Wednesday, February 28, 2007

Debate, Diskurso at TRACK RECORD, hindi Pol Ad sa MEDIA

Marami ang matutuwa kung ang pangunahing labanan at kondukta ng electoral campaign ay mauuwi sa public DEBATE at maititigil ang magastos na TV pol Ad ng mga pulitiko. Kaya lang, hindi lang dapat matali o mauwi sa lantay debate, chika, pogi points at buladas sa mga maiinit na isyu, ang pinaka-importante, ang mahalagang sangkap na dapat malaman ng taumbayan ay ang kawalan kwentang TRACK RECORD ng bawat isa, ng gubyernong GMA o ng bawat partidong kalahok sa naba-baboy at nasasalaulang electoral politics ng country.

Kamakailan lamang, inihayag ng administrasyon, ni Executive Secretary Eduardo Ermita na handa nilang ipagtanggol, idipensa ang kanilang “plataporma de gubyerno kuno” ni Ate Glo-administrasyon, ng Team Unity. Handang-handa rin ang Genuine opposition (GO) sa public debate at iminungkahing isagawa agad ito sa PLAZA MIRANDA kung saan traditional (50s-70s) na isinasagawa ang debate sa kasabihang “idepensa n'yo yan sa Plaza Miranda.”

Kung matutuloy ang nasabing public debate, isa na itong panimulang hakbang upang maisulong ang matagal ng inaasam-asam na “voter's electoral education, political maturity, maharness ang intelehensiya ng botanteng Pinoy at higit sa lahat, maipakita ang punut dulo ng kabulukan ng pulitika, eleksyon at pagsasareporma ng sisteng pulitika (TRAPO, personality oriented, 4 Gs (guns, gold, goons at garci) at KBL (kasal, binyag, libing).”

Walang dudang kinupit sa National Treasury, kwarta ng bayan ang winawaldas ng mga pulitikong ito sa kanilang political Ad. Batay sa ulat ng Nielsen Media Research kahapon, sa loob lamang ng dalawang Linggo, konserbatibong may P250.0 milyon na ang ginagastos ng mga buguk na pulitiko sa Pol Ad. Dapat imbistigahan at i-audit ng Comelec ang walang habas na pagtatapon ng pera ng bayan ng mga Sentoriable candidates.

Ang dalawang daang milyong pisong itinapon sa Pol Ad political campaign
ay dapat sana'y na-ipagpatayo na lamang ng silid aralan, paaralan, sweldo ng mga guro, farm subsidy sa mga magbubukid, health center, hospital at libong bilang ng duktor at nurse (upang hindi na magsipaglayas tungo sa ibayong dagat) at social services sa mga liblib na lugar ng bansa. Ang bilyong pisong ginastos dapat nailaan sa kakulangan ng tubig na miinum, kuryente at malnutrisyon sa kanayunan.


Nababaliw na itong si Pichay na sa maling akalang makikila, papasok sa magic 12 sa survey, tataas ang panghihikayat na iboto siya ng tao o conversion factor, sa pamamagitan ng P40.0 milyong TV, Radio at print Political Ad (top notcher sa gastusan) mananalo siya. Walang kaduda-dudang matutulad lamang ito kay Ernie Maceda nuong 2004 election.

Hindi lamang isyu ng Paggugbyerno ang dapat sentruhan ng public debate. Maaring magpokus sa pitong (7) major topics;

1.Political at electoral reform. Ang isyu ng Political Clan, stregnthening ng Political Party at Proportional representation o Party List
2.Isyu ng abolition of Pork Barrel at Weteng
3.Full Employment, isyu ng OFW at Industrialization
4.External Debt at isyu ng WTO/Globalization
5.Charter Change. Ang isyu ng Con-As, Con-con at parliamentary shift
6.Human Right, Anti-terrorism at insurgency problem
7.Independent foreign policy at US-Philippine Relation

Doy Cinco / IPD
March 1, 2007

Tuesday, February 27, 2007

Part 1: Listahan ng Political Clan, mula Appari - Jolo.

Luzon Area:

Tanda ng kabulukan ng pulitika ang patuloy na pamamayagpag ng political clan sa bansa. Nagbabago ang hugis at anyo ng political clan, kung dati rati'y ang landholdings (landlord cumprador) ang major source ng kanilang kayamanan, marami sa kanila ngayon ay mga nasa
corporate executives o nag-shift na't involved na sa iba't-ibang klase ng negosyo.

Ang Angkan ang panguning political organization sa Pilipinas. Maliban sa pagiging elite, ilan sa kanila ay naingganyong papilan ang iligal na gambling at prostitution lords lalo na kung sumisikip at may matinding krisis na kinakaharap. Kabilang sila ngayon sa ilang malalaking kumpanyang Real Estate, trading, retailing at construction.
Ang ilan sa kanila ay nagmula't nag-ugat pa sa huling bahagi ng 18th century Illustrado (chinese, spanish) at kapansin- pansin na pawang mga mestizo/a ang kanilang pangngatawan.

Kailangan ng maisareporma ang sistemang pulitika at halalan sa bansa. Napakahalagang mai-provide na ang paborableng kondisyon para sa isang " participatory, direct democracy, isang pluralista at multi-party system na representative democracy."

Ilan sa mga kilalang Political Clan, mula Aparri hanggang Jolo;

Region 1
: Ang Marcos clan ang matagal ng siga-siga sa Ilocos Norte. Kung hawak ng mga Marcoses ang probinsya, hawak din ng isang maliit na Farinas Clan ang Laoag City, ang itinuturing kaaway sa pulitika ng mga Marcos. Ang Chabit Singson clan (2nd generation) ang may hawak sa Ilocos Sur. Nakabaon sa local politics ang kanyang kamag-anak, kapatid at ang mga pamangkin, si Eric Singson at ang kanyang asawa. Isang alyadong Baterina Clan ang tahimik na nagpapalakas sa lugar. Nawala na sa mapa ang mga traditional na Crisologo at Raquiza clan.

Kontrolado ng Ortega clan ang probinsya ng La Union. Kung may bagong umuusbong na Dumpit at Nisce clan, may namamatay na lumang Aspiras clan, makapangyarihang crony at organisador ng "solid north" nung panahon ni Marcos.

Dahil sa laki ng Pangasinan, kalat-kalat ang kaharian at walang super na angkan ang may kakayahang manipulahin ang lugar. Intact ang mga naunang political clan sa bandang silangan, ang Estrella at Perez clan. May mga bagong umuusbong, tulad ng Agbayani clan na siyang may hawak at namamagitan sa probinsya. Nakaposisyon sa bandang North-west si Joe de Venecia, ang controversial na Speaker of the House. Posibleng makakatapat ni Joe de Venecia ang Benjie Lim clan, ang tigasin ng Dagupan City sa norte. Tulagan sa South at Mark Cojuanco clan sa North-west.

Cordiller Autonomous Region (CAR): Valera clan ang hari at maton ng Abra. Kamakailan, naging laman ng headline at balita si Gov Valera nung ma-assasinate ang isang kaaway sa pulitika ni Gov Valera sa QC. May bagong sumusulput na Luna Clan. Kung babalikan ang kasaysayan, may ilan dekadang hinawakan ng Paredes clan ang Abra. Kontrolado ng Bulut clan ang Apayao habang may Dalwasen clan na bagong nagpapalakas sa lugar.

Brawner at Cappleman clan ang may impluwensya sa Ifugao.
Matagal ng siga-siga ang Dominguez clan sa Mountain Province, kaya lang may mga bagong lumilitaw na malalakas; Dalog, Malinas, Claver at Mayaen Clans. Unti-unting nawawala sa eksena ang Lamen clan.
Pinaghahati-hatian ng Molinas, Cosalan at Dangwa Clans ang probinsya ng Benguet. Ang Tabanda at Tinda-an clan ang ilang sa mga bagong lumilitaw.

Region 2: Enrile clan ang lolo ng mga clan at siga-siga sa Cagayan. Bagamat “nalilimita” sa bandang north-eastern ang saklaw ng kapangyarihan, hawak ng ibang maliliit na clan tulad ng Cong Mamba ang southern part ng probinsya. Namamagitan sa gitna ang bagong umuusbong na kaharian, ang Gov Ed Lara clan. Inaasahang lalaki ang political role ni Cong Jackie Enrile sa darating na panahon. Nasaan na ang mga bigating Carag, Reyno at Dupaya clan?

Malakas pa rin ang DY clan sa Isabela. Mula pa kay Faustino (tatay), magkakasunod na hinawakan ang governatorial position, dalawang congressmen at ilang mayor sa probinsya. Dahil sa laki ng Isabela, may ilang maliliit atkalat-kalat na lumilitaw, ang Siquian, Reyes clan at higit sa lahat ang Albano Clan. Mula kay Rodolfo hanggang kay Rodito at Cesar, hinawakan nito ang legislative district at isang munisipyo. Hindi rin maisasa-isangtabi ang Miranda Clan sa lunsod ng Santiago, ang sentro ng trade and commerce ng rehiyon. Habang may bagong litaw, humina naman ang Heherson Alvares at Abaya clan sa southern part ng probinsya.

Kontrolado ng Cua clan ang Quirino habang nagpapalakas ang Bacani clan. Nanatiling may kontrol ang Perez Cuaresma atclan (dating Comelec chair) sa Nueva Viscaya.

Region 3, Central Luzon: Mukhang wala ng katapusang panghahawakan ng Joson clan ang (3rd generation) Nueva Ecija. May tatlong Joson ang nakapwesto; Tomas at Mariano Joson. Nakabaon din ang mga matatagal at bagong sulpot na mga kaharian sa ilang bahagi ng probinsya, nandiyan ang Villareal clan at Umali Clan, ang bata ni Mark Jimenez. Walang dudang sila pa rin g mananaig sa nalalapit na May midterm election. Ganap ng naglaho ang Diaz clan.

Ang pinakasiga sa lahat ng mga angkan ay si Boss Danding Cojuanco, Peping Cojuanco at Aquino clan. May kalat-kalat na angkan na nagpapalakas at may basbas sa mga bosing; ang pwersa ng Apeng Yap clan at Aganon clan sa middle-southern part ng probinsya.

Ang Reyna ng mga reyna ng political clan sa Pilipinas ay ang Macapagal Arroyo ng Pampanga. Bagamat matibay ang pwesto ni Mikey sa 2nd District (3rd genertion), may mga bagong kilala ang nagpapalakas, ang Lapid Clan sa katauhan ni Gov Mark Lapid at Sen Lito Lapid, ang gambling lord na Pineda clan sa southern part ng probinsya, David, Bondoc at Guiao clan.
Mga bagong political clan ang kasalukuyang may kontrol sa Bataan, ang Tet Garcia na hawak ang governatorial at mayoralty position sa middle-southern part, Roman at Payumo clan sa northern part ng Bataan.

Nagkalat ang sentro de grabidad ng political clan sa Bulacan. Bagamat ang mga Pagdanganan ang nangingibabaw sa lahat, ang mga De la Cruz (9 taong humawak ng probinsya), Roqueros, Sarmiento at Maganto ang mga bagong sulpot na nagttayo ng kaharian sa Katimugan. May mga nagmimintina't bumabagsak na traditional politicians; ang Silverio at Ople clan.

Ang Magsaysay-Diaz clan ang pinakamakapangyarih, siga at pinakalumang pulitiko sa Zambales. May ilan umuusbong na maliliit at bago, mga kalaban sa pulitikang si Gordon ng Olongapo at Lacbain clan.

National Capital Region: Labo-labo ang kaharian sa Manila. Mula sa Atienza clan, ang anak na si Ali, magkakatapat-tapat sa May midterm election ang mga Lacuna, Bacani, Mark Jimenez at Joey Hizon clan. Habang naghihingalo ang mga Lopez, Ocampo at Barbers clan, ang mga Bagatsing clan-si Amado sa Pandacan-Sta Mesa area, Dondon at Don sa Sampaloc area ay bumabalik sa eksena.

Siga ang ilang dekadang Asistio clan sa Caloocan at Eusebio clan (magre-rellebo ang mag-ama) sa Pasig. Bagong umuusbong na Bayani Fernando clan sa Marikina at Villar clan sa Las Pinas. Mukhang tatagal pa sa kapangyarihan ang Binay clan sa Makati. Si Binay ang bumasag at pumatay sa Yabut clan na naghari sa Makati nuong panahon ng Diktadurang Marcos. Matibay ang TRAPOng Abalos clan sa Mandaluyong at ang kahariang Estrada clan sa San Juan.

Tulad ni Binay, lumalakas ang stronghold ng Belmonte clan sa Quezon City. May tatakbong dalawa na kanyang pamangkin sa 2nd at 4rt District. Dinurog ng Belmonte clan ang Mathay clan sa QC. Unti-unting nagpapalakas ang bagong clan na si Castelo Daza. Balwarte ng Defensor clan ang 3rd District, mula kay Mike Defensor, ang kanyang kapatid hanggang sa kanyang ama.
Nabura sa mapa ang Cuneta clan ng Pasay, Reymundo ng Pasig at Valentino ng Marikina.

Region 4, Southern Tagalog: Solid ang kontrol ng Angara clan sa Aurora-Quezon. Mula Senate, governor hanggang capital town ng Baler, ang hometown ng Presidenteng si Manuel Luis Quezon. Nananatiling malakas ang mga lumang Tanada at Enverga clan. Bagong umuusbong ang Suarez clan.

Hawak ni Ito Ynares ang Rizal. Nasa poder pa din ang matatandang Duavit at Sumulong clan habang humihina ang impluwensya ng 3rd generation Rodriguez clan sa Rodriguez. Habang may bagong lumilitaw na angkang Puno, Bunye, Fresnedi, Cayetano at Biazon clan sa southern part ng Rizal, Muntinlupa, Taguig at Pateros area, ang mga Sumulong at Tanjuatco clan ay nalalagay sa alanganin.

Pinakamalakas na political clan ang Remulla (2nd generation) ng Cavite. Kahit hawak ng bagong sigang si Gov Malixi at Revilla ang probinsya't ilang bayan, may matitibay na political strongholds sa tatlong strategic position (2 distrito at vice governor) ang Remulla.

Imimintina na lamang ang kapangyarihang kontrol ng Recto clan sa Batangas. “Di tulad ng Perez, Mayo at Laurel Clan na naiba ang orientation, napunta sa sining, negosyo ang 3rd generation, napanatili ng matandang Claro M Recto (mula World War II) hanggang 3rd generation ang political clan. May bagong lumilitaw na angkan; ang Gov Sanchez at Mandanas.

Imimintina na lamang ng Lazaro, San Luis at Olivarez clan ang Laguna. Naglaho ang traditional clan ng mga Yulo. Hawak ng Reyes clan ang Marinduque. Nagpapalitan ng position ang mag-ina, mula governatorial (ang matandang Carmencita) hanggang sa congressional district (ang anak na si Edmon Reyes).

Villaroza at Mendiola clan ang may tangan ng Mindoro Occidental habang ang mga Marasigan at Andaya clan ang may impluwensya sa Mindoro Oriental. Maraming umusbong sa Palawan, nandiyan ang Reyes, Ponce de Leon, Garcia at ang bantog na mayor ng Puerto Princesa na si Hagedorn. Hindi natin alam kung kaya pang maimintina ni Cong Mitra ang position (2nd generation) sa probinsya.

Region 5, Bicol: Hawak ng Villafuerte clan (1st at 2nd generation) ang Camarines Sur. Nagpapalitan na lamang ng position sa pagkontrol ng probinsya silang mag-ama. May maliliit na kaharian sa sentro at gilid-gilid; ang Mayor Lobredo ng Naga, Cong Alfelor, Fuentebella at Delfin clan. Padilla at Pimentel clan ang siga-siga naman sa Camarines Norte.

Malapit ng magwakas ang 3rd generation clan ng Imperial sa Albay. May mga bagong sumisibol na nagpapalkas, ang mga Lagman, Gov Gonzalez at Bichara clan. Escudero, Frivaldo Clan ang may hawak ng Sorsogon. Umakyat sa Senado si Chiz at muling babalik ang kanyang ama.

Dynastiya ang hitsura ng Masbate. Ang mga Espinosa (3rd generation- Maloli Espinosa Manalastas) at ang kalaban nitong Kho clan ang may kontrol sa Masbate. Kung may mga bagong litaw na Estrella, Fernandez at Celera clan, kailangan pa rin ito ng tulong at pakikipagtuwang sa mga malalaki at makapangyarihang clan sa probinsya. Kung dati'y Tatad country ang Catanduanes, ngayon ay malabo na. Naagaw na ito ng Verceles at Sarmiento clan. Nawala na rin sa eksena ang matatagal ng Alberto clan sa probinsya.

Ang muling tanong ng mga Waray-waray, "AMO la GIHAP, waray upay."
To be continued.............Region 6 – 12

Pinagsanggunian:
"All in the Family," a st
udy of elites and power relations in the Philippines
Gutierrez, Torrente, Narca, Institute for Popular Democracy
"The Ties tht Bind," Eric Gutierrez, PCIJ and Institute for Popular Democracy

Doy Cinco / IPD
Feb 27, 2007

Monday, February 26, 2007

Rep. Mary Ann Susano, matutulad kay Chuck Mathay

Local Politics: Ikatlong bahagi

Tubong Caloocan si Rep Mary Ann Susano. Lumaki sa Novaliches, QC at nakilla bilang isa sa pinakamayamang negosyante sa QC. Nag-elementary siya sa Novaliches Elementary School at nagHighschool sa FEU noong 1964. Kalakasan ng aktibismo at kainitan ng First Quarter Storm (FQS) nung grumaduate siya sa kursong BS Fine Arts sa UST. Ang nakakapagtaka, hindi man lang narekrut o naambunan ni katiting na idealismo o pananaw na progresibong kaisipan si Annie.

Classic na example si Susano kung paano magkatuwang at nagtutulungan ang pampulitika't pang-ekonomyang kapangyarihan. Una siyang naging councilor, naka-isang termino bago siya umakyat at naging Kinatawan sa Kongreso sa 2nd District. Dahil malaki ang utang na loob nito sa kanyang pagkakapanalo kay Mayor Belmonte, pumanig ito sa administrasyon at nakapakat sa partidong Lakas-Nucd.


Ayon sa kanyang idiniklarang yaman, siya ang may-ari ng RL Susano Realty Corp: Nova, QC at Susano Corp: Nova, QC. May total asset itong P118,591,434.39. May Net worth na P98,552,149.87 at may personal na asset na (ang kanyag mga sasakyan), P25.0 milyon. Ang kanyang Real Properties ay nkakahalaga (House and Lot) na P84,478.00 million. Kaya lang, tulad ng modus operandi ng marami sa Kongreso, normally ang mga datos na ito ay walang dudang dinuktor pa. Ibig sabihin, malapit sa katotohanang may 20% lamang ito sa tunay na kabuuang pag-aari at yaman nito sa totoong buhay.

Nakilala sa Kongreso si Susano hindi sa husay sa pagdedebate't pag-aarteculate ng mga isyung pambayan, pangnasyunal, bagkus sa tindi ng mamahaling sasakyang Rolls Royce na gamit nito. Palibhasa, pera ng bayan ang ginagamit sa libong pisong gasolinang nakukunsumo nito sa araw-araw, ganun na lamang kung paano winawaldas at pagpapakitang siya'y hindi pipitsugin at isa sa pinakamayamang nilalang sa Kamaynilaan.

Typical na elite, pulitikong TRAPO si Susano. Dahil kapit tuko sa administrasyon, daan milyong pisong ganasya ng pork barrel mula sa administrasyon ang nakukulimbat ni Susano. Kabilang siya sa mahigit isang daang Kintawan sa Mababang kapulungan na kumatay at naglibing ng dalawang beses sa impeachment proceeding na isinalang ng “progressive bloc-opposition” sa Kongreso.

Sa akalang “papogi points,” sa harap ng milyong viewers ng ABS-CBN television, nakilala si Susano ng hayagan nitong inaming namigay, nanuhol ng P4.0 milyong piso sa hanay ng Simbahan katoliko. Umalingaw-ngaw sa buong mundo ang katagang, "hindi makakapiyok ang Simbahan kasi binigyan ko 'yan ng apat na milyon," Nangyari ito habang nasa kainitan ng debate ang Kongreso tungkol sa unpopular na isyu ng Cha Cha at People Initiatives. Ang pahayag na ito ni Susano ay nagboomerang sa kanyang katauhang namimili ng kaluluwa sa hanay ng mga anti-cha cha posisyon ng CBCP. Parang sinasabi ni Susano na “pera lang ang habol ng CBCP at wala itong karapatang makialam sa pulitika.”

Kung inaamin namimigay ito ng donasyon sa simbahan Katoliko, walang dudang sinusupalpalan din nito ng pera ang Iglesia ni Kristo (INK), ang mga maimpluwensyang sektor o grupo sa distrito at mga kilalang barangay opisyal na katunggali't gusto niyang ineutralisa. Para kay Susano, chicken at barya lamang ang P4.0 milyon kung ikukumpara sa daang milyong nakokolekta nitong pork barrel sa administrasyon.

Galante si Susano. Nuong nakaraang pasko, napabalitang namimigay ito ng refrigerator sa mga opisyal ng barangay, namimigay ng carpet at walong carton ng tikoy. Napabalita ring namigay ito ng ilang motorsiklo sa ilang barangay. Isa rin sa kanyang pamamaraan ay ang paglulunsad ng mga seminar (capacity building) sa ilang mga barangay secretary at inilulunsad ito sa lugar na malayo sa QC. Walang dudang bahagi na ito sa preparatory stage na makinaryang kanyang itinatayo para sa Mayo.

Kaya lang, kung totoong bumabaha ng pera't namimili ng kaluluwa si Susano, bakit hindi niya balikan ang mga barangay na naghihintay ng mga proyektong pangako mula pa nuong 2004 election sa kanya. Marami sa mga barangay ang umaasang tatapusin nito ang Congressional Av sa kanyang distrito, makapagpapatayo ng medium-rise housing project sa Payatas, Commonwealt at Batasan Hill area kung saan may daan-daang libong pamilya ang walang disenteng paninirahan at basic services.

Vice chair sa Committee on Appropriation at Higher Education sa Kongreso si Susano. Kaya naman madaling maunawaan kung bakit tulad ni Chuck Mathay purong horizontal project, meaning, “poso politics,” patubig at pagpapalit ng pangalan ng mga paaralan na kaakibat ng PORK BARREL ang kanyang achievementso track record sa Kongreso. Wala itong signipikanteng Bill o panukalang batas na inisponsor na may impak, epekto't kahulugan hindi lang sa mamamayang ng QC, maging sa buong bansa. Makitid, super parochial, constituencies oriented at istilong administrador-executive na pamamahala ang ipinagmalaki nitong achievements.

Kung ipagpapatuloy ni Susano ang klase ng “paglilingkod at constituency oriented” na gawain sa Kongreso, baka naliligaw siya ng landas at matulad kay Chuck Mathay. Dahil, sa totoo lang, trabaho't nag-ooverlap sila ng gawaing ehekutibo ng Lokal na Paggugubyerno sa katauhan ni Mayor Belmonte. Mungkahing maghangad na lang siya sa mayoralty position sa 2010.

Doy Cinco / IPD
Feb 26, 2007

Sunday, February 25, 2007

Political Clan at GMA , magPARTNER sa May midterm election

Walang dudang mas nagagamit, sinasamantala at napapakinabangan ni Ate Glo at ng kanyang administrasyon ang Political Clan, ang isyu ng political dynasty kung ikukumpara sa kanyang mga katunggali 't kaaway sa pulitika lalo na sa nalalapit na May midterm election. Alam ng lahat kung gaano kahusay sa maniubrahan ang administrsyon, alam ng country kung gaano kasinsin at kaparallel ang “superiority nito sa political at electoral machinery” at dahil dito, mas matibay, mas matatag, may resources, may pera, at mas llamado ang administrasyon sa LOKAL na labanan kung ikukumpara sa political opposition (GO- genuine opposition).

Hanggang sa kasalukuyan, ang CLAN pa rin ang primary political organization sa bansa. Alam din natin ang KARA ng Political Clan, bukud sa pagiging tuso, sigurista't oportunista, familiy affair lamang at pansariling interest ang matimbang kaysa sa prinsipyo't kabutihan ng nakararaming mamamayan. Batid din ng mga political operators ni Ate Glo kung ano ang kalakaran at kahinaan ng Political Clan sa bansa. Kung baga, ang prinsipyong “I'll scratch your back, you scratch myne,” meaning, dual ang pakinabangan, ang katatagan ng administrasyon at ang political survival ng Political Clan.

Sa isang ordinaryong Waray-waray, ang karaniwang bukang bibig ng mga taga Leyte at Samar, “AMO la GIHAP, WARAY UPAY," ibig sabihin, sila-sila pa rin, walang kabuhay-buhay, walang kwenta.

Hanggang hindi naisasa-reporma ang sistema ng pulitika at eleksyon, mananatiling kalunus-lunos, isang BANANA REPUBLIC ang ating bansa at tinatantyang isa pang henerasyon (20 more years?) ang itatagal ng political clan. Maliban lang siguro kung magkakaroon ng “tipping point,” kung saan may magaganap na isang social upheaval o isang event na magtri-trigger ng isang pag-aalsa laban sa sistema't kabulukan ni Ate Glo't administrasyon (ex.dayaang kahalintulad nuong 2004 presidential election).

Bakit BAD ang Political Clan sa isang bansa? Ang political clan ang bumansot ng demokrasya't kaunlaran ng ating bansa. Mula pa nuong panahon ng Kolonyalistang Kastila, ang pagsasabuhay sa panahon ng Kolonyalistang Amerikano (1900-1945), panahong kung saan ang sistemang hacienda't casique (panginoong maylupa), panahon ng oligarkiya, panahon ng paghahari ng ELITISTA, panahong naitatag ang Republika ng Pilipinas (1945-hanggang sa kasalukuyan) hanggang sa panahon ng GMA administrasyon, muling lumalakas ang political clan.

Ang political clan ang isa sa mga dahilan kung bakit magulo ang country, walang kapayapaan, pagkakaisa at gawaing paggugubyerno ng ating bansa. Bunsod ng mga away, political factionalism, ala-MAFIA, naging kakambal nito ang pagiging atrasado ng ekonomya at lokal wardlordismo (guns, gold, goons at garci) na naging bitamina ng insureksyon at rebelyon. Ang political clan ay isang monopolyo, parang CARTEL ng pulitikang kapangyarihang o ilang henerasyong pinanghawakan ng iilang pamilya ang pulitika ng isang public office sa isang munisipyo-Mayor, isang lalawigan-Gobernador, isang distrito-Kongresman at nakakalungkot na umabot na hanggang pambansang saklaw, hanggang sa Senado't Presidente ang kabulukan.

Humantong na sa yugto kung saan ang political clan ang nagdidikta't may kontrol sa mga pekeng political party. Ito na rin ang halos may hawak, may malaking impluwensya't nagpapatakbo (direct or indirectly) na ng ating gubyerno (Arroyo clan). Nagawa nitong paluhurin (policy making) ang estado, ang burukrasya't institusyon ng demokrasya, Gobernador, Mayor o ng isang Kongresman. Anuman "husay ng pangangasiwa ng ESTADO, " ng central government (Malakanyang), anumang husay ng "programa de gubyerno," kung walang suporta, pagmamano't basbas mula sa mga KAHARIAN ng political clan, babara sa baba, masasalaula at hindi makaugaga ang ang magandang hangarin ng nasabing programa (kukurakutin lamang).

Private interest ang ideolohiya ng Political clan, pribado (hindi public interest) rin ang pagsisilbi't pakikitungo't pagsisilbi nito sa tao. Wala itong iniisip na ikabubuti ng nakararami at malawakang kaunlaran ng bayan, kundi ang pansariling interest ng BULSA at ng ANGKAN. Tulad ng mga nangyayari sa kasalukuyan, si Ate Glo mismo, ng anim (6) na angkan sa Senado, ang halos kalahati ng bumubuo sa (100) Kongreso at isang daang political clan sa buong kapuluan. May mga pagbabagong anyo, inobasyon, pagsasaretoke (modernizing elite) ng political clan sa bansa, ang sigurado, muling tatabo, muling makikinabang at magwawagi ang mga ito sa nalalapit na Mayo, sa tulong, sa kalinga at sa pangungunsinti ng administrasyon ni Ate Glo.

Wala kaduda-dudang pamumugaran muli ng mga Political Clan ang mga partidong kagaya ng Lakas-NUCD, Kampi, NPC, LDP, NP at LP pakpak ni Atienza. Ang kaso ng pagkakasilat ng Angkang DY ni Gov Padaca ng Isabela nuong 2004 election ay may kakbang lokal na konteksto at isa lamang isolated na kasong pulitikal sa ating kasaysayan.

Buti na lang may bilang sa daliring (3%) mga 2nd at 3rd generation na Political Clan na nagkakataong matitino, 'di pasaway, aktibista ang postura't patriotiko, ang ilan dito; nandiyan si Cong Darlene Custodio ng Gen San, Neric Acosta ng Bukidnon, Cong Guingona, Butch Abad ng Batanes, Sen Serge Osmena, Erin Tanada, Chiz Escudero, Allan peter Cayetano at kung saka-sakali si KIT BELMONTE, ang pamangkin ni Mayor S Belmonte ng QC.

Susunod: Ikalawang bahagi: Ang mga bumubuo ng Political Clan sa Pilipinas (mula Aparri hanggang Jolo)
Daang taong ng nagdomina ng kapangyarihang pampulitika ang Political Clan. Upang mai-provide ang paborableng kondisyon para sa isang participatory at direct democracy, isang pluralista at multi-party system na representative democracy ang kinakailangang mabago sa pulitika't sistema ng election sa bansa.

Doy Cinco / IPD
Feb 25, 2007

Friday, February 23, 2007

Napapanahon ng baguhin ang ELECTORAL at POLITICAL SYSTEM

Kung sino man ang maihahalal sa Congress (14th Congress), matauhan sana ito sa kalunus-lunos, kabulukang kalagayan ng ating sistema ng pulitika at election. Ang problema nga lang, kung sino mang pulitiko ito, may ganito kayang plataporma de gubyernong isinusulong ang mga kupal na ito? Ikalawa, hindi tayo umaasa, alam natin ang KARA ng mga pulitiko, once na nakatikim na ng kapangyarihan, hindi na ito atubili na baguhin pa o ireporma pa ang sistema ng election, mas kapani-paniwalang imimintina nito ang STATUS QUO.

Maliban sa pagpapalakas ng Political Party, napakahalagang mabago na rin ang sistema ng election lalo na ang sistema ng PARTY LIST. Mahigpit na kaugnayan ang kabulukan at kahinaan ng political Party sa pagpapalakas ng sistema ng Party List.

Sa kasalukuyang kalakaran, ang mga kinatawan ay binoboto batay sa kung sino ang may pinkamaraming boto at hindi sa kung sino ang mas may nakakuha ng mayoryang boto. Susi sa pagbabago ay ang usapin; “PAANO NATIN MAIHAHALAL ang mga REPRESENTANTE (how we elect our representatives?) versus sa kalakarang umiiral na, Ano ang aming IHAHALAL (not on what we elect?). Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit personalidad, nananatili ang PADRINO-utang na loob, zarzuela't showbiz sa tuwing kampanyahan, political clan at pork barrel mentality ng sistema ng pulitika at election.

Kung walang pagbabago, iiral at paulit-ulit lamang gugulo ang pulitika, nandiyan ang GRIDLOCK sa pagitan ng ehekutiba at lehislatura, pangungurakot at katiwalian, mahinang Estado (WEAK STATE), inutil, walang silbeng Political Party at plataporma de gubyerno.


Upang tuluyan ng burahin sa mapa ang matagal ng umiiral na sistemang padrino at pork barrel, kailangang putulin ang koneksyon, i-break ang ugnayan ng local interests (parochial oriented) sa National Policy Making, magkaroon ng pagbabago ng orientasyon lalo na sa pagbibigay diin sa paggawa ng mga batas na may kaugnayan at impak sa pambansang interes. Ang isang paraan, ihahalal ang mga Kinatawan hindi sa basehang CONSTITUENCIES o distrito.

Makakatulong ang paglaki at paglawak ng nasasakupang lugar ng isang Representante, mula sa distrito na may 200,000 botante, gawing kalahating milyon sa minimum (500,000) ang sakop na constituencies. Ang isang paraan ay ang pagbibigay prioridad sa Proportional Representation o ang party list system, mula sa kasalukuyang 20%, gawing 50% o kalahati ng bumubuo sa Kongreso.


Sa ilalim ng PROPORTIONAL REPRESENTATION, ang mga botante ay boboto't pipili ng kanilang Kinatawan on the basis ng PLATAPORMA de GUBYERNO ng PARTIDO. Ibig sabihin, kung may malaking proportion na kabuuang boto ang kanyang nakalap (8-10%), entitled siya ng 10% ng kabuuang SEATs sa Kongreso.

Sa kasalukuyan, mayroon lamang 20% ng kabuuang bilang na 250 o 50 seat ang naka-allot sa PARTY LIST, sa realidad mayroon lamang 24 ang pinauupo sa Kongreso, imbis na 50 ayon sa alituntunin ng batas. Imbis na palakasin, gawing popular sa masa, patatagin ang sistemang partido atParty List sa bansa, sinisiraan, pilit na binubura ng mga pusakal at sagad-saring elite-TRAPO sa Kongreso. Imbis na hikayating magpartisipa sa democratic process-mainstream politics, balak pang ipadiskwalipika at paratangang ng kung anu-ano ang ilang Party List na maka-Kaliwa.

Doy Cinco / IPD
Feb 23, 2007

Thursday, February 22, 2007

Wala na nga bang silbe ang Political Party sa Pilipinas?

Bago a ng lahat, kilalanin muna natin kung sino-sino ang mga Political Party, sino ang mga personalidad na nasa likod ng mga ito at sino ang mas may malaking impluwensya sa mga Political Party na ating binabanggit. Ang ilan dito ay ang KBL-Marcos, Lakas-NUCD- Ramos/ De Venecia, KAMPI-Ate Glo, Liberal Party-pakpak ni Drilon at Atienza, Nacioanlista Party-Manny Villar, Nationalist People's Coalition (NPC)-Danding Cojuanco, Liberal Democratic Party (LDP-Angara), PDP-Laban ni Pimentel at iba pa.

Sa takbo ng mga pangyayari ng pulitika sa bansa, maliit kundi man zero balance ang impluensiya ng Political Party sa Pilipinas. Bukud sa walang pinagkaiba ang mga ito, pare-parehong nabubuhay lamang ang mga ito sa tuwing may election, halos lahat ay walang malinaw na plataporma (agenda) de gubyerno't direksyon, walang malinaw na vision, mission goal at objectives. Para sa isang politiko, dahil "walang silbe, 'di nakakatulong at magugulo" ang political party, marami ang mas gusto pang tumakbo na lamang ng solo o maging Independiente.


Kung nasusundan natin ang takbo ng pulitika (6 months), political opportunism ang rule of the game, palipat-lipat ang partido at matindi ang bigat at timbang ng isang persolidad kaysa sa prinsipyo't ipinaglalabang panawagan ng isang partido. Ang dating oposisyon noon ay nasa administrasyon na ngayon (Tito Sotto, Oreta), ang dating mga magkaka-away ay bati-bati na ngayon.
Ano ang kadalasan na madalas banggiting mga kataga o retorika ng mga pulitiko;


1. Nanalangin ako, Itinakda ito ng puong maykapal, ang dios ang makapangyarihan at itinadhana ng diyos (Cesar Montano, Richard Gomez at halos lahat ng kinatawan ng oposisyon at administrasyon-lokal o nasyunal) ang aking pagtatalaga sa pulitika. Nabanggit ba ang Political Party?
2. Disisyon ito ng pamilya, kailangan magkaisa ang pamilya, Recto Clan, Cojuanco, Noynoy Aquino at halos lahat ng malalaking pampulitikang angkan sa bansa. Nabanggit ba ang papel ng Political Party?
3. Walang hiwalayan, tuloy ang laban, dapat kong sundin ang sigaw at request ng aking constituencies, ng aking mga kaibigan at pinagkakautangan ng loob. Isang matibay na halimbawa ay ang “Wednesday Group,” kung saan tinitimbang-timbang ang resources na makukuha sa magkabilang kampo. Mas mabigat ang timbangan kung malapit ito sa PODER, sa kapangyarihan, malapit sa kusina, nasa likod ang suporta ng naka-upo sa kpangyarihan, si Ate Glo). Ito ang karaniwang bukang bibig ng mga pulitiko sa tuwing nagbabalak tumakbo sa pulitika.

Binibigyan nila ito ng katwiran sa pamamagitan ng konseptong “utang na loob at usapang lalaki." Kung ating susuriin, perahan lamang ang labanan. Hinihintay ang papel at basbas ng isang personalidad, ng Law firm, ng kasosyo sa negosyo (na siyang mag-aambag ng malaking pondo sa kampanya), ng fraternity, personal na kaibigan at higit sa lahat ang kanyang kababayang dapatniyang paglingkuran, suklian at bayaran.

Malaki ang papel ng isang malakas at matatag na Political Party at organisasyon sa isang bansa. Tulad ng mga partidong nagpapatakbo ng bansa sa mauunlad na lugar sa Europa, lubhang may gamit at may papel sa pang-araw-araw na buhay ng takbo ng paggugubyerno't pulitika ng isang bansa ang PARTIDO. Ang Partido ang nagtatakda at nagsasagawa ng direksyon, agendang pampatakaran, estratehiya't taktika ng organisasyon, nagnunumbra at nagnonomina kung sino ang mga kandidato sa isang lugar para sa public office, siya ang nagmomonitor ng lahat ng galaw at performance ng isang halal na kinatawan sa gubyerno, siya rin ang pangunahing gumagampan ng pang-organisasyon at pampinansyang usapin, mga material resources tungo sa iiisang adhikain.

Dahil sa wala at mahina ang panawagang isareporma ang pulitika at election sa bansa, nakakalungkot isiping (kasaysayan ng political party ng Pilipinas) hindi pa nangyari at malamang tumagal pa ng ilang henersyon ang ganito kaunlad, kaprogresibong kalakaran ng pulitika ng bansa.


Malalagay sa delikadong sitwasyon ang isang bansa kung mahina ang Political Party sa isang bansa. Walang dudang kasabay na hihina ang ESTADO kung mahina rin ang political party at mga institusyon pampulitika kinapapalooban nito. Walang kaduda-dudang apektado rin ang instability, kapanatagan at demokratisasyon ng isang bansa.

Kung mahina ang estado at sistemang politikal sa isang bansa (katulad ng Pilipinas), 'di lamang lilitaw ang sistemang PATRINO o ang utang na loob, Kasal Binyag Libing, guns, gold at goons, personality oriented, lalakas din ang papel at impluwensya ng KASUNDALUHAN (AFP), ang papel ng corporate elite (Taipan, Lopez, Danding, Zobel) na mag-impluwensya sa pang-araw-araw na takbo ng pulitika't gawaing paggugubyerno.

Kasabay na lalakas ang papel ng sindikato (weteng, drug lord, prostitution lord sa bansa) upang ganap na lumpuhin at pahinain ang takbo ng pulitika. Walang kaduda-dudang kasunod ding lalakas ang mga armadong grupo na nasa labas ng gubyerno (private armies, NPA, Abu Sayaff, MILF, MNLF). Tignan ang karanasan ng Thailand, Indonesia, mga katulad nating mahihina ang mga political institution, mga mahihirap na bansa sa Afrika at Latin Amerika.


Nasa bingit na ng matinding karandaman, kamatayan ang political party sa Pilipinas. Hindi natin alam kung kaya pang sikmurain, kaya pang pagtiisan, patagalin ang kabulukang nagaganap sa kasalukuyang takbo ng pampulitikang kampanya ng May midterm 2007 election at kung magiging ganito pa rin kabuluk ang takbo ng pulitika sa 2010 presidential election?

Kung walang pagbabagong maganap sa pulitikang (poltical party at electoral) sistema sa hinaharap, malaki ang posibilidad na lumakas, pumapel at maki-alam ang ilang grupong may tangang baril, Armado sa pulitika. Ibang usapin kung mananalo, matatalo o paulit-ulit na manggugulo (destabilization) na lamang ang ilang bahagi ng kasundaluhan sa loob ng AFP, mga grupong nagtataguyod ng extra constitutional na paraan ng pagbabago o mga grupong matagal ng nananawagan ng radikal na pagbabago sa pamamagitan ng armadong pakikibaka.


Doy Cinco / IPD
Feb., 22, 2007

Monday, February 19, 2007

On the RATIFICATION of the COMPENSATION BILL AS PRIORITY in the AGENDA of the SPECIAL SESSION

19 February 2007
PRESS STATEMENT:

The Palace Proclamation 1235 asserts that a number of very important bills that have failed ratification this 13th Congress can no longer afford to wait for the 14th Congress. Going through the legislative grind could take another three tedious years which becomes such a waste of time.

We could not agree more. It becomes a crime to the people when bills that had been drafted with their active and steadfast participation and lobby in the past nine years should once again be shoved and shelved without rhyme or reason.

In this case, we refer to the human rights compensation bill for martial law victims, filed as early as the 11th Congress in 1998 but failed to pass the 11th and 12th Congresses. In the 13th Congress we reached a bicameral conference agreement and signed the Conference Report. It was ratified by the Senate but failed to get House ratification before the Congress adjourned last February 8, 2007.

The reasons for ratification cannot be spelled more clearly.

ð The transfer of the ill-gotten wealth of Marcos to the Philippine coffers was anchored on two considerations by the Swiss Supreme Court in a 1997 ruling: 1) that the money would be judged with finality as ill-gotten and 2) that a fair share would be given the martial law victims for compensation. The first has been decided in 2003 when the Philippine Supreme Court ruled with finality that the $500+ million Marcos money (now $683 million) transferred from the Swiss banks was ill-gotten. The second consideration can be realized with the passage of the bill into law.

ð With the passage of the bill into law, as pointed out by the President herself in a meeting in Malacanang last 2004, the act would be a significant step forward in the process of healing the wounds of martial rule and would in fact manifest the spirit of EDSA 1 which we shall celebrate on 24 and 25 of February.

ð Like the repeal of the death penalty law, the compensation law will be heralded by the international human rights and diplomatic community as testimony to the continuing struggle to inculcate human rights as a policy in Philippine legislation and is much needed in enhancing our position as a member of the United Nations Human Rights Council.

ð With the United Nations Rapporteur on extra-judicial killings, Philip Alston, in the Philippines today, the passage of the bill could not be more relevant than ever in the difficult effort for government to address gross violations of human rights taking place today.

ð And most important, the Philippines as a member of the United Nations and a party to international human rights instruments on human rights, has a legal a moral obligation to compensate the thousands of victims of human rights violations of martial rule as a major step towards healing the wounds of the past and restoring their human dignity and humanity as persons and people.

We urge the President and the Speaker of the House to prioritize the ratification of the human rights compensation bill in the special session that convenes on 19 and 20 of February. It is the best gift we can give the thousands of victims, many of whom offered their lives in the struggle against dictatorial rule and the restoration of human rights and democracy. On 24 and 25 February, we shall once again commemorate the dreams of EDSA which, up to now remain unresolved. This is one chance that opens to us once more. Let us not fail them this time.

Etta P. Rosales
Akbayan Representative
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Akbayan holds mass for Marcos victims and passage of compensation bill
February 19, 2007

Akbayan party-list today held a mass at the South Wing lobby of the House of Representatives to commemorate the victims of the Marcos regime in line with the pending approval of the compensation bill into law.

"We ask the Hosue leadership to prioritize the passage of the bicameral conference committee report and ratify the comensation bill as the Senate has done to enact it into law," said Akbayan Rep. Etta Rosales. "To come this close and have to go through the process all over again if the House fails to act on the measure would be a great disservice to the Marcos victims."

"With the passage of the bill into law, as pointed out by the President herself in a meeting in Malacanang last 2004," reminded Rosales, "the act would be a significant step forward in the process of healing the wounds of martial rule and would in fact manifest the spirit of EDSA 1 which we shall celebrate on February 25."

"We hope that the House realizes the importance of this measure and follows through on its commitment to help achieve jstice for the Marcos victims," Rosales added.

Members of Claimants 1081 also attended the mass to reiterate their call for justice, rmeinding the public that the compensation bill is not the end of that pursuit, but merely the first and most tangible step so far in that direction.

"But without state recognition of this historical error and the grave injustices that Martial Law imposed on Filipinos, we will never be able to move on," added Rosales.

Link: "Special Session" ni Ate Glo, MAGKANO?
http://doycinco.blogspot.com/2007/02/special-session-ni-ate-glo-magkano.html
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
John Vincent S. Cruz (VINCENT)
Media Officer, Office of Rep. Loretta Ann P. Rosales
AKBAYAN sa KONGRESO
South Wing, Rm. 511 House of Representatives
Batasan Pambansa, Quezon City 1126
Telefax: (63-2) 9316288 Landline: (63-2) 9315001 loc. 7289
Mobile: (63) 9285028701
Business Sites: http://www.akbayan.org / http://ettarosales.wordpress.com
Personal Websites: http://nowhiteflag.wordpress.com / http://vincecruz.multiply.com

Sunday, February 18, 2007

Electoral politics sa 2nd district, QC umiinit

Habang papalapit ang campaign period, umiinit ang gapangan araw-arw sa barangay. Maliban sa incumbent District Rep na si Susano, matunog ang mga pangalang Councilor Allan Francisco (last term) at dating Cong Chuck Mathay, anak ng dating Mayor Mel Mathay ang tatakbo sa distrito. Dahil TRAPO ang kalakaran sa pulitika, nagsisimula na ang perahan at iba't-ibang gimmik sa panggagapang.

Ang isang paraan ginagamit ni Susano ay ang pagpapatawag ng mga seminar-meeting ng lahat ng mga Barangay Secretary, mga Sangguniang Kabataan na kadalasa'y ginaganap na parang junket sa malayong probinsya, Laguna. Ang topic ng seminar ay tungkol kunwari sa “capacity building,” pero batid ng marami na gimikan lang ito't may involve na perahan ang pagtitipon.


Isa ring paraan para makopong ang commitment ng mga barangay ay ang pamimigay ng motorsiklo si Cong Ann Susano sa mga barangay ng 2nd district, samantalang sinasamantala naman ni Chuck Mathay ang mga traditional na grupo ng Urban Poor organization at barangay sa isyu ng paninirahan (sindikato ng lupa) at sobre sa mga lugar kung saan ang dati niyang mga balwarte ng Brgy Payatas at Batasan matatagpuan.

Ang mga malalaking barangay na ito na kung saan may konsentrasyon ng mga maralita ay halos pinag-aagawan ng dalawang maatik-mapera, si Chuck at si Susano. Dahil sa panunuhol, alok ng pera, ang mga pamiting na isinasagawa ng dalawa, ay halos dinudumog ng mga tao. Sabi ng ilang leader sa barangay, “pera-pera” lang ang dahilan sa pagdalo ng mga tao.

Isa sa pinaka-exciting na labanang electoral sa Pilipinas ay ang 2nd district ng QC. Tatlo hanggang apat ang magpapanlaban; ang incumbent Cong Susano, ang dating Cong Chuck Mathay, ang 3rd termer na councilor na si Allan Francisco at ang dating Abogado ng Magdalo group, isang social activist at pamankin ni Mayor Belmonte na si Kit Belmonte.

Samantala, naghihintay ng basbas, ng endorsement mula kay Mayor Belmonte si Councilor Allan Francisco. Kaya lang, habang alam ng marami na malabong basbasan ito ni Mayor, nakikitang hindi tatalikuran nito ang kanyang pamangkin si Kit Belmonte na ayon sa mga survey, bumubulusok ang awareness ng tao na siya'y credible, seryosong kandidato at malapit ng malagpasan ang incumbent na kinatawan at Trapong si Susano.

Maliban sa umaarangkada na ang pagpapakilala ni Kit sa 2nd district, QC, patuloy na dumarami ang suporta nito mula sa iba't-ibang mga sektor sa QC. Isang sigurado ay ang buong pwersa ng taung Simbahan, mga caused oriented groups, civil socities, NGO-POs, mga kabataan, middle class at maralitang lunsod na handang kumampanya sa likod ni KIT sa anyo ng bolunterismo.

Doy Cinco / IPD
Feb 20, 2007

Tuesday, February 13, 2007

Pacquiao, ginagamit ng Malakanyang laban kay Darlene

Kung ako kay Pacquiao, mag ka-campaign manager na lang siya sa General Santos City at huwag ng tumakbo't maki-alam sa pulitika. Kaya lng, mas sinusunod nito ang command na nanggagaling sa Malakanyang-PAGCOR kaysa sa kanyang Ina na nag-iinsist at nakiki-usap na huwag n'ya nang pasukin ang mundo ng pulitika. Dahil sa bandang huli, babaligtad, sisirain, iintrigahin lamang ang pagkatao niya, gagamitin lamang sa pulitika ang popularidad para sa kapakinabanagan ng isang taong naka-upo sa Malakanyang.

Una; Iba ang pulitika sa Pilipinas, malayo sa unang nitong kinahiligang pagboboxing. Sa pulitika, lalo na sa lehislatura, trabahong sesentro ito sa paggawa ng batas, pagdedebate sa plenaryo, entablado at hindi sa akala nitong trabahong administratibo.

Pangalawa, sa una, mukhang mali pa ang napasukan nitong partido, maiinbalido ang kanyang kandidtura sapagkat ang kinikilalang partidong Liberal ng Comelec na binasbasan na ng Supreme Court ay ang kampo ng LP-Drilon wing hindi ang iligal, ang impostor na partidong LP ni Atienza.

Pangatlo, alanganin ang lagay ng residential ni Pacquiao, maaring mateknical ng Comelec si Pacquiao sa dahilang may tatlong residential itong inirihistro. Kung matatandaan, nanumpa (under oath) si Pacquiao sa Mandaluyong, sa Gen San at sa Manila. Dapat niyang malaman na ang rekisitos ng isang kakandidato na tatakbo sa isang distrito ay mangangailangan ng isang taong (1 year) paninirahan sa lugar at alam ng marami na ito'y sa Maynila at hindi sa Gen San.

Pang-apat, babanggain nito ang isang pader na angkang may ilang dekada ng nag-eexist sa lugar. Si Cong Darlene Antonino Custodio, ang darling ng bayan, isang popular na pulitikong oposisyon sa Kongreso. Malalagay sa alanganin o sa kahiya-hiyang position si Pacquiao sa kung anong legislative agenda ang maaring lamanin ng kanyang plataporma at debate. Maliban sa mahihirapan itong ma-articulate ang maraming usaping pbayan, walang dudang mapapabayaan lamang nito ang pagmimintina sa pagiging "people's champ" nito sa pagboboxing.

Pang-lima, halatang pakawala ng administrasyon si Pacquiao. Maliban sa senatoriable race, pangunahing concerns ng Malakanyang ay ang Mababang Kapulungan kung saan ang planong paghahain ng impeachment ng kanyang kaaway sa pulitika ay nag-iipon ng sapat na bilang. Kung kaya't walang kaduda-dudang ginagamit at kinakaladkad ng palasyo si Pacquia, 'di lamang sa Gen San, maging sa ibang lugar, Makati, Manila kung saan mahigpitan ang labanan pulitikal. Buong bigat ng arsenal at resources ng palasyo ang itataya para kay Pacquiao, masawata lamang ang pinaplano ng oposisyong makapagpanalo ito ng 80 hanggang 100 kinatawan sa Kongreso.

Kung matatandaan, dalawang beses kinatay at inilibing ng administrasyon ang impeachment complaint ng oposisyon. Aktibong nag-organisa laban sa isinulong ng administrasyon ng Cha Cha at pagsasampa ng impeachment sa kongreso si Darlene kung kaya't ganun na lamang ang panggagalaite ng administrasyon. Lahat ng paraan ay gagawin ng palasyo mawala lamang sa eksena't sa poder si Darlene.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang labanan sa General Santos ay labanan sa pagitan ni Ate Glo at ni Darlene Custodio. Laban din ito ng pagbabago't reporma at laban ng good governance versus sa survival ni Ate Glo hanggang 2010. Nagkataong lamang ang kawawang si Manny Pacquiao na walang kaalam-alam sa mga pangyayari ang isinusubo't ipinopronta ng Malakanyang laban kay Darlene.

Isang matinong mambabatas at oposisyon ang 24 na taung gulang na si Representative Darlene Antonino-Custodio. Susubukan niyang kunin muli ang ikalawang termino sa Kongreso. Pinalitan niya ang pwesto ng kanyang Ina na mahigit tatlong terminong humawak sa Unang Distrito ng South Cotobato. Isang political clan ang mga Custodio't Antonino sa lugar, Bukud sa maganda ang naging performance nito sa Kongreso, ang politikong angkang mga Antonio at Custodio ang babanggain, ang patataubin ng isang sikat lamang na boxingerong si Pacquiao.

Ang isang tanong para kay Pacquiao, maliban sa pagpapainum, pagpapautang at pambabalato't pamimigay ng pera sa tuwing umuuwi si Pacquiao sa Gen San, may matatag ba siyang electoral machinery, may clout ba siya sa mga ward leader, sa barangay captain hanggang kay Mayor Echeron ng Gen San o P100.0 milyong pondo sa kampanya na ipapantapat na maaring maipangsilat kay Darlene sa Mayo. Kung sa bagay, kung mairere-imburse naman nito ang gagastusin, why not, baka makatsamba?

Doy Cinco / IPD
Feb 13, 2007

Malakanyang: "9-3 sa panig ng administration"?

Kung "psy war" man ito, isang panginip o may basehan, hindi imposibleng maging ganito nga ang senaryong gustong palabasin ng Malakanyang sa Mayo 14, ang talunin at all cost ang opposition sa score na 9-3. Tutal, mandaraya rin lang naman, bakit hindi pa sagarin, 12-0? Alalahaning nakasalalay ang ulo, ang political survival ni Ate Glo hanggang 2010 ang kalalabasan ng ehersisyong politikal sa Mayo 14.

Matapos mairihistro sa Comelec ang kabuuang 12 senatoriable ng administrasyon, buong yabang na inanunsyo ni Presidential adviser on political affairs Gabriel "Gabby" Claudio ang senaryong landslide victory sa panig ng administrasyon at tatlong kandidato lamang ng United Opposition (UNO) ang palulusutin sa May 14 election, meaning 9 - 3. Kaya lang, mukhang pagtutuunan ng pansin ng Malakanyang ang labanan sa Mababang Kapulungan kaysa sa Senatoriable race kung saan dito manggagaling ang inaasahang pagsasalang muli ng impeachment proceeding kung maaabot ng oposisyon ang sapat na bilang na 80 sa Kongreso.

Kung 9-3 ang niluluto ng Malakanyang, ito'y kabalintunaan sa ilang beses na resulta ng electoral survey ng Pulse at SWS sa senatoriable race na swerte na ang tatlo (sa administrasyon) o kabaligtaran na 3-9, sa panig ng oposisyon ang resulta kung bukas na ang election. Kung ganito nga ang magiging resulta, hindi malayong malaking gulo ang inaasahan na naman sa country.

Kung sa bagay, ikaw na ang magkaroon ng “Super electoral machinery.” Ikaw na ang maging incumbent, meaning nasa administrasyon ang mga ahensya ng gubyernong aagapay at susuporta sa Unity tiket; maliban sa hawak sa ilong ang Comelec, namamayagpag pa rin ang mga “Garci” sa buong kapuluan, ang ULAP (union of local authorities of the Philippines), ang mga Liga ng mga bayan at probinsya hanggang barangay at higit sa lahat, ang campaign funds na P100.0 milyon kada isa, maliban pa sa P150.0 milyong gastusin sa campaign sorties, ang millage sa media propaganda exposure.

Tinatantyang may mahigit kumulang na P10.0 bilyon ang gagastusin ng administrasyon sa kampanya para sa Mayo, talunin lamang ang oposisyon mula lokal, distrito hanggang nasyunal.

Link: "9-3 Scenario Lulutuin ng Malakanyang"
http://www.abante-tonite.com/issue/feb1307/main.htm

Doy Cinco / IPD
Feb 13, 2007

Saturday, February 10, 2007

SUPER MACHINERY ng pandaraya't panggugulang, nagsimula na!

Alam natin lahat na may hokus pokus, may dayaang dagdag-bawas at manipulasyong nagaganap o walang dudang magaganap sa panahon ng election period, sa panahon ng COUNTING at CANVASSING. Ito'y pinatunayan ng “am sorry hello garci controversy” noong 2004 presidential election. Ipinapahiwatig lamang na perfect na ng mga “electoral operators na kasabwat ang Comelec” ang teknolohiyang dayaan kahit noong pang 1992, 1995, 1998 presidential election. Alam ito ni Sen Biazon, Nene Pimentel at iba pang mga naging biktima ng dagdag-bawas.

Dahil sa pagkaka-bulabog ng modus operandi ng “hello garci controversy,” mukhang mamiminimized sa COUNTING period ang matinding dayaang inaasahang magaganap sa May election. Kaya't maaring tignang nasa preparation stage pa lang, nasa CAMPAIGN period pa lang ay kakanain na't lalamangan na Malakanyang sa dayaan ang oposisyon. Walang dudang nagsisimula na ang malulupit na dayaan sa election, at ito ang kadalasa'y nagco-contribute sa dayaang dagdag-bawas sa panahon ng BILANGAN at CANVASSING.

Ano-ano ang mga ito;

1. nanunuhol at namimili na ng kaluluwa ang administrasyon sa mga pulitikong (Wednesday Club) kakatig sa kaaway sa pulitika, sa UNO at brinabrasong lumipat sa Unity ticket ng Administrasyon o kahit sa maximum, kahit mag-INDEPENDENT man lang.

Bukud sa P100.0 milyong cash gift kada re-electionistang senador, lahat ng kanyang mga gastusin sa electoral campaign kitty na nagkakahalaga ng P150.0 milyon/each ay sasagutin ng Malakanyang. Pahihiramin o walang sawang ipagagamit sa mga re-electionista ang helicopter sa kanilang campaign sorties sa buong kapuluan (kasama kaya rito pati gasolina) kung gusto lamang NILANG KUMADIDATO para sa INDEPENDENT, meaning kahit hindi na mapabilang sa UNITY ticket ng Administrasyon. Ito ang buluk na istratehika't taktika ni Sec Gabby Claudio na ang tanging layunin ay pilayan, biyakin at hatiin ang boto ng oposisyon.

2. Kasama sa alok ng Malakanyang ay ang pagsagot sa mga gastusin sa electoral propaganda campaign; yung Ad placements, unlimited scale na exposure sa TV, radio at print. Hindi lamang 'yan, sisiguraduhin din ng Malakanyang na ipi-featured prominantly sila sa mga Talk Show sa television, both sa NBN TV 4 at Radio program (government owned) at sa mga pribadong Networks na “sympathetgic” kay Ate Glo. Idagdag pa ang garantiya na ipo-provide ng Malakanyang na hindi sila maakusahan, magagalaw ng Comelec na posibleng kasong pandaraya. Ika nga, “rules will be taken care of and dismissed by the Comelec.”

Sa tindi, sa laki ng offer ng Malakanyang, walang dahilan upang hindi masilaw o tanggihan ito ng dating Senador na si Tessie Oreta, Tito Sotto, Angara, mga posibleng nasa grupo ng independent, "Wedenesday Club" na si Sen. Ralph Recto at Joker Arroyo. Kaya pala't ganun-ganun na lamang ang pagkukumahog ng mga re-electionistang ito na hanggang sa huling sandali na idelay muna, ilinaw kung MAGKANO, the price is right, timbangin ang pagdedesisyon (resources-atik) na pumasok sa UNO o sa Unity ticket.

3. Gaano man ka-organisado't kasinop sa pagbabantay, gaano man karami ang mga election watchdog sa May 14-21, 2007, may isang milyon mang election volunteers ang PPCRV-CBCP, Halalang Marangal, Media at iba pang civil society (totoong makakatulong na maminimized ang dagdag-bawas) ay malamang mababalewala, sapagkat nasa COUNTING at CANVASSING lamang nakapokus ang kanilang atensyon at pagsisikap, samantalang ang mahigit 60% na dayaan ay nangyayari sa kabuuang proseso't kondukta ng halalan; ang 100 days pre-campaign period, ang 60 days campaign period, bisperas ng election at canvassing period.

Paano nga naman makakaungos ang Oposisyon-UNO kung ganito ka SUPER duper ang Makinaryang ibabalagbag ng Malakanyang sa Mayo? Nakakalungkot isipin na ang resources, kwarta ng country, na mahigit kumulang na P10.0 bilyon (winning at all cost) ang wawaldasin ng palasyo mailigtas lamang sa poder ng kapangyarihan (political survival) hanggang 2010 si Ate Glo.
Wala talagang kalaban-laban ang opposition kung pati ang manggasiwa ng bilangan, ang Comelec ay 'di parehas, walang credibility at inaasahang 'di kapani-paniwala. Upang ganap na mabura ang ganitong persepsyon ng taumbayan, ang isang hamon ngayon kay Ate Glo sa minimum ay i-overhaul na agad ang mga Comelec commissioners.


Napakahalaga sa ngayon na magkaroon ng pagmumuni-muni't repleksyon ang mamamayan pati ang oposisyon at administrasyon na lamanin sa plataporma, sa debate't diskurso sa entablado't pangangampanya kung paano maisusulong ang electoral at political reform, kung paano maio-overhaul ang COMELEC, kulturang dayaan sa pulitika at kung paano palalakasin ang Political Party sa bansa.


Link : http://www.tribune.net.ph/headlines/20070211hed1.html
P100-M ‘goodwill’ for each; campaign expenses, ads shouldered / Gloria buys off bets; cash, chopper offered cash offered-w
Link: "Dayaan (dirty tricks) sa 2007 election, nagsisimula na"
http://doycinco.blogspot.com/2006/11/dayaan-dirty-tricks-sa-2007-election.html

Doy Cinco / IPD
Feb 11. 2007

Friday, February 09, 2007

Special Session ni Ate Glo, MAGKANO?

Mauuwi lamang sa perahan ang isasagawang special session na ipinatawag ni Tainga De Venecia at ni Ate Glo. Sa bisa ng isang proklamasyon no. 1235, layon daw ng special session na tapusisn ang mga nabinbing mga "mahahalagang panukala" tulad ng “anti-terrorism bill,” “pagsasapondo ng P10.0 bilyong pagtatanim ng mga puno sa mga probinsya,” “Political Party Act 2006, “ Prankisa ng Pagcor” at iba pa, sa Kongreso.

Ang isang malaking tanong, bakit wala sa agenda, bakit hindi kasali ang "Bill na nagpro- provide ng Compensation sa mga naging biktima ng human rights noong panahon ng diktadurang Marcos?" Mas priority, mas mahalaga ang Compensation Bill bill kaysa "anti- terrorism bill," kung saan si Bush, US at mga militarista ng Malakanyang lamang ang makikinabang.

Kung maipapasa ito sa Kongreso, hindi lamang mabibiyayaan ang mga aktibista't kapamilya nito, maituturing isang tagumpay laban sa TIRANO"T diktadura, dadakilain ng mamamayan ng mundo at higit sa lahat, POGI points para kay Ate Glo. Pangalawa; maaring mabura pa ang perception, hinala't pagdududa ng country na PERAHAN LAMANG ang habol ng mga pulitiko. Kaya lang, sa uri't klase ng mga BABOY sa Kongreso, bagungut na makakalusot at maipapasa ang naturang batas.

Magaganap ang special session sa Pebrero 19 hanggang 20, panahong nagkakainitan na sa kampanyahan sa senatoriable race at abala na ang mga incumbent sa Tongreso sa samut-saring mga caucuses sa barangay-bayan, pagtatayo't pagkokonsolida ng electoral machinery sa congressional na labanan.

Ang nakakapanglupaypay, kung walang malinaw na ayuda-envelop-sobre, kung walang maihahatag na electoral campaign funds o walang pabaong MILYON kada isang kasapi sa Lakas, Kampi, LP-Atienza wing at NPC, walang sisipot, walang dudang maraming ALIBI, mahihirapang makadalo, walang QUORUM, dedma ang mga “representanteng” kaalyado ng Malakanyang sa Kongreso.

Sa totoo lang, sa kasaysayan ng Kongreso, kung may mahahalagang panukalang pagkakayarian at pagkacashunduan (tulad ng EPIRA law), dinadaan sa PERAHAN, 'yan ang tatak, yan ang nagdudumilat na katotohanan ng inyong mga "kinatawan-kawatan," mukhang kwarta, sa TONGreso.

Kaya't kung inyong mamarapatin (WALA LANG?), ating itakwil, iboykot , ikampanyang huwag iboto sa ating malalapit na kamag-anak, ka-BROD, kapitbahay, ka-officemates, kaibigan at kakilala, ang mga pulitikong kabilang sa Partidong LAKAS-NUCD, KAMPI, LP-ATIENZA WING, NPC-NATIONALIST PEOPLE'S COALITION at mga party linkages nila sa Party List.

Bagamat marami ring partidong TRAPO sa hanay ng oposisyon, mas ipriority muna natin siguro ang bigat ng kampanya, ang sama-samang panawagang pampulitika sa apat (4) na malalaking partido ng administrasyon.

Doy Cinco / IPD
Feb 10, 2007

Thursday, February 08, 2007

Automating the counting of votes can make things worse

Walang kasiguraduhang magkakaroon ng isang cheating free election sa Mayo kung gagamit na nga ng automation counting machine (ACM). Sabihin na nating totoo nga, totoong mamiminimized nga ang dayaan, ang dagdag-bawas sa panahon ng bilangan dahil sa ACM, paano naman ang kabuuang electoral process, ang kabuuang election period (one year before and one month after May, 2007), meaning mula pre-campaign,campaign period hanggang bisperas at proclamation period nagaganap ang mahigit kalahati ng dayaan sa election.

Maliban sa kaguluhan at patayan, malaking bahagi ng dayaan sa election ay nangyayari sa mga yugtong ito. Sa totoo lang, sa unang quarto ng taong nakalips (2006), nagsimula na ang mga dayaan. Naisulat na natin sa ating Blogs (last year) ang mga batayan, palatandaan at iba'ibang klase ng mga dayaan.

Ang isang malaking simbolo ng representasyon ng pandaraya sa mata ng mamamayang Pilipino ay ang ahensya mismo ng COMELEC. Ang isyu ng pagtitiwala't kredibilidad ng unreformed Comelec at electoral system ang isang malinaw na katibayan na wala ng aasahan ang country sa isang malinis, orderly, kapani-paniwala, tahimik at demokratikong election. Ang totoo, nakakalungkot isipin, ang makapangKOTONG, ang pagkakitaan, malibang at maaliw na lamang ang habol ng taumbayan sa Mayo. Ganun na lang kababaw ang lumalabas na tugon ng mamamayan sa ating buluk na election.

Suriin at bisitahin na lang natin ang Comelec sa Intramuros, sa istruktura't katayuan na lamang ng building, agad bubulaga sa mukha mo ang kaBULUKan ng gusali, MAAAWA ka na. Nagpapahiwatig lamang na kailang ng gibain, ayusin, palitan ng bago at nangangailangan na ng pagkalinga't tuun ng pansin ng estado.

Pangalawa ay ang kabuuang electoral conduct, yung buong proseso ng election sa Pilipinas ay madaya, meaning hindi parehas, hindi level of playing fields sa lahat at katig sa mga dambuhala.
Pangatlo ay ang electoral orientation at sistema; personality oriented, political patronage, elitist, clannist, divisive-factionalism, magastos, at ang suma total ng lahat, TRAPO.


Sa Pilipinas, alalahanin nating "walang election ang walang dayaan." Malaki ang magiging papel ng mamamayan, ng aktibo at responsableng mamamayan, ng civil society, media, taung simbahan at magkatunggaling partido na seryosohin ang pagsasareporma ng political at electoral reform sa bansa.

Mahalagang isa ito sa lamanin ng mga talakayan at debate sa panahon ng kampanyahan. Kung walang pagbabago, maaring lumala ang krisis pulitikal, maraming maglitawang iba't-ibang paraan ng pagkilos (extra-constitutional), kung walang credible at katanggap-tanggap na kahihinatnang resulta ng election sa Mayo at baka ito nga ang TIPPING POINT na hinihintay na pagbabago ng country.


Doy Cinco / IPD
Feb 8, 2007
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
by Roberto Verzola
Monday, 10 July 2006

[A pioneer in the local desktop computing and Internet scene, Roberto Verzola built the "first Filipino computer" in 1982, set up the first online systems at the Senate and House of Representatives in 1991, and was awarded by industry the title "father of Philippine email". One of the convenors of a new election watchdog called Halalang Marangal, he can be reached at rverzola@gn.apc.org]

Current proposals to automate our elections can make things worse instead of better, because the counting becomes less instead of more transparent. The misfocused objective of "minimizing human intervention" will result in fewer and instead of more witnesses when fraud does occur, making it easier for cheats to cover up their crime once they break the system.

Consider the basketball game scoreboard. The scoreboard is updated manually, with chalk for blackboards, sign pen for whiteboards, and push button for digital displays. Manual, but satisfactory. Suppose someone proposes to "minimize human intervention" by putting on the hoop an electronic detector that automatically updates the scoreboard every time the ball falls into the hoop. There is one catch: the audience will see the scores only at the end of the game, not each time a score is made. Surely, such automation will be unacceptable to basketball fans. Consider another example: the taxi meter. Would you prefer the computerized meter to a mechanical one, if the computerized display showed you the fare not while it was updating itself along the way, but only upon reaching your destination?

Many election automation proposals today are of a similar nature: the public will lose its chance to witness the votes as they are individually counted, and will only be shown the totals when the automated canvassing is over.

If this loss of transparency is unacceptable in a game or a taxi meter, then more so in an election.

Many automation proposals are based on flawed assumptions:

1. Automation will eliminate human intervention. It will not. Automation can only reduce, but never eliminate, human intervention. Automated systems will always have points of human intervention: the programmers updating the software; the technicians maintaining or repairing the machine; the staff feeding the ballots to the machine; the staff handling the final output; etc. Reducing human intervention can actually work in favor of the cheats, who will now need to recruit fewer accomplices and deal with fewer potential witnesses to the fraud.

2. Automation will minimize if not eliminate cheating. It can do no such thing. If they work as intended, automated machines can only: a) speed things up, and b) follow more faithfully the instructions of those who program them. If they are reprogrammed to cheat, the machines will follow the new instructions just as faithfully and quickly. If you want examples, just search the Internet for the keywords "U.S. automated election fraud".

3. Safeguards can prevent cheats from manipulating an automated system. This is an illusion. Cheats can master automation technologies as well as anybody else. Sooner or later, they will be able to identify the system's weak points and break it. I have worked with automated machines at the level of machine language and individual chips; at this level, many things are possible.

4. The main cause of cheating is the slow manual count. This confuses the symptom for the disease. Obviously, cures based on wrong diagnoses will probably be wrong too.

In fact, the precinct-level manual counting of votes is not slow. In most precincts, it is over within several hours. More than that, the precinct count is the most transparent part of the whole process. Here, like the audience in a basketball game, the public can see each vote counted and the candidates' score updated, vote by vote. Beyond that, the precinct count is an invaluable lesson in civics for our youth. Here, parents can bring their children and watch democracy – or tyranny - in action, live. Cheating that occurs at this level often involves brazen, in-your-face kind of acts that no machine can stop and no cheat can hide.

In truth, it is not the slow count that leads to cheating but the other way around: it is cheating that leads to a slow count especially at the municipal and provincial levels. The slow count is a symptom, an effect, of the disease. It is cheating, the disease, which causes the slow count. The real cure for cheating is to punish the cheats. Our laws say that an election cheat shall be barred from holding public office for life. That alone, plus the jail terms, will make our elections clean and honest. Sadly, the 2004 election cheats went scot-free, kept their positions, or even got promoted.

Should we junk election automation then?

No, but automation should be used mindfully, not to minimize human intervention but to maximize transparency, or the ability of interested third-parties and the public in general to double-check and audit the system.

A very good example of enhancing transparency is Senator Serge Osmeña's proposal to use digital imaging technologies to make more copies of the election return (ER) at the precinct-level. The more copies of the ERs circulate, the more difficult for cheats to cover up their crime.

Systems expert Manu Alcuaz' proposal for LCD projectors at the municipal level is also a good example. Projecting ERs on a big screen enables more people in the audience to audit the ongoing canvass.

Halalang Marangal's proposed citizen's tally is still another example. We will ask non-partisan volunteer precinct watchers to use cellphones to text the results to our databases, where the 250,000 or so precinct results will be stored. The individual precinct results can then be requested by the public by text/SMS or via the Internet. Anyone can also download the entire database or get it on a CD.

This low-cost, highly transparent approach will empower ordinary citizens to audit the results of the elections: they can now go to a voting center, watch the precinct count, jot down the results, and compare the results posted on the database with what they saw with their own eyes. If they have a computer, they can even get the CD version, or download the database from the Internet and do their own citizen's tally.

Once they adopt "maximizing transparency" rather than "minimizing human intervention" as objective, technical experts can no doubt come up with even better schemes.

Unfortunately, the attention of Congress has been focused on hardware- intensive proposals that will not only waste our scarce resources automating the most transparent portion of the whole electoral process but may even make it easier for future cheats to cover up their manipulation of the results.

link :http://www.aer.ph/index.php
Action for Economic Reforms (AER) is an independent, reform-oriented public interest organization that conducts policy analysis and advocacy on key economic issues.

Wednesday, February 07, 2007

Palayain si Nur Misuari

Kung seryoso si Ate Glo sa minimithing “global model for peace building,” isa sa magpapanumbalik ng “pagdududa't kawalan ng pagtitiwala” ay ang pagpapalaya ng lubos kay Nur Misuari. Ayon kay Jesus Dureza, Presidential Adviser on the Peace Process, dahil daw sa insidente ng “hostage taking ng miembro ng Peace Negotiating Team-Brig. General Benjamin Dolorfino,” lumabo ang pagtitinginan ng gubyerno at Moro National Liberation Front (MNLF)." Sa totoo lang, bago pa sabihin ni Dureza ang kanyang pagsusuri't huling reaksyon, matagal na ring nagdududa ang MNLF sa Government of the Republic of the Philippines (GRP) kung seryoso nga ang Malakanyang sa "usapang pangkapayapaan." Ang isang tanong ng marami, "bakit ayaw palayain si Nur Misuari?"

Si Misuari, ang kinikilalang lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) ay dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, kasalukuyang naka house arrest sa kasong rebelyong nuong 2001 kung saang tahasang nanawagan ito ng isang aklasang bayan ng Moro laban sa gubyerno ni Ate Glo.

Kung palalayain si Misuari, maliban sa kahit paano'y maibabalik ang kumpiyansa sa pinagugulong na prosesong pangkapayapaan, makakalahok ito sa isang Tripartite na usapan (GRP, MNLF, Organization of Islamic Conference -OIC) na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia sa susunod na buwang kasalukuyan.

May ilang dekada ng nabibinbin ang usapang pangkapayapaan (Tripoli Agreement) sa pagitan ng MNLF at GRP, hiwalay pa sa ginagawang peace effort sa isa pang grupo, ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) . Ang nakakalungkot, may ibang "agenda" ang Malakanyang, ang pagpapatupad ng "global war against terrorism" ni Bush ng Estados Unidos. Kung pansamantalang magkaka-aregluhan sa MNLF, nanatiling naka-umang naman ang pansin sa MILF, Abu Sayyaf na ginagamit ng ilang tiwaling militarista sa loob ng AFP upang isabotahe't idiskaril ang usapang pangkapayapaan sa kabuuang Mindanao.

Hindi makakatulong ang iminumungkahing proposition ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na dis-armahan ang grupong MNLF, sapagkat mas dapat unahing dis-armahan ang libu-libong private armies ng malalaking angkang pulitiko sa Mindanao at pananatili ng tropang Amerikano't AFP sa lugar.

Ang mas dapat asikasuhin, maliban sa pagpapalaya kay Nur Misuari't pagtalima sa naunsyaming "peace agreement," ang pagpapriority ng Gubyerno at ni Dureza na suportahan ang KARAPATANG panawagang “self determination-ang papapasya sa sarili” ng ating mga kapatid na Moro. Idagdag pa ang panawagang “local good governance” at genuine local autonomy ng kalakhang Mindanao. Relatibong may katagalan ang ganitong ROAD MAP na proseso, pero nakasisiguro tayong patok at epektibo ang ganitong kaparaanan.

Kung maisasagawa ito, malaki ang pag-asang kusang magdidis-arma ang mga armadong grupo sa Mindanao.

link: "Setting up the MILF" by Joel Rocamora
http://www.tni.org/archives/rocamora/milf.htm

Doy Cinco / IPD
Feb 7, 2007

1 comment

magandang umaga ginoong francisco cinco. baka makatulong ang mga opinion ito sa paglinaw, bakit ayaw palayain si nur misuari:

1. ang tinatawag na 15 council ng mnlf ang syang dahilan ng pagkakawatak-watak ng samahan ng mnlf. nabigyan ng malakanyang ng matataas tungkulin sa gobeyerno, iniwan at naging taksil sa adhikain ngmnlf para sa kapakanan daw ng mga moro.

2. ang kasalukuyang armm gobernor na iniluklok ng malakanyang sa pamamagitan ng isang bugos na eleksyon ay hindi napapabilang sa grupo ng mnlf. dapat nating maunawaan na ang armm ay resulta ng rebolusyon ng mnlf at nararapat lamang na mnlf ang dapat mumuno sa armm government. meaning, walang ng autonumus region, pangalan na lamang ito, binabawi na ng gobyerno ang pamunuan sa pagluklok ng kanilang piling moro leader at hindi na ito ibabalik sa pamunuuan ng mnlf.

3. ayaw ng ilang ledirato ng arm forces ang kapayapaan, bakit? sila ay studyante ng kano sa balikatan. ayaw ng kano sa mga rebeldeng muslim. hindi sila maaring pumasok sa pinas upang makipaghamok, kaya't arm forces ng pinas, pinoy kapwa pinoy ang syang wawasak sa pagsulong ng kapayapaan sa mindanao. at ito ay binasbasan ng malakanyang.

sa mga politiko at negosyanteng buwaya sumuporta sa nais ng kano at malakanyang na nabiyayaan ng power at salapi, isa na dito ay ang taong tulad ni jess dureza.

4. ang nabibiling armas ng moro rebel group ay galing sa arsenal ng arm forces. ang mga dealer, sundalo rin. bakit? kumita sa panggatong ng giyera , at si kano naman ay tuwang tuwa dahilan sa ang kanilang produktong armas ay nabibili at nagagamit, at nagsisilbing dahilan upang patuloy silang makialam sa pinas. indicator- magdalo rebellion, gringo rebellion,
scout ranger rebellion ano ang dahilan ng mga ito.

alam na ng nakakarami. subalit bulag pa rin ang pamunuan ng gobyerno sa kaganapang ito dahil , renda sila ng kano.

-Bebot T. Santa Cruz

Friday, February 02, 2007

Agad ipasa ang "Political Party Act 2006" or else?

Magandang panimula ang Political Party Act 2006 (PPA 2006) para sa paggulong ng political and electoral reform sa Pilipinas. Kung maihahabol at maipapasa sa 13th Congress at maisasakatuparan agad sa 2007 o sa 2010 election, "mas mainam at makakatulong ng malaki sa maturity ng pulitika sa bansa."

Ang panukalang batas na Political Party Act of 2006 ay nasa ilalim ng House Bill 5877. Layon daw ng panukala na "payagan maregulate ang state financing sa mga Political Party upang masawata ang sobra-sobrang gastusin sa election campaign, maiwasan ang pagpasok ng drug at gambling money sa political stream at impluwensya nito sa pulitika. Layunin daw nitong maging accountable, maging responsive sa interest ng mamamayan ang sistemang politikal at itulak sa kaunlaran ang bansa tungo sa global competitiveness."

Ayon kay Cong Locsin, mamiminimized ng nasabing batas ang POLITICAL PATRONAGE, kasal binyag libing (KBL) at sa pamamagitan ng pagpapalakas ng political party system, mawawakasan na raw ang kalakarang BALIMBINGAN, political oportunism at turncoatism ng mga pulitiko.


Lubhang napakahalagang mapalakas ang mga Political Party sa Pilipinas, masyado ng kahiya-hiya na at kunus-lunos ang pulitika, bukud sa elitist, divisive-factionalism, nabubuhay lang tuwing election, walang vision, mission, goal objectives-walang malinaw na plataporma de gubyerno, padri-padrino at TRAPO.
Ang isang mabigat na tanong, nasaan ang mamamayan at sino ba talaga ang makikinabang sa nasabing ehersisyong pulitikal?


Sa Pilipinas, PEKE ang POLITICAL PARTY, ang nananaig ay mga ANGKANG PAMILYA (political clan), Gambling Lords, Drug Lords, Law Firm, fraternity, SHOWBIZ, corporate at business elite group.

Walang ilusyong maipapasa ng 13th Congress ang nasabing panukala. Ngayon pa lang, nagsisimula ng mandaya ang admnistrasyon. Marami ang nangangamba't may agam-agam sa walang kaduda-dudang kahihinatnang magic, madumi, marahas at 'di kapani-paniwalang election sa darating na Mayo, sapagkat, ang pangunahing promotor ng manipulasyon, linlangan, katiwalian at lokohan, ang ilihitimong pangulong naka-upo sa Malakanyang si Ate Glo at ang COMELEC ay nananatiling kukuya-kuyakoy sa poder ng kapangyarihan.

Matapos ang "am sorry hello Garci controversynuong 2004 presidential election, " nawalan ng kredibilidad ang country sa kasalukuyang dispensasyon. Buluk na nga ang sistema ng pulitika't election, walang mapagpilian at pare-parehong TRAPO. Nililibang, inuuto, binibiktima, ginagagago at ginagawang tanga lamang ang mamamayang Pilipino.

Ilan sa maaring pagpilian lamang ng country ay; una, "selective participation " sa May midterm election. Pangalawa, maging vigilant, imonitor, magbantay at ilantad ang nalalapit na buluk na halalan sa Mayong darating. Pangatlo, itakwil ang nasabing election, papanagutin ang COMELEC, ang huwad na HALALAN ni Ate Glo. Pang-apat, dedmahin ang Mayo at tuloy lang ang "direct democracy, " ang pagpapalakas, pagsasakapangyarihan nagmumula sa baba. Ang favorite na panglima, hanapbuhay, raket, ang kumita't maging mersenaryo (operador), at Panghuli, kayo na ang BAHALA!

Doy Cinco / IPD
Feb 3, 2007

1 COMMENT

I sent a txt message to my friends and told them that im not going to vote. because of the following reasons:

1. The people who are going to supervise it are the same people who orchestrated GMA's way to presidency last 2004.

2. The elections are going to be held under the GMA government.

For one I refuse to recognize this government, other than that I honestly think that nothing good will come out of the current Comelec as it is today. So why bother voting when the next thing you know your ballots are going to be used to count the asshole of a candidate you sincerely detest?

The reply to my message was devastating, the people I thought to be intellectuals and thinkers insisted that people who don't vote like me are anarchist and that they support the will of the people to hold a "democratic" election.

I doubt they never heard about passive resistance as it was done in India at the time of Gandhi or better yet they might have known about it yet decided to place their faith upon an illegitimate government as well as a corruptible Comelec.

For this It was also timely for me that I am reading about Ninoy Aquino. How he was able to win in an election held under the most auspicious eyes of that scumbag Marcos.

I understand that he won second in his senatorial run against his formidable opponents. I must admit I don't know if at that time Comelec was as crooked as it is today or filipinos could be bought as they are today.

I also don't know if their epiphany for Ninoy was because of his incorrigible faith in the filipinos good will. I read that even in his final moments he still valiantly believe that the filipinos are worth dying for. Either way I still think that he was legitimately voted into office but majority of the senators who won (actually he was the only one who won from the opposition) were for Marcos.

So why do you think Ninoy won? I think he was made to win by Marcos because it was the only way to satiate the desire for debate in the halls of the senate or else the venue would be nothing more than an echoing YES hall.

I am not saying that he was never popular as he was then, I believe that his victory was also because of his effective information campaign, nonetheless he was the only one who won from the opposition, doesn't that ring a bell?

Assuming that indeed the people experienced the massive cheating in the elections and THEY DID vote for the right leaders, what was it that they did after? Was it worse than the "Hello Garci" scandal?

It is here that we will find credence as to my actions and my decision not to vote. Ninoy stood alone in the senate a lone sheep amongst wolves. He talks and delivers speeches vehemently against Marcos and people loved him because he stood as somebody who passionately believes in the power of the filipinos to think for themselves, but forward it to thirty years or more and you find filipinos trying to stomach another subtle dictatorship such as GMA's.

The truth is people change and their ways for struggle does too. If we can't even vouch for a fair and honest election, then why the hell vote?!! If we can't fight against the illegitimate government and a Comelec that houses Garci and Abalos then why the hell vote and hope that these people will give you your due?

I never lost faith in my countrymen and just like Ninoy I firmly believe that there will be a better future for our country. BUT I WILL NEVER TOLERATE THAT MY COUNTRYMEN BE TRICKED INTO PARTICIPATING IN FRAUD RIDDLED ELECTIONS!

A professor of mine told me that the reason bad leaders get voted into office is because of the lack of good people voting. And he bluntly told me that I was one of them, he followed it by saying that this country would be no better off with people like me and he'd rather migrate to another country because of my beliefs.

How about he tells that to people going out of the country and NOT EVEN TRYING TO SACRIFICE AND CHANGE ANYTHING, INSTEAD BE USED BY THE ILLEGITIMATE GOVERNMENT FOR ITS OWN ENDS?

Perhaps it is true that if I never vote then the wrong kind of leaders will be voted into office, but that is only because people like my professor never does anything to go against the corrupt officials in Comelec and the regime.

It was also from him that I first heard of that adage where he says that "The people gets the government they deserve". If what he says is true then HE deserves this kind of government and NOT ME!

Ergo I choose not to vote. I choose not to be used by the government. And if they believe that by forfeiting my right to vote I would also forfeit my right to complain from the government then so be it. If they brand me as an anarchist then I brand the government as a manipulative asshole who tries to stage a democratic front not even worthy of a second rate television drama.

Other than that if you still firmly believe that we're still a democratic country then maybe its time that you read about Ninoy and learn the lessons of our history from his eyes. Or else be one of those tricked into believing that just because we were able to exercise democracy, we are definitely free.

- salamat sa comment FLOYD, mabuhay ka! - doy