Tuesday, September 01, 2009

Liberal Party, seryoso at handa na


Doy Cinco

"Alang-alang sa pagbabago't reporma, pagkakaisa at alang-alang sa bayan," nagpasyang isakripisyo ni Sen Mar Roxas ang laban at ibinigay kay Noynoy Aquino ang baton sa labanang pulitika sa 2010. Ayon kay Mar, “matapos ang masalimuot na usapan, pagtataya at pagtatasang pulitikal," umatras siya bunsod sa nakikitang trahedyang kakaharapin ng partido sa 2010 presidential election.

Mabigat ang suliranin ng LP, ang pagiging watak-watak na karaniwang sanhi ng kabulukan ng pulitika sa ating bansa. May grupong maka-GMA, may gustong pairalin ang demokratikong proseso, may aktibista at may simpleng oportunista at TRAPO. (Larawan: PARA SA BAYAN. Si Sen. Mar Roxas na nag-Laban sign habang inaanunsyo ang kanyang pagsuporta at pagbibigay-daan kay Sen. Noynoy Aquino bilang presidential bet ng Liberal Party (LP). (Jhay Jalbuna) http://www.abante.com.ph/issue/sep0209/default.htm)

Matapos pumanaw si Tita Cory at milyong Pilipino ang nagdalamhati, muling naipakitang buhay pa at lumalakas ang diwang makabayan, anti-diktadura, people power at kilusan para sa pagbabago. Sa pag-usbong ng panawagang Noynoy Aquino for President movement, mukhang mauulit ang kasaysayan may dalawang dekada na ang lumipas. Muling tumitingkad ang panawagang labanan ang pwersa ng makaluma at tradisyunal na pulitika (trapo). Magkakasunod na nag-uusbungan (emerging movements) ang mga kilusang nananawagan para sa pagbabago ng pulitika at reporma.

Umarangkada ang Moral Force Movement (MFM), isang kilusang nananawagan ng moral transformation bilang solusyon sa lumalalang kalagayang pulitikal at immoralidad. Hangad nila ang patuloy na paghahanap at pagluklok ng tamang lider, pagbabago 'di lang sa bawat indibidwal, maging sa mga institusyon at sa bayan.

Naunang itinatag ang Movement for Good Governance (MGG) na kinabibilangan ng sektor sa akademya, simbahan, media, negosyo at good governance advocates. Kasunod na sumambulat ang grupong Kaya Natin na binubuo ng ilang mga aktibistang gobernador at mayor, ilang sektor ng akademya at NGOs. Hindi pa kasali rito ang mga malalaking oganisasyong tulad ng PPCRV-CBCP, Kilos Botante, Consortium on Electoral Reform (CER) na maaga ng nakakasang magbantay, magmonitor at kabataang handang maggugol (Patroller) ng panahon alang-alang sa panawagan maging malinis, tahimik, kapani-paniwala ang darating na 2010 election.

Nuong isang araw, nabuo ang tinatawag na "panunumpa" ng mga tatakbong presidente, bise presidente, senador at iba pang libu-libong nagmamalasakit na mamamayan at nanawagan na “maging malinis, makatotohanan at itakwil ang apat na Gs (4Gs – guns, gold, goons at garbage) sa nalalapit na kampanyang eleksyon.”

Mukhang nagbago at magbabago ang latag ng political campaign, re-allignment ng pwersa, estratehiya at latag ng politika sa 2010. Ang pag-atras ni Mar Roxas at mga kaganapang pulitikal ay hindi hiwalay sa lumalakas na kilusang nananawagan ng pagbabago na maaaring maka-impluwensya sa kahihinatnan ng 2010 election. Sa puntong ito, maaaring sabihing nakalalamang na't makakabwelo ang LP kung ikukumpara sa iba. (Larawan; local private armies sa Northern Luzon, www.pcij.org)

Kaya lang, di hamak na magkaiba ang mundo ng pulitika sa lokal at sa nasyunal. Kung may pagbabago at positibong aspeto ng pulitika sa antas nasyunal at Kalakhang Manila, sa LOKAL na pulitika at sa kanayunan (local politics) kung saan nakabaon ng ilang henerasyon ang lokal na kaharian (clan politics), mga malalayong lugar ng Mindanao, Bikol, Visaya, Central at Northern Luzon, walang dudang "mananatiling trapo, patronahe, casique, warlordismo (4 Gs) at buluk ang latag ng political landscape at halalan sa 2010."


4 comments:

Unknown said...

parang doy, kung ikaw ang tatanugin, ano ang mga dapat gawin ni Noynoy para matiyak ang kanyang panalo pagkapresidente sa 2010?

posible nga ba talagang manalo si Noynoy?

:-)

doy said...

Ang worry ko, baka ma-assasinate, wag naman sana.. Wala pa akong ini-indorsong presidentiable Nold ah...

Sa tanong mo, baka magdepende sa husay ng mensahe (pagbabago at kontra kabulukan /trapo) at galing ng packaging (image ni Noynoy) na magagawa. Kung ikukumpara kay Villar (sipag at tiaga) at Noli de Castro (public service / bahay).

Siyempre, malaking bagay rin yung machinery-lawak ng organisasyon at boluntarismo-band wagon effect na make-create mula sa middle class at mamamayan, dagdag pa yung finance at logistic. Kung siya ang kikilalaning malinis, tapat at ALTERNATIBA, aba ang hirap tibagin yan...

Kung 3 ang maglalaban, dapat makuha ni Noynoy ang 30-45% votes sa NCR, CL, ST at the whole of Visayan Islands. Hindi bababa ng 10 - 15% sa Mindanao at Northern Luzon.
Salamat Nold sa komento...

Anonymous said...

Ka Doy para kin pagbasa ng sitwasyon sa maganda ang timing ni noynoy para magdeklara na tatakbo maging pangulo;
1) kung di sya tatakbo ngayon malabo na siya manalo sa susunod na halalan dahil naging sariwa sa mga tao ang kontribusyon ni Tita Cory, dagdag pa si ninoy na pamalit sana sa dating diktador pero pinatay na nakatulong para manubalik ang usapin ng demokrasya
2) Sino ang alternative syempre di si Villar isyu sa knya landgraber si Mar Roxas mula Traditional na pulitiko kaya si Noynoy walang bahid sa pang aabuso at anumalya
Tanong : Wag sana pagharian ng elite ang composition ng kanyang kabinete.
Makuha sana niya ang majority ng Congreso dahil karamihan super loyal kay Gloria
kaya wait and see muna tyo iba galaw ni gloria.... maraming political animal tulad nila ronnie puno gabby claudio

Anonymous said...

sa ngayon, kahit na si noynoy ang kandidato ng liberal sa presidente, manipis pa din sila in terms of local partners/leaders. hindi assurance na porke aquino ang kanidato ng lp ay may deleverables na. kagay nga ng sinabi mo sa huling bahagi ng sulating iyon, local politics pa rin ang mamamayani at iiral, kaya napakahalaga na may gate-keeper ka at the local level and the automation of 2010 elections doesn't ensure or will prevent any cheatings, that new system just give operators new tactics and strategies to devise a quick form of cheatings, na wala ang liberal party, dahil puro iporkrito ang nasa lapiang iyon...