Tuesday, October 26, 2010

Barangay Eleksyon, dinaig ang Bagyong Juan

Doy Cinco

OVERHAUL COMELEC
Biktima rin ako sa kaguluhan ng barangay election kahapon. Sa akalang maayos at may kaluwagan (2:00 pm), anarkiya’t over-crowded, daming nadismaya’t umuwing luhaan at ‘di nakabotong mamamayan. (Larawan: si Pnoy sa Tarlac, http://www.mb.com.ph/)
Mula sa Diliman republic, Kalakhang Manila (NCR) hanggang sa Kanayunan, naging dilubyo ang katatapos na barangay eleksyon, hindi lamang sa araw ng botohan, maging sa kabuuang yugto ng eleksyon; mula sa pre-campaign, campaign hanggang sa voting at counting period. Ang malungkot, naging inutil ang COMELEC.(A police officer escorts a teacher as she protects a ballot box during canvassing of votes at the Manuel A. Roxas High School the other night. BERNARDO BATUIGAS, http://www.philstar.com/)
Kung may 26 ang patay, may P7.0 bilyon ang nasirang pananim at inprastruktura, may 200,000 ang naapektuhang bahay sa Bagyong Juan, sa barangay eleksyon, may 39 ang patay, P4.5 bilyon ang nawala, may no-election sa 2,400 barangay. Ang mas nakakahiya, may mahigit 2,000 over-extended na Kapitan ng barangay ang napabayaang mamayagpag at magpartisipa sa eleksyon.

Maliban sa naunsyaming mga barangay, may 1,700 barangay ang nadelay sa election. Sa Bicol lamang, may 1,836 barangay ang No-El at delay. Apektado rin ang kalapit
na probinsya ng rehiyong Central Luzon at Southern Tagalog (Zambales, Cavite), mga lugar na nasa tungki ng ilong ng Comelec. Pumalpak ang mga kinontratang forwarder, sumablay ang pag-iimprenta ng balota at pare-pareho ang serial number.

Sa kaguluhan at pagiging dis-oganized, mababa ang voter's turn out, nagkaligaw-ligaw at madaming nawalan ng pangalan sa Computerized Voter’s List. Talamak ang flying voters (hakot), violation sa pagtatakda ng “common poster areas at iligal na laki ng poster at tarpuline.” Talamak ang vote buying, pananakot at karahasan. Kung naglalaro sa P500 / botante ang bilihan noong May Automated election, may mahigit P500 hanggang P1,000 – 3,000 / botante ang bilihan sa barangay. Sinasabing, “mas pinakamagastos daw ang barangay election kung ikukumpara sa pambansang election.”

May kalakihan ang extent ng damage (kung ikukumpara sa natural na kalamidad na Bagyong Juan); ang "pananabotahe o dili kaya’y pagpapabaya ng Comelec." Kung walang mananagot, tuluyan ng mawawala ang pagtitiwala ng mamamayan sa political process. Sapagkat nakasalalay ang kasagraduhan ng demokratikong proseso at institusyon, mas mabigat ang pinsalang idinulot ng Barangay eleksyon kung ikukumpara sa bagyong Juan.
Ayon sa Local Government Code 1991, ang Barangay na isang basic political unit ng gubyerno ay salamin ng demokrasya, partisipasyon at daluyan ng programa't delivery of basic services. Sa dalawang dekadang operationalization ng batas, nananatiling kontrolado ng padrino’t pulitiko (mayor, Kongresman, gobernador) ang barangay.

Malaki ang nakataya sa barangay, maliban sa kapangyarihang taglay nito, papalapit na ang mid-term 2013 election. Ang barangay ang inaasahang magiging larangan ng pakikibaka ng iba't-ibang pampulitikang pwersa kung papalaring maitutuloy ang Cha Cha, ang pagbabago ng sistema ng paggugubyerno sa loob ng anim na taong termino ng administrasyon ni PNOY.

Halos, mag-iisang daan taon na ang Comelec (100 years) sa pangangasiwa ng eleksyon. Una tayo sa Asia pagdating sa regular na paglulunsad ng eleksyon. Kung baga, hindi na ito bagong sistema, masasabing sanay at beterano na ang Pilipinas pagdating sa “demokrasya at representasyon.” Ang nakakapanglupaypay at malaking tanong, bakit hindi natututo, palagiang sablay, madugo't trahedya, hindi pinagkakatiwalaan ang Comelec at kondukta ng eleksyon?


Sa layuning i-strengthen ang institusyon, napapanahon ng i-overhaul ang Comelec. Tama lamang ang naging panukala ni PNOY na magkaroon ng masinsinang imbestigasyon sa katatapos na palpak na Barangay Election. Mayroon ibang reaksyon na nagsasabing muling repasuhin ang Local Government Code (LGC), buwagin na ang barangay at ito na raw ang
“huling barangay eleksyon.” May nagsasabi na ang kapangyarihan ng alkalde at asembleya ng mamamayan na lamang ang magtalaga sa mga punong barangay.

Sunday, October 17, 2010

Conditional Cash Transfer will dis-empower informal sector


Doy Cinco

Habang hinahagupit ng Bagyong Juan ang Northern Luzon at minomobilisa ang Disaster’s Preparedness-zero casualty ng mga lokal na gubyerno, sa Kongreso, naging mainit ang labanan sa budget hearing lalong lalo na ang kontrabersyal na Conditional Cash Transfer (CCT) ng DSWD – Sec Dinky Soliman. (Larawan: dswd_2a.81154754.JPG)

Depende kung saan ang bias mo. Kung bahagi ka sa implementasyon at kaalyado ka ng bagong administrasyon, walang dudang pabor ka sa programa ng CCT. Kung ikaw ay malayo sa pansitan, isang oposisyon (Lakas-KAMPI) at nakapakat sa dating Administrasyon, "tutol kunwari." Kung ikaw ay isang Kaliwa na di naambunan ng ganansya at kung ika’y consistent at naniniwala sa popular na kasabihan ng mga Tsinong, “give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and you feed him for a lifetime at para sa mga Pinoy, “kumayod, magtrabaho at magsumikap, definitely tutol ka sa CCT.

Ang World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB) na tumulong, nagpautang at pangunahing taga-pamandila’t promotor ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) – CCT ay hindi nababanggit at nawawala sa eksena. Ang WB na nalalagay sa zero credibility ay isang institusyong pananalapi na kontrolado ng pinaka
makapangyarihang emperyo ng mundo, ang Estados Unidos, habang kontrolado naman ng bansang Hapon ang ADB.

Sa bawat programa’t mga proyektong may kinalaman sa kaunlaran at komunidad, ang karaniwang itinatanong ay kung may "democratic process at consultation" na isinagawa ang programa. May partisipasyon ba ang mamamayan, tunay nga bang makikinabang at magbebenepisyo ang mga maralita o informal sectors? At nililinaw kung solusyon ba ang CCT sa pagsugpo ng ilang dekadang karalitaan o isa lamang itong band-aid, palyatibo't pa-pogi points?

Mga dayuhan, "matatalino at raketerong" local elite ang utak at punu’t dulo ng CCT. Maganda man ang intensyon, idahilang "stop-gap measure" man ito, sa bandang dulo, inaasahang may negatibong epekto, sasablay at patuloy na "magiging pala-asa, tamad at kalabit pengeng" kultura ang mga maralita. Sabihin man ni Sec Dinky Soliman na "pangunahing maralita ang makikinabang, mas kapani-paniwalang mas kakabig at interest ng DSWD-Malakanyang ang pakay ng programa." Sa akalang "tunay na nanglilingkod, ang totoo'y isa itong dis-empowerment, sagka sa kaunlaran ng komunidad at demokratisasyon ng lipunang Pilipino."

Kung sana’y kinunsulta ang mga informal sector, walang dudang imumungkahi nito ang “pangangailangang pa-trabaho para sa reforestation (proteksyon ng Marikina watershed), paglilinis ng kanal at pagtanggal ng mga bara sa drainage system. Pa-trabaho para sa bilyong pisong proyektong inprastraktura (local at national), housing (medium rise bldg) program at pautang para sa kabuhayan o mga micro-livelihood project.

Para sa mga maralita ng kanayunan, ang pangangailangang pagpapaunlad ng ani't produksyon, subsidyo ng mga binhing palay, abono, mga suportang agapay sa magsasaka’t mangingisda (sustainable integrated resource management),
rehabilitation ng mga irigasyon at malawakang reforestation program. (larawan: Sustainable Agricultural Technologies / f0048‑01.gif)

Kung papipiliin lang ang mga taga Isla Puting Bato sa Baseco-Tondo at Agham rd sa harap ng Pisay, Barangay Payatas, Commonwealth, Holy Spirit at Batasan sa QC, training at kasanayan mula sa TESDA ang tiyakang gugustuhin (vocational at technical training) ng maraming istambay.

Masalimuot na proseso ang pagsasakapangyarihan (empowerment) o pag-iinstitusyunalisa ng people power. Komplikado't structural ang pag-iistrategized ng “poverty eradication at social protection program” at ano man ang laman nito, ang prinsipyo't prosesong “kayo ang boss ko at kukunsultahin ko” ay hindi dapat maisakripisyo.

Ayon sa mga academics at people's empowerment practitioners ,
"kung hindi kasali ang mamamayan sa pagdedesisyon, pagpaplano at patuloy ang kalakarang Top / Down approach," mauuwi lamang sa wala ang P20.0 bilyong pondo ng DSWD at ang inaasam-asam na pagbabago't kaunlaran sa ilalim ng administrasyon ni PNOY ay nanganganib na mauwi sa bangungot kahalintulad ng mga nakaraang buluk na administrasyon nagdaan.


Saturday, September 11, 2010

PNOY, Bus Tragedy at ang Padrino


Doy Cinco

Sa mga kaaway sa pulitika’t kritiko, ang nangyaring trahedya’t mishandling ng August 23 hostage crisis ay "repleksyon lamang na weak ang leadership" ng administrasyon ni PNOY. May political motives man ang pahayag o wala, sabihin man nagsisimula (first 100 days) pa lamang sa paggugubyerno, "malinaw na unti-unti ng lumalabas ang tunay na kulay at direksyon ng bagong administrasyon; na wala ring pinagkaiba sa pera-pera, padri-padrino, trapo at copy cat ng buluk na administrasyong Arroyo."

Kung hindi maitutuwid ang landas, pinaniniwalaang maagang madidiskaril ang naistablished na "honeymoon" sa pagitan ng mamamayan, iba’t-ibang demokratikong kilusan (civil society) sa administrasyong PNOY. Mula sa panawagang magresign ang puno ng sablay, pinuntirya ang ilang personalidad sa communication group at DILG Secretary Jess Robredo bilang may “command responsibility daw sa trahedya.” (Larawan: International outrage over the hostage tragedy directed at Noynoy’s Incompetence. http://antipinoy.com/should-i-stay-or-should-i-go/)

Walang dudang nawindang si PNOY sa trahedyang kinasapitan ng walong dayuhang turistang biktima ng
"collateral damage" ng mga tauhan ng buluk na kagawaran ng NCRPO - PNP. Imbes na magpakatatag at magpakita ng lakas ang PNOY, tila parang kuting na pusa na nanikluhod sa mga dayuhan (Hongkong-China), protektahan ang daang libung domestic helpers (OFW), yakapin ang kin
ang ng dolyar sa turismo at katigan ang grupong malalapit sa kanya, habang inilalaglag ang matitino, may conviction at partidista sa hanay.

Tulad ng inaasahan, sinamantala agad ng oposisyon sa Lakas-KAMPI ang trahedya upang makabawi’t upakan si PNOY. Mga kilalang pusakal, mga alagad ng dating administrasyong Arroyo (GMA); si Cong Villafuerte, Lagman, Magsaysay at
may 2016 presidential ambition na si Sen Escudero, na sibakin na si Robredo. Nagbanta rin “hindi makukumpirma" sa Commission on Appointments (CA) sa Kongreso si Robredo. Ang malungkot, nagkaroon din ng pagkakataong makapagmaniubra ang Cojuangco faction (makapangyarihan at maimpluwensyang Lopez, Bayaw inc., Peping Cojuangco, Ex Sec Paquito Ochoa) sa loob ng administrasyong PNOY na sibakin na si Robredo at ipalit ang PNP chief Verzosa, ang kasalukuyang puno ng PNP na magreretiro sa Setyembre taong kasalukuyan.

Kung matatandaan, nakuryente si PNOY sa prangkahang pahayag na binitiwan nito sa kaso ni Robredo na hindi na siya aabot sa kapaskuhan, hindi siya kabilang sa listahang ii-endorso sa CA-Tongreso. Nung matunugan ni Noynoy na malaki ang implikasyon kung sisibakin si Robredo, bigla itong kumambiyo at sinabing "mataas ang kwalipikasyon ni Robredo sa posisyon at hindi naman talaga siya direktang sangkot sa hostage incident."

Tila nakalimutan ni PNOY na “hindi buong-buo" ang ibinigay niyang trabaho kay Robredo sa DILG, "ang usapang si Usec Puno ang hahawak sa Interior -PNP habang sa local government si Robredo." Manok ng Iglesia ni Kristo (INK) si Usec Puno, kapalit kabayaran sa 2 milyong command votes na idiniliver ng huli sa kandidatura ni Noynoy nuong 2010 election.

Ang tanong ng mga Bikulano, bakit pinagtutulungang ng mga galamay ni GMA at Cojuangco/Aquino faction na tanggalin sa pwesto si Robredo sa DILG? Dahil ba sa kaseryosohan nito sa anti-corruption drive, anti-weteng, repormang isusulong sa local government units, Bicol politics o selos na natanggap na award nito sa prestiyosong Ramon Magsaysay?

Hindi malayong paniwalaang tali ang dalawang kamay ni PNOY sa grupong mayroon siyang "pampulitikang pinagkakautangan," malalapit at may personal attachment sa kanya. Sa katunayan, malaking bahagi ng kanyang gabinete ay inindorso ng PADRINO bilang kapalit sa "bilyung pisong pondong tulong" sa kampanya. Totoong "malawak o kaliwa't kanan" ang political spectrum ng kanyang administrasyon; may TRAPO, hindi kilala at popular, may kredibilidad at handang makipagtagisan at diskurso (struggle of interpretation and ideas) sa loob at labas, para sa pagbabago.

Ang alyansa sa pagitan ng Liberal Party (LP), ilang maka-kaliwang grupo, progresibo't aktibista na nagbigay kredibilidad sa Noynoy-Mar presidential tandem bago magsimula ang 2010 election campaign ay tila nasa minorya at nalalagay sa alanganin. Ang tanong ng marami, paano mai-strengthen ang ESTADO't mga institusyon na sinalaula ng nakaraang administrasyon kung patuloy na nangingibabaw ang sistemang padrino? Paano palalakasin ang mga demokratikong institusyon at maisusulong ang reform agenda, kung patuloy na pinahihina at nilulumpo ang partido pulitikal at organisasyon?

Saturday, August 14, 2010

Agrarian Reform and Peasant movements, naghihingalo


Doy Cinco

Tulad ng kilusang paggawa, marami ang naniniwala na humina at halos naghihingalo na ang kilusang magsasaka sa Pilipinas. Bukud sa hati-hati, iba-iba ang agenda at interest, nagbago ang terrain, kalagayan at konteksto ng relasyon sa paggawa, matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig (WW2) at naibagsak ang diktadurya, may ilan dekada na ang nakalipas.

Halos yurak-yurakan at durugin na ng Cojuangco-Hacienda Luisita Inc (HLI) ang grupo ng mga farm workers. Ang tatlong dekadang
"social justice at poverty reduction program" ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na makailang beses ng kinatay sa Kongreso (paburan ang mga casique at landed elite) ay dedesisyunan na ng Korte Suprema. Ano man pagroromantisa, tulong suporta, kilos protesta at pagbabanta ay tila wala ng epekto. (Larawan: http://www.bomboradyo.com/index.php/news/top-stories/14543-cash-distribution-sa-luisita-farmers-binatikos)

Kamakailan lang, ilang personalidad, Obispo, maka-Kaliwang partylist organization, reform advocates at NGOs ang kumundina sa naging aksyon ng HLI sa P20.0 milyong sapi na inihatag sa mga farm workers bilang compromise agreement. Pinanindigang
"ipamahagi" ang mga lupang sakahan at nanawagang "maki-alam" si Noynoy Aquino, bilang may 1.0% share of stock sa hacienda at presidente ng bansa. Ang tanong ng marami, sa kasalukuyang sistema, "ang distribusyon ba ng mga lupain ay "kahulugan ba ng kasaganahan, kaunlaran at demokratisasyon sa kanayunan lalo na sa hanay ng mga farm workers o isang materyales na lamang sa propaganda ang isyu?

Kung sasang-ayunan ng Korte Suprema ang nasabing kasunduan, ipamamahagi ng HLI ang natitirang P130.0 milyong halaga sa mga tao. Kung babalikan, dalawang opsyon ang kasunduan, tanggapin ang parselang lupain o panatilihin ang stock sa korporasyon. Sa kasawiang palad,
"mas naniguro ang mga tao at nanaig ang option na share of stock (stock distribution option - SDO) imbes na lupa."

Palatandaang mahina na ang mga organisasyon ng mga farm workers maging ang kanilang ka-affiliate na kilusang magbubukid sa bansa. May grupong nirereject ang CARP at nananawagang
"kompiskahin" ang mga lupain ng panginoong maylupa bilang pagtugon sa "demokratikong rebolusyong bayan." May mga "reform advocates" na tumitingin sa balangkas ng “bibingka strategy,” may grupong nagpapatupad ng pananakahang kapital (corporate farming at market based), agri-business at talamak na land conversion. May tumanda na, parating lugi, sawa’t pagod na sa gawaing pagbubukid, nagbago ng istatus at nangibangbansa (OFW).

Habang naghihingalo ang estado ng sektor, mainit ang diskurso sa kung paano pinanghahawakan ang isyung umaapekto sa kanayunan. Sa kaso ng HLI, mahirap maisa-isang tabi ang isyu ng labor-management na tunggalian. May nagsasabing maaaring nasa
"balangkas na ng trade unionism ang labanan o dili kaya, na sa usapin na ng rural developments, integrated approached at wala na sa orbit ng classic na panawagang repormang agraryo."

Dagdag pa, malaki ang kakulangan sa representasyon ng mga institusyong politikal ang kilusang magsasaka. Ang panawagang demokratisasyon sa kanayunan ay malungkot na pinangungunahan at inisyatiba na ng landed elite at estado. Dominado, matatag at matibay ang political authoritarian at economic institusyon sa kanayunan ng mga angkang makapangyarihan. Isa ito sa mga kadahilanan kung bakit hindi nakatugon ang Estado-gubyerno sa panawagan ng sinasabing
“organisado at broad-based” na kilusang magsasaka.

Sa katatapos na 2010 election sa Tarlac, landslide victory o 73.0% ang nakuhang boto ni Noynoy Cojuangco Aquino, habang 5.0% si Villar. May isang siglo (hundred years) ng kontrolado ng casique o landed elite ang pulitika't ekonomiya ng probinsya.

Mukhang kailangang mag-adapt at
"mag-rethink ang kilusang masa." Hindi maipagkakailang "may kakulangan ng masinsinang pagsusuri’t pag-aaral, pagtuklas ng makabago at creative approach sa pag-oorganisa't pakikibaka at pagkunsidera sa estratehiya at taktika." Walang dudang "naka-apekto sa kanayunan ang globalisasyon." May pagbabago sa terrain, lumalaki ang bilang ng “inpormal sektor,” habang unti-unting nawawala ang tunay na magsasaka (nasa minority) sa rehiyon.

Para sa pagpapalapad at pagpapalakas, ang ilan sa nag-e-emerge na mga bagong kilusan ngayon, bukud sa sectoral-based ay ang community building approached, "citizenship at local democratic movements" at ang matingkad na isyu sa ngayon ay ang karalitaan, kalikasan, unemployment, delivery of basic services, access sa resources. peace and order, representation at governance.

Monday, July 26, 2010

SONA ni Noynoy, naglaman ng anti-GMA administration sentiments


Doy Cinco

Sa kauna-unahang state of the nation address (SONA) ni Noynoy Aquino kanina, inamin nito na bukud sa nasa malubhang kalagayan o nasa intensive care unit (ICU), bangkarote't lubug sa utang ang estado ng bansa, nasalaula rin ang institusyon sa sampung (10 years) taong pamumuno ng mga kriminal, buwitre’t dorobo sa gubyerno. Partikular na pinuntirya ang nakaraang administrasyon ni Gloria Macapagal Arroyo.

Totoo at naniniwala ang marami sa latag ng estado ng bansa, pero mukhang nakaligtaan isulat ng mga speech writers ni Noynoy Aquino ang ilang dekadang talamak na sistema ng pulitika; ang oligarkiya, padri-padrino at kontrol ng makapangyarihan angkan (political clan) na siyang puno't dulo, ang lumikha ng mga katulad ni GMA, Marcos-Romualdez, Singson, Ampatuan, Ermita, Ortega, Pineda, Dimaporo, Jalosjos at maraming iba pa.

Nakaligtaan ding banggitin ni Noynoy na bukud sa bad governance ng administrasyong Arroyo, factor din sa pagpapahirap ng bayan ang
hindi makataong batas na automatic appropriation sa trilyong pisong utang panlabas (IMF-WB) o pag-uubligang bayaran ang mga onerous na utang na hindi naman napakinabangan ng mamamayang Pilipino, ang dambahulang oil cartel, malalaking financial (bank) institution, drug at ilang multinational companies, malalaki at nagsamantalang mga konsesyon sa kuryente (pinakamataas na presyo sa buong Asia), tubig, minahan at mga bilyunaryong tax evader sa bansa.

Bagamat "bitin at 'di klaro ang tahaking pampulitika at pangkaunlarang balangkas," halos kapareho lamang ng kanyang ipinahayag nuong proklamasyon ang SONA ni Noynoy. Ganun pa man, popular at mataas pa rin ang pagtitiwala ng mamamayan, moral ascendancy, leadership at kagalang-galang sa mata ng mundo. Kulang-kulang 90% ng mga Pilipino ang umaasang may pagbabago sa bayan. Bagamat delikado ang ganitong tunguhin, maaring makadagdag challenge at pressure na ubligadong maideliver ang output at ma-ireverse (baligtarin) ang patakaran ng buluk na sistema ng paggugubyerno ng mga nakaraang administrasyon.

Aasahang tatagal ng mahigit isang taon (one year) ang honeymoon ni Noynoy sa mga stakeholders. Bagamat may reservation at agam-agam sa "reform agenda at ilang mga hardcore neo-liberal elements" sa loob ng kanyang gabinete, ang pagbabantay at pagiging vigilant ang tanging maaaring gampanan ng (aktibong) mamamayan.
Larawan: 1. President Arroyo and Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. inaugurated the newly constructed Atherton Bridge in simple ceremonies yesterday)

Mukhang hindi batid ng admnistrasyong Aquino na "mahihirapan itong maasahan ang suporta ng lumang pulitiko (trapo) na halos ilang dekada ng wala sa matuwid na landas ng pangungurakot at oportunismo." Kung madidiskaril ang legislative people's agenda ni Noynoy Aquino sa 15th Congress (Senado at Kongreso), maaring ipanumbalik ni Noynoy ang "people power," kabigin ang suporta ng"kilusan ng mamamayan at lokal na komunidad" kahalintulad sa matagumpay na karanasan ng South Africa (Nelson Mandela), Brazil (Lula da Silva) at Venenzuela (Hugo Chavez) sa Latin America.

Sunday, June 06, 2010

GMA paranoid Midnight appointments

Doy Cinco


Patapos na ang consolidation at canvassing at ganap ng ipoproklamang presidente si Noynoy Aquino - Liberal Party at si Vice President Jojo Binay ng PDP-Laban. Sa kabilang banda, habang nakatuon ang bansa sa incoming administrasyon, sinamantala ni Gng Arroyo na makapagpasok ng mga alipores sa gubyerno. Layon nitong palakasin ang pwersa, kapangyarihan at maghanda sa ano mang konprontasyon pulitikal sa hinaharap. (Larawan: Si Gen Bangit at si GMA: raissarobles.com/wp-content/ uploads/2010/03/G....)

Totoong nakababahala ang kaliwa’t kanang midnight appointments at mukhang walang planong magretiro sa pulitika, magpahinga't mag-alaga na lang ng kanyang apo si GMA. Mula sa pagiging presidente't pinakamakapangyarihang tao sa bansa, bumaba't muling pinalakas ang "lokal na kahariang pulitikal," kinontrol ang ikalawang distrito (2nd District) sa Pampanga, sa akalang makakapag-avail ng congressional immunity at masusungkit ang speakership ng 15th Congress. Ipinapakita lamang na hindi pa laos, kumikikig at malakas na pwersang pulitikal sa bagong administrasyon Noynoy Aquino ang kampo ng mga Arroyo.

Bukud sa iiwang virus, bacteria at kamalasan sa halos sampung taong pagtatampisaw sa kapangyarihan, walang dudang proteksyon sa kanyang sarili't kahariang angkan, political survival at economic interest ang layon ng midnight appointments at hindi ang kaunlaran at demokratisasyon ng lipunang Pilipino.

Maliban sa ilang batalyong midnight appointment na maaring ipambala sa destabilization, may arsenal din si GMA sa Mababang Kapulungan na handang hadlangan at guluhin ang administrasyong Noynoy Aquino sa pangakong idemokratisa ang pulitika’t lipunang Pilipino. Patunay ito sa nangyaring isang patikim at kamandag na ipinakita sa pagkakabasura ng Freedom of Information (FOI) bill ng mga trapo at galamay ng lumang administrasyong Arroyo.

Ang pagkakatalaga bilang chief justice ng Supreme Court kay Renato Corona, General Delfin Bangit bilang AFP chief of staff, extension ng reappointment ni Genuino sa PAGCOR at ilang mga kaututang dila sa constitutional appointments sa COMELEC, Ombudsman at Sandiganbayan. Nakapagtanim din ng mga GMA loyalista sa GOCC (Govt Owned Corporation), GSIS, SSS, PNOC, NPC, MWSS at iba pang estratehikong mga posisyon, mga mahahalagang ahensyang nataguriang gatasang baka ng administrasyong Arroyo.

Maituturing parang isang “shadow government ng mga loyalista ni GMA” na itinanim sa halos lahat ng sangay ng estado; mula sa ehekutibo, lehislatura at hudikatura. Banta siya sa seguridad at destablization sa gubyernong nais resolbahin ang ilang dekadang pagkakawatak-watak, kawalan ng pag-asa't katarungan, nasalaulang mga demokratikong institusyon at karalitaan ng lipunang Pilipino. Maliwanag na handa si GMA sa ano mang gerang pulitikal, sa planong prosecution at kasong ipapatong ng administrasyong Noynoy Aquino sa hinaharap.

Noynoy's "Search Committe"

Maisasakatuparan lamang ang plataporma de gubyerno ng administrasyong Aquino kung makakabig ni Noynoy Aquino ang malawak na suporta ng lahat ng pwersang pulitikal sa bansa at mai-isolate ang mga extremista at traditional politicians (trapo). Isang magandang formula at estratehiya sa unang isang daang araw sa paggugubyerno ng administrasyong Noynoy Aquino ay ang isang "rainbow coalition" o ang pakikipag-alyansa.

Lubhang kailangan sa bagong sumisibol at nagpapalakas na gubyerno ang “rainbow coaliton na binubuo ng maraming kulay, pluralista't may kumon agenda, may consensus, may pinagkakaisahang layunin at direksyon,” kagandahang asal at mataas na "level ng political maturity." Ang coaltion government ay karaniwang kalakaran at nagtagumpay sa mauunlad na bansang tulad sa Europa at Latin Amerika.

Maitatranslate ang naturang "coalition building" sa pamamagitan ng pagtatalaga sa cabinet post ng mga taong "subuk, may angking kakayahan, malinis, popular, may conviction, maliban sa partisipasyon nito sa nakaraang 2010 election campaign." Tiyak na mabibigo sa gawaing paggugubyerno si Noynoy Aquino kung walang katuwang (citizen's movements), partisipasyon ang mamamayan at KOALISYON lalo na sa inaasahang pananabotahe ng trapo-warlord-elite at mga galamay ni Gng Arroyo.

Kaya lang, kung kinakabahan ang lahat sa midnight appointments ni GMA, mukhang concern din ang marami sa proseso ng "search committee" lalo na kung may sablay sa balangkas, pamamaraan at demokratikong konsultasyon (showbiz, recycled personality at classmate inc) sa mga sektor at stakeholders na involved sa bawat linya at porpolyo ng mga ahensya ng gubyerno.

Kung ano man ang naka-set na pamantayan, criteria at partisipasyon sa 2010 electon campaign, patuloy na mananalig ang marami na "maidedemokratisa" ni Noynoy Aquino ang paraan at balangkas na gagamitin ng search committee para sa cabinet position. Mas lalong bibilib ang marami kung ang isa sa mga pamantayan ay ang "pagiging aktibista, may prisipyo't conviction, mapagpakumbaba at may liberal-demokratikong tradisyon." Kung saka-sakali, isang "new wave," palaban at aktibistang gubyernong Noynoy Aquino ang maitatatag sa Asia-Pasipiko.

Tuesday, May 04, 2010

Noynoy's landslide Victory and "Failure of Election"

Doy Cinco

Tiyak na ang panalo ni Noynoy Aquino. Halos apat (4) na araw na lang ang nalalabi at eleksyon na, may isang Linggo ang natitira, ipoproklamang presidente na ang standard bearer ng Liberal Party na si Noynoy Aquino, ang kauna-unahang binatang (bachelor) presidente sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang isyung pinagtatalunan na lang ay kung gaano kalaki ang kanyang magiging kalamangan; 10%, 15% o hihigit sa 20% at sinu-sino ang posibleng kakatawanin ng kanyang administrasyong (cabinet secretaries) may tendensiyang "center-left at liberal democratic formation." Ang sigurado, nakikinita na ang isang landslide victory for president para kay Noynoy Aquino.(Larawan: Noynoy Aquino http://cache.daylife.com/imageserve/0bx95FJ4c69AT/610x.jpg)

Matapos pumanaw ang democracy icon ng bansa na si Tita Cory at nakitaan ng simpatya ng sambayanang Pilipino, naitulak sa presidentiable bet si Noynoy matapos bumaba sa Vice Presidentiable race si Mar Roxas. Popular na presidentiable candidate sa kasaysayan ng bansa si Noynoy Aquino. Mukhang siya na lang ang tanging presidentiable bet na may kakayahang pagkaisahin at tumugon sa ilang dekadang democratic deficit (political reform agenda) ng lipunang Pilipino.

Kung mababa sa 70% ang voter's turn out (35.0 million -TO), ang 40% ni Noynoy ay katumbas ng botong 14.0 milyon, habang parehong naglalaro lamang sa 7.0 milyon boto o bahaging 20% si Manny Villar ng Nacionalista Party (NP) at Erap Estrada ng Partido ng Masang Pilipino (PMP). Sa kalamangang 19% sa sumisigundang kalaban at may kartang 39% ng kabuuang bilang ng botanteng Pilipino, lumalabas na mahigit 7.0 milyon ang inaasahang kalamangan ni Noynoy Aquino sa kanyang sumisegundang kalaban.

Kung magkataon, tinatantyang hihigitan pa nito ang kinahinatnang panalo ni Pres Estrada nuong 1998 presidential election kung saan umani ito ng mahigit kumulang na 40% boto sa kabuuan. Isang himala at suntok sa buwang makakahabol pa ang pinaghihinalaang manok ng pamilyang Arroyo na si Manny Villar at ang nahatulan at na pardon sa kasong pandarambong na si dating Presidenteng si Erap Estrada.

Apat (4:10) sa sampung botanteng Pinoy ang solidong Noynoy Aquino at panigurong hindi na matitinag hanggang sa araw ng botohan. Mula sa 44% nuong Disyembre, 2009, sumadsad si Noynoy sa 36% nuong kalagitnaan ng Enero, 2010 at sa kasalukuyan nasa 39%. Naniniwala ang marami na muling babalik at aakyat sa 44 – 50% si Noynoy Aquino matapos ang bilangan. Malayong pumapangalawa (2nd place) ang dating Presidenteng si Erap Estrada at dikit na tersera (3rd) na si Villar.

Ipagpalagay na nating magkakatotoo ang argumento ng Defense Sec Norberto Gonzales na magkakaroon raw ng "failure of election," talamak ang dayaan, bilihan ng boto sa hanay ng lokal na election officers at magiging magulo ang kauna-unahang poll automated election sa bansa. Ang tanong ng marami, sino ang may kakayahan, may resources at may capabilities na mandaya sa eleksyon? Ang tanging kasagutan at persepsyon ng marami, "ang bantay salakay, ang malakanyang."

Ipinagmamayabang ng Lakas-KAMPI ang 5-10% vote delivery ng kanyang lokal na makinarya na malamang maiswing vote sa sino mang paboritong manok ng pamilyang Arroyo. Ang masaklap, mas uunahing isalba nito ang kani-kanilang mga sariling kandidatura kaysa habulin ang mahigit 15% kalamangan ni Noynoy Aquino.

Ang insidente ng pagmalfunction ng mga PCOS machine sa maraming lugar, kasama ang Metro Manila sa isinasagawang Testing and Sealing kahapon ay maaring isang simpleng teknikal na usapin na kayang resolbahin ng Smartmatic at Comelec. Sa malilikut ang isipan, tinitignang posibleng pananabotahe, politically motivated, bahagi ng isang iskimang guluhin ang democratic process at idiskaril ang peaceful transition ng kapangyarihan.

Kaya lang, sa ayaw man natin o sa gusto, automated man ito o parallel manual counting, dumadagundong ang panawagang ituloy ang eleksyon sa Lunes, May 10, 2010. Katawa-tawa at mas kahiya-hiya tayo sa mundo, sa mata ng mamamayang Pilipino kung madidelay, papalpak o madidiskaril ang kauna-unahang poll automation sa bansa.

Dalawa ang posibleng scenarios; Una, "kung sa failure of election o partial failure of election, walang dudang nakatuon sa pagsasawata sa napipintong landslide victory ni Noynoy Aquino, ang kalabang mortal sa pulitika ng pamilyang Arroyo at itinuturing ng Kaliwa na "tuta na raw ng Imperyalistang Estados Unidos." Ang tanging hangarin at makikinabang sa ganitong scenarios ay ang pwersang gustong manatili sa kapangyarihan, ang praning sa patung-patong na kasong pandarambong na dili't iba ang administrasyong Arroyo. Karugtong nito ang layuning itayo ang isang interim transition government o isang military junta."

Ang pangalawa; "sa failure of eleksyon, marami ang naniniwala na ang dulong Kaliwa ang walang dudang makikinabang at aani ng mga labanan at sitwasyon. Katuwang ang ilang kandidato sa nasyunal, ang failure of election ay makapagki-create ng isang revolutionary situation, political uncertainty, anarchy at hindi mahirap paniwalaang sasakyan ito ng mga extremista tungo sa down fall ng ating demokratikong institusyon at estado. Walang dudang kasunod na ang pagtatayo ng isang diktaduryang sistema ng paggugubyerno, kahalintulad ng Burma at North Korea."


Monday, May 03, 2010

Villaroyo at ang bangungot ng Local Machineries

Doy Cinco
Noynoy-Mar, namumuro

Halos tatlong linggo na lamang ang nalalabi bago ang paghuhusga. Sa takbo ng mga pangyayari, may saisenta porsiento (60%) ng labanan sa presidentiable ay tukoy na't namumuro na ang Noynoy-Mar tandem. Kung walang abirya sa kondukta't tutupdin ng Comelec ang kanyang mandato, kung mamiminimized ang pinangangambahan fraud and terrorism, partial failure of election at kung maimimintina ang double digit (+ 15%) na kalamangan ni Noynoy Aquino at ni Mar Roxas hanggang sa huling linggo ng April, peaceful transition, may bagong gubyernong astig at palabang presidenteng mapoproklama sa Hunyo, taong kasalukuyan.

Mula sa may 10 bilyong pisong winaldas sa air war at kampanya ng apat na presidentiable, magsi-shift na ang istratehiya patungo sa pinakadelikading na huling yugto ng labanan, ang pinakamagastos na pakikipag-negosasyon sa mga stakeholders (special Ops), vote protection at vote delivery operation. Ayon sa mga beteranong operador, isang-katlo (1/3) ng kabuuang gastos ng isang kandidato ay inilalaan sa “vote delivery at vote protection operation, meaning, ibinubuhos ang pondo sa bisperas, sa araw ng election, bilangan, canvassing hanggang proklamasyon.”

Sa panimulang pagtatasa, sinasabing “kung sino man ang maipo-project at pupusturang political activist, malinis,” maliban sa makinarya at resources ay siyang magtatagumpay sa lababan. Naging mapagpasya sa labanan ang air war o propagandang dala na "Villarroyo alliance," ang alegasyong sikretong lantad na manok ng pamilyang Arroyo na si Manny Villar. Marahil, bunsod na rin ng malamyang campaign message o pag-iwas laban sa kabulukan ng administrasyong Arroyo, ang pasibong mensaheng "sipag at tiaga," pagmamaramut ng campaign funds at turncoatism ng dominant party.

Sa loob lamang ng ilang buwan, halos lahat ng incumbent local candidates ng Lakas-KAMPI CMD candidates mula sa Northern Luzon pababa sa Mindanao, mula sa gubernatorial, congressional district at mayoralty, "kahit may pahabol na pork barrel-SARO mula sa Malakanyang ay nagsipaglundagan at tumaya na kay Manny Villar. Sa mga lugar na nabanggit, hindi tumaas ng 8% voter's preference ni Gibo Teodoro habang nasa mahigit 20-30% ang puntos na nakukuha ni Manny Villar."

Totoong nagtalunan na ang halos lahat ng Lakas-KAMPI local candidates kay Manny Villar. Kaya lang, ang malaking problema, imbis na makadagdag boto, mukhang nakabawas pa ito sa kanyang kredibilidad (Villar) at pagpapa-totoo ng Villarroyo alliance. Sapagkat, kung 'di man mga kilalang pusakal, mga high profile elite - trapo at halos limang taong humalik sa tumbong ni GMA ang siya ngayong nakapakat kay Villar; ang ilan dito ay sina; Chabit Singson-Ilocos Sur (Photo), angkang DY-Isabela, Mike Defensor-QC, Lilia Pineda-Pampanga, Armando Sanchez-Batangas, ang mag-amang si Pabling at Gwen Garcia-Cebu, ang anak ni Ex Sec Eduardo Ermita-Batangas, Zubiri-Bukidnon, ang mag-amang si L-ray at Louie Villafuerte-Cam Sur at Romualdez-Leyte, Jocjoc Bolante-Capiz, ex-Speaker Nograles-Davao at iba pa.

Pangalawa; hinggil sa usapin ng local machinery, walang garantiyang nagsasabing may malaking papel ang mga local candidates sa vote delivery para sa national candidates. Bukud sa poll automated system, mukhang mahihirapan ng maulit ang nakakahiyang trahedya sa ARMM, partikular sa mga Ampatuan ng Maguindanao, kung saan na-zero sa boto si FPJ noong 2004 presidential election. Napatunayan na sa maraming labanan at kasaysayan na naglalaro na lamang sa mahigit kumulang na 5% ang kapasidad ng vote delivery ng mga local candidates. Sa presidential race, ang "market votes" ang siya pa ring magdadala ng labanan.

Pangatlo; ang critical na scenarion ng partial failure of election na tinatantyang nasa 15-30% o katumbas ng 3 - 5 milyong botong maaring mapasakamay sa sino mang manok ng administrasyong Arroyo.

Panghuli; kung pagsasamahin ang vote delivery capacity (5%) at partial failure ng election, mauuwi sa closed fight ang labanan. Kaya lang, tulad nuong 1998 Erap landslide victory, ang bangungot na pinagyayabang alas na local machineries ng Lakas-KAMPI ay mabubulilyaso at kakapusin. Mas malapit sa katotohanang mas uunahin pa nitong isalba ang sariling kandidatura kaysa sa paki-alamanan pa at ipanalo ang manok sa national candidate ayon sa dikta ng Malakanyang o partido.

Sa Pilipinas, “mapagpasyang nasa apat (4) na key players" ang isina-sa-alang-alang sa presidential election; Una, ang suporta ng simbahan. Pangalawa; ang suporta ng malalaking negosyo. Pangatlo; ang suporta ng PNP-AFP at Panghuli; ang suporta ng Estados Unidos. Kung may 3 ka dito, panalo kana. Ang malungkot na tanong, nasaan ang kilusan ng mamamayan at masang Pilipino sa apat?