Tuesday, April 21, 2009

Ang Trahedya ng PARTY-LIST SYSTEM

Doy Cinco / ika 20 ng Abril, 2009

May mga natuwa, marami ang nangamba at mayroong nagdududa sa kautusan kahapon ng Korte Suprema na kompletuhin ang 20% ng kabuuang bilang ng Party-List sa Kongreso. Ito’y matapos ideklarang iligal at mali ang naunang desisyon patungkol sa distribusyon ng mga kinatawan sa party-list.

Mula sa 238, tinatayang may 32 mga kongresista ang maidadagdag mula sa dating 23. Mapupunan na ng maximum na 55 na bilang ng mambabatas mula sa party-list at aabot na sa mahigit 270 ang magiging kabuuang bilang sa Kamara de Representante. Sa halagang P350,000 kada buwan na gugugulin ng bawat isa sa kanila, ang Priority Development Assistance Fund o ang pork barrel at mga gastusin kakaharapin sa kani-kanilang tanggapan, inaasahang lolobo ang budget at tinatantyang may bilyong piso ang mawawaldas sa kabang yaman ng bayan.

Nangangamba rin ang marami sa tayming ng desisyon kung saan umiinit ang talakayan, maniubrahan at banta ng pagpapanumbalik ng Cha Cha, con-as, GMA forever Constitution. Sapagkat, lingid sa kaalaman ng lahat, kalakhang ng mabibiyayaan sa kautusan ng Korte Suprema ay pawang mga alanganin at malalapit sa Malakanyang. Ang ilan sa papasok ay ang retired General Jovito Palparan, ang Bayan Muna at Buhay na may tig-tatatlo, habang tigda-dalawa naman ang Citizens Battle Against Corruption (Cibac), Gabriela, Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC), A-Teacher, Akbayan, Alagad, Coop-Natco, Butil, Batas, ARC, Anakpawis, Abono, Amin, Agap, at An Waray.

Kung babalikan ang batas sa party-list, sinasabing “ito na raw ang hinihintay na reporma sa pulitika, madedemokratisa, mae-empower ang mamamayan partikular ang mga marginalized at underrepresented na sektor na magpartisipa sa mga desisyon, pag-ugit ng batas, patakaran at kahihinatnan ng sambayanang Pilipino.”

Ang malaking tanong, sa 10 taong pananalagi ng sistemang party-list, nademokratisa ba ang pulitika ng bansa at totoo bang nabura ang marginalization at underrepresentation ng pulitika? Narandaman ba nating humina ang pampulitikang dinastiya at angkan (political clan) sa buong kapuluan at naparalisa ba ang kani-kanilang mga kaharian sa probinsya, sa rehiyon, sa mga munisipalidad hanggang sa barangay ng dahil sa party-list (PL) ? Nagkaroon ba ng boses at partisipasyon ang mamamayan ? Humina ba ang traditional politicians (trapo), ang pampulitikang makinarya at na-weakened ba ang KAMPI, LAKAS-CMD, NPC at 2 iba pang malalaking pampuitikang partido sa bansa? Nabawasan ba ang guns gold at goons (3Gs), ang Kasal Binyag Libing (KBL), ang electoral violence at ang dayaan sa halalan dahil sa Party-List?

Sa maliit na bilang na 23 at kung saka-sakali ay 55, wala pa sa kalahati rito ay progresibo, nananawagan ng reporma’t pagbabago. Anong ibubuga nito sa kulang-kulang na 200 bilang ng TRAPO sa tongreso? Ang malungkot, kalakhan pa ng mga party-list ay mga pakawala at front ng mga ahensya ng gubyerno. Marami sa kanila ay nahawa na rin sa tradisyunal na pulitiko (trapo) kung mangurakot. Sa kalagayang weak ang Comelec, tuwing eleksyon, sadyang pinupuno ng mga traditional na pulitiko ang bilang ng bagong party-list na lumalahok sa eleksyon upang ma-margenalized ang mga progresibong party-list na makakuha ng sapat na porsiento upang maka-upo sa Kongreso. Dahil sa kalagayang minorya, ang tanong, may pagkakataong bang nangibabaw o nakaungos ang mga party-list sa pakikipagbali-taktakan sa TRAPO, sa Lakas, NPC at Kampi sa Kongreso? Masakit man tanggapin na nagmistulang mga display lamang, isang palamuti na pakunwaring may pagkilala ang estado sa mga maliliit, api at mahihirap na grupong kabilang sa party-list.

Ang trahedya, parang nalansi ang kilusan ng mamamayan sa akalang may repormang dala-dala ng party-list. Ang katotohanan, dahil sa party-list, nalulong ang kilusan at mga party-list nito na mag-advocate ng pagbabago sa national issue, magsagawa ng walang sawang rally at demonstrasyon at talikdan ang napakahalagang papel na mag-engaged sa LOCAL POLITICS, sumawsaw sa kilusang pulitika at kilusang demokratiko, lumahok at magpanalo sa halalan sa lokal.

Nagmumula ang lakas ng kapangyarihan ng trapo sa mahigpit na ugnayan at relasyon nito sa LOKAL na PULITIKA sa buong kapuluan. Sing-tibay ng epoxy ang koneksyon at makinarya nito sa probinsya, sa rehiyon at munisipalidad hanggang barangay. Isang matibay na pader na nakaugat ng ilang henerasyon ang paghahari at dominasyon ng dinastiyang pulitika’t angkan (political clan) sa lokal na pulitika sa buong bansa.

Ang trahedya, hindi ito prinayoridad, pinagtuunan ng pansin at prinoyekto ng progresibong kilusan, kasama ng kani-kanilang party-list, na tapatan, head-to-head na i-engage ang traditional politicians (trapo) sa lokal. Dahil sa default ng kilusan at party-list na hawak nito, nagawang ma-SOLO at mamanipula ng traditional na pulitiko ang pulitika sa lokal. Mukhang hindi na makasasapat ang labanang pulitika sa antas pambansa, mahalaga ang pagpapalapad at pag-iipon ng lakas, mahalaga na sa ngayon ang labanan sa LOKAL na PULITIKA.

Kung walang matibay na grass root political BASE ang mga trapo, ang elite, tiyak, parang kastilyong buhanging guguho ang kahariang ng elitistang pulitika sa bansa.

4 comments:

Anonymous said...

That minimal depth alone would not cease ten's of thousand's of dedicated gym customers from applying it though.



My web blog - best adjustable dumbbells

Anonymous said...

In some cases a rowing device can have challenges along with the weights on their
own; they might start to crack and clearly show indications of put on right after
some ages of use.

Here is my blog: Get the facts

Anonymous said...

They sit around the equipment and speak with one another about their households and new mobile phones.


Here is my weblog ... bowflex selecttech dumbbells

Anonymous said...

Personally I have employed nothing however the resistance bands.


Feel free to visit my webpage :: Recommended Site