Monday, July 27, 2009

SONA ni GMA, “paghahamon ng gulo at away"


- Doy Cinc
o

Inaakala ng marami na ang usapin ng term extension at pagpapalit ng sistema ng paggugubyerno (Cha cha at Con – As) ang siyang magiging pampinale't buod ng state of the nation address (SONA) ni GMA na siya namang inaasahang magpapakalma sa umiinit sa kalagayang pulitikal ng bansa. Inaantabayanan ng marami ang categorically statement mula sa bibig at hayagang sasabihing “wala akong planong magtagal sa kapangyarihan, walang katotohanan ang Martial Law, haka-haka lamang ang No-El at Transition Revolutionary Government.” Ang maiinit na isyung nabanggit at pagiging matapat ang itinuturing na makasaysayan at bukud tanging legacy at kabayanihang ireregalo ni GMA sa sambayanang Pilipino. (Larawan sa baba: PGMA sa "huling SONA", 1.bp.blogspot.com/.../s640/GMA+SONA+2008.jpg)

Sa kanyang SONA kanina, bukud sa pagmamayabang ng kanya raw economic achievements, parang pangutyang naghamon ito ng basagan ng mukha at parang sinasabing, “away kung away, laban kung laban, gulo kung gulo at nakahanda ako.” Mukhang isang gera patani, rambulan at political battle ng mga elite ang ating aasahan sa darating na mga linggo at buwan.

Nakapatungkol sa mga kaaway sa pulitika ang kanyang banat, pangunahin kay Sen Mar Roxas, ang masugit na kritiko ng administrasyong Arroyo, ang dating Pres. Estrada at kay FVR-JdV tandem. Ang dating nakagisnang kalaban ng estado na nagsusulong ng insureksyon at rebelyon, ang CPP-NPA, MILF, ASG at mga kriminal na Drug Lords, Weteng Lord at KURAKOT ng bayan ay mukhang nakahinga ng malalim at hindi pinuntirya.

Normally, ang isang presidenteng malapit ng matapos ang panunungkulan at kapangyarihan ay pakikipagbati, pagpapakumbaba at paghingi ng tawad ang karaniwang linya at kung ganito sana ang nagyaring pamumustura't pahayag kanina, tiyakang makakakabig ng simpatya sa hanay ng middle class at masang Pilipino. Pero baligtad si GMA, hindi na nga nilinaw ang plano’t balak nito sa 2010, nakalutang sa ere at walang malinaw na posisyon sa kahihinatnan ng Cha Cha / Con-As at term extension, taray, pagmamalaki, paghahamon, pagmamayabang at personal na kinastigo’t inupakan ang mga kritiko ng palasyo. Ika nga, "pikon talo," sa kasabihan ng mga Pilipino. (Larawan: Sen Mar Roxas, proponent of cheap Med ...frjessie.files.wordpress...)

Nakakalungkot isipin na mukhang wala na tayong maasahang katahimikan o political stability sa darating na mga panahon. Sa malulutong at matapang na pinahayag ni GMA sa SONA, parang kulang na lang sabihin na ang mga kritiko’t kaaway sa pulitika ang siyang may kasalanan at ugat ng kahirapan ng lahat, ang “demonyo, kupal ng bayan at dapat ng mamatay sa mundong ibabaw.”

Aasahang magpapatuloy ang political uncertainty, magiging tensyunado at mukhang nalalapit na ang pampulitikang sagupaan, sa pagitan ng naghahangad ng pagbabago at sa kabilang banda, ang lameduck na pangulong kapit tuko sa kapangyarihan.

Hindi mahirap paniwalaang na ang unang magpapaputuk, magdedestabilized, magsasagawa ng terorismo at asassinasyon ay malamang manggaling sa panig ng nakalukluk at makapangyarihan. Si GMA na sinasabing isang unpopular na pangulo sa kasaysayan ng pulitika ay pinaghihinalaang may hangaring magtagal sa poder sa ano mang kaparaanan, sa ‘di marangal at sa immoral na pamamaraan, labag man ito sa batas, labag sa diyos at labag sa Konstitusyon.


3 comments:

Anonymous said...

I don’t even know how I ended up here, but I
thought this post was good. I don't know who you are

but certainly you're going to a famous blogger if you aren't already ;) Cheers!

Also visit my site - http://Comunidadcuervo.Yzi.me/profile/WilheminaHamilton1989

Anonymous said...

F*ckin’ remarkable issues here. I’m very happy to

see your post. Thank you so much and i am taking a look

ahead to touch you. Will you please drop me a mail?


Also visit my page :: http://stumpfinder.com/members/margymitchell81/activity/11325

Anonymous said...

Wonderful paintings! This is the type of
information that should be shared across the web. Disgrace on Google for not positioning this submit higher!

Come on

over and visit my web site . Thanks

=)

Also visit my website; http://Komunitas.Galeriapustaka.com/groups/essential-fishing-accessories