Kaliwa’t Kanan, mayaman at mahirap, mga dating kaaway at mataas na opisyal ng administrasyong Arroyo ang nakidalamhati sa pagpanaw ng dating Pangulong si Cory Aquino. Habang nagluluksa ang buong bayan, hindi maiiwasang naikukumpara ng maraming kritiko ang administrasyong Arroyo at ni Tita Cory. Ayon sa paghuhusga't pagkukumpara, kabaligtaran at hindi hamak na milya-milya ang layo sa larangan ng gawaing paggugubyerno, pamumuno, katangian at atitud si Gng Arroyo at ni Tita Cory;
Kung sinasabing mapagkumbaba, mataas ang pasensya, hindi marunong manigaw, magmura at mapagpatawad si Tita Cory, mapagmayabang, barumbado, mapagmataas, namemersonal, mataray at mapaghiganti ang Gng Arroyo.
Kung maayos na naisalin at naipasa ni Tita Cory ang kapangyarihan (1992), kapit tuko at kasakiman ang nararanasan natin sa kasalukuyang dispensasyon, sa ilalim ng administrasyong Arroyo. Kung may tiwala at nakikinig si Tita Cory sa kanyang mga gabinete at mamamayan, praning, tuso’t dominante ang administrasyong Arroyo. Kung mataas ang respeto, popularidad at kredibilidad si Tita Cory, ganun naman kabulusuk at said sa negatibo, kinasusuklaman ng mamamayang Pilipino at ng buong mundo ang administrasyong Arroyo.
Kung may strong leadership ang Tita Cory, walang buto sa gulugud, weak at lalamya-lamya ang naging sistema ng pamumunong pulitikal ng adminsitrasyong Arroyo. Kung naging simpleng housewife ang pamumuhay ni Tita Cory, naging magarbo, exklusibo, marangya at solidong pulitiko ang tinakbo ng buhay ng pamilyang Macapagal Arroyo. Kung walang nakulimbat ni isang kusing ang pamilyang Aquino, sinasabing yumaman at daang libong dolyar ang nailagak ng pamilyang Arroyo sa mga dayuhang institusyon ng pananalapi sa mauunlad na bansa.
Kung naging malinis, matapat at transparency ang paggugubyerno ni Tita Cory, factionalism, kasinungalingan, total denial, transactional, talamak na katiwalian at pangungulimbat sa kabang yaman ang kinahinatnan ng admnistrasyong Arroyo. Malalaking mga kontrata tulad ng mga malalaking pagawaing bayan, mega infrastructure projects at pakikitungo’t pangongotong sa mga dayuhang mamumuhunan (foreign investment) ang kinopong ng pamilyang Arroyo. Daang milyung piso ang iminudmud sa mga alipores at kaalyado, matiyak lang na mahawakan sa leeg, loyalty at masigurong kakatig sa political survival ng pamilyang Arroyo. Kung mataas ang pagrespeto ng buong mundo sa gubyernong Aquino, kabaligtaran ang nangyari sa administrasyong Arroyo; validictorian sa pagiging katulong, busabos at utusan ng mundo, sa katiwalian, pangngurakot at pinagtawanan ng mundo.
Maaaring may mga kahinaan at naging pagkukulang ang administrasyong Aquino, ang mahalaga sa marami, nanindigan ito sa demokrasya, pinalakas ang mga demokratikong institusyon, reconciliation, pagpapalaya ng mga kilalang bilanggong pulitikal-peace talk, institutionalization ng people power, empowerment at pagpapatuloy ng laban sa nalalabing multo ng diktadurya.
Naging unpopular ng kilalanin ang gadambuhalang utang panlabas na di napakinabangan ng mamamayang Pilipino, ang pagtatanggol sa mga Base Militar ng Amerika, prosecution sa utak at may kagagawan ng pagpaslang kay Sen Ninoy Aquino at sa mga nangulimbat. Nagpatuloy ang paglabag sa karapatang pantao, ang pagmamaximized ng revolutionary government sa pagpapatupad ng repormang agraryo sa konteksto ng "liberal at demokratikong paggugubyerno."
Imbis na "makipag-engage sa loob at magpartisipa sa gubyernong nagta-transisyon, nagpatuloy ang konprontasyon, opposed and exposed hardline character ng grupong maka-Kaliwa sa administrasyong Cory Aquino." Inakusahang maka-Kanan, “berdugo, burgis na demokrasya, elite, casique, anti-komunista at tuta ng imperyalistang Estados Unidos" ng maka-KALIWANG grupo ang administrasyon ni Tita Cory. Sa kabilang panig ng ispektrum pulitikal, inakusahan naman na "maka-Kaliwa, kumakalinga sa mga Komunista" ng extremistang maka-Kanang grupo ang administrasyon ni Tita Cory.
(Larawan: Rebel Marine troops take their position along Quezon Avenue during the December 1989 coup attempt. [photo by Roger Carpio], www.pcij.org/
Bagamat pinagdudahan, hindi matatawaran ang pagtatanggol, pagbubukas at pagpapalakas ng mga institusyon, pagpapanumbalik ng demokrasya (democratic space) na naipundar ng administrasyong Aquino, mararahas na atakeng militar (7 x) at kudeta ng maka-Kanan pwersa ang pinalasap sa administrasyong Cory Aquino. Gayundin ang maka-Kaliwa’t militante (Leftist group) na naglunsad ng mararahas na welgang bayan, madudugo at malakihang atakeng militar sa kanayunan at (urban partisan) kalunsuran.
Ang mababangis na destabilization campaign ng dalawang extremistang grupo nuong huling bahagi ng dekada '80 ay lubhang naka-apekto ng malaki, nakapanglupaypay at nagpahina sa ekonomiyang nagsisimula na sanang umakyat at umasenso.
7 comments:
isa ako sa mga taong sumasangayon sa mga mga cnbi ni kuya doy..ang kylangan ntin ay isang righteous leader at may malaking malsakit sa mga piipino..hindi ung namumuno na walang ibang inisip kundi kapakanan na pansarili lang..
sana madami png k2lad ni kuya doy na handang magkron ng boses at ipagcgawan ang kabukukan ng sisteme natin ngaun..may pag-asa pa..PRAYER WORKS..GOD IS AT WORK..GOD CARES FOR THE PHILIPPINES..
Salamat sa komento RIGHTEOUSLEADERS. BUKUD SA ISANG MATAPAT NA leader, isang aktibong mamamayaan at komunidad ang magtitiyak at magtutulung-tulong para sa inaasam-asam na pagbabago.
maraming nagtatanong kung kelan uli magkakaroon ng isa pang Cory Aquino... ako, ang tinatanong ko, Kelan magkakaroon ng MAS MATINDI pa kay Tita Cory?! Yun ang kailangan natin :-)
"Nold, ang sabi ng mga historiador, lumilitaw raw ang matitinding lider sa panahong may matitinding pag-igpaw, may daluyong baga, may trahedya muna, magmumula sa matinding krisis ng tao..
Mula sa isang diktadura, Marcos, may lumitaw na Cory. Ewan lang natin sa konteksto ngayon, kapag itinuloy ni GMA ang kanyang mga kalokohan bago ang 2010 election...
Ano ba ang logic ng pagkukumpara kina Tita Cory at Madam GMA? Puwede bang ikumpara ang isang magnanakaw sa hindi magnanakaw? Kung pareho silang magnanakaw, puwede pa dahil paghahambingin mo lang ang dami ng kanilang mga ninakaw, di ba? Example lang 'yan!
Alangan ngang ipagkumpara ang isang magnanakaw at isa pang magnanakaw.... Kaya lang, mas binigyan diin, nagpokus ako sa larangan ng paggugubyerno (GOVERNANCE) at iba pang isyu.
Hindi kasi maiiwasan na magkaroon ng point of comparison ng dalawa, lalo na ng mga kritiko at mga mamamahayag sa media. Siguro ang lohika ng pagkukumpara ay mapigilan ang binabalak na extra-constitutional move ng mga alipores ng Malakanyang sa hanay ng mga Generals sa Batch '78 at sa niraratsadang Con-As ng mga PALAKA sa Kongreso.
Alam mo ka doy totoo aman lahat ng binabanggit mo. sa totoo lang di ko ine expect na gagawa ng mabuti ang gubyerno ni GMA. nag umpisa ng mali hanggang sa huli palpak pa rin
si Pres cory walang ambisyon na pamunan ang bansa pinilit sya ng mamamayan
si GMA nagpupumilit o sinaksak ang sarili para makapwesto, kaya ang tamang attitutde ng mamamayan sa ngayon ay ilabas ang pagkadismyado sa umiiral na gubyerno ni gloria
lahat ng kilos protesta samahan actibong tumawag sa mga radio at sabihin ang kapalpakan ni GMA.
Anti mamamayan at walang humpay na kurapsyon... buhay pa siya sunog na kaluluwa sa impyerno
Mabuhay ka ka doy
Post a Comment