Doy Cinco / January 9, 2009
Ang Narco Politics ay ang tinatawag na "unholly practice ng pagpipinansya ng election campaign sa mga political candidates, mula presidente sa itaas hanggang baba; kongresman, gobernador at punung lunsod. Tulad ng Pilipinas, talamak sa mga bansang may katangiang "weak state;" Columbia sa South Amerika, Afghanistan, Golden Triangle sa Indochina at iba pang mga bansang may presensya ng drug cartel ang Narco Politics." (Photo: Pres Uribe ng Columbia at si Bush; www.aljazeera.com/news/
Sa pamamagitan ng paggastos at makapag-ambag (20 - 50% ng total budget) sa election campaign, sinasamanatala ng Narco Politics ang kahinaan at kakulangan ng mga pulitiko na makapag-raised ng may mahigit kumulang na P10.0 – 15.0 bilyong piso na kakailanganin para sa isang seryosong PRESIDENTIABLE na may supistikado't functional na lokal na pampulitikang makinarya, minimum na P500.0 milyon para sa isang senetoriable, mga P100.0 – 500.0 milyon para sa kampanya sa congressional district, mga P250.0 milyon hanggang P1.0 bilyong piso sa malaking probinsya at mga P300.0 milyon para sa isang maunlad na lunsod.
Lubusang nakikinabang ang Narco Politics, kasama ang Weteng Lords sa kabulukan at magastos na katangian ng buluk na sistema ng eleksyon sa Pilipinas. Sa katunayan, hindi mangingiming magwaldas ng malaking pondong pangkampanya ang isang TRAPO candidates na uhaw na uhaw sa kapangyarihan, tanggapin ang drug money para manalo sa eleksyon at bilang kapalit at utang na loob, proteksyunan ang emperyong negosyo't kalakal na droga sa palengke.
Parang may "symbiotic relationship ang pinasok na balangkas ang politiko at narco politics para sa kanilang magkaparehong interest at benepisyo." Ang masamang epekto, accountable ang isang pulitiko sa Drug Lords na siyang nagpondo sa kanyang kampanya kaysa sa mamamayang botanteng nabigyan ng ilang kilong bigas, delata, noodles, t-shirts, e-load, insurance, scholarship, appliances, trip to Hongkong, napagtayuan ng poso o nabinipisyuhan ng kakaunting kinang ng salapi at bitin na serbisyong pambayan.
Dahil sa talamak na pangungurakot na kalakaran, mabilis na lumaganap ang illegal na droga sa bansa bunsud na rin sa kagagawan at mahigpit na pangangalagang ipinu-provide na serbisyo ng ilang mga tiwaling matataas na opisyal ng gubyerno sa mga drug lords o narco politics. Hindi lang taong gubyerno't mga pulitiko ang hawak sa leeg ng narco politics, ultimo ang ilang matataas na opisyal ng PNP at AFP ang katuwang sa proteksyon raket sa mga drug lords at drug syndicates.
Dama na natin ang epekto ng Narco Politics sa pang-araw-araw na takbo ng sistemang pulitika sa bansa. Mula sa Kongreso, Judiciary, ginapang na rin nito ang pambansang sangay sa ehekutibo o National executive sa gubyerno. Ayon sa mga source, " tinatayang may mahigit kumulang na P500.0 bilyon o kalahating trilyong piso ($10.0 billion) ang illegal drug trade sa Pilipinas taun-taon. Base sa pinakahuling ulat ng United Nation 2008 World Drug report, tayo na ang validictorian o numero uno na malakas gumamit ng droga sa Timog-Silangang Asya."
Sa isang bansang may hindi kukulangin na $90.0 billion GDP (Gross Domestic Product) at may $1,000 GDP per capita income, ang halagang $10.0 billion drug trade ay walang dudang katumbas ng kakayahang BILHIN ang anumang bagay sa mundong ibabaw, ito ma'y isang presidente, senador, congressmen, judges, media, hanay ng kapulisan at military. Hinihinalang nasa orbit o kabilang na ang Pilipinas sa international crime network syndicate, sentro ng produksyon, bagsakan o transhipment ng droga tungo sa mas affluent drug market sa Japan, US at Europe.
Ito ang mga kadahilanan kung bakit may "masidhing pangangailangang i-overhaul ang mahina at depektibong political structure o sistemang pulitika sa bansa, partikular ang pagsasareporma ng sistema ng election at paggugubyerno." Hindi mahirap paniwalaan na ang nagaganap na girian at tunggalian sa pagitan ng PDEA, DOJ at ilang matataas na opisyal sa hanay ng kapulisan at military sa umiinit at nagsasanga-sangang isyu ng "Alabang Boys" ay malamang may kaugnayan sa Narco Politics. (Election watchdogs are wary of alleged cheating and violence during vote canvassing. photo courtesy of Carmela Ledesma, www.pcij.org/i-report/2007/poll-watchdogs2.htm )
Dahil sa talamak na pangungurakot na kalakaran, mabilis na lumaganap ang illegal na droga sa bansa bunsud na rin sa kagagawan at mahigpit na pangangalagang ipinu-provide na serbisyo ng ilang mga tiwaling matataas na opisyal ng gubyerno sa mga drug lords o narco politics. Hindi lang taong gubyerno't mga pulitiko ang hawak sa leeg ng narco politics, ultimo ang ilang matataas na opisyal ng PNP at AFP ang katuwang sa proteksyon raket sa mga drug lords at drug syndicates.
Dama na natin ang epekto ng Narco Politics sa pang-araw-araw na takbo ng sistemang pulitika sa bansa. Mula sa Kongreso, Judiciary, ginapang na rin nito ang pambansang sangay sa ehekutibo o National executive sa gubyerno. Ayon sa mga source, " tinatayang may mahigit kumulang na P500.0 bilyon o kalahating trilyong piso ($10.0 billion) ang illegal drug trade sa Pilipinas taun-taon. Base sa pinakahuling ulat ng United Nation 2008 World Drug report, tayo na ang validictorian o numero uno na malakas gumamit ng droga sa Timog-Silangang Asya."
Sa isang bansang may hindi kukulangin na $90.0 billion GDP (Gross Domestic Product) at may $1,000 GDP per capita income, ang halagang $10.0 billion drug trade ay walang dudang katumbas ng kakayahang BILHIN ang anumang bagay sa mundong ibabaw, ito ma'y isang presidente, senador, congressmen, judges, media, hanay ng kapulisan at military. Hinihinalang nasa orbit o kabilang na ang Pilipinas sa international crime network syndicate, sentro ng produksyon, bagsakan o transhipment ng droga tungo sa mas affluent drug market sa Japan, US at Europe.
Ito ang mga kadahilanan kung bakit may "masidhing pangangailangang i-overhaul ang mahina at depektibong political structure o sistemang pulitika sa bansa, partikular ang pagsasareporma ng sistema ng election at paggugubyerno." Hindi mahirap paniwalaan na ang nagaganap na girian at tunggalian sa pagitan ng PDEA, DOJ at ilang matataas na opisyal sa hanay ng kapulisan at military sa umiinit at nagsasanga-sangang isyu ng "Alabang Boys" ay malamang may kaugnayan sa Narco Politics. (Election watchdogs are wary of alleged cheating and violence during vote canvassing. photo courtesy of Carmela Ledesma, www.pcij.org/i-report/
Kung walang maipapasang electoral reform bill (electoral conduct, vote buying at campaign Finance) ang kongreso at walang gagawing hakbang upang magapi ng administrasyong Arroyo ang istruktura't galamay ng "teroristang narco politics," nanganganib na makopong na nito ng tuluyan ang pulitika't kapangyarihan ng bansa at masalaula ang kasagraduhan ng nalalapit na 2010 presidential Election.
1 comment:
h3r55x1d07 d3i82e8w61 u6h66m0t79 j8o04p9u61 z4s56o0j63 c4d48g7n16
Post a Comment