- Doy Cinco
Itinakwil na ng PALAKA (Lakas-Kampi CMD) at ng palasyo si Vice President Noli de Castro at si MMDA Chairman Bayani Fernando (BF). Si Noli na isang ulila't walang partido, consistent na nanguna sa mga survey at ngayo'y pumapang-apat sa ranking, ang napabalitang sikretong nakikipagNEGO kay Sen. Manny Villar ay pina-asang bibitbitin ng administrasyong Arroyo. Samantalang si BF, isang masugit na partidista (Lakas), pangalawa sa kulelat (1.0%), kaalyado ng pamilyang Arroyo, berdugo ng maralitang lunsod at may pakana ng U-Turn Slot sa Kamaynilaan ay umasa ring bibitbitin ng administrasyon Arroyo. Bagamat may proseso raw na pinagdaanan, ang tingin ng marami, parang ginago, tinarantado at trinaydor ng mga dorobong pulitiko na kaanib sa PALAKA ang dalawa. (Larawan sa baba; Defence Sec Gibo Teodoro, MMDA Chair BF at Vice President Noli de Castro)
Ayon sa mga operador ng palasyo, “wala na sa orbit” ang dalawa o kulang na lang sabihing “pabigat lamang, liabilities at wala itong paunang pantapat na pakimkim at pondong pangkampanya (bilyong pisong counterpart) para sa partido."
Mula sa partidong Nationalist People's Coalition (NPC), naging hunyango at lumipat sa Lakas-Kampi si Gibo, ang paboritong pamankin ni Danding, ang isa sa pinakamakapangyarihan tao sa bansa, ang kasosyo sa negosyo ng pamilyang Arroyo at binansagang "Arroyo loyalist" ay pinagpalang dadalhin ng PALAKA sa presidential election. Malamang sa hindi, ang kanyang ka-tandem na si DILG Sec Ronnie Puno bilang bise presidente, ang mersenaryo at hari ng mga operador sa bansa.
Lakas-loob na ipinagmayabang ng administrasyon Arroyo na bukud sa ilang bilyong pisong resources o warchest ng Malakanyang, mayroon pa raw silang matibay na “lokal na makinarya,” ang mga incumbent re-electionistang mga LGU officials. Pinagyabang hawak raw nila ang maraming TONGRESMEN, Liga ng mga Gobernador at Mayor, Liga ng mga Kagawad at Liga ng mga Kapitan ng Barangay sa Pilipinas. Sila raw ang pundador, ang alas at magtatakda ng kasiguruhan magtatagumpay ang kasalukuyang administrasyon sa 2010 eleksyon.
Sa kanilang teorya, "ang lokal na makinarya ang magtitiyak raw ng boto, ang magdedeliver at magseseguro ng boto" tungo sa tagumpay. Ang problema, kung ang dahilan ng iyong pananagumpay ay dulot ng 4G (guns gold, goons at garbage), KBL (kasal binyag libing), warlords, casique o LUMANG PULITIKO, sira pa rin. May naturingang lokal na makinarya kung hindi naman ito epektibo, pleksible at aktibo, wala rin.
Kahit sabihing matino, perpekto at may sapat na pondo at lohisitika ang makinarya, kung pagmumulan naman ito ng girian, inggitan at away sa loob ng partido, wala rin. Ang pinakamasaklap na senaryo, kung hindi TANGGAP ng mamamayan ang Teodoro-Puno at administrasyong Arroyo, kung talunan, walang kapana-panalo at may credibility problem, talo pa rin.
Batay sa karanasan at kasaysayan, "hindi awtomatik o walang kasiguruhang kayang ipanalo o makapag-deliver ng boto ang lokal na makinarya patungo sa nasyunal. Sa totoo lang, may isang libong beses na kapani-paniwalang mas aasikasuhin ng lokal ang kani-kanilang mga sarili, ang kani-kanilang political survival kaysa intindihin o pagka-abalahan ang nasyunal na labanan."
May sariling dinamismo ang lokal. Lubhang magka-iba ang mundo ng lokal, sa mundo ng nasyunal na pulitika. Inaasahang mas ipapriority ng lokal na talunin ang kanilang kalaban at manalo kaysa isalba't ipanalo ang kandidato ng PALAKA sa nasyunal. Strategically, "mas ipopokus ng lokal ang sariling kampanya, meaning ang sariling bakod, bago paki-alamanan ang GIBO-PUNO tandem at senatoriable candidates sa nasyunal."
Totoong mahalaga ang electoral machineries sa lokal o ang tulong ng command votes na maaaring maglaro sa limang porsiento (5.0%) ng winning margin. Kaya lang, sa liit nito, hindi dapat umasa at magtiwala. Alalahaning kapwa mahalaga ang MARKET VOTES at SWING VOTES na bumubuo ng halos otchenta porsiento (80.0%) ng kabuuang botante sa Pilipinas. Ito ang mga kadahilanan kung bakit nagiba na parang kastilyong buhangin ang senatoriable slate ng administrasyong Arroyo nuong 2007 election, ang phenomenon ni Sen Trillanes at ng mga Pineda at Lapid sa Pampanga.
Sa madali't sabi, kung makadadagdag boto si Noynoy Aquino o si Manny Villar sa lokal, makakatulong sa kanyang pagpapanalo, duon siya tataya at lulugar. Ganito ang kasaysayan, karanasan, kasalimuot at KABULUK ng pulitika at halalan sa Pilipinas.
3 comments:
ang trend sa mundo ng politika ngayon, lumalakas ang reform movements. may pag-asa ang mga katulad ni Noynoy...
ganyan din si mitra noong 1992 at si jdv noong 1998, kanila ang makinarya ng mga lgus kasi most parts of the contry may local candidates sila, pero natalo pa din, dahil sa huling linggo ng kampanya, ang mga national candidates ay inilalaglag na ng lokal, una, dahil ramdam nila na hindi nakakatulong sa survival nila ang mga pabigat na nat'l candidates at pangalawa, yung suportang pera ay hindi dumarating sa local levels, ibinubulsa ng mga regional party leaders at ng mga operators. survival of the fittest sa local levels, liban na lang kung ang local candidates ay personal na kaibigan o kamag-anak ng nat'l candidates, posibleng mabitbit na siya. sa special ops. naman ay wala talagang pwedeng asahan ang nat'l candidates kundi ang local, kung kaya kahit na alam nilang harap-harapan silang lolokohin ay biting the bullets sila. wala namang nat'l candidates na may in-house specila operations group. ultimong mga parties ay per contract lang ang ginagawa, taht really resulted to catastrophies! nagtitipid ang mga kinasasapiang partido ng mga kandidato, not aiming for the real win! magastos talaga ang may in-huose specail ops. pero assured ka nang kontrol hanggang sa local candidates, everyone reaps the fruit! noong unang tumakbo si jamby she left substantial amount to her party's governatorial candidate in reg. 2, what happen? yung pera ni jmaby, ginamit nung kandidato sa sariling specail ops. nya na hindi isinama yung nagbigay ng pera. si fomer congreesman naging governor, si jamby, natalo! classic stupidity of a nat'l candidate and a saving grace of a local candidate na walang mapigang pera sa partido niya na magagamit sa kampanya.
larry ng rehiyon apat - a
eto yung sinasabi ng mga ELECTORAL REFORM advocates na kung gusto natin ng isang maunlad na sistemang pulitika, mahalagang mapalakas ang mga political party (strengthening pol party) sa Pinas (IDEOLOGY, turn coatism, campaign finance, principle at platform of government. Kaya lang, kinuyog ito sa Kongreso. TRAPO, personality oriented, 4Gs, Kasal Binyag Libing - KBL at political clan.
Hanggang hindi nareresolba ang isyu, mananatiling buluk ang pulitika sa Pinas.
Post a Comment