominant party.
Sa loob lamang ng ilang buwan, halos lahat ng incumbent local candidates ng Lakas-KAMPI CMD candidates mula sa Northern Luzon pababa sa Mindanao, mula sa gubernatorial, congressional district at mayoralty, "kahit may pahabol na pork barrel-SARO mula sa Malakanyang ay nagsipaglundagan at tumaya na kay Manny Villar. Sa mga lugar na nabanggit, hindi tumaas ng 8% voter's preference ni Gibo Teodoro habang nasa mahigit 20-30% ang puntos na nakukuha ni Manny Villar."
Totoong nagtalunan na ang halos lahat ng Lakas-KAMPI local candidates kay Manny Villar. Kaya lang, ang malaking problema, imbis na makadagdag boto, mukhang nakabawas pa ito sa kanyang kredibilidad (Villar) at pagpapa-totoo ng Villarroyo alliance. Sapagkat, kung 'di man mga kilalang pusakal, mga high profile elite - trapo at halos limang taong humalik sa tumbong ni GMA ang siya ngayong nakapakat kay Villar; ang ilan dito ay sina; Chabit Singson-Ilocos Sur (Photo), angkang DY-Isabela, Mike Defensor-QC, Lilia Pineda-Pampanga, Armando Sanchez-Batangas, ang mag-amang si Pabling at Gwen Garcia-Cebu, ang anak ni Ex Sec Eduardo Ermita-Batangas, Zubiri-Bukidnon, ang mag-amang si L-ray at Louie Villafuerte-Cam Sur at Romualdez-Leyte, Jocjoc Bolante-Capiz, ex-Speaker Nograles-Davao at iba pa.
Pangalawa; hinggil sa usapin ng local machinery, walang garantiyang nagsasabing may malaking papel ang mga local candidates sa vote delivery para sa national candidates. Bukud sa poll automated system, mukhang mahihirapan ng maulit ang nakakahiyang trahedya sa ARMM, partikular sa mga Ampatuan ng Maguindanao, kung saan na-zero sa boto si FPJ noong 2004 presidential election. Napatunayan na sa maraming labanan at kasaysayan na naglalaro na lamang sa mahigit kumulang na 5% ang kapasidad ng vote delivery ng mga local candidates. Sa presidential race, ang "market votes" ang siya pa ring magdadala ng labanan.
Pangatlo; ang critical na scenarion ng partial failure of election na tinatantyang nasa 15-30% o katumbas ng 3 - 5 milyong botong maaring mapasakamay sa sino mang manok ng administrasyong Arroyo.
Panghuli; kung pagsasamahin ang vote delivery capacity (5%) at partial failure ng election, mauuwi sa closed fight ang labanan. Kaya lang, tulad nuong 1998 Erap landslide victory, ang bangungot na pinagyayabang alas na local machineries ng Lakas-KAMPI ay mabubulilyaso at kakapusin. Mas malapit sa katotohanang mas uunahin pa nitong isalba ang sariling kandidatura kaysa sa paki-alamanan pa at ipanalo ang manok sa national candidate ayon sa dikta ng Malakanyang o partido.
Sa Pilipinas, “mapagpasyang nasa apat (4) na key players" ang isina-sa-alang-alang sa presidential election; Una, ang suporta ng simbahan. Pangalawa; ang suporta ng malalaking negosyo. Pangatlo; ang suporta ng PNP-AFP at Panghuli; ang suporta ng Estados Unidos. Kung may 3 ka dito, panalo kana. Ang malungkot na tanong, nasaan ang kilusan ng mamamayan at masang Pilipino sa apat?
Thursday, March 18, 2010
Lakas-Kampi will swing vote to Manny Villar?
Doy Cinco
Partido Lakas-KAMPI (PALAKA)
Malaking bahagi ng Lakas-KAMPI congressional district, gubernatorial at mayoralty candidates sa Luzon, Visayas and Mindanao will go for Villar (NP) and Noynoy Aquino (LP), ija-JUNK ang sariling kandidatong si Gibo Teodoro at pipiliting i-ZERO ang botong makukuha ang kalabang mortal ng pamilyang Arroyo na si Noynoy Aquino. Ang JUNGKING, pagtataksil, trayduran at OPORTUNISMO ay karaniwan kalakaran sa sistema ng (buluk) electoral politics sa bansa. (Photo: Sen Villar and Pres Gloria Arroyo)
Kabalintunaang sa inaakala ng marami na magpapatumpik-tumpik pa't aasa pang maka-angat pa sa presidentiable race si Gibo Teodoro. Tanging si Manny Villar na lamang ang pinakamalapit, "ang pinakamalamya't tahimik sa isyu ng pananalaula ng demokratikong institusyon at pandarambong ng pamilyang Arroyo sa gubyerno.
Isa sa mga palatandaan ng radical shift ng Lakas-KAMPI CMD para kay Manny Villar ay ang diversion ng bilyung pisong campaign funds na nakalaan sana sa mga local candidate at platapormang pasibong non-political na "sipag at tiaga." Randam ng mga kandidatong nasa Lakas-KAMPI ang bara kundi man ang pagmamaramut at kakulangan ng suportang pondo. Maaaring patingkarin ang kahinaan at kabulukan ng partido sa bansa, pero, may malaking kinalaman ang panggagapang at turncoatism ang pamilyang Arroyo.
Batid ng mga operador ng Malakanyang (Sec Ed Ermita, Ronnie Puno) ang kamandag ng "kiss of death" at ano mang klaseng estratehiya't taktika ang gawin, suntok sa buwan at isang pagpapakamatay ang pagsuporta sa kandidatura ni Gibo Teodoro. "Hindi tataya ang pamilyang Arroyo sa mga talunan." Alanganing pumakat ang pamilyang Arroyo kay Erap Estrada at lalong imposibleng bumakas ito sa kalabang mortal sa pulitika na si Noynoy Aquino. (Larawan; Gibo and DILG Sec Puno / midfield.files.wordpress.com/
Lahat ng kaututang dila't padrino ng pamilyang Arroyo (Mike Arroyo) noong nakaraang 2004 presidential election, mga malalaking kontratista't ligal at iligal na negosyo na 9 years na namayagpag sa administrasyong Arroyo, tulad ni Bobby Ongpin Jr at Ramon Ang ng San Miguel Corporation (SMC), construction magnate Reghis Romero, Enrique K. Razon Jr ang may ari ng isa sa pinakamalaking International Container and Terminal Services Inc. (ICTSI) sa South East Asia, ilang TAIPAN at Bong Pineda, ang weteng lord ng Pampanga ay pinaniniwalaang nakapakat na kay Manny Villar. Kaya nitong bilhin ang kaluluwa ng sino mang stakeholders, ineutralisa ang mga kalabang kandidato mula sa national (pagpapa-atras kina Erap Estrada, Gordon at Jamby Madrigal) at local candidates, media at kilalang religious organization na may taglay-taglay na “command votes” kahalintulad ng Iglesia ni Kristo (INK). (Photo: Lakas-KAMPI Vice Pres'l bet Edu Manzano)
Ang Vice Presidential bet na si Edu Manzano (Photo) ang unang umaray sa pagmamaramut ng campaign funds ng partido. Maging ang mga senatoriable at local candidates (Lakas-KAMPI) ay na-dis-orient sa itinatakbo ng mga pangyayari. Habang dilat ang mata sa kahihintay ng pondo ang mga local candidates, paldo-paldo at umuulan ng bilyong pisong gastos ang kampanya't political Ad ni Manny Villar.
Hindi maiiwasan na magsagawa ng emergency measure ang pamunuan ng partido. May gustong paimbestigahan ang malalang sitwasyon, may gustong magkaroon na ng emergency meeting at manawagan ng loyalty check, mayroon namang nagsasariling kayod at umasa na lamang sa suporta ng kani-kanilang pamilya't kamag-anak.
Sa katunayan, ilang buwan bago ang filling of candidacy (Nov 2009), nag-exudos na ang may malaking bilang ng mga local candidates ng Lakas-KAMPI, naglundagan at iniwan na ang partidong may 9 na taong inaruga ng administrasyong Arroyo. Hindi mahirap paniwalaang malapit ng maguho ang kastilyong buhangin kahalintulad ng kinasapitan ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ni President Marcos, LDP at Partido ng Masang Pilipino (PMP) na itinayo ng dating presidenteng si Erap Estrada.
Sa kasalukuyan, ang Lakas-KAMPI na may 70 % presence of local candidates ang kinikilala at mayoryang partido sa bansa. Katumbas ito ng 10.0 million boto na sana'y para kay Gibo Teodoro na sa kasawiang palad maisu-swing ang boto (swing votes) para sa kandidatura ni Manny Villar, ang "sikretong lantad" na kandidato ng pamilyang Arroyo.
Lakas-KAMPI Congressional District:
MANILA: 2nd District – Rep. Jaime C. Lopez; 4th District – Rep. Ma. Theresa Bonoan-David; 6th District – Rep. Bienvenido M. Abante, Jr. MARIKINA: 1st District – Rep. Marcelino R. Teodoro. PARAÑAQUE: PASIG: Rep. Roman T. Romulo. QUEZON CITY: 1st District – Rep. Vincent P. Crisologo; 3rd District – Rep. Matias V. Defensor, Jr (PHOTO).. TAGUIG-PATEROS: 2nd District – Rep. Henry M. Dueñas.
REGION I / ILOCOS NORTE: 1st District – Rep. Roque R. Ablan, Jr.. ILOCOS SUR: 1st District – Rep. Ronald V. Singson; 2nd District – Rep. Eric D. Singson. LA UNION: 1st District – Rep. Victor F. Ortega (PHOTO); 2nd District – Rep. Thomas L. Dumpit Jr. PANGASINAN: 1st District – Rep. Arthur D. Celeste; 3rd District – Rep. Rachel J. Arenas.
REGION II / CAGAYAN: 2nd District – Rep. Florencio L. Vargas. ISABELA: 1st District – Rep. Rodolfo T. Albano III. QUIRINO: Lone District – Rep. Junie E. Cua.
CAR / ABRA: Lone District – Rep. Cecilia S. Luna. Baguio City: Lone District – Rep. Mauricio G. Domogan. KALINGA: Lone District – Rep. Manuel S. Agyao.
REGION III / BATAAN: 1st District – Rep. Herminia B. Roman, 2nd District – Rep. Albert Raymond S. Garcia. BULACAN: 1st District – Rep. Ma. Victoria R. Sy-Alvarado, 2nd District – Rep. Pedro M. Pancho, 3rd District – Rep. Lorna C. Silverio, 4th District – Rep. Reylina G. Nicolas. San Jose Del Monte City: Lone District – Rep. Arturo B. Robes. NUEVA ECIJA: 2nd District – Rep. Joseph Gilbert F. Violago, 3rd District – Rep. Czarina D. Umali, 4th District – Rep. Rodolfo W. Antonino (Photo). PAMPANGA: 1st District – Rep. Carmelo F. Lazatin, 2nd District – Rep. Juan Miguel M. Arroyo, 3rd District – Rep. Aurelio D. Gonzales, Jr.. TARLAC: 2nd District – Rep. Jose V. Yap, 3rd District – Rep. Jeci A. Lapus. ZAMBALES: 1st District – Rep. Ma. Milagros H. Magsaysay.
REGION IV / BATANGAS: 1st District – Rep. Elenita Milagros E. Buhain, 3rd District – Rep. Victoria H. Reyes. CAVITE: 2nd District – Rep. Elpidio F. Barzaga, Jr. LAGUNA: 1st District – Rep. Danilo Ramon S. Fernandez. QUEZON: 3rd District – Rep. Danilo E. Suarez (Photo). Antipolo City: 1st District – Rep. Roberto V. Puno, 2nd District – Rep. Angelito C. Gatlabayan. MARINDUQUE: Lone District – Rep. Carmencita O. Reyes. OCCIDENTAL MINDORO: Lone District – Rep. Amelita C. Villarosa. ORIENTAL MINDORO: 1st District – Rep. Rodolfo G. Valencia. PALAWAN: 1st District – Rep. Antonio Alvarez. ROMBLON: Lone District – Rep. Eleandro Jesus F. Madrona.
REGION V / ALBAY: 1st District – Rep. Edcel C. Lagman, CAMARINES SUR: 1st District – Rep. Diosdado M. Arroyo, 4th District – Rep. Felix R. Alfelor, Jr. MASBATE: 1st District – Rep. Narciso R. Bravo, Jr., 2nd District – Rep. Antonio T. Kho. SORSOGON: 2nd District – Rep. Jose G. Solis.
REGION VI / AKLAN: Lone District – Rep. Florencio T. Miraflores. ANTIQUE: Lone District – Rep. Exequiel B. Javier. CAPIZ: 2nd District – Rep. Fredenil H. Castro. GUIMARAS: Lone District – Rep. Joaquin Carlos Rahman A. Nava. ILOILO: 1st District – Rep. Janette L. Garin, 2nd District – Rep. Judy J. Syjuco, 3rd District – Rep. Arthur D. Defensor (Photo). Iloilo City: Lone District – Rep. Raul T. Gonzalez, Jr.. NEGROS OCCIDENTAL: 2nd District – Rep. Alfredo D. Marañon III, 3rd District – Rep. Jose Carlos V. Lacson, 5th District – Rep. Ignacio T. Arroyo. Bacolod City: Lone District – Rep. Monico O. Puentevella
REGION VII / BOHOL: 1st District – Rep. Edgardo M. Chatto, 2nd District – Rep. Roberto C. Cajes. CEBU: 2nd District – Rep. Pablo P. Garcia, 3rd District – Rep. Pablo John F. Garcia (Photo), 4th District – Rep. Benhur L. Salimbangon. Cebu City: NEGROS ORIENTAL: 3rd District – Rep. Pryde Henry A. Teves. SIQUIJOR: Lone District – Rep. Orlando B. Fua, Sr
REGION VIII / EASTERN SAMAR: Lone District – Rep. Teodulo M. Coquilla. LEYTE: 1st District – Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez (Photo), 2nd District – Rep. Trinidad G. Apostol, 3rd District – Rep. Andres D. Salvacion, Jr., 4th District – Rep. Eufrocino M. Codilla, Sr., 5th District – Rep. Carmen L. Cari. NORTHERN SAMAR: 2nd District – Rep. Emil L. Ong. SAMAR: 1st District – Rep. Reynaldo S. Uy, 2nd District – Rep. Sharee Ann T. Tan. SOUTHERN LEYTE: Lone District – Rep. Roger G. Mercado
REGION IX / ZAMBOANGA DEL NORTE: 1st District – Rep. Cecilia Jalosjos-Carreon, 2nd District – Rep. Rosendo Labad-Labad, 3rd District – Rep. Cesar G. Jalosjos (Photo). ZAMBOANGA SIBUGAY: 1st District – Rep. Belma A. Cabilao, 2nd District – Rep. Dulce Ann Hofer.
REGION X / BUKIDNON: 1st District – Rep. Candido P. Pancrudo, 3rd District – Rep. Jose Maria F. Zubiri III. CAMIGUIN: Lone District – Rep. Gov. Pedro P. Romualdo, LANAO DEL NORTE: 2nd District – Rep. Abdullah D. Dimaporo. MISAMIS OCCIDENTAL: 1st District – Rep. Marina P. Clarete, 2nd District – Rep. Herminia D. Ramiro. MISAMIS ORIENTAL: 2nd District – Rep. Yevgeny Vicente Emano, Cagayan de Oro City: 1st District – Rep. Rolando A. Uy
REGION Xl / COMPOSTELA VALLEY: 1st District – Rep. Manuel E. Zamora, 2nd District – Rep. Rommel C. Amatong. DAVAO DEL NORTE: 1st District – Rep. Arrel R. Olaño, 2nd District – Rep. Antonio F. Lagdameo, Jr.. DAVAO DEL SUR: 1st District – Rep. Marc Douglas C. Cagas IV, 2nd District – Rep. Franklin P. Bautista. Davao City: 1st District – Rep. Prospero C. Nograles (photo), DAVAO ORIENTAL:1st District – Rep. Nelson L. Dayanghirang, 2nd District – Rep. Thelma Z. Almario
REGION Xll / NORTH COTABATO: 1st District – Rep. Emmylou G. Taliño- Santos, 2nd District – Rep. Bernardo F. Piñol. SARANGGANI: Lone District – Rep. Erwin L. Chiongbian. SULTAN KUDARAT: 1st District – Rep. Datu Pax Pakung S. Mangudadatu, 2nd District – Rep. Arnulfo F. Go
ARMM / LANAO DEL SUR: 1st District – Rep. Faysah R.P.M. Dumarpa, 2nd District – Rep. Pangalian M. Balindong. MAGUINDANAO: 2nd District – Rep. Simeon A. Datumanong (Photo). SULU: 1st District – Rep. Yusop H. Jikiri, 2nd District – Rep. Abdulmunir M. Arbison. TAWI-TAWI: Lone District – Rep. Nur J. Jaafar
CARAGA / AGUSAN DEL NORTE: 1st District – Rep. Jose S. Aquino III, 2nd District – Rep. Edelmiro A. Amante. DINAGAT ISLAND: Lone District – Rep. Glenda B. Ecleo. SURIGAO DEL NORTE: 1st District – Rep. Francisco T. Matugas, 2nd District – Rep. Guillermo A. Romarate, Jr.. SURIGAO DEL SUR: 1st District – Rep. Philip A. Pichay
Incumbent Lakas-KAMPI Governors:
REGION I / ILOCOS NORTE: Gov. Michael Marcos Keon. ILOCOS SUR: Gov. Deogracias Victor S. Savellano. PANGASINAN: Gov. Amado T. Espino, Jr. (larawan)
REGION II / BATANES: Gov. Telesforo F. Castillejos. CAGAYAN: Gov. Alvaro T. Antonio. QUIRINO: Gov. Dakila Carlo E. Cua.
CAR / ABRA: Gov. Eustaquio P. Bersamin. APAYAO: Gov. Elias K. Bulut, Sr.. BENGUET: Gov. Nestor B. Fongwan. KALINGA: Gov. Floydelia R. Diasen. MT. PROVINCE: Gov. Maximo B. Dalog
REGION III / BATAAN: Gov. Enrique T. Garcia, Jr. (Larawan). NUEVA ECIJA: Gov. Aurelio M. Umali
Reg IV / BATANGAS: Gov. Teresita S. Lazaro. ORIENTAL MINDORO: Gov. Arnan C. Panaligan. PALAWAN: Gov. Mario Joel T. Reyes. ROMBLON: Gov. Natalio F. Beltran III
REGION V / ALBAY: CAMARINES NORTE: Gov. Jesus O. Typoco Jr. CATANDUANES: Gov. Joseph C. Cua. MASBATE: Gov. Elisa Olga T. Kho. SORSOGON: Gov. Sally Ante-Lee
REGION VI / AKLAN: Gov. Carlito S. Marquez. GUIMARAS:Gov. Felipe Hilan A. Nava, NEGROS OCCIDENTAL:Gov. Isidro P. Zayco
REGION VII / BOHOL: Gov. Erico B. Aumentado, CEBU: Gov. Gwendolyn F. Garcia (Photo), SIQUIJOR:Gov. Orlando A. Fua, Jr.
REGION VIII / EASTERN SAMAR: Gov. Ben P. Evardone, LEYTE: Gov. Carlos Jericho L. Petilla, SAMAR: Gov. Milagros T. Tan, SOUTHERN LEYTE: Gov. Damian G. Mercado
REGION IX / ZAMBOANGA DEL NORTE: Gov. Rolando E. Yebes, ZAMBOANGA DEL SUR: Gov. Aurora E. Cerilles (photo), ZAMBOANGA SIBUGAY: Gov. George T. Hofer
REGION X / BUKIDNON: Gov. Jose Ma. R. Zubiri, LANAO DEL NORTE: Gov. Mohammad Khalid Q. Dimaporo, MISAMIS OCCIDENTAL: Gov. Loreto Leo S. Ocampos, MISAMIS ORIENTAL: Gov. Oscar S. Moreno
REGION Xl / COMPOSTELA VALLEY: Gov. Arturo T. Uy, DAVAO DEL NORTE: Gov. Rodolfo P. Del Rosario (Photo), DAVAO ORIENTAL: Gov. Corazon M. Malanyaon
REGION Xll / NORTH COTABATO: Gov. Jesus N. Sacdalan, SARANGGANI: Gov. Miguel Rene G. Dominguez, SULTAN KUDARAT: Gov. Suharto T. Mangudadatu
ARMM / LANAO DEL SUR: Gov. Mamintal A. Adiong, SULU: Gov. Abdusakur M. Tan, TAWI-TAWI: Gov. Sadikul A. Sahali, TAWI-TAWI: Gov. Sadikul A. Sahali, SULU: Gov. Abdusakur M. Tan
CARAGA/ AGUSAN DEL NORTE: Gov. Erlpe John M. Amante (Photo), AGUSAN DEL SUR: Gov. Ma. Valentina P. Cornelio, DINAGAT ISLAND: Gov. Geraldine E. Villaroman, SURIGAO DEL NORTE: SURIGAO DEL SUR: Gov. Vicente T. Pimentel, Jr.
