Tuesday, January 06, 2009

Buluk na Hustisya


Doy Cinco / Jan 7, 2009
Habang nalululong tayo sa isyu ng panggagahasa ng Zionistang Israel sa GAZA, pansamantalang nakakaligtaan natin ang matinding gulo sa sariling bayan, ang araw-araw na katiwalian, pangungurakot, pang-aabuso at immoralidad sa gubyerno. Kung sa Gaza ay inaasahang aabot sa isang libo (1,000) ang casualties, wala ito sa kalingkingan sa dinaranas ng mga Pilipino; "libu-libong sanggol ang namamatay araw-araw, libong kababaihan ang naitutulak sa prostitusyon sa loob at labas ng bansa at talamak na child labor, daan-daan kabahayan ang iligal na winawasak, sa pilitang inililikas sa 'dimakataung kalagayan malayo sa kanilang pinaghahanapbuhayan, kulang ng batayang serbisyong panlipunan, namamatay na dilat ang mata sanhi ng gutom at masidhing karalitaan.

Higit sa lahat, daang libo ang n
aapektuhan, namamatay dahil sa internal conflict, digmaang sa Mindanao at buong kapuluan." Mas kahiya-hiya't masahol pa tayo ng ilang doble sa trahedyang kinasasapitan ng mga Palestino. Mag lokal at INWARD LOOKING muna tayo.

Mula sa pagyurak, pang-aapi sa pamilyang De LaPaz ng mga Pangandaman, kasama ang siga-sigang Kalihim ng DAR hanggang sa “Alabang Boys - DOJ” controvercy at pagkuyog sa batas na nagpapalawig sa Reporma sa
Agraryo. Ang paulit-ulit na tanong ng marami, “may hustisya pa ba, buluk na nga ba ang sistemang LEGAL sa bansa”? Marahil ito na nga ang mga palatandaan kung bakit hindi matapos-tapos ang rebelyon at insureksyon, bumabaling ang mamamayan sa extra-legal, extra-constitutional means hanggang sa paggamit ng dahas para kamtin ang tunay na katotohanan, hustisya't katarungan.

Maliban sa sinasabing ang "pangungurakot ang pangunahing banta o road block sa isang credible n
a judiciary, nandiyan din ang kakulangang reputable legal counsel, crooked cops, JUDGE for HIRE, poor correctional facilities, clogged dockets, dragging indictment of cases at mayorya ng mga abugado at Huwes (judges) ay dissatisfied sa selection process ng mga ina-appoint sa Judiciary." (Larawan: DOJ Sec Raul Gonzales)

Sa isang Estadong naghihingalo, lupaypay, mahina't lulugu-lugo ang mga institusyon, tiyakna nauuwi lamang sa moro-moro ang “rule of law”. Malalim at systemic ang tagos ng inhustiya sa lipunan at ayon sa mga Bishop, ngayon na mismo ang "pangangailangan ng isang reporma at radikal na pagbabago." Ang ATTACK DOG ng Malakanyang na si Sec Raul Gonzales at ang Dept of Justice (DOJ), ang ahensyang masugit na tagapagtanggol, key player sa political survival ni Ate Glo at pangunahing nagpapairal daw ng hustisya, ang siya na ngayo'y nalalagay sa kahihiyan at unti-unting nahuhubarang "BANTAY SALAKAY." Ang nakakalungkot isipin, kung said tayo sa rule of law, sagana naman tayo sa, "ganti-gantihan-pulitikahan, bata bata, padri-padrino, may kapit ka, may koneksyon ka sa itaas - kapit ka sa tuko, ang malalakas (powerful) at malapit sa Malakanyang ang siyang nakapangyayari, “weather-weather lang ang ating batas.”

Buti na lang may bilang sa daliri tayong naninindigan sa katotohanan, si Jun Lozada, PDEA Special Enforcement Service head Maj. Ferdinand Marcelino at iba pang mga nagmamalasakit, martyr na whistle blower.

Related Story:
Mu
lti-million dollar funds wasted as corruption worsens under Ombudsman Gutierrez---report
Millions of dollars in funding support appear to have been wasted as corruption in the Philippines progressively worsened in the past two years, a Millennium Challenge Corp. evaluation report showed.

The worsening status of corruption, which was noted in 2007 and 2008 by the MCC, “raises questions about the efficacy” of MCC-funded anti-corruption programs of the Ombudsman amounting to millions of dollars, the report said. The MCC is a US government-owned corporation managing the Millennium Challenge Account aimed at helping governments lick corruption.
http://www.abs-cbnnews.com/nation/01/07/09/multi-million-dollar-funds-wasted-corruption-worsens-under-ombudsman-gutierrez-repor