Doy Cinco / ika 1 ng Hunyo 2009
Labag man ito sa batas o hindi (Omnibus Election Code), tinatantyang may mahigit kumulang na dalawampung milyung piso (P20.0 millon, including illegal donors and sponsors) ang puhunan at karaniwang pondong kakailanganin sa kampanyang eleksyon para manalo sa labanang konsehal ng isang lunsod. Kung mailuluklok sa pwesto, ang halagang nabanggit ay kayang mabawi sa loob lamang ng isang taon at kung matatalo, maaring kumita pa ang isang kandidatong madiskarte’t maabilidad.
Walang dudang pawang mayayaman, elite, mapera’t mga milyunaryo ang marami sa mga kandidayong nagpapanakbuhan sa lokal (city councilors) na halalan. Ang kadahilanan kung bakit ang panawagang idemokratisa, isareporma at i-overhaul ang pulitika at halalan sa Pilipinas ay nananatiling mahalaga at napapanahon. (Larawan: local election campaign (QC); http://www.pcij.org/blog/wp-galleries/campaign-posters/suntay-malaya-streamers.jpg)
Tulad sa kanayunan, marami sa kanila ay mula sa malalaking pulitikang angkan (political clan). Kaya lang, hindi tulad sa kanayunan, nagbago na ang pampulitika’t pang-ekonomiyang istatus o kontrol sa lipunan ng mga kandidatong na sa kalunsuran. Marami sa kanila ang may pag-aari ng malalaking negosyo at kontratista (rent seeking). Kung hindi construction at real estate business, publishing / printing business, transportation, malalaking catering services, restaurant, beer houses at iba pa. Karaniwang mga supplier, nakikipag-engaged-bidding o involved sila sa pakikipag-transaksyon sa lokal na gubyerno. Tulad halimbawa ng infra projects, supplier ng office uniform, catering services para sa malalaking mga seminar para sa lokal na gubyerno.
Tulad ng kanilang kinabibilangang partido, ang Lakas at Kampi, motherhood statement ang kanilang plataporma, kung plataporma nga itong matatawag. Sa pamamagitan ng kanilang mga “Foundation,” ginagamit nila bilang puhunan o lunsaran sa kanilang pagawaing bayan, serbisyo publiko, social services at pagiging pilantropo. Marami sa kanila ang nag-aadbokasiya at may agenda ng “edukasyon at kalusugan,” subalit kung ating susuriin, kayang magawa nila ito kahit wala sila sa poder.
Kung ating wawariin, sa kabila ng walang katapusang advocacy na “para sa mahihirap,” walang nababago sa ilang dekadang kalunus-lunos na kalagayan ng maralita ng Lunsod. Lumalala ang karalitaan sa mga informal sectors (iskwater), street children, malnutrisyon, prostitusyon, kalusugan at edukasyon, kundi man kulang ng facilities, paulit-ulit na kakulangan ng mga kwarto’t palikuran ng mga bata na pinatunayang muli sa unang araw ng pasukan ng mga bata sa eskwela.
Lingid sa ating kaalaman na nagsimula na ang preparatory stage ng lokal na makinarya at kampanya para sa 2010 election. Sistimatiko ang kanilang makinarya. Sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga bayad o sweldadong mga barangay coordinator, sitio hanggang eskinita, nagagawa nilang butasin ang malalaking maimpluwensya’t malalaking pamilya sa komunidad. Dahil sa husay ng pagdedeliver at pangangalap ng boto, naka-payroll at ginagamit nila ang mga opisyal ng barangay at community leader sa komunidad. Kadalasa’y nag-oorganisa ng pagpapakain (feeding program) sa mga kabataan
Para sa lubusang makilala, dole out mentality ang karaniwang tulong at regalo ng mga lokal na pulitikong kandidato. Namimigay sila ng mga t-shirt at uniporme sa baraangay, partikular sa mga tanod at barangay health workers. Nagsasagawa sila ng regular na medical mission, pamimigay ng school supplies, nagpro-provide ng sound system na libre sa maraming mga social events o community events sa komunidad.
Sa tuwing malapit na ang eleksyon, nagbabago ang kanilang kaanyuan. Mula sa pagiging seryoso, nagiging kengkoy, entertainer, kumakanta (entablado o videoke), sumasayaw, makuha lamang atensyon o name recall ng mga kandidato.
Kung saan ang maraming tao, nandun ang kanilang presensya.; sa mga fiesta, tupada at sports activities. Sila ang padrino o sponsors ng iba’t-ibang mga pa-contest, raffle draws at pamimigay ng mga numero’t card sa pa-bingo sa komunidad. Nag-oorganisa ng iba’t-ibang events ang kani-kanilang mga coordinator sa malalaki at matataong barangay at sinasagot ng mga lokal na kandidato ang gastusin sa papremyo, judges, referees, emcees at tropeyo.
(Larawan: Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri formally opened this year’s Recom Games, www.caloocancity.gov.ph)
Wala silang pinagkaiba at pare-pareho ang kanilang mga mensahe, ang “paglilingkuran at pagsisilbihan ang mamamayan kung mailulukluk sa poder.” Magkakabalahibo sila at kung mayroon man diperensya sa bawat isa sa kanila, ito ay ang koneksyon sa mga paksyon padrino sa itaas at personal na relasyon sa isa’t-isa. Bagamat moderno't automated na ang election sa 2010, mananatiling buluk, pera-pera lang, magastos at hindi parehas ang eleksyon sa Pilipinas. Ang tanong ng marami, ito ba ang representatibong demokrasyang ipinaglaban ng ating mga ninuno?
Wala silang pinagkaiba at pare-pareho ang kanilang mga mensahe, ang “paglilingkuran at pagsisilbihan ang mamamayan kung mailulukluk sa poder.” Magkakabalahibo sila at kung mayroon man diperensya sa bawat isa sa kanila, ito ay ang koneksyon sa mga paksyon padrino sa itaas at personal na relasyon sa isa’t-isa. Bagamat moderno't automated na ang election sa 2010, mananatiling buluk, pera-pera lang, magastos at hindi parehas ang eleksyon sa Pilipinas. Ang tanong ng marami, ito ba ang representatibong demokrasyang ipinaglaban ng ating mga ninuno?
2 comments:
e1h72q1l91 m8t28w0r01 j2c08d2v53 n0i63b8k78 s8b26j3y95 w4v31f6r45
q3n41j5f88 q0n60s1j28 b3y34h9i47 p4z21t3c49 t1q00d1i12 r4y14s9n02
Post a Comment