Doy Cinco . Ika 3 ng Abril, 2009
Tulad ng inaasahan, banner headline na naman sa print at broadcast media ang resulta kanina ng Bar Examination sa bansa. Napuno na naman ang mga gimikan sa Ermita, big deal, parang tumama sa Lotto at Sweepstakes ang mga pamilya-nakapasa at biernes santo naman sa mga bumagsak. Sa 6,364 law graduates na kumuha, 1,320 o 20.58% lamang ang nakapasa. Nakuha ng San Sebastian ang topnotchers at pumangalawa ang Mindanao State University . Ayon sa mga kagawad ng Supreme Court, "kung hindi naibaba ang passing grade (mula sa 75 at naging 70%), baka mas kakaunti ang nakapasa.”
Minsan naalala ko ang isang komento ng isang bumisitang Scandinavian sa isang magulang na Pinay na mukhang nadis-orient sa kanyang napag-alaman na, “kung bakit ganun na lamang ka PANATIKO ang ating lipunan sa mga bagong pasadong mga attorneys” at bakit hindi kursong may kaugnayan sa SCIENCE and TECHNOLOGY ang pinapahalagahan?” Dagdag pa niya, “sa konteksto ng isang bansang tulad ng Pilipinas, kailangang daw natin ang maraming ENGINEERS, mga SCIENTIST, Information, Communication at Technology (ICT) pipol.”
Sa kanilang lugar (industrialisadong bansa sa Europe, Amerika at Hapon), balewala't hindi pinapansin ang mga resulta ng Bar Exam at ang pinatatampok, pinasisikat, modelo at binibigyang papuri ay mga ENGINEERS, SCIENTIST at Doctors. Lubhang napakarami na ng abugado sa Pilipinas. Kung bibilangin ang mahigit isang siglo (100 years) ng kanyang pamamalagi, libo ang gumagraduate, kumukuha ng Bar Exam at libo ang nakakapasa, baka siguro may mahigit kumulang na 100,000 na ang population ng mga attorney sa Pilipinas.
Makikita ang mga ito sa mga Notary Public, ang iba ay nagtuturo, nasa mundo ng PULITIKA at ang ilan ay practising lawyers (corporate lawyers), ang ilan ay nasa mga legal departments sa gubyerno na ang trabaho ay magdraft ng mga legal options.
Ang natitirang maliit na porsiento ng mga abugado ay nasa panig at nakikipaglaban sa interest ng maliliit, dukha at marginalized. Sila'y kabilang sa civil society at nasa forefronts ng labanan kung saan china-challenge ang status quo, nag-aadvocate ng demokrasya, hustisya para sa mamamayan at nagpo-promote ng pantay-pantay na distribution ng kapangyarihan at kayamanan para sa country, consumer-rights, environmental safety, gender equality at ibang usaping panlipunan.
Kung tutuusin, sa isang bansang “WEAK REPUBLIC,” kinukwestion ang “rule of law o ang hustisya,” na ang batas ay “para lamang sa mayayaman, ang pangungurakot ay pangkaraniwang kalakaran at matira ang matibay,” mukhang abugado nga ang pinakamagandang propesyon. Maaring sabihing kulang pa nga ng mga abugado lalo na sa konteksto ng kabagalan ng hustisya't laki ng backlog ng mga kasong nabibinbin sa piskalya't korte.
Ang sabi ng ilang kritiko, sa kahirapan dinaranas ng Pilipinas at ng mundo (resesyon), “hindi na gaanong kaimportante ang papel ng attorney sa bansa.” Ang mas kailangan ay makapagpasulpot ng mahuhusay na MANAGERS na magpapaunlad ng ekonomya, magpapalaki ng produksyon at employment.” Sa panahon ngayon, mahalagang maging handa ang Pilipinas sa paparating na unos at bagyong kasalukuyang nagpapahirap sa mamamayan Pilipino. Sa bumibilis at nagbabagong takbo ng mundo, mas kinakailangan natin sa ngayon ang maraming engineers, scientist, mga nasa ICT, mga guro, duktor, mga vocational na kakailanganin ng mga empresa't negosyo sa Pilipinas.
Sa isyu ng national competitiveness, mas mahalagang ipriority ang mga bagay na nagdedetermina ng antas sa pag-unlad o produktivity ng isang bansa. Ang mga ito ayon sa kanila ay mga saligang factors, mga patakaran at INSTITUTION." Kaya lang, ganito ba ang direction ng gubyernong nakaupo sa Malakanyang at bagong uupo sa 2010? Nakalulungkot tanggaping mas pinasisigla ang industria ng pulitika at naka-angkla sa pagpapalabas (OFW) ang patakarang at pinapairal na sistema ng ating edukasyon.
2 comments:
Nice post pare, Im a 2nd year law student. OK na man ang pananaw mo. pero eto lang side ko
una, mahirap maging abugado, ang law school ay hindi biro. wala lecture sa law school. papabasahin ka ng 500 pages a day (minsan lag pas pa) at mag tatanong lang ng mag tatanong ang titser.. minsan nag mumura pa sila... pwede nila gawin yun.. compulsory ang recitation. namamahiya sila...
pangalawa, siguro kaya madami gusto maging abugado, dahil ang culutra natin mga Pilipino ay puro politica. Bawat balita ang laman ay pulitika. at bawat bata ay nahuhubog sa direksyon iyon.
walang masama maging abugado at maraming abugado. actually kulang panga ang mga abugado. ang mga doctor ay nag liliktas ng buhay ng mga tao, ang abugado, Buhay, Kalayaan, pag aari ang pinoprotektahan at pinag lalaban..
sa America, grabe rin ang media coverage sa mga nag totop ng Bar. lalo na NY Bar.
Sorry at ngayon ko lang nasaba ang iyong napakahusay at constructive na komento, salamat Stethen.
Post a Comment