Doy Cinco / ika 9 ng Hunyo 2009
Tulad ng inaasahan, mauuwi sa political uncertainty at polarization ang bansa. Dahil sa Con-As, titindi ang batik at pagkakahati-hati ng elite at muling namimintong sumambulat na parang bulkan ang lipunan. Ang matagal ng krisis pampulitikang kikaharap ng mamamayan ay pinalubha pa ng panawagang Con-As ng Malakanyang at alipores nito sa Kongreso. (Larawan:Anti-Chacha Rally in Makati Dec 12, 08 (AP photo); mackyramirez.wordpress.com)
Sa Con-As, inaasahang muling manganganib ang katatagan ng demokrasya’t institusyon ng bansa at muling aali-aligid ang pwersa ng kadiliman (diktadurya) at unos.
Hindi natin alam kung ano ang nasa likod ng batok ng mahigit isang-daan at pitumpu't apat (174) na Kongresistang nagtulak ng Con-As. Sapagkat, maliwanag na suntuk sa buwang makukuha nito ang 3/4 vote o 216 na kinakailangan bilang ng pinagsamang Kongreso't Senado sa inaasam-asam na Constituent Assembly tungo sa parliamentaryong sistema ng paggugubyerno.
Ang alam ng marami, bukud sa "may patikim na iminudmud na P20.0 milyon ang administrasyong Arroyo sa kada Tongresman na pumirma sa Con-As nung nakaraang buwan (May '09)." Inaantabayan na rin ang mahigit limampung bilyung pisong (P50.0 B) kickback, pork barrel at proyekto na kasama rin sa inaasahan ang package na biyaya kapalit sa pagratsada ng Con-As itong buwang parating na Hulyo '09, matapos ang State of the Nation Address (SONA( ni GMA. (Larawan sa baba: Thousands gather at the intersection of Ayala Avenue and Paseo de Roxas in Makati City yesterday (June 10 '09) against moves by the House of Representatives to convene a constituent assembly. Jonjon Vicencio, http://www.philstar.com/)
Dagdag pa, tinatantyang kasado na sa Agosto't Setyembre ang SARO (special allotment release order) para sa mga alipores, naka-abang na rin ang bilyong pisong programang "dole out " na "conditional cash transfer" na may layuning IDEMOBILISA ang mamamayan sa kilos protesta, maliban pa sa karaniwang kurakot na mahihita sa imprastraktura at pang- agrikulturang proyekto ng administrasyong Arroyo bago ang 2010 election.
Isyu ng kapangyarihan at political survival ang puno’t dulo ng Con-As. Hindi nito nireresolba ang kabulukan at pagsasareporma ng pulitika at halalan. Hindi nito pinupuntirya ang pagkakaroon ng "tunay na reprentasyon ng mamamayan at demokratisasyon sa pulitika. Hindi tinatarget ng Con-As ang talamak na Kasal Binyag Libing (KBL), sobrang gastos sa pangangampanya, private armies at higit sa lahat ang bogus, pekeng partido pulitikal (TRAPO) sa bansa, OLIGARKIYA, dinastiya o ang POLITICAL CLAN na siyang sanhi ng ilang dekadang kabulukan ng pulitika, bad governance at pagkakahati-hati ng lipunang PIlipino."
Kabisado na ng Malakanyang kung paano masasawata ang kaaway at napatunayan niya ito sa halos tatlong ulit na pagtatangkang pabagsakin ang kanyang kaharian. Kung naniniwala ang administrasyong Arroyo na laos na ang people power, nabura na ang tinatawag na CRITICAL MASS, pilay na ang grupong Kaliwa, wala ng kakayahan ang mga kritiko’t kaaway sa pulitika na makabawi pa’t makaporma hanggang 2010 at higit sa lahat, wala ng TIPPING POINT o mga sangkap na magtri-trigir ng malawakang pagbabalikwas, mukhang nagkakamali ang reading ng mga spin docs ng palasyo.
Kung ‘di mareresolba at mag-isnow ball ang pagtutol at pagkilos laban sa Con-As, hindi tayo magtataka kung ang sentro ng kapangyarihan, ang hanay ng negosyo, simbahan at military ay bumitaw at pumanig sa mamamayan at hindi na umabot sa 2010 ang administrasyong Arroyo.

No comments:
Post a Comment