Friday, April 21, 2006

Wikang Globalisado o Wikang Busabos?

Ayon sa March 2006 survey ng Social Weather Station (SWS), bumababa na raw ang self-assessed proficiency ng Pinoy sa English. Maaring sabihin nating positibo, maaring trahedya rin sa iba.

Tanggap na natin ang hamon ng rumaragasang globalisasyon, paggamit ng English, ang bersyon ng English kalabaw at Taglish. Patuloy na pinatatag ng Pilipinas ang trono bilang pinakamahusay na OFW-skilled, entertainer, domestic helper, care giver at prostitutes sa buong mundo at "ikatlo sa mundo na nagsasalita ng English."

Sa kasalukuyan, mahigit kumulang na 8 milyon Pilipino ang nasa labas ng bayan; Australia, Canada, Japan, Italy, Saudi Arabia, Hongkong, Germany, UK, at iba pa. Sa Amerika na lamang, mayroon nang 1 milyon at dumarami pa. Halos malagpasan na natin ang mga Intsik doon kung bibilangin pati yung mga TNT (tago ng tago). Sa tingin ko, hindi habang panahon ay OFW na lamang tayo!

Apat na siglong nilooban (occupation)tayo ng Amerika, Hapon at Kastila. Noong panahon ng Kastila, ginamit ang wika upang ikintal sa utak natin ang mensahe ng kabanalan at pagiging masunurin. Sa ilalim ng Kano, sa loob lamang ng kalahating siglo at ilang dekada matapos “ibigay ang kasarinlan”, isinubo ang wikang English bilang opisyal na lengguwahe.

Mula sa sistema ng ating edukasyon bilang medium sa pagtuturo, gamit ang English sa gubyerno’t lehislatura at pakikipagtransaksyon sa negosyo. Mula sa aklat at iba pang reference materials, magazines, research manual at script ay pawang nakasulat sa dayong wika.

Sinasabi ng ilang kritiko na tuluyan na tayong nawalan ng tunay pagkakakilala sa sarili. Sa awit ni Heber Bartolome na “tayo’y mga Pinoy”, para tayong asong ngumingiyaw at hindi tumatahol. Sino ang maniniwala na makakagawa tayo ng sariling awtomobil na pinatatakbo ng hydrogen gas-tubig, karaoke, land rover na ginamit sa buwan o maging ang ilaw na fruorescent kung patuloy ang pambubusabos ng ating wika.

Kung gusto mong maging pulitiko kailangang English ang gamit mo, kung gusto mo ng may mataas na pinag-aralan at modernong pamumuhay wikang English ang dapat na gamit mo. Sa simpleng paghahalintulad, ginamit ang English sa pangungulimbat. Yung salitang commission, under the table, standard operational procedure (SOP) at “substantial compliance” ay walang iba kundi suhol, lagay at pangungukurakot.

Ginamit ang English sa pagbibiyahe sa abrod o jungket. Ginamit ang English sa land grabbing at malakihang pagnanakaw. Ginamit ang English upang sang-ayunan ang mga batas at tratadong kontra Pilipino. Ginamit ang English upang supilin ang kilusang makabayan. Ginamit ang English, upang baluktutin ang hustisya’t paburan ang mga malalaki’t mga dambuhala.

Sinasalamin ng ating wika ang ating pagkatao bilang Pinoy. Ipinagpapalagay na hindi raw “pambansa” at hindi “intelektuwalisado” ang wikang Filipino, pero ito’y dahil sa konteksto ng ating bayan. Kailan ma'y hindi na tayo nagkaisa bilang isang bansa.

May sari-sariling pananalig ang ating mga pulo at barangay. Kay dali nating bumigay sa tindig na mapanghati at rehiyonalistang mga pulitiko’t kaaway ng wikang Pilipino. Paanong magiging “pambansa” ang isang wika sa loob ng isang bansang mahina ang damdamin at kamalayang makabansa?

Ang “intelektuwalisasyon” ay isang kasong dapat ibintang sa uri ng ating
edukasyon at kultura. Napakababa ng ating literasi. Napakababaw ng
nilalaman ng pagtuturo at ng mga nababasa’t napapakinggan ng sambayanan.

Paano magiging “intelektuwalisado” ang Filipino kung hindi gagamitin ng mga intelektuwal? Paanong aangat ang karunungan ng taumbayan kung ang mga dapat nilang matutunan ay sinasalita at isinusulat sa wikang hindi nila naintindihan o alam?

Ayon kay Virgilio Almario sa aklat na Tradisyon at Wikang Filipino, “Anupa’t ang problema ng pambansa at “intelektuwalisasyon” ay katulad ng kasabihan tungkol sa iniuuna ang kariton sa kabayo. Ipinahihila sa wika ang mga suliranin nasa unahan. Samantalang ang dapat mangyari ay ilagay ang mga suliraning ito sa likuran ng wika at saka tulong-tulong nating itulak ang kariton tungo sa pagsulong ng Filipino.”

Hindi totoong nakabatay lamang sa Tagalog ang wikang Filipino. Magkakapamilya ang mga katutubong wika sa Filipinas. Nagkataon lamang sa ating kasaysayan na Tagalog ang unang ginamit na batayan sa pinalaganap na wikang pambansa mula pa noong 1935. Tinaguriang Ama ng Wikang Pilipino na isang Tagalog si Pres Manuel Quezon noong Disyembre 31, 1937 ng Commonwealth Act No. 570. Malaki na ang pagbabago ng Tagalog nuon 1935 sa Tagalog ngayong kasalukuyan.

Sa kabila ng pabago-bagong patakaran ng gubyerno sa wikang English, hindi
maitatatwang mayorya ng populasyong ng bansa ang marunong ng Filipino. Sa survey halimbawa ng Surian noong 1982 sa wika ng radio at telebisyon, lumilitaw na ang gumagamit ng wikang pambansa ay may 82.55% Pilipino, 15.43% English, 1.98% Espanyol at 0.02% iba pang wika. Noong 1986, ang uri ng Filipino sa print media ay 79.76% Pilipino, 14.95% English at 5.28% Espanyol.

Noong Pebrero 1989, nagpalabas ng survey ang Ateneo de Manila at lumitaw sa estatistika na 92% ang nakakaintindi ng Pilipino sa buong bansa, 83% ang nakapagsasalita nito, 88% ang nakababasa nito, at 81% ang nakasusulat nito. Sa naturang pambansang saliksik ay lumilitaw ring 51% lamang ang nakaiintindi ng English at 41% ang nakaiintindi ng Cebuano.

Lumalabas na hindi totoong kakaunti ang marunong ng Filipino. Kung matatandaan, kaliwa’t kanang sumigla ang komiks, tabloid, pelikula at awiting Filipino noong dekada ‘70s at ‘90s. Dumami ang nagiging POPULAR ang mga programa sa radio at TV na gumagamit ng Filipino.

Hindi totoong mababa at makitid ang karunungang makukuha sa Filipino. Pakulo lamang ito ng mga maka-English na naniniwalang hindi tayo uunlad kung hindi tayo marunong mag-English. Ang tunay na karunungan ay yaong lumulutas sa pangangailangan ng tao, yaong nagagamit niya para mabuhay.

May sarili na tayong teknolohiya para mabuhay at magsarili. May nalinang na tayong paraan ng agrikultura at mga industriya para masagot ang ating pangangailangang pangkabuhayan.

Intelektuwalisado na ang ating wika noon pa man. May mga salita ito na naglalaman ng mga katutubong kaalaman sa pilosopiya, politika at teknolohiya.

Sa isinagawang pag-aaral sa Third International Maths and Science (TIMSS) noong dekada 90s sa mahigit kalahating milyong kabataan ng mundo, pang-labingpito (17th) at pangdalawangput walo (28th) lamang ang USA sa agham at matematika. Nangunguna ang bansang Singapore, S. Korea, Czech Republic, Japan, Bulgaria, Netherland, Hungary, Austria at Belgium.

Kalahok dito ang Pinoy kaya lang hindi ito naisama sa opisyal na talaan sa
kadahilanang nasa kulelat ang ating mag-aaral. May sinirang mga “alamat” ang TIMMS. Una, wala sa laki ng badyet ang kahusayan sa pagtuturo sa agham at matematika. Hamak na ang liit na ginagastos ng Czech Republic at South Korea sa edukasyon ngunit ungos na ungos ang mga ito sa malalakas gumastos na bansang gaya ng Germany at Great Britain. Hindi rin nakukuha sa liit ng klase at haba ng oras sa pag-aaral.

Maliliit lamang lagi ang bilang ng mag-aaral sa klase sa France, United State at Great Britain. Samantala’y laging doble ang laki ng mga klase sa mga bansa sa Asia, kahit sa Singapore at Hongkong, ngunit matataas ang marka kaysa sa nabanggit na mayayamang bansang Europeo.

Sa huling listahang inilabas ng Times Higher Education Supplement-Quacquarelli Symonds (THE-QS) World University Ranking itong 2006, nasa top 50 ang mga mauunlad na bansa sa US at Europa. Sa Asia, nangunguna ang China, pang 14th ang Peking University at 28th ang Tsing Hua University of China, 19th ang Univ. of Tokyo at National University of Singapore, 29th ang Kyoto University (Japan) at 33rd ang University of Hongkong. Nasa malayo ang Engliserang bansa natin, 299th ang University of the Philippines, 392nd ang De La Salle, 484th ang Ateneo de Manila, 500th ang UST.

Kung sa Asia ang pagbabatayan, dinaig tayo sa ranking ng mga unibersidad na matatagpuan sa Taiwan, India, S. Korea, Thailand, Malaysia at Indonesia.

Kung ang wikang English ang mag-aahon sa karalitaan at mataas na antas ng ating pamumuhay, kung ang English ang magpapawi ng karalitaan, kung ang English ang magpapalago ng industriya’t teknolohiya at empleyo, kung ang English ang papawi sa pagiging busabos ng Pinoy sa mata ng mundo, kung ang English ang magdadala ng maraming gintong medalya sa tuwing may palaro sa Olympic at kung ang English ang siyang daan sa pagkakaisa, baka siguro numero uno na tayo sa Asya!

Nasa yugto na tayo ng tinatawag na Panahon ng Kaalaman. Sa ganitong kalagayan, napakahalaga ngayon ang pagpapaabot, pagpapalitan at pagpapaunawa ng kaalaman o mga kaisipan upang makamit ang mithiing kaunlaran.

Totoong may sapat na kakayahan ang mga Pilipino na makipag-ugnayan sa mga dayo ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi natin makakamit ang tunay na sariling kamalayan kung patuloy tayong walang kakayahang makipag-ugnayan sa sarili nating mga kababayan, ang ugnayan sa mamamayang nananawagan ng pagababago.

Sabi nga ni Randy David, “walang wikang umuunlad kung hindi ito naisusulat at binabasa. Walang wikang umuunlad kung ito’y hindi sinasanay na maglulan ng mga produkto ng kamalayan at iba’t-ibang kaisipang hango sa maraming kultura. Kailangang makipag-usap ang ating sarili’t-katutubong wika sa mga wika ng ibang bansa, sa halip na isangtabi ito, sa maling pag-aakalang hindi na ito angkop sa bagong panahon. “


Francisco Cinco
April 22, 2006

Wednesday, April 12, 2006

Dahil sa whitewash ng “Mayuga Report”, may namimintong panibagong pag-aaklas ?

Tulad ng inaasahan, maa-abswelto ang apat na heneral at isang colonel na diumano'y sangkot sa pandayarang dagdag-bawas sa halalan noong 2004 Presidential Election. Sa ordinaryong Pinoy, hindi na ito balita, ang balita ay kung napatunayang guilty at na-court martial ang apat na Heneral. Mgatataka tayo kung may delicadesa't nagsipag-resign ang buong komisyon-ner ng COMELEC at nag-ala Thaksin si Ate Glo! Yan ang balita, yan ang healine!

Ang problema ngayon, sinong engot ang maniniwala kay Mike Defensor at kay Ate Glo? Negative-zero ang kredibilidad ng Malakanyang. Ayon sa mga Senador, upang hindi mabulabog ang AFP at Malakyang, sina-nitized nila ang resulta ng Report. Kaduda-duda ang laman at resulta ng fact-finding report ni Mayuga;

Una; ayon kay Rep Roilo Golez, "dinuktor o nagkaroon ng switching" sa orihinal na MayugReport.
Pangalawa; para walang kilos protesta sa lansangan, itinaon sa bakasyon (Semana Santa) ang labas ng Report.
Pangatlo; dahil bakasyon, umiiwas at sinekreto ang lugar ng announcement-interview kay Mayuga at sa government owned television lamang ito ipinalabas. Walng media pipol ang nakasubybay sa nasabing anunsyo.
Pang-apat; simula't simula pa lamang, hindi naging transparency at over delayed ang pagkakalabas nito. Wala ninumg media, senador ang naka-access sa dokumento at winidhold ito ng mahigit dalawang buwan (2 months) sa Malakanyang bago inilbas.
Panghuli; kung totoo ngang walang "partisan politics" at hindi nakialam ang apat na Heneral sa dayaan noong 2004 election, bakit bigla-biglang ipagbabawal na mula ngayon ang pakikialam ng AFP sa mga darating na halalan (2007), ayon sa isang rekomendasyon ng AFP?

Negative-zero ang kredibilidad ng Malakanyang. Sariwa't hindi malilimutan ng country ang makailang beses na linlangan, manipulahan, goyoan, katiwalian at kasinungalingan ni Ate Glo; Ang Rizal Day Statement na “hindi na ako tatakbo sa 2004 Presidential election"; Ang 464; CPR; ang 1017 at defacto Martial Law; “ang Piso at gumagandang ekonomiya”; na intak, buong-buo at solid ang AFP; na may sabwatan raw ang junior officers at CPP-NPA; na may Kudeta raw sa Pebrero’06 at itatayo ang Military Junta”; na wala raw alternative sa kanya, na siya raw ang "best president" at inilukluk ng Diyos, na wala raw unemployment sa bansa, mismatch at mapili lang daw ang Pinoy at higit sa lahat, yung response sa editorial ng New York Times na "may demokrasya raw sa Pilipinas?"

Sa isinagawang whitewash sa Mayuga Report ng Malakanyang, hinding-hindi mapapatahimik ang mga patriotiko-idealistang mga junior officers. Alam ng buong mundo na inis-SPECIAL OPS nina Maj.Gen Hermiogenes Esperon, Maj Gen Gabriel Habacon, Rear Adm Tirso Danga, retired Maj Gen Roy Kyamko at isa pang Koronel ang halalan (dagdag-bawas) sa Mindanao at ito ang mga narinig sa commando type operation ni Ate Glo sa “hello garci” tapes para sa hiling na karagdaggang isang milyong boto noong 2004 election.

Lalo lamang binuhusan ng gasolina ang nagbabagang silakbo’t damdamin ng mga junior officers. May inhustiya na nga sa buong bansa’t sa AFP, katiwalian at kabulukan sa loob ng AFP, nakakulong at naka court martial pa ang ilan sa kanila dahil sa “pagtataksil” daw sa republika, wala pa ngang close door sa “hello garci”, dinagdagan pa ng PAG-AABSWELTO’T switching ng “Mayuga Report”!

Walang dudang pati mga kasama ni Col Querubin na YOUng sa Mindanao, Gen Lim at Gen Gudani (nadistino sa Mindanao) sampu ng mga bata-batalyong yunit na nakasaksi sa maniubrahan, gapangan, bayaran at madgikan ay talagang magwawala’t mag-aalburuto.

Ano ang aral nito, ano ang ibubunga nito, ano ang epekto nito? Tipping point? Ano pa nga ba, eh di isang “big push” muli, panibagong pag-aaklas ng junior officers – Magdalo-YOUng at baka dito’y tuluyan ng mapatumba ang gubyernong iligal ni Ate Glo.

Paano na ang kampanyang pipol inisyatib, cha cha-parliamentary shift ni Ate Glo, ang snap election at panibagong impeachment complaint ng oposisyon sa Kongreso at welgang bayan sa Mayo Uno ng mga militante? Koordinado ba'yan, sabay-sabay ba'yan o unahan na lang?


-Doy Cinco / IPD staff
April 12, '06

Tuesday, April 11, 2006

Yet Another Palace Initiative (PI)

Yet Another Palace Initiative (PI)
By: Gladstone A. Cuarteros


First they denied involvement but soon enough the tenants of Malacanang bared their
true colors. Slowly as the issues surrounding the so-called Peoples Initiative
unfold the smoke screen of Malacanang is quickly fading. It is crystal clear now
that the GMA administration is orchestrating this most recent maneuver to amend the
1987 Constitution. In fact without the formal petition yet with the Commission on
Elections (Comelec) GMA has already endorsed the peoples initiative. She declared
that the Cha Cha train have left the station and that ' it is time for old-time
politicians to step back or get run over' by the speeding Cha Cha Express.


Is GMA's declaration a plain expression of support on the peoples initiative? Well
that is what her allies want us to believe. That the initiative is genuine clamor
coming from people. But as we can later conclude her strong declaration reflects
that indeed she knows what is happening and is going to happen on the
DILG-ULAP-Sigaw ng Bayan-led peoples initiative. She could not claim innocence
because if she is, she should have waited at least for the Comelec to take
cognizance a formal petition to be filed. At maximum she should have deferred on
whatever ruling the Supreme Court makes once the peoples initiative is questioned
in court.

But that is least of her concerns. What is important to GMA and her allies is to
undertake charter change now and avoid being subjected to another impeachment
compliant in July this year. Another impeachment proceeding could be more
difficult to ward-off this time. And in so doing the charter amendments she hits
two birds with one stone. Forever she will no longer need to answer questions on
her legitimacy but will continue ruling until 2010 at least (God forbid) and
secondly she will deliver on her promise to Speaker Jose de Venecia for the shift
to a parliamentary system.


With the way the current peoples initiative is carried out by the administration
we can say there is a DILG-ULAP- Sigaw ng Bayan conspiracy, if not Malacanang plot
itself. Well that is using only this administration's language - one that is fond
of accusing other groups of conspiracy, plots, destabilization, etc.


When Rep. Ronaldo Puno was appointed to head the Department of Interior and Local
Government (DILG) it was suspected that the real intention is for him to set into
motion GMA's version of charter change. Especially now that the ConAss proposal of
the House of Representatives is stalled in the Senate. Using his acumen as an
expereinced political operator Puno will again make use of his network at the DILG
to realize GMA's Cha Cha. For the uninitiated, Puno maintained his network within
and outside the DILG – network which he developed during his time with the
Department in the Marcos years. DILG used to be Ministry of Community Development
and Local Government. Some of his colleagues then are by now in the upper echelons
of DILG bureaucracy, serving as assistant secretary or regional directors. While
some others has since retired and are officers of the retirees association.
Remember also that Puno served as DILG Secretary during Estrada's short-live
presidency.


It goes without saying this made him in close contact with his DILG network again and
perhaps enabled him to expand it further. It is said that this same DILG network
was the backbone of the political machinery which helped Puno in the presidential
campaigns of Ramos, Estrada and in 2004 GMA herself.


The suspicion that Puno will work to expedite GMA's Chacha prove right. The haste
we are seeing now in the signature campaign is not at all accidental. Nor is it
because the people are so 'hot' about GMA's chacha. A key factor is Puno at the
DILG. Before literally warming his seat in the Department, DILG issued Memorandum
Circular 2006-25 directing all local officials to hold barangay assemblies
nationwide. In these assemblies the people are supposed to discuss issues
affecting them, one of which is the proposal to amend the 1987 Constitution. The
holding of barangay of assemblies is required under the Local Government Code of
1991, and so taking the DILG memorandum at face value there is nothing sinister
about it. But considering the context and the intense involvement of the
Department in the holding barangay assemblies which was absent in previous years
then one smells something fishy in all this.


Take for example the allegation that it is DILG personnel who distributed the
forms being used in gathering the signature. With it are copies of voters list per
precint and a matrix on the advantages of the parliamentary system. The DILG
Regional Offices furthermore formed special project team to work in gathering the
targetted 5.6 million signatures (5.2 million is the minimum requirement). All
these are supported with adequate funds. Sources from the DILG reveal a
surprising increase for the budget on monitoring barangay assemblies. It can be
recalled that in early February this year even before Puno took his oath as DILG
Secretary he is said to have convened a two-day conference of DILG field officials
in preparation for their role in the peoples initiative to amend the 1987 Charter.


Strategy-wise inserting the signature campaign in the barangay assembly is a smart
move by Puno. A skilled operator as he is, the requirement under the LGC in the
holding the barangay assemblies is a perfect cover against allegations that the
Palace has a hand on this. It conveniently camouflages the hidden intentions DILG
has by reminding the barangays to hold regular assemblies. Because supposedly
barangay residents are going to discuss issues affecting their community anyway.


The peoples initiative is led by Sigaw ng Bayan, a multi-sectoral grouping of
purportedly civil society organizations. Closer scrutiny however shows that these
are same organizations that which were involved in the GMA presidential campaign
in 2004 and those who issued paid advertisements in support of GMA at the height
of impeachment against the President. They were part of the political machinery
then. Thus they are all supporters of GMA so nothing new. Only recycled
organizations taking issues for the President at different times. After the
election campaign, these groups were mobilized again last year to defend GMA
against the impeachment enjoining us 'to stop all the destabilization/trouble '
(Tama na ang Gulo, Tama na ang Pulitika) campaign line, now they want to impress
on us sort of ' people power' by gathering millions of signature supporting the
peoples initiative.


One can only wonder how these organizations seems to be overflowing with money that they can easily fund the pro-GMA campaigns they had launched and that they also can so often afford whole-page paid advertisements in major newspapers. This is not to
mention flooding of Metro Manila with pro-GMA streamers and tarpaulins during the
impeachment. Of course they also commemorated EDSA I last February but were spared
of the truncheons and violent dispersal the more progressives have to endure in
their rallies.


With the assistance of local officials through the Union of Local Authorities
(ULAP) which vowed to strongly support GMA and her Chacha through peoples
initiative, Sigaw ng Bayan can solicit the 5.2 million signatures. In fact with
the combined resources and machinery of the DILG and ULAP, as of today, Sigaw ng
Bayan claims to have gathered 7 million signatures already.


Yet there are significant opposition against the people's initiative. Surprisingly
local officials of Cebu province which has overwhelmingly voted for GMA in the
past election rejected the peoples initiative and GMA's version of charter change.
The Cebu Municipal Mayors League believes the signature campaign is illegal and
unconstitutional. There are also the other local executives who are members of the
opposition parties and party-list like Akbayan have not joined gathering
signature. Hopefully this minority of local officials can still prevent Sigaw ng
Bayan from satisfying the minimum requirement of three percent signatures for each
legislative district.


Aside from Puno another revealing link of Malacanang in this peoples initiative is
the designation of Atty. Raul Lambino as spokesman of Sigaw ng Bayan. Who is Atty.
Lambino? He is said to be coming from the infamous 'The Firm' Villaraza Law Office
and is among the members of the Consultative Commission (ConCom), a body formed by
GMA to study and recommend amendments to the Constitution. The most notorious
their recommendations is the cancellation of the 2007 elections. After the ConCom
which was given only three-months mandate, Mr. Lambino was again made part of the
Charter Change Advocacy Group that Malacanang formed. While serving in the said
Advocacy Group he is at the same time Sigaw ng Bayan spokesperson. What a
coincidence!


Clearly what these linkages indicate that members of Concom and the Advocacy Group and those working for peoples initiative – the supposed civil society component (Sigaw ng Bayan) are more or less in the same loop. They are not different and
exclusive groupings as what the Palace wants to project to the public. After all
they were part of GMA's political machinery.


And why is Mr. Lambino made their spokesperson? That is the problem when a
political machinery is abruptly transformed into a supposed civil society
organization or movements. It is not as fast to train a PO leader that can be as
erudite and articulate as a lawyer. Especially with the intricate issues that
needed in explaining, much more linkages to the 'powers that be' that should
remain hidden from the public. And so they have to depend on their seasoned
operators – the like of Lambino as their mouth piece.


Gleaning from all these brouhaha is an elaborate and concerted effort of GMA and
her lieutenants in leading the peoples initiative. Obviously we see the hand of
Malacanang. And this made through the DILG, ULAP and Sigaw ng Bayan- the civilian
component, to use their language. For sure the Palace will distance itself from
this peoples initiative but is futile already. The links are there for all to see
and thus the GMA camp can no longer erase the fact that such peoples initiative
is in fact a Palace Initiative.


####
05 April 2006

Thursday, April 06, 2006

Sino ang SumiSIGAW ng BAYAN?

Mahusay sa kalokohan itong Sigaw ng Bayan Movement. Parang kidlat na tinapos ang mahigit sampung milyong (10.0 milyon) “pirma” para sa Pipol Inisyatib (PI). Kaya lang mukhang mauuwi ito sa kangkungang, ultimo si Atty Macalintal na abogado na ng Palasyo ang nagsasabi ngayong isang "iligal ang PI" at "maliwanag na nilabag nito ang Referendum Act ng RA 6735.

Mula sa pinuno ng Liga ng Barangay hanggang sa mga “legal expert” ng bansa ang nagsasabing walang batas (no enabling law) na sumasakop sa initiative ni Gloria (PIG). Ayon sa kanila, isa itong void, invalid at palsipikado. Nakabitin sa SC (proper forum?) ang kahihinatnan ng Pipol Inisyatib ni Gloria (PIG). Tulad din sa maraming pagco-contest ng batas, ang burden ng proof kung unconstitutional o constitutitional ang PIG ay wala sa nagsusulong nito't wala sa Malakanyang.

Hindi na tayo magpapaliguy-lighoy pa! Ang sama-samang pagkilos ng PIPOL ang siyang tunay na maghuhusga nito. Pinatunayan ng ating kasaysayan na ang kalsasda't pipol power at "direktang demokrasya" sa baba, hindi ang Korte Suprema (SC) ang siyang magpapasya kung iligal o ligal ang PIG.


Sino ang sumiSigaw ng Bayan? Una, sa pangalan palang maiintriga kana. Ang unang kikintal sa utak mo'y parang Kaliwa ang balagbag, parang Kilusang mapagpalaya ang dating, makabayan, maka-masa at patriotiko. Isang COALITION na binubuo daw ng mahigit isang daan (100) non-government organization (NGO) ang “Sigaw ng Bayan Movement”.

Ang husay mangopya, parang NGO-civil society ang packaging at imahe. Sounds familiar, kung si Marcos ay may Kilusang Bagong Lipunan (KBL) na tumugis sa mga kalaban niya sa pulitika noong 1970s, Sigaw ng Bayan Movement naman ang bersyon at pakulo ni Ate Glo, Atty Lambino, Kalihim Puno at ULAP.

Kung tunay na “adbokasiya” ng Sigaw ng Bayan Movement ang people empowerment, ipakita nila ng pruweba na hindi sila impostor. Sino ang mastermind ng grupong ito? Mga operador ni Ate Glo noong 2004 election ang bumubuo nito. Mga corporate elite na gaya ni Donald Dee, Ortiz Ruiz , Francis Chua at Valera ng Phil Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Philippine-Chinese Chamber of Commerse at Employer's Confederation of the Phil (ECOP), mga dating cadre, mersenaryo't panggitnang pwersa ng National Democratic movement.

Marami sa kanila ay mga dating kasamahan at recycled communist na nagsasabing “hanap buhay lang ito” at babalik rin sa democratic movement kung makakatiempo. Ang ilan sa kanila mga dating nagpapatakbo ng makinarya ni FPJ for President, Sen . Loren Legarda at Ping Lacson, Pres Erap Estrada, mga kasalukuyang Gobernador-Mayor, Ed Pamintuan at mga alyado' patron ni Kalihim Puno ng DILG.

Pangalawa; Ang kengkoy rito ay parang social movement ang isinisigaw na islogan. Parang alternative ang inilalako sa PIPOL. Out of the blue, sila pa ngayon ang nagsusulong ng demokratikong adhikain ng masang Pinoy at ang lahat ng babangga rito ay lalabas na anti-demokratiko! Ang nakakabahala dito, binibigyan daw nito ng pagkakataong makilahok at magka-boses ang mamamayan! “WOW MALI, bode-bodegang kasinungalingan!

Pangatlo; Sila pa ngayon ang nagmamagaling na may hawak ng pormula't solusyon sa krisis pampulitika ng bansa. Sila pa ngayon ang may karapatang manawagan ng “constitutional reform at magbandila ng demokrasya”. Nagawa pang magpasaring,“na kaya raw napag-iwanan in terms of economy sa Asia ang Pilipinas ay may executive at legislative gridlock da sa politika,” na dapat buwagin ang Senado, magkaroon na ng Unicameral tungo sa sistemang Parliamentaryo . Lalabas na bayani, tagapagligtas ng sansinukob at tgapagpagmalasakit ang Sigaw ng Bayan Movement.

Pang-apat; Mas may kredibilidad daw sila kung ikukumpara sa mga destabilizer at pulitiko. “Malinis daw ang kanilang konsyensya, let's move on na”, wala raw halong pamumulitika, hindi raw sila binayaran at wala raw silang kinalaman sa mersenaryo't operdor na Kalihim Puno ng DILG. Nagpa-awa effect pa't gusto pang palabasing sila ang kinakawawa, sila ang dinidihado, sila ang inaapi, sinasaktan at “hina-harrash" ng mga organisadong mamamayang ayaw ng pagbabago.

Panghuli; ”Totoong ngang mahuhusay” ang mga taong nasa likod nito. Isipin mong mapabilib mo, makumbinsi mo, mapasang-ayon mo ang isang Ale sa bahay palasyo at bahay Tongreso. Ang resulta tuloy, mukhang plotfooted at maa-outsmart na naman ang mga Oposisyon at mga kalaban nito sa pulitika. Ilang araw matapos makuha ng Sigaw ng Bayan ang mahigit walong milyong pirma (8.0 milyon) ay diniklara agad ni Ate Glo na “tuloy-tuloy na ang larga ng cha cha, larga na ang Train at ang humarang dito ay masasagasaan."

Pagwawaldas ng kaban yaman ang PIG. Mangangailang ito ng mahigit isang bilyon (P1.0 bilyon) piso para sa pagbeberipika ng mga pirma ng Comelec (assuming alive and kicking ang buwitre't buwaya), may karagdagang P2.6 bilyon pa ang kakailanganin sa plebisito. Hindi pa kasali dito ang mahigit dalawang bilyong piso (P2.0 bilyon) nawaldas ng palasyo sa prosesong pinagdaanan ng “signature campaign”.

Masasayang lamang ang kaban ng yaman kung titigukin at kung kakatayin ng Supreme Court ang PIG. Ang anim na bilyon pisong (P6.0 bilyon) mawawaldas ay katumbas sana ng tatlong malalaking Hospital at daan-daang duktor, 10 BLISS condo, isang Mass Railway Transit (MRT), libong magbubukid at mangingisda sa buong kapuluan ang maayudahan.

Tumama rin sa wakas ang professor ng constitutional law ng University of the East (UE) na si Lambino ng sabihin nitong, “Section 397 ng Local Government Code of 1991 na binibigyang mandato ang lahat ng local government units na magsagawa ng kani-kanilang barangay assemblies at least twice a year.” Exactly! Kaya lang, bokyang-bokya ito ng sabihin nitong “"pare-pareho tayong mga pipol".

Langit at lupa ang interest ng PIPOL at interest ng Malakanyang . Survival mode ni Ate Glo ang pakay ng People's Initiative, samantalang trabaho, kaginhawaan, pagkain, serbisyo, respeto't dangal ang interest ng Pipol. Diyos ang boses ng Pipol habang Halimaw naman ang boses ng pulitiko.

Sa totoo lang, ang mahalaga sa Pipol ay kung paano mag-survive sa pang-araw-araw na takbo ng buhay. Wala silang paki-alam kung mauwi sa parliamentaryo o sa kalakarang presidential ang sistema. Kung sa usapin ng pulitika, ang concerns lang nila ay kung paano makakaganti sa mga pulitiko sa paraang vote buying-pambubulsa, panggogoyo at kung paano kenkoyin ang mga kandidato sa tuwing may halalan.

Isang panlilinlang ang sabihing ito'y “inisyatiba ng PIPOL.” Isang libong beses na mas paniniwalaang INIS na ang PIPOL, INIS na iNIS na sa theivES (magnanakaw) ang Pipol. Huwag niyong pagkaperahan, gamitin at gaguhin ang PIPOL. Magkaiba ang Pipol sa pulitiko. Langit at impyerno ang diperensya ng representanteng pulitiko sa PIPOL.

Sabihin man nila na tunay na Pipol Initiatve, may suporta't agapay (bagamat isang iligal) ng Corporate super-Elite, Tongresman, Gobernador at Mayor, “so what – walang masama” sila naman daw ay PIPOL din at “representante-kinatawan” ng PIPOL! Maghunus dili kayo! Masyado kayong BRUTAL at garapal! Ang TOTOO, Binababoy n'yo ang PIPOL.

Sapagkat deka-dekadang buluk at mahina ang sistemang elektoral sa bansa, nakalikha ito ng sangkaterbang iligal na kinatawan at representante sa hanay ng mga PIPOL. Sa maraming taong pamamalagi ng COMELEC, libong “Garci-mafia” ang naitanim at naibaon sa Intramuros, probinsya't hanggang sa munisipyo. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit TRAPO-pamimili ng boto, MAKINARYA at hindi plataporma't track record ang siyang mapagpasya sa halalan.

Maniniwala lamang kami na hindi kayo alipores ni Ate Glo kung bababad kayo sa PIPOL at magsagawa ng grasis root organizing (GRO)! Subukan n'yong tumira't lumubug sa mga liblib na lugar ng kanayunan (katutubo, pesante't magbubukid) , kumunidad, urban poor -PAYATAS at sa mga pabrika. I-organisa't i-eduka n'yo ang PIPOL hanggang sa libu-libo niyong mapakilos ang PIPOL patungo sa ninanais n'yong pipol initiative at pipol power .

Una, hindi kayo pipol isang demonyo at anti-pipol ang pulitiko't corporate elite. Kayo ang nangggahasa sa pipol, kayo ang humuhuthut at nanghoholdap sa pipol dahil pinagkaitan n'yo ng gatas ang iyak ng iyak na mga sanggol . Dahil sa walang mapasukang trabaho, itinulak niyong mag-japayuki, magprosti-GRO at mag-adik ang PIPOL.

Kayo ang nagtulak sa pipol upang gumawa ng krimen (kawalan ng trabaho). Kayo ang pumatay sa libu-libong PIPOL na itinulak n'yong manirahan sa vulnerableng lokasyon; sa tabing estero, ilalim ng tulay, tabing bundok -ilog, gilid ng bulkan at barong-barong na kalagayan. Kayo ang pumatay ng libu-libung pipol dahil sa malnutrisyon at karalitaan. Dahil sa patuluy na patakarang OFW, kayo ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang isang pamilya ng pipol.

Pangalawa; Kinumando't inisyatiba ni Ate Glo sampu ng kanyang mga galamay sa bahay palasyo at corporate elite ang PIG. Sapagkat ito'y iwas pusoy sa selda't bilangguang maghihintay sa kanya, “reresolbahin nito ang isyu ng linlangan, ang isyu ng katiwalian, ang isyu ng uncertainty at ang isyu ng legitimacy. Kung kaya't ang pangunahing makikinabang sa PIG, cha cha ay ang ilegal na nag-ookupa sa Malakanyang.

Pangatlo; Mga botong galing sa KBL (Kasal Binyag at Libing) lamang kayo. Hinostage n'yo ang Pipol at Comelec. Tuwing may halalan, ginagamit at sinupalpalan n'yo ng bigas-sardinas-noodles ang pipol. Sino ngayon ang maniniwala sa pinangangalandakan n'yong representative democracy? Mga predator, pekeng kinatawan-representante kayo ng PIPOL. Pinagmalupitan at binusalan n'yo ang PIPOL. Kailanma'y hindi nakalasap ng tunay na tunay na demokrasya ang PIPOL.

Sino ang sumiSigaw ng Bayan Movement? May naniniwala pa ba sa elitist at representative democracy? Hindi marandaman ng country ang gubyerno at kailanma'y hindi nakalasap ng tunay na SIGAW at demokrsya ang PIPOL!!!



-Doy Cinco / IPD staff
April 6, 2006