Wednesday, June 03, 2009

Con-As, Martial Law, Transition Government?

Doy Cinco / ika 3 ng Hunyo 2009

Wala na sa panahon para isulong ang Con-As, meaning, sa punto de vista ng Comelec, hindi na ito maipa-factor in o makakayanan ang isang plebesito bago ang nakatakdang deadline ng filing of candidacy sa Nobyembre 2009, kung saan magaganap ang kauna-unahang automated 2010 election sa bansa. Pangalawa, walang nakalaang pondo para sa Con-As. Pangatlo, may mataas na credibility problem ang palasyo. Mayorya ng mamamayan (3/4) ang walang naniniwala at walang tiwala sa administrasyong Arroyo, ang sinasabing pinaka-unpopular na presidente sa kasaysayan ng pulitika sa bansa. Pang-apat, sinasabing wala itong suporta sa hanay ng simbahan, negosyo (Makati Business Club at Phil Chamber of Commerce & Industries) at military kung saan may diklerasyon itong mananatiling apolitical, tapat sa Constitution at mamamayan. Panghuli, labag ito sa batas at Constitution at lalo lamang mahahati o mapopolarized ang populasyon.

Kung matatandaan, sariwa pa ang katatawanang pagsasanib pwersa ng PALAKA, ang partidong Lakas-Kampi na hawak sa leeg ng Administrasyong Arroyo kung saan ipinagwagwagan nitong matutuloy ang 2010 election. Sa naganap na sanib-pwersa, imbis na makonsolida’t lumakas, magkaisang makapagtukoy at maikasa ang pampulitikang makinarya para sa 2010 election, kabaligtaran ang naging resulta; kontrobersya, baklasan, intrigahan, matyagan, manmanan at pagbabanta ng magkabilang faction ang kinahinatnan. Itinuturing pribadong pag-aari ni Ate Glo ang partidong Lakas-Kampi at CMD.

Sa kabilang banda, habang may isang taon ng nagpreprepara, handa na at nakalalamang ang partidong Liberal at Nacionalista sa 2010 election at nangunguna ang mga kritiko ng palasyo sa rating ng SWS at Pulse Asia, naka-tengga, paralisado at walang presidentiable ang Lakas at Kampi. Ang nangunguna, ang oportunista at inaasam-asam na presidentiable candidaye ng admistrasyon na si Vice President Noli de Castro ay naninigurong hindi siya pagtataksilan, tatraydurin ng partido, may sapat na lohistika at hindi mag-aalaTrojan Horse at kiss of death scenario ang sarili, ang pagkatalo ng admnistrasyon nuong 2007 election at paglagapak ng John McCain-Bush election sa Amerika.

Dahil sa kawalan ng presidentiable, mapiling mamanukin popular at kapana-panalo, walang dudang mauuwi sa pagiging lame duck na pangulo si Ate Glo. Dahil dito, desperadong gustong ibangon ng administrasyong Arroyo ang Con-As, palitan ang sistema ng paggugubyerno, idiklara ang martial law at buluk na senaryong “transition government” na pinasingaw ni Sec Norberto Gonzales nuong nakaraang taon, bago ang Setyembre taong kasalukuyan. Option din ni Ate Glo na tumakbo na lamang sa ikalawang distrito ng Pampanga, diretso sa pagiging prime minister kung sakaling mapalitan sa sistemang parliamentaryo ang paggugubyerno

Ang maitim na hangarin ng palasyo ang magtitiyak na magpapatuloy sa kapangyarihan, maililigtas sa kapahamakan ang pamilyang Arroyo at mga alipores nito sa Kongreso sa patong-patong na kasong pandarambong, pangungurakot at talamak na pagpatay (extra-judicial killings) at pananalaula ng mga demokratikong institusyon sa halos pitong taong panunungkulan nito sa gubyerno.


2 comments:

Anonymous said...

unpopular government is not only the problem of your country, its the problem in many countries. Most of third world countries have unstable and unpopular governments. The problem mainly arises due to interference of foreign elements. home mortgage...

doy said...

True. Halos hindi nagkakalayo ang sitwasyon ng Pakistan at Pilipinas. Kung may foreign intervention (US and China) na tumataya sa lagay ng isang bansa, sa akin may mahalagang papel din ang panloob na factor.
May panahon minsan na nagiging mapagpasya ang usapin at papel ng PAMUMUNO ng isang bansa. Kung may strong state at leadership ang isang bansa, palagay ko kaya niyang i-counter ang pressure at intervention ng mga taga-LABAS at nagagawa ito ng ilang matatatag na bansa sa South America.
Kung nuon (19th century / 50s-70s), nagagawa ng US, iba pang imperialist power na kubabawan ang isang mahinang bansa, sa ngayon, mukhang nag-iiba at nagbabago.
May role na ngayon ang isang malakas na leader at suporta ng mamamayan nito.