Monday, January 19, 2009

Justice for Hire


Doy Cinco/Jan 20, 2009

Sinong tangang Pilipino ang maniniwalang "walang kurakot, walang suhulan at walang cashunduang naganap sa kaso ng Alabang Boys.” Mas mahirap paniwalaang ng mahigit isang libong beses na isang malinis, walang bahid katiwalian at transparency ang ahensyang may track record, may negatibong pagtitiwala at walong taong paguggubyernong punung-puno ng controvercy, iskandalo at katiwalian. Sa isang pangkaraniwang Pinoy, simpleng kasabihang “ang pinagbantay (pinag-imbistiga) ng repolyo ay ang mga kambing o parang sinasabing ang pinagbantay ng mga sisiw ay grupo ng mga lawin o buwitre.” 

Kung matatandaan, kinatigan ng National Bureau of Investigation (NBI) na walang naganap na suhulan sa pagitan ng mga akusado (magulang) ng Alabang Boys at mga prosecutor-piskalya ng Department of Justice (DOJ). Kaya lang, para sana maging impartial o walang pinapanigan, imbis na “independent group" sana ang naitatag, NBI ang naatasang nag-imbistiga na alam naman ng lahat ay nasa ilalim ng pangangasiwa't tungki ng ilong ni Sec Raul Gonzales ng Dept of Justice (DOJ).

"Sila (piskalya) ang inaakusahan predator o nakatanggap ng suhol, sila pa rin ang humusga sa kanilang mga sarili na sila'y mga inosente." Sintido kumon lang, sinong nilalang ang mag-aakusa sa kanilang mga sarili na guilty sa  kurakot? Ang problema, na-una ng naihayag ng Umbudsman na si Merciditas Gutierez na "talamak ang katiwalian, suhulan at pangungurakot sa hanay ng mga prosecutor sa ilalim ng sistema ng hustisya sa DOJ."

Ito na nga ba ang pinangangambahan ng marami na ang Hustisya sa bansa ay weder-weder, moro-moro lamang at bayaran (Justice for hire) lamang. Tulad ng iba pang insidente ng pangungurakot at martyrdom ng ating mga whistleblower, "ang ZTE broadband, Mega Pacific ACM, Macapagal Highway, Jocjoc Bolante Fertilizer scam, Northrail at hindi mabilang na katiwaliang nauuwi lamang sa wala at nababaligtad ang mga pangyayari.

Parang ang niRAPE ang siyang pinalabas na may kasalanan. "may rape, pero walang rapist," ang biktima ang siya pang naparusahan, ang nandaya't nagdagdag-bawas sa botohan ang ginawang bayani't naipromote, tinitingala'tginagawang Ninong / Ninang at pinagsasalita sa mga gatherings, ang niyurakan at sinalaula ang pinalabas na kontrabida, terorista, destabilizer, nanggugulo at ang mga kurakot ang pinalabas na bayani, tumatalima sa rule of law at nagmamahal sa bayan.”

Related Story:

Congressman doubts NBI resolution on bribery claim vs DOJ
abs-cbnNEWS.com |
ParaƱaque Rep. Roilo Golez on Tuesday cast doubt on the National Bureau of Investigation's (NBI) resolution absolving state prosecutors from bribery allegations by the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
http://www.abs-cbnnews.com/nation/01/20/09/nbi-not-enough-clear-doj-bribery-issue-golez

2 comments:

Admin said...

Yan, ang bansang Pilipinas. Masyadong nabigyan ng karapatan ang mga tao, kaya ayun, nag-uunahang kumakamkam ng kung anong pwede nilang pigain. Ang masakit pati ang hustisya na dapat pag-asa man lang ng isang taong naapi ay kinuha pa nila. Sino ba ang tunay na sindikato? Hindi ba ang gobyernong ito. Kampihan sila, para takpan ang katotohanan, takpan ang ginagawang kabaluktutan.

doy said...

sinabi mo pa....korek ka diyan jake. salamat sa komentaryo....