Nagulantang at nasorpresa ang Malakanyang, ang National Disaster Coordination Council (NDCC), MMDA at pamahalaang Lokal sa biglaang flashflood sa Kamaynilaan, Gitnang Luzon at Timog Katagalugan kaninang tanghali dulot ng bagyong Ondoy. Habang isinusulat ko ito, ang inisyal assessment, parang ipinapakitang walang plano sa disaster preparedness ang NDCC at lokal na gubyerno. (Larawan: http://www.inquirer.net/)
Inaasahang may ilang daang buhay ang maibubuwis, ilang bilyong pisong pinsalang imprastruktura, ari-arian at produksyong agrikultura ang mapeperwisyo. Inaasahan din na muling magpapakitang gilas ang administrasyong Arroyo at presidentiable bet na si Sec Gibo Teodoro.
Ang bagyong Ondoy na naiulat kamakalawa ng Pagasa na nasa silangang Luzon at nag-land fall kaninang umaga sa probinsya ng Quezon ay tila baga ikinasorpresa ng guyermo. Sinasabing ito raw ang pinakamalakas na pag-ulan at pagbaha na naranasan sa Kamaynilaan sa kasaysayan (since 1960s). Sa laki ng pinsala at trahedya, parang hindi kapani-paniwalang pito (7) lamang ang naiprovide na rubber boat ang lokal na pamahalaan ng Marikina. Wala man lang helicopter na sumaklolo at parang hihintayin pa ata ang tulong ng mga Amerikano.
Magkasabay na lumaganap kanina ang "boluntarismo, pagiging responsableng mamamayan (citizenship), kagitingan" ng mga Pinoy sa panahon ng kagipitan at pagdagsa ng libu-libong himutuk at batikos mula sa mamamayan na nakarandam ng kawalang presensya ng gubyerno sa panahon ng pangangailangan. Patunay ito sa masaklap na kinahinatnan ng sikat na showbiz na si Cristine Reyes at libong pamilya na humingi ng tulong sa media, sa kasawiang palad, buong magdamag na-stranded.
Sa kabila ng may 20 kalamidad at trahedyang nangyayari taun-taon, parang hindi natututo ang mga kinaukulan. Ang Pilipinas na itinuturing disaster-prone areas ng mundo. Resulta ito sa sinasabing typhoon belt na lokasyon ng ating bansa sa Asia-Pasipiko. Tulad ng mga karanasan ng kalapit bansa, unti-unti ng naiigpawan ang hagupit ng kalikasan dulot ng kahandaan at kaayusan sa pamamahala, ang gubyernong Pilipinas ay tila tuliro at parang bago ng bago.
Daan-daang bilyong piso ang naigugol sa infra project ng gubyerno ngunit "mukhang hindi naipriority ang pagmimintina at estratehikong pagtatayo ng mga FLOOD CONTROL project- mega drainage system kahalintulad ng Paris at ibang mauunlad na lunsod sa Europa." Palagiang ipinagmamalaki ang “zero-casualty” ng gubyerno sa panahon ng mga kalamidad, ngunit wala namang programa upang maisustina at mapalakas ang mga brigada para sa disaster's preparedness ng mga komunidad.
Napatunayang mahina ang gubyerno sa larangan ng pagbaka ng mga natural na kalamidad at pagiging vigilance sa emergency situation. Marahil, epekto na rin ang "man-made (Trapo) na sangkap ang naturang trahedya" na dumagok sa mamamayan. Walang dudang may pananagutan ang mga pamunuan sa lokal, Malakanyang-NDCC, MMDA at tongresmen sa nangyaring trahedya; mula sa simpleng panawagan ng mga environmentalist na "ipagbawal ang paggamit ng plastic sa mga MALLs, supermarket at groceries na isa sa sanhi ng mga bara sa canal at drainage, pagtatanim ng maraming puno sa lahat ng bakanteng lupa hanggang sa pangunguna ng gubyerno sa pag-oorganisa ng mga disaster's response sa mga komunidad. May pananagutan ang LGUs sa "pagkakasalaula ng mga estero at mga ilog na siya sanang naging “flow path” ng tubig-baha sa tuwing may katindihan ng malalakas na pag-ulan."
Kulang kundi man wala ng pondo ang palagiang palusot ng mga pinunong bayan sa tuwing may trahedya at kung mayroon, maling sistema ng pamamahagi, pagpa-prioridad (poor targeting) na kadalasa'y mga alipores ang nabibiyayaan. Sa totoo lang, mas nagiging pabigat pa ang ilang sa mga pulitiko dulot na ng ilang dekadang katiwalian at maling sistema ng paggugubyerno (bad governance). Mas inuuna ang pagtatayo ng electoral machinery sa mga komunidad kaysa sa mga disaster preparedness team sa mga komunidad.
Mahirap ikatwiran na ang pangunahing dahilan ng karalitaan ng mga Pilipino ay sanhi ng mga natural na kalamidad at trahedya, sapagkat bukud sa nararanasan din ng mga kalapit bansa ang trahedya, ang nakaka-intriga ay kung bakit nai-igpawan ng mga bansang ito ang trahedya at patuloy silang umuunlad.
Kung sino man ang papalit na presidente sa 2010, mukhang kailangan matugunan ang suliranin hindi lamang ng natural na kalamidad bagkus ang man-made na kalamidad. I-institusyunalisa ang isang malakas na calamity protection at disaster preparedness program sa mga lokal na gubyerno, lalong-lalo na sa mga depressed community, sa mga vulnerable, sa lunsod man o sa kanayunan.
5 comments:
Very insightful article! Great work! Thank you for raising the issue on environmental awareness.
Alaric,salamat sa comment. Nakakalungkot talaga, sa deka-dakadang pananalaula ng ating mga lider ng bayan kuno, eto na ang ganti, paniningil ng INANG KALIKASAN.
It is very unfortunate for our Filipino brothers to be hit by typhoon Ondoy. I have seen the massive flooding and the flood victims on TV and it is really horrible.
Nice post. Thanks for sharing. I hope that preventative measures can be put in place soon. One thing that can be done which costs nothing is each individual take responsibility for their garbage and put it where it belongs instead of throwing it all over the streets, rivers, and everywhere else.
replica bags nyc replica ysl bags australia joy replica bags review
Post a Comment