Iisa ang tono ng pananalita ng Malakanyang at Comelec ng pagbuntungan nito ng sisi ang "manyana habit o last minute attitude" ang milyong kabataang Pinoy sa kabiguang maiparehistro sa katatapos na voters registration ng Comelec para sa 2010 election. (Larawan: Chaotic Voters' Registration. On the final day of one-week special voters' registration, hundreds of registrants still line to catch the 7 p.m. deadline Sunday. Many came but were not able to register; :kagay-anon.blogspot.com/
Imbis na akuin ang pananagutan sa disastrous, chaotic at walang kahandaang voters' registration, naghugas kamay ito at nagpalusot na lubhang "madadamay raw ang isasagawang kauna-unahang Poll Automation at computerized voter's list kung maaatraso sa time frame ang voters registration para sa 2010 election."
Kung di man chaotic, kulang ng mga registration papers, personel at nasirang mga biometric-reading para sa data capturing machines. Kung susumahin, tila hindi nakita ang kahalagahan na mas marami ang mairerehistro, mas tatalima sa panawagang “clean, orderly, peaceful at honest” 2010 election. Alalahaning di pa nakakabawi sa "sandamakmak na controvercies," eto na naman tayo, muling napatutunayang mahina ang Comelec.
Isang uri ng pandaraya at pagkakait (vote denial) ng karapatang bumoto ang voters disenfranchisement. Labag ito sa isang demokratikong lipunan, sapagkat niyuyurakan nito ang aktibo't responsableng (citizenship-right of suffrage) mamamayan na magpartisipa't maki-alam sa eleksyon. Taliwas ito sa "boycott election, kudeta, rebelyon-insureksyon at radikal na pagbabagong" niyakap ng kabataang Pilipino may ilang dekada na ang lumipas.
Ayon sa batas, "magagarantiyahan lamang ang isang parehas na halalan kung maisisigurong makaboboto ng maayos ang marami, walang diskriminasyon, pananakot at higit sa lahat mabibilang ang boto. Ito ay isang unibersal na karapatan ng mamamayan. Hindi man aware ang ilang pamunuan ng Comelec, may kutob ang ilang nagmamasid na "patuloy na nag-eexist ang MAFIA sa loob lalo na ang mga Election Officers (EOs) sa lokal (probinsya't lunsod), kasabwat ang mga incumbent candidates."
Sino nga ba ang makikinabang kung dadami ang bilang ng kabataang botante na kritikal, idealista at uhaw sa pagbabago? Kung dadami ang botante o market votes, kahit paano, mas magiging parehas at mas iiral ang makabagong uri ng pangangampanya sa 2010. Sa paglaki ng market votes, walang dudang mahihirapan ang traditional politics, sindikato at mga operador na maniubrahin ang halalan. Mas gugustuhin ng mga mandaraya na kontrolin ang MARKET VOTES, palakasin ang pang-elektoral na makinarya, pananakot at vote buying.
Kung naging chaotic ang voter's registration, hindi malayong paniwalaang "mabubulilyaso rin ang 2010 Poll Automated election hindi lang sa panahon ng kampanyahan, botohan, bilangan, canvassing maging sa pagmamanipula sa listahan ng mga botante."
Sa apat na milyong botanteng pinurga ng Comelec, inaasahang may apat (4) na milyong bagong mga botante ang nairerehistro't maidadagdag. Kaya lang, dahil sa voters disenfranchisement kulang-kulang sa tatlong (3) milyon lamang ang nakayanan ng Comelec. Sa mga bagong botanteng naidagdag, tinatayang may apat napu't siyam na milyon (49.0 million) bilang ng rehistradong botante ang mailalagay sa listahan para sa 2010 election.
Nuong nakaraang halalang 2007, may kulang-kulang na sampung milyong botante (10.0 million), first time voter, mga marginilized at vulnerable sectors ng lipunan ang hindi nakaboto (60-80% voters turn out) sa iba't-ibang kaparaanan; epekto ng gera, karalitaan sa kanayunan at kalunsuran, mga katutubo sa kanayunan, mga detainees, mga dis-abled at matatanda.
Sa nalalapit na 2010 at kauna-unahang Poll Automated election, inaasahang liliit ang voter's turn out (TO) o mas malaking bilang muli ang hindi makakaboto. Bukud sa kawalang voter's education sa sistemang Poll Automation, VOTE DENIAL operation o ang pagkaitang makaboto ang maraming botante, tulad ng pag-aalis ng pangalan sa listahin sa pamamagitan ng clustering ng mga presinto o sa araw mismo ng halalan, ang simpleng lituhin o pagurin ang mga botante sa paghahanap ng kanilang pangalan. Dahil Poll Automated na, tataas ang ante ng pamumudmud ng pera (vote buying), harasssment at pananakot. Maaring 2 ang layon ng vote buying; huwag ng pabotohin (vote denial) at paulit-ulit pabotohin.
Ang pinangangambahan at "nanay ng lahat ng pandaraya" ay ang malawakang pandaraya't kaguluhang magbubunsod ng failure of election na maaaring iinstiga ng ilang praning at matakaw sa kapangyarihan sa Malakanyang.
3 comments:
ka doy
Sang ayon ako sa mga naisulat mo palpak ang pamahalaan sa kampanya nito upang hikayating ang mga bagong botante, gaya dito sa quezon city sang damakmak ang di nakaparehistro, nakakaawa ang mga matatanda at mga may kapansanan. alam ng nasa pamahalaan ang ganitong mangyayari bakit hinayaan magkagulo walang sistema nagmukhang kaawaawa ang mga mamamayan kaya totoo walang dapat sisihin kundi ang pambansa pinuno na si Gloria Palpak ka talaga!!
alam ng lahat na ang ugaling iyon ng pilipino ay 'centuries old' na,dapat ang comelec with those high-falluting p.r. ay in-place yung system to arrest the perceived situation. sinadya din nilang huwag maglagay ng sistema upang ang enthusiasms ng karamihan ay mamamatay, with many supposed to be qualified presidentiables, siyempre daragsa ang magpaparehistro, dapat taken into considerations din yung mga kalamidada na dumating, ang problema, hindi lamang sa comelec ang ganitong ugali nang pagpapabaya sa sinumpaang tungkulin. lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay ganito ang sistema, masaya silang nakikitang nahihirapan ang mamamayan na gawin ang kanilang civil duties, mula sa vote registration to tax payments.
Tama ka diyan Anonymous, marami ang salik kung bakit milyung kabataan ang dumagsa sa Comelec para magparehistro; una ay yung tulong na ginawa ng 2 higanteng mga TV Networks, pangalawa ay ang umaarangkadang kandidato ng LP at NP at pagdami ng presidentiable candidates (kalidad at kabulukan). Pangatlo ay ang umuusbong at lumalakas na KILUSANG DEMOKRATIKO na pinangungunahan ng Kabataang Pilipino. Panghuli, ang hamon at agam-agam sa POLL AUTOMATION na unang mararanasan ng mga Pilipino.
Kailangang maging vigilant o mapagbantay ang mga Pilipino sa exclusion at inclusion process lalo na sa ipipinaleng Listahan ng Botante bago ang May 2010 election.
Sa chaotic na nangyaring Voters Registration, mukhang NAISAHAN ang KABATAANG PILIPINO ng COMELEC. Salamat sa mga komento.
Post a Comment