Kamaikailan lang, hayagang binulalas ni Sen Manny Villar, presidentiable contender na “kung wala kang isang bilyung piso, ‘wag ka ng sumali sa 2010 presidential race.” Meaning, kung wala kang sapat na resources, logistic o war chest para sa isang matibay, functional na lokal na makinarya para sa 2010, nuisance candidate ka, siguradong talo kana at panggulo ka na lamang. Parang hayagang sinasabi ni Sen Villar na pera-perahan lang ang halalan sa Pilipinas. (Larawan: Among Ed hawak ang kalahating milyung pisong ipinamudmud ng plasyo; http://www.pcij.org/i-report/2007/governor-ed-panlilio.jpg)
Tama, prangka at praktikal lamang si Manny Villar na sadyang aminin na lubhang mahalaga na sa ngayon ang pera sa kampanyang eleksyon. Sapagkat, sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas, hindi plataporma, hindi track record, hindi prinsipyo at lalong hindi ideolohiya ang mapagpasya sa eleksyon, bagkus, ang PERA, PONDO, pan-langis, lohistika, lakas, pananakot at armas. Sa kalagayan ngayon, hindi na sasapat ang isang bilyung piso para manalo, para sa isang matatag na makinarya at propaganda campaign para manalo, mangangailangan ito ng hindi bababa sa sampung bilyung piso (P10.0 BILYON) pondo.
Hindi rin maisasa-isang tabi ang sariling pork barrel ng mga pulitiko at discretionary funds ng administrasyong Arroyo, directly o indirectly na pondong nakupit (lumpsum) na sa tantya ng marami'y hindi bababa sa P50.0 Bilyon, gamit pang-mudmud, pagkontrol at deterent sa pagiging lameduck president. Sisiguraduhing kaalyado ng palasyo ang palulusutin sa 2010, masiguradong hindi mapapahamak sa patong-patong na kakaharaping kasong pandarambong matapos ang panunungkulan sa Hunyo, 2010.
Mas lalala, titindi at umabot na sa rurok ng kagarapalan ang teknolohiya ng vote buying sa Pilipinas. Ultimo isang paslit na bata, alam na “walang eleksyon na walang dayaan.” Alam ng isang simpleng mamamayan na “pera ang nagpapatakbo ng halalan at para manalo, mamimili ka ng boto.” Ganito ka buluk ang halalan; “kung magandang lalaki ang kalaban pero mapapalabas mong ikaw ang mas maganda (image at visibility), dahil sa PERA, panalo kana. Kahit mahusay ang iyong plataporma de gubyerno, kung ang lengguwahe ng iyong katunggali ay mas akma sa mga botante at nasusustini ito sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na political ad sa broadcast at print media dahil sa PERA, panalo na siya. Kahit na popular ang iyong kalaban, pero malawak, masinsin at organisado ang pang-elektoral na makinarya, dahil sa PERA, panalo ka na. Kung seryoso at prinsipyado kang kandidato pero mas mapera at madaya ang kalaban mo, tiyak na talo ka na.”
Nagsisimula na ang vote buying sa Pilipinas at nag-innovate ang teknik at pamamaraan. Mula sa simpleng direkta pag-aabot ng pera sa isang mayor domo ng isang pamilya / angkan, para sa isang grupo (P100, 500 – 20,000), samahan at opisyal ng barangay, nagbago ang kaanyuan ng vote buying; ito’y kadalasa’y dinadaan na sa ATM na naglalaman ng suhol na pera, ang araw-araw na walang patid na solicitation letter (P100 – 1,000), INSURANCE, scholarship, pamimigay ng school supplies at pang TUITION, gamot at medical check-up, bigas at grocery item, family ACCESS CARD, construction material para sa pagpapatayo ng bahay, bill sa koryente, bill sa tubig at bill sa hospital.
Naging karaniwan na ang gawaing pamimigay ng cell phone o paLOAD, regalong motorsiklo, appliances (DVD player, TV, Stereo at iba pa), pamimigay ng wheel chair para sa matatanda, pamimigay ng bola ng basketball, valleyball, base ball, chess set, dart, libreng SAUNA / MASSAGE sa lahat ng mga teacher at barangay officials, stateside na alak, bottom less na pagpapainom, libreng trip to Boracay, ordinaryong beach resort hanggang sa HONGKONG, MALAYSIA, Thailand, Singapore at VIETNAM kung may malaking pondo, kasama ang pocket money.
Aasahan din ang milyung pisong maliliit na livelihood projects at mga infrastructure projects na inilalaan ng mga presidentiable aspirants, tulad ng poso, coop, pagtatayo o renovation ng barangay hall, solar drier, paglulunsad ng sports festival, pagpa-padrino ng mga magagastos na fiesta sa mga barangay at Kasal Binyag Libing. (Larawan: aceproject.org/.../ images/vote buying.jpg)
Bunsod ng matinding kahirapan sa buhay ng mga Pilipino, mahihirapang masawata ng mga nagsusulong ng “vote buying free areas movements” ang vote buying. Baka ang mangyari, ang mga civil societiy pa ang maging kaaway, maging kontrabida at paratangang kontra-PIlipino.
Ang talamak na pagha-hire ng mga swelduhan volunteer, coordinator, mga lider na organisador hanggang operador ng mga kandidato sa barangay, hiwalay pa sa sobrang bilang na mga poll watcher na ginagamit sa kada presinto. Ang lahat ng ito’y babalagbag at dadaloy sa mga teritoryo, hindi sa mga sektoral na larangan, may antas, ayon sa istrukturang makinaryang pang-elektoral; coordinator sa rehiyon, probinsya, distrito, munisipal hanggang sa barangay, magkakapitbahay (neighborhood association), sityo, lansangan hanggang kada-bubong ng isang bahay.
Sa ngayon, hindi bababa sa P5,000 / buwan ang karaniwang allowances at pang-operation (OPEX) ng mga nabanggit nating mga campaign worker (trabahador) o mga sundalong pangkampanya ng mga kandidato sa baba. Kung may 30,000 barangay ang vote rich corridor, ang Metro Manila at buong Luzon, isipin na lang kung ilang bilyung piso ang kakailanganing gastos ng mga presidentiable candidates.
Ang malungkot, dahil sa kahirapan at karalitaan, kapit sa patalim at katwirang "hindi masamang tumanggap ng pera bilang gesture, bilang pantawid o tulong mula sa mga kandidato, hindi ligtas ang mga organisasyon ng mamamayan sa komunidad na ma-ambunan o makikibahagi sa pagbaha ng bilyung pondo ng mga presidentiables na pinadadaloy sa mga lokal na operator, coordinator at mga volunteer ng isang makinarya ng partido.
Sa halagang P10.0 bilyong warchest, hindi mahirap paniwalaang walang ambag dito ang drug lords, weteng lords, smuggling lords, dambuhalang corporate elite at mga dayuhang puhunan.
6 comments:
ang duda ko lang, pareng doy, e sinasadyang ma-disqualify ang lahat ng bidders para sa automated elections para mapilitan tayong manumbalik sa manual elections -- na experto na silang dayain!
parang konti na lang e papayag na akong UN ang magpatakbo ng 2010 elections. para lang mabawasan yung dayaan :-(
he he he...UN. salamat sa comment Nold, baka nga sinasadya....tapos ididiklarang failure of election.. at tuloy-tuloy ang ligaya?
Mukhang ang fallback, 80 / 20, atomated at manu-mano sa maliliit na isla....abangan natin hanggang Hunyo!
Well, I'm just hope for a clean and safe election this 2010. And who ever wins as the race for presidency, I wish he/she can change our country from its current state. Anyway, I've been looking for topics as interesting as this. Looking forward to your next post.
-pia-
air jordan
mbt
supreme
christian louboutin shoes
lebron 10
nike epic react
canada goose jacket
nike shox for men
yeezy boost 500
hermes handbags bag
z8n99x2z54 h0n28q6x30 g0h36q3d42 g4v24y1q30 c3m91p4f97 q3z74t9v12
Good reading your posst
Post a Comment