Tuesday, November 24, 2009

Ampatuan Dynasty and Arroyo administration

"Partner in Governance"

- Doy Cinco

Isang trahedya o man made calamity ang dinastiya't warlordismo sa Maguindanao. Sa patuloy na pamamayagpag ng isang pusakal, modern day GODFATHER at dinastiyang Ampatuan clan, ang realidad ng kawalang pag-asa, paghihikahos, karalitaan, karahasan at panunupil ng demokratikong karapatan ng mamamayan sa Maguindanao ay tila wala ng katapusan. (Location Map, www.khaleejtimes.com/DisplayArticle09.asp?xfi...)

Isang classic example ng guns, gold, goons ang pampulitikang dinastiya ng mga Ampatuan. Ito ang mga kadahilanan kung bakit isang "banana republic," atrasado at hindi maka-uga-ugaga sa kahirapan ang Pilipinas. May ilang dekada ng namamayagpag ang dinastiya't political clan sa Pilipinas. Ilan sa mga kilala; Singson, Marcos at Ortega ng Ilocos region, Enrile, Dy, Albano ng Cagayan at Isabela, Cojuangco ng Tarlac, Arroyo ng Pampanga at Negros Occidental, Joson ng Nueva Ecija, Remulla ng Cavite, Ynares ng Rizal, Villafuerte ng Camarines Sur, Espinosa ng Masbate, Durano't Garcia ng Cebu, Romualdez, Codilla-Petilla ng Leyte, Espina ng Biliran, Datumanong, Dimaporo ng Mindanao, Valera ng Abra at marami pang iba.

Kinunsinti ng administrasyong Arroyo ang monopolyong paghahari ng dinastiyang Ampatuan. Sa katunayan, kaanib ng LAKAS-CMD ang mga Ampatuan. Ano man ang naising gawin, iligal at hindi marangal, nasusunod na parang hari ang Ampatuan Clan. Mula sa luho, armas, droga, pangungulimbat at institusyunalisasyon ng private armies. Ang katawa-tawa, ginawang tanga ang mga institusyon (Comelec at Hustisya) ng estado, pagpapatahimik sa media, grupong simbahan at kilusan ng mamamayan.

Iisa lang ang hangad ng mga Ampatuan, ang durugin ang mga kaaway at pagpapalawak ng pampulitikang kapangyarihan sa Mindanao. Maliban sa pagpapayaman at pagpapalakas ng sariling private armies, bumili ng mga bago at modernong baril at ituring mga security guards ang Philippine National Police, Civilian Volunteer Organization at ilang military personel. Ang karumal-dumal na Maguindanao Masaker kahapon ng umaga sa bayan ng Ampatuan kung saan may 60 sibilyan ang pinagpapatay ay patunay lamang na "patay na ang rule of law at ganap ng naparalisa ang mga demokratikong institusyon sa rehiyon."

Kabilang sa "Club 20" o pinakamahirap na probinsya ng Pilipinas ang Maguindanao. Ang bilyong pisong pondo ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), IRA ng probinsya, milyong dolyar na proyekto mula sa US-Aid, United Nation (UN) Agencies, Japanese-European International Agencies at NGOs ay nawalang saysay dahil sa katiwalian, karahasan at warlordismo. Halos walang maiprovide na basic services, edukasyon, duktor at hospital, inprastruktura, maiinum tubig at kuryente, pabahay, agricultural production, livelihood at suportang pagbubukid.

Isa lamang "moro-moro" ang halalan sa Maguindanao. Ilang buwan bago ang takdang halalan, pili na, dinisisyunan at pinauupo na sa pwesto at ang halalan ay isang formality na lamang. Bukud pa sa sabwatan sa pagitan ng warlords at mga MAFIA sa Comelec, tinatakot at pinapatay ang mga nag-aastang makitunggali sa pulitika. Alam ng mundo na tapos na ang 2010 election sa Maguindanao. (Photo:list Private Military Contractors (PMC/ www.ellentordesillas.com/.../2006/07/iraqjp.JPG)

Kung walang iiral na emergency measure ang Comelec, tiyak "failure of election" ang 2010 Poll Automation. Una; isa-ilalim sa kontrol ang rehiyon, magsagawa ng internal cleansing process ang Comelec. Buwagin ang mga private armies, private military international (MERCENARY) Security companies na karaniwang pinagmumulan ng advance high powered na armas ng mga local warlords. I-demilitarized ang buong Mindanao at para maminimized ang perennial election violence, gawing mas maaga (April 2010) ang iskedyul ng halalan sa lugar" at tulad ng mga Ampatuan, i-disqualify ang mga warlords sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ututang dila, nakontrol ng Administrasyong Arroyo ang mga warlords-dinastiya sa walong (8) taong pamamalagi sa Malakanyang. Hindi lamang sa pakinabang ng "dag-dag – bawas, hello Garci for political survival, nagawang paglaruan ang lehitimong panawagan at agenda ng kapatid nating mga Muslim sa Mindanao sa pamamagitan ng pag-o-orchestrate ng ganansya sa digmaan at paghati-hati ng mamamayang Moro."

Tulad ng Afghanistan, Iraq at ilang FAILED STATE sa Africa, ginagamit at pinakikinabangan na parang salbabida (political survival) ng isang "weak state" tulad ng administrasyong Arroyo ang pampulitikang angkan at dinastiya, manatili lamang sa poder ng kapangyarihan.

Kung walang seryosong reporma sa sistema ng pulitika, magpapatuloy ang dinastiya't warlordismo, katiwalian, karalitaan, kawalang hustisya at demokrasya sa Pilipinas.

Sunday, November 08, 2009

Voters' Disenfranchisement, may basbas ang Palasyo't Comelec?


- Doy Cinco

Iisa ang tono ng pananalita ng Malakanyang at Comelec ng pagbuntungan nito ng sisi ang "manyana habit o last minute attitude" ang milyong kabataang Pinoy sa kabiguang maiparehistro sa katatapos na voters registration ng Comelec para sa 2010 election. (Larawan: Chaotic Voters' Registration. On the final day of one-week special voters' registration, hundreds of registrants still line to catch the 7 p.m. deadline Sunday. Many came but were not able to register; :kagay-anon.blogspot.com/2007_07_01_archive.html (Photo by Joey P. Nacalaban)
Imbis na akuin ang pananagutan sa disastrous, chaotic at walang kahandaang voters' registration, naghugas kamay ito at nagpalusot na lubhang "madadamay raw ang isasagawang kauna-unahang Poll Automation at computerized voter's list kung maaatraso sa time frame ang voters registration para sa 2010 election."

Kung di man chaotic, kulang ng mga registration papers, personel at nasirang mga biometric-reading para sa data capturing machines. Kung susumahin, tila hindi nakita ang kahalagahan na mas marami ang mairerehistro, mas tatalima sa panawagang “clean, orderly, peaceful at honest” 2010 election. Alalahaning di pa nakakabawi sa "sandamakmak na controvercies," eto na naman tayo, muling napatutunayang mahina ang Comelec.

Isang uri ng pandaraya at pagkakait (vote denial) ng karapatang bumoto ang voters disenfranchisement. Labag ito sa isang demokratikong lipunan, sapagkat niyuyurakan nito ang aktibo't responsableng (citizenship-right of suffrage) mamamayan na magpartisipa't maki-alam sa eleksyon. Taliwas ito sa "boycott election, kudeta, rebelyon-insureksyon at radikal na pagbabagong" niyakap ng kabataang Pilipino may ilang dekada na ang lumipas.

Ayon sa batas, "magagarantiyahan lamang ang isang parehas na halalan kung maisisigurong makaboboto ng maayos ang marami, walang diskriminasyon, pananakot at higit sa lahat mabibilang ang boto. Ito ay isang unibersal na karapatan ng mamamayan. Hindi man aware ang ilang pamunuan ng Comelec, may kutob ang ilang nagmamasid na "patuloy na nag-eexist ang MAFIA sa loob lalo na ang mga Election Officers (EOs) sa lokal (probinsya't lunsod), kasabwat ang mga incumbent candidates."

Sino nga ba ang makikinabang kung dadami ang bilang ng kabataang botante na kritikal, idealista at uhaw sa pagbabago? Kung dadami ang botante o market votes, kahit paano, mas magiging parehas at mas iiral ang makabagong uri ng pangangampanya sa 2010. Sa paglaki ng market votes, walang dudang mahihirapan ang traditional politics, sindikato at mga operador na maniubrahin ang halalan. Mas gugustuhin ng mga mandaraya na kontrolin ang MARKET VOTES, palakasin ang pang-elektoral na makinarya, pananakot at vote buying.

Kung naging chaotic ang voter's registration, hindi malayong paniwalaang "mabubulilyaso rin ang 2010 Poll Automated election hindi lang sa panahon ng kampanyahan, botohan, bilangan, canvassing maging sa pagmamanipula sa listahan ng mga botante."

Sa apat na milyong botanteng pinurga ng Comelec, inaasahang may apat (4) na milyong bagong mga botante ang nairerehistro't maidadagdag. Kaya lang, dahil sa voters disenfranchisement kulang-kulang sa tatlong (3) milyon lamang ang nakayanan ng Comelec. Sa mga bagong botanteng naidagdag, tinatayang may apat napu't siyam na milyon (49.0 million) bilang ng rehistradong botante ang mailalagay sa listahan para sa 2010 election.

Nuong nakaraang halalang 2007, may kulang-kulang na sampung milyong botante (10.0 million), first time voter, mga marginilized at vulnerable sectors ng lipunan ang hindi nakaboto (60-80% voters turn out) sa iba't-ibang kaparaanan; epekto ng gera, karalitaan sa kanayunan at kalunsuran, mga katutubo sa kanayunan, mga detainees, mga dis-abled at matatanda.

Sa nalalapit na 2010 at kauna-unahang Poll Automated election, inaasahang liliit ang voter's turn out (TO) o mas malaking bilang muli ang hindi makakaboto. Bukud sa kawalang voter's education sa sistemang Poll Automation, VOTE DENIAL operation o ang pagkaitang makaboto ang maraming botante, tulad ng pag-aalis ng pangalan sa listahin sa pamamagitan ng clustering ng mga presinto o sa araw mismo ng halalan, ang simpleng lituhin o pagurin ang mga botante sa paghahanap ng kanilang pangalan. Dahil Poll Automated na, tataas ang ante ng pamumudmud ng pera (vote buying), harasssment at pananakot. Maaring 2 ang layon ng vote buying; huwag ng pabotohin (vote denial) at paulit-ulit pabotohin.

Ang pinangangambahan at "nanay ng lahat ng pandaraya" ay ang malawakang pandaraya't kaguluhang magbubunsod ng failure of election na maaaring iinstiga ng ilang praning at matakaw sa kapangyarihan sa Malakanyang.

Thursday, October 22, 2009

2010: masaya't MAGULO


- Doy Cinco

Habang papalapit ang filing of candidacy sa November 30, umiinit, nagiging masaya at magulo ang 2010 presidential election. Kamakalawa, ang binabalewang kandidatura ng dating pinatalsik na Pangulong Erap Estrada kasama ang tigasing oposisyong si Mayor Jojo Binay ng Makati ay pormal ng nagdiklerang tatakbo sa 2010. “Lilinisin ko ang aking nadungisang pangalan at higit sa lahat, alang-alang sa aking ina,” ang mariing mensahe ni Estrada. Layon ng huli na muling mabawi ang pampulitikang kapangyarihang inagaw sa kanya ng mga naghaharing elite at civil societies, may walong taon na ang nakalipas. (Larawan: Joseph Estrada and his running mate Makati Mayor Jejomar Binay are shown in a file photo. JONJON VICENCIO, http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=514321&publicationSubCategoryId=63)

Sa unang sultada, tatlo - lima (3-5) ang maagang umarangkada. Si Sen Mar Roxas, Sen Manny Villar, VP Noli de Castro, Sen Loren Legarda at si Chiz Escudero. Nag-uunahan sa survey at infomercial-political AD si Noli de Castro at Villar at nasa kulelat si Sen Ping Lacson at Bayani Fernando. Sumunod na yugto ang atrasan at pagrere-eleksyunista na lamang ng ilang nauna ng nagparandam bunsod ng iba't-ibang mga kadahilanan, ang kasalatan sa pondo't makinarya at PADRINONG tataya't mamumuhunan.
Maliban kay Sen Mar Roxas na bumaba sa labanan (VP) , tuluyan ng naunsyami ang pagnanasa ni VP Noli de Castro at malamang si Loren Legarda (VP?). Nagbago ang kompigurasyong pulitikal ng pumanaw si Tita Cory. Biglang eksena ang Noynoy Aquino at nagsanib pwersa sa partidong Liberal (LP) si Sen Ping Lacson, Sen Kiko Pangilinan, Gov Among Ed at Grace Padaca.


Kalaunan, imbis na papaunti, mukhang paparami pa? Mukhang anim (6) ang maglalabanan. Ang lumilitaw, nangunguna sa maraming survey si Noynoy Aquino ng Liberal, Manny Villar ng Nacionalista, Erap Estrada ng United Opposition, Sen Chiz Escudero, ang paboritong pamangkin ni Danding Cojuangco at pambato ng Arroyo administrasyong si Sec Gibo Teodoro ng Lakas-Kampi (PALAKA), si Sec Ebdane at environmentalist na si Nick Perlas. Kaya lang, nananatiling nasa tatlo (3) ang seryoso; si Noynoy, Villar, Gibo o si Chiz.

Matapos yurakan ng PALAKA ang kandidatura ni Noli de Castro at ni Bayani Fernando, ibinitin ang pormal na basbas sa Gibo-Puno tandem. Mukhang naghahanap ng tamang kombinasyon ang huli ng isang kandidatong "hindi gaanong kritikal sa pamilyang Arroyo, popular at may winnability."

Anumang sandali, magpapatuloy ang re-allignment ng pwersa, TRADE-OFF, mga pagbabago't pampulitikang drama; ang trayduran, lundagan at piratahan. Sa susunod na mga linggo, inaasahang makokompleto na ang line-up at maipi-pirmis na ang Noynoy Aquino-Mar Roxas senatoriable slate at Erap-Binay, kung sakaling ma-settle nito ang abirya ng ligalidad sa pagtakbo. Sa kabilang banda, hilong talilong at patuloy sa nakikipag-negosasyon si Manny Villar, Gibo at Chiz Escudero sa pagpupuno ng kani-kanilang mga slate.


Ayon sa ilang sources, "patuloy na nag-uusap ang pamilyang Arroyo at Danding Cojuangco at kinukumbinsi si Chiz o si Loren na maging ka-tandem ni Gibo. Kung sakaling maipaplantsa, GIBO-CHIZ o Gibo-Loren tandem ang isasalaksak ng administrasyong Arroyo. Lalabas na klarong buhay ang alyansang ARROYO at DANDING, ang pagpapatuloy ng impluwensya't political survival ng pamilyang Arroyo at security ng negosyong kontrolado ni Danding. Dalawang (2) political clan at kilalang personalidad na lamang ang nagdedesisyon at parang ginagawang tanga ang mga kandidato at partido. (larawan sa baba; GMA at Danding Cojuangco)

Maaring positibo o negatibo ang ganitong klaseng kaayusang pulitikal. Sa panig ng ilan, gugulo at titindi ang dayaan at patayan lalo na sa lokal na labanan. Marami ang madi-dis-orient bunsod ng pabago-bagong ihip ng hanging pulitikal. Ang dating maka-Arroyo ay kara-karakang nasa oposisyon. Maaaring masaya sa iba sapagkat, mas marami ang kekengkuyin at kokotongan. Mas marami ang pagpipilian, mas buhay ang demokrasya, marami ang kukulitin na mga advocates ng mga isyu at plataporma de gubyerno at candidates forum. Ang sabi ng iba, hindi si GMA ang isyu bagkus ang kabulukan ng pulitika't halalan.

ISYU at AGENDA
Malaking hamon na kakaharaping ng isang presidenteng mamanahin ang gabundok na iniwang kabulukan ng Administrasyong Arroyo. Ang talamak na pangungurakot (institusyunalisasyon ng katiwalian) na ibinunga ng deka-dekadang kabulukan ng sistemang halalan at pulitika. Ang anti-mamamayan at maka-elitistang patakaran, ang dynamics ng local at national politics, pagpapalakas ng mga demokratikong institusyon at Constitutional reform, ito ma'y charter change con-as or con-con.

Kung criteria for leadership ang pag-uusapan, isang matapang, astig at may kredibilidad na klase ng pamumuno ang kailangan, meaning may political will o may buto sa gulugod na postura. May personal integrity, paninindigang paglingkuran (servant) ang bansa hindi pansarili o may pangkalahatang kapakanan (service to the nation) at higit sa lahat, astang aktibista.

Susuungin ang pagpapalakas at pagpapaunlad ng ekonomya (sustainable economic growth), maayos na paggugubyerno, maka mahihirap (maralita), may
klarong s
ocial contract at accountability. Hindi na rin maisasa-isang tabi ang papel ng Inang Kalikasan, ang papel ng komunidad, lalo na't sariwa pa ang masaklap na dilubyo't trahedya ni Ondoy at Pepeng.

Kaya lang, magulo man ito o masaya, hindi ko malimutan ang komento ng isang ordinaryong tambay sa kanto at ilang pasaway na aktibista. Ani nila,
“sa totoo lang, pare-pareho lamang silang nananalanta. Ang halalan at pulitika tulad ng bagyong Ondoy at Pepeng ay parehong walang mapapala ang maliliit at mahihina. Pareho silang dilubyong tatama sa patuloy na karalitaan ng mamamayang Pilipino. Sa kanila, simple lang ang tingin, kung saan kami makikinabang, duon kami tataya, yun ang kanilang iboboto.”

Monday, October 12, 2009

Pagbabalikwas ng Inang Kalikasan

- Doy Cinco

Climate change, global warming o global penomina at gawang tao man ito, ang sigurado, ang trahedyang dala ni Ondoy, Pepeng, mga nauna, sinaunang mga kalamidad at darating pang dilubyo sa hinaharap ay maliwanag na “pagbabalikwas at ganti ng inang kalikasan” laban sa katusuhan at kasibaan ng mga kinaukulan, naghaharing-uri, mapagsamantala't mga nagpapanggap na tagapagligtas ng sansinukob.

Sa ngayon, ang diskurso ng trahedya't dilubyong dinaranas ng Pilipinas ay sanhi ng kombinasyon ng abnormal na weather patters ng climate change, ang malalakas na buhos ng ulan o precipitation at ang walang patumanggang pagkakalbo ng mga kabundukan, pananalaula ng mga real estate DEVELOPERS, QUARRYING-MINING, kawalan ng zoning ordinance, mga legal at illegal loggers - fishpens sa buong kapuluan, kawalang kahandaan at bad governance.

Ang Pilipinas kasama ang iba pang mga bansa sa Asia-Pasipiko ay geographically located sa sinasabing circum-pacific belt of fire and typhoon. May dalawampung bagyong kalamidad ang pumapasok sa Pilipinas taun-taon. Bukud sa tubig baha at landslide na idinudulot ng bagyo, malalakas na lindol at tsunami ang inaasahan sa mga darating na araw, linggo o buwan na makadadagdag pinsala sa lumalaking populasyon ng bansa at banta ng climate change.

Kung babalikan ang kasaysayan, naging bahagi na ng buhay ng ating mga ninuno ang tubig-baha, trahedya at dilubyo. Ang salitang “Tagalog” ay galing sa mga taong naninirahan sa ilog (Lawa ng Laguna at mga tributaryo), meaning TAGA-ILOG. Ang mga Kapangpangan na nakatira sa Pampanga ay mga taong naninirahan sa "pampang" (Pampanga river delta). Pinatotoo lamang na sadyang ang mga ninuno natin nuon ay nabubuhay at nagsu-survive sa tubig-baha, sa karagatan at archipelagic na katangian ng ating bansa. Ang BALANGAY bilang bahagi ng pamumuhay noon ay naging mas mahalaga kaysa sa mga lansangan-kalsada (land transportation) o tulay para sa kilos-mobilisasyon ng mga tao. (Larawan: Tagailog, flickr.com at BALANGAY, matangdilis.moodle4free.com)

Noong Hulyo, 1904, may tatlong araw na umulan ng malakas sa probinsya ng Rizal kung saan itinuring “the greatest inudation (lubug)” na naitala sa Kamaynilaan. Daming buhay ang nawala, ari-arian, mga hayop na naanod, mga balsang (barge) natangay, mga tulay, daan ang nasira at higit sa lahat muling naghari ang BALANGAY sa Kamaynilaan. May Naitala ring “the great typhoon noong 1928” na puminsala sa ari-arian, hanapbuhay at buhay.

Noong 1972, isang bagyong Yoling ang tumama kung saan umulan ng mahit isang buwan (40 days and 40 nights) na nakapagdulot ng matinding baha't trahedya 'di lang sa Kamaynilaan maging sa karatig rehiyon ng Luzon. Dahil dito, isang Hong Kong-based urban planning consultancy firm ang nagmungkahing itayo ang “Metroplan.” Isang blueprint na nagpanukalang higpitan ang development project sa mga critical areas ng Kalakhang Manila. Nagkalimutan at hindi na ito pinansin ng mga kinaukulan.

Dekada rin ito (1976) ng nagkaroon ng magkakambal na super typhoons na nagngangalang Sening and Titang. Apat na araw na umulan, nanalasa, kumitil ng ilang libong buhay at ilang daang milyong pisong damyos pinsala sa agrikultura at ari-arian. Matapos ang trahedya, itinayo ang Manggahan Floodway na magsasawata sa tubig-baha sa Kamaynilaan partikular sa lunsod ng Pasig at Marikina. Kasama sa package ang pagtatayo ng ParaƱaque Spillway (southeast of Makati) na siya namang magtataboy ng tubig-baha sa Kamaynilaan patungong Manila Bay at Laguna de Bay. Sa hindi malamang dahilan, nabulilyaso ang pagtatayo ng Paranaque Spillway.

Noong 1977, nagbabala ang World Bank (WB) na nasa danger zone na lulubog sa tubig-baha ang ilang mababang lugar sa Kalakhang Manila, sanhi ng pagbabago ng topograpiya ng Pilipinas, partikular ang Marikina Valley at Laguna de Bay, mga coastal areas ng Manila Bay at Gitnang Luzon.

Ilan taon matapos ang babala ng WB, isang malagim na Ormoc tragedy na pumatay ng mahigit anim na libo (6,000) ang bumulaga sa mundo nuong 1991. Ito sana ang nagbunsod upang kumilos at magsagawa ng mga patakaran laban sa walang habas na pangangalbo ng kagubatan at disaster preparedness. Matapos ang trahedya, P 1.0 bilyong FLOOD WARNING SYSTEM ang inihatag ng Hapon (JICA) sa Dept of Public Works and Highway (DPWH) noong 1992 at ipinagpatuloy ng Metro Manila Devt Authority (MMDA) noong 2002 hanggang sa kasalukuyan. Ito sana ang magmomonitor ng water level at water gauge sa panahon ng bagyo na makakatulong upang makapaghanda at agad makalikas ang mamamayang malapit sa mga danger zone. Ang masaklap, nasayang, hindi naimintina at napabayaan lamang.

Malaking salik ang “disaster threshold,” ang matinding KARALITAAN ng pamilyang Pilipino at realidad ng traditional politicians (political opportunism) sa ating lipunan. Nagsisilbing magneto ang KARALITAAN ng ating mga kababayan kung bakit vulnerable o lantad sa panganib ang ating mga kababayan. Dahil isang kayod-isang tuka, napipilitan manirahan sa danger zones, sa gilid ng bulkan at bangin (cliff), sa tabi ng lawa at ilog hindi alintana ang panganib at kamatayan. Ang nakakalungkot, nagbulag-bulagan at mistulang bingi ang mga pinunong bayan (trapo) sa banta ng panganib na kinakaharap ng kanilang constituencies na siyang naglukluk sa kanila sa kapangyarihan.

Ang karaniwang palusot ng mga ahensya ng gubyerno, ay maghugas kamay at pagbuntungan ng sisi ang mga maralita, mga urban poor communities na siyang sanhi at salarin raw ng tubig-baha. Bagamat nanghihinayang sa boto, nakahanda ng idemolish ang maramihang mga squatters (kalahating milyong kabahayan - 500,000 shanties) sa mga nabanggit na lugar. Samantalang kukuya-kuyako'y lamang ang mga salaring bigtime DEVELOPERS, legal at illegal loggers, CORPORATE FISHPEN at mga oportunistang pulitiko (trapo). (Larawan: Fishpen sa Lawa ng Laguna, colloidfarl.blogspot.com, the illegal and legal loggers in Quezon, geocities.com)

Dahil sa hagupit ng inang kalikasan, mahalaga sa ngayon ang pagpapatupad ng isang pangkalahatang kapakanan na magsasagawa ng isang komprehensibong plano at practicable program para sa mga dilubyo't trahedya, kasama ang hazard reduction, pag-iwas sa mitigasyon. Malaki ang pangangailangang magkaroon ng pakikipagtuwang at pakikipagkoordinasyon sa lahat, kasama ang Phil National Red Cross, NGOs, TV networks at ng lokal na disaster coordinating councils na tulong-tulong na mag- i-institusyunalisa ng mga Community Based Disaster Management – CBD o mga barangay field disaster response team sa buong bansa.

Malaki rin ang papel ng "aktibo at responsableng mamamayan (citizenship movements)" sa panahon ng ligalig at dilubyo. Hindi na makasasapat ang "sectoral based oriented at pagiging militansya," bagkus may "pangkalahatang kargang usapin; ang pagiging active defense sa anumang klaseng banta o panganib ng man-made o natural made calamity," ang pagsusulong ng kagalingan, kaunlaran at katiwasayan ng komunidad, ito ma'y usaping panlipunan, pangKALIKASAN, pulitikal at paggugubyerno.

Nawa'y magsilbing wake-up call ang dilubyong idinulot ni Ondoy at Pepeng.

Friday, October 02, 2009

Bilyon Pisong tulong nanganganib na maibulsa


- Doy Cinco

Mula kahapon, may kalahating milyong mga kababayan mula sa maralitang lunsod ang patuloy na nakalagak sa mahigit 600 evacuation center. Aabot sa 300 ang nasawi, ilang daan ang nawawala, sugatan at higit sa limang bilyon piso (P5.0 bilyon) ang pinsala, sa agrikultura at ari-arian. Ayon sa DSWD, may P24.0 milyon na lamang ang natitirang pondo para sa calamity relief. Habang dagsa ang foreign assistance at donasyon mula sa United Nation (UN, tignan sa baba yung figure), patuloy na nananalasa ang bagyong Pepeng sa hilagang Luzon, sa Cagayan, Isabela, Cordillera at Ilocos region. (Residents walk on a muddy road in Barangay Tumana, Marikina as they return to houses damaged by tropical storm ‘Ondoy. BOY SANTOS / http://www.philstar.com/)

Tulad ng inaasahan, muling gagamitin ni GMA ang kalamidad para magpapogi't makabawi. Bukud sa diklerasyong state of calamity, una ng inanunsyo ni GMA na bukas ang pinto ng Malakanyang para sa mga nasalanta. Ang isa sa inaabangan ng marami ay ang diklerasyong kaya nitong suspindihin ang pagbabayad utang sa GSIS at SSS.

Kaya lang, mas hahangaan ng mundo si GMA kung mananawagan din itong isuspindi ang pagbabayad ng utang sa IMF-WB at iba bang multilateral na pinagkakautangan ng Pilipinas habang dapa at bumabangon ang Pilipinas sa tindi ng inabot na dilubyo. Sa kasalukuyan, may mahigit apat na trilyong piso (P4.0 trilyon) ang pagkakautang ng Pilipinas na sa totoo lang ay hindi naman natin napakinabangan. Kaya lang, mukhang hahangarin pa nito ang patuloy na mangutang kaysa banggain ang mga dambuhalang institusyon ng pananalapi sa mainit na isyu ng debt moratorium.

Kung mapapansin, sa mga press conference, nasasaksihang muli ang pagtataray ni GMA sa mga buguk na pamunuan ng mga ahensya ng gubyerno. Ang lahat ng ito ay malamang pagpapakitang “on top of the situation at hindi lameduck ang sarili. Kung matatandaan, sa isang State of the Nation Address (SONA) nung nakaraang taon, pinagyabang nitong well in place na ang flood control, drainage system, plano sa disaster's preparedness at "zero casualty" sa panahon ng kalamidad.

Bunga ng sunud-sunod na kahihiyang inabot sa pulitika, sa pormasyon ng PALAKA, sa junket trip at maluluhong hapunan sa Amerika, may ilang linggo ring nawala sa mata ng mamamayan si GMA. Kaliwa't kanang negatibong reaksyong ang inabot ng gubyerno sa naging paghahanda sa disaster's preparedness, kainutilan ng lokal at ahensya ng gubyerno at mabagal na pagresponde sa kainitan ng pananalasa ni Ondoy. Yung "act of God" na pinalulutang sa media ay nauwi sa kagagawan ng mga namumuno't mga pulitiko (act of men), ang kawalan ng estratehikong plano, bad governance at pagmamahal sa inang kalikasan.

Malayo sa katotohanang nagkaroon ng kontrol (situation) ang administrasyong Arroyo sa panahon ng dilubyo ni Ondoy. Patunay ang kalunus-lunos na larawan ng ating mga kababayan. Ang inaasahang calamity funds na pang-isang taon ay mukhang nasaid. Halos manikluhod at himingi na ng saklolo ang gubyerno sa mundo, sa United Nation, sa mga alyado at mayayamang bansa.

Mainit na inaantabayanan ang P10.0 bilyong supplemental budget para muling maitayo at maibalik raw sa normalcy ang mga lugar na niragasa ni Ondoy na mukhang nakasalang at sasang-ayunan ng Kongreso. Bukud sa P 2.0 bilyong calamity funds na paubos na, sapat raw ang pondong P10.0 bilyon para sa relief at rehab na nakasalalay pa kung magiging maganda ang koleksyon sa buwis ng gubyerno. next year. Kung magkaganoon, "inaasahang lolobo sa target na P 250.0 bilyon ang budget deficit."

Sa kabilang banda, agad tumugon ang mundo na saklolohang ang Pilipinas at sa huling pagtataya, lalagpas sa kalahating bilyon piso ang matatanggap na international assistance para sa relief at rehabilitation. Sa takot, mukhang ang United Nation na ang hahawak at mag-ooperasyunalisa sa $ 74.0 milyong pondong gagamitin sa relief at rehabilitation sa mga nasalanta ni Ondoy. Marami sa mga nag-abot ng tulong-relief ay diniretso na lamang sa Phil National Red Cross, broadcast media, simbahan at sa mga Non Government (pribado) organisasyon (NGOs).

Kung pahahawakan sa mga pulitiko at sa Malakanyang, tiyak na mauuwi sa bulsa ng mga predatory trapo ang pondo. Hindi na balita ang pangungulimbat sa pondong pang relief at pangrehab ang mga pulitiko. Ganito ang kinahinatnan sa P5.0 bilyong pisong pondo ng bagyong Reming na rumagasa sa Bicol, milyon-milyong pisong nawala sa Bagyong Mina at Milenyo.

Hindi masama ang magduda. Kaya lang, ilang buwan na lang (5 buwan) ay kampanyahan na, kulang-kulang 2 buwan na lang at filling of candidacy na at hindi malayong paghinalaang mauuwi lamang sa 2010 election ang ilang masusubing pondo para sa mga nasalanta. Mahalagang mabantayan ng mamamayan ang pondo. Mahalagang maisayos at maging maisinop ang pamamaraan ng targeting, distribution at paggastos. Kung walang transparency, matinong sistema ng accounting at monitoring, tiyak na malalagay sa alanganin ang pondong donasyon para sa mga nasalanta at biktima.

(Larawan : ALL THE HELP WE CAN GET. UN Secretary-General Ban Ki Moon welcomes Philippine Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo at the United Nations general headquarters in New York City on Tuesday. - DFA photo http://www.gmanews.tv/story/173585/foreign-aid-pours-in-for-ondoy-victims)


Ang United
Nation ay magbibigay ng $ 47.0 milyon (P2.0 bilyon); Canada, CA $ 5.0 million (P220.0 milyon); European Commission, 2.0 million Euros (P138.0 milyon); Germany, Euros 500,000 (P34.0 milyon); Japan, Y20.0 milyon (P10.0 milyon); China, mahigit $100,000 (P5.0 milyon); US-Aid, $100,000 (P4.7milyon); Vietnam, $200,000 worth of rice (P9.4 milyon); Thailand, $150,000 worth of relief goods (P7.0 milyon); Singapore, $50,000 (P2.35 milyon); Australia, A$1.0 million (P45.0 milyon); France Euros 10,000 ( P0. 70 milyon); South Korea, $350,000 (P17.0 milyon) at marami pang ibang maliliit at kalat-kalat na donasyon.


Saturday, September 26, 2009

Typhoon Ondoy ikinasorpresa ng gubyerno

-Doy Cinco

Nagulantang at nasorpresa ang Malakanyang, ang National Disaster Coordination Council (NDCC), MMDA at pamahalaang Lokal sa biglaang flashflood sa Kamaynilaan, Gitnang Luzon at Timog Katagalugan kaninang tanghali dulot ng bagyong Ondoy. Habang isinusulat ko ito, ang inisyal assessment, parang ipinapakitang walang plano sa disaster preparedness ang NDCC at lokal na gubyerno. (Larawan: http://www.inquirer.net/)

Inaasahang may ilang daang buhay ang maibubuwis, ilang bilyong pisong pinsalang imprastruktura, ari-arian at produksyong agrikultura ang mapeperwisyo. Inaasahan din na muling magpapakitang gilas ang administrasyong Arroyo at presidentiable bet na si Sec Gibo Teodoro.

Ang bagyong Ondoy na naiulat kamakalawa ng Pagasa na nasa silangang Luzon at nag-land fall kaninang umaga sa probinsya ng Quezon ay tila baga ikinasorpresa ng guyermo. Sinasabing ito raw ang pinakamalakas na pag-ulan at pagbaha na naranasan sa Kamaynilaan sa kasaysayan (since 1960s). Sa laki ng pinsala at trahedya, parang hindi kapani-paniwalang pito (7) lamang ang naiprovide na rubber boat ang lokal na pamahalaan ng Marikina. Wala man lang helicopter na sumaklolo at parang hihintayin pa ata ang tulong ng mga Amerikano.

Magkasabay na lumaganap kanina ang "boluntarismo, pagiging responsableng mamamayan (citizenship), kagitingan" ng mga Pinoy sa panahon ng kagipitan at pagdagsa ng libu-libong himutuk at batikos mula sa mamamayan na nakarandam ng kawalang presensya ng gubyerno sa panahon ng pangangailangan. Patunay ito sa masaklap na kinahinatnan ng sikat na showbiz na si Cristine Reyes at libong pamilya na humingi ng tulong sa media, sa kasawiang palad, buong magdamag na-stranded.

Sa kabila ng may 20 kalamidad at trahedyang nangyayari taun-taon, parang hindi natututo ang mga kinaukulan. Ang Pilipinas na itinuturing disaster-prone areas ng mundo. Resulta ito sa sinasabing typhoon belt na lokasyon ng ating bansa sa Asia-Pasipiko. Tulad ng mga karanasan ng kalapit bansa, unti-unti ng naiigpawan ang hagupit ng kalikasan dulot ng kahandaan at kaayusan sa pamamahala, ang gubyernong Pilipinas ay tila tuliro at parang bago ng bago.

Daan-daang bilyong piso ang naigugol sa infra project ng gubyerno ngunit "mukhang hindi naipriority ang pagmimintina at estratehikong pagtatayo ng mga FLOOD CONTROL project- mega drainage system kahalintulad ng Paris at ibang mauunlad na lunsod sa Europa." Palagiang ipinagmamalaki ang “zero-casualty” ng gubyerno sa panahon ng mga kalamidad, ngunit wala namang programa upang maisustina at mapalakas ang mga brigada para sa disaster's preparedness ng mga komunidad.


Napatunayang mahin
a ang gubyerno sa larangan ng pagbaka ng mga natural na kalamidad at pagiging vigilance sa emergency situation. Marahil, epekto na rin ang "man-made (Trapo) na sangkap ang naturang trahedya" na dumagok sa mamamayan. Walang dudang may pananagutan ang mga pamunuan sa lokal, Malakanyang-NDCC, MMDA at tongresmen sa nangyaring trahedya; mula sa simpleng panawagan ng mga environmentalist na "ipagbawal ang paggamit ng plastic sa mga MALLs, supermarket at groceries na isa sa sanhi ng mga bara sa canal at drainage, pagtatanim ng maraming puno sa lahat ng bakanteng lupa hanggang sa pangunguna ng gubyerno sa pag-oorganisa ng mga disaster's response sa mga komunidad. May pananagutan ang LGUs sa "pagkakasalaula ng mga estero at mga ilog na siya sanang naging “flow path” ng tubig-baha sa tuwing may katindihan ng malalakas na pag-ulan."

Kulang kundi man wala ng pondo ang palagiang palusot ng mga pinunong bayan sa tuwing may trahedya at kung mayroon, maling sistema ng pamamahagi, pagpa-prioridad (poor targeting) na kadalasa'y mga alipores ang nabibiyayaan. Sa totoo lang, mas nagiging pabigat pa ang ilang sa mga pulitiko dulot na ng ilang dekadang katiwalian at maling sistema ng paggugubyerno (bad governance). Mas inuuna ang pagtatayo ng electoral machinery sa mga komunidad kaysa sa mga disaster preparedness team sa mga komunidad.

Mahirap ikatwiran na ang pangunahing dahilan ng karalitaan ng mga Pilipino ay sanhi ng mga natural na kalamidad at trahedya, sapagkat bukud sa nararanasan din ng mga kalapit bansa ang trahedya, ang nakaka-intriga ay kung bakit nai-igpawan ng mga bansang ito ang trahedya at patuloy silang umuunlad.

Kung sino man ang papalit na presidente sa 2010, mukhang kailangan matugunan ang suliranin hindi lamang ng natural na kalamidad bagkus ang man-made na kalamidad. I-institusyunalisa ang isang malakas na calamity protection at disaster preparedness program sa mga lokal na gubyerno, lalong-lalo na sa mga depressed community, sa mga vulnerable, sa lunsod man o sa kanayunan.



Tuesday, September 15, 2009

Teodoro-Puno's local machinery

- Doy Cinco

Itinakwil na ng PALAKA (Lakas-Kampi CMD) at ng palasyo si Vice President Noli de Castro at si MMDA Chairman Bayani Fernando (BF). Si Noli na isang ulila't walang partido, consistent na nanguna sa mga survey at ngayo'y pumapang-apat sa ranking, ang napabalitang sikretong nakikipagNEGO kay Sen. Manny Villar ay pina-asang bibitbitin ng administrasyong Arroyo. Samantalang si BF, isang masugit na partidista (Lakas), pangalawa sa kulelat (1.0%), kaalyado ng pamilyang Arroyo, berdugo ng maralitang lunsod at may pakana ng U-Turn Slot sa Kamaynilaan ay umasa ring bibitbitin ng administrasyon Arroyo. Bagamat may proseso raw na pinagdaanan, ang tingin ng marami, parang ginago, tinarantado at trinaydor ng mga dorobong pulitiko na kaanib sa PALAKA ang dalawa. (Larawan sa baba; Defence Sec Gibo Teodoro, MMDA Chair BF at Vice President Noli de Castro)

Ayon sa mga operador ng palasyo, “wala na sa orbit” ang dalawa o kulang na lang sabihing “pabigat lamang, liabilities at wala itong paunang pantapat na pakimkim at pondong pangkampanya (bilyong pisong counterpart) para sa partido."

Mula sa partidong Nationalist People's Coalition (NPC), naging hunyango at lumipat sa Lakas-Kampi si Gibo, ang paboritong pamankin ni Danding, ang isa sa pinakamakapangyarihan tao sa bansa, ang kasosyo sa negosyo ng pamilyang Arroyo at binansagang "Arroyo loyalist" ay pinagpalang dadalhin ng PALAKA sa presidential election. Malamang sa hindi, ang kanyang ka-tandem na si DILG Sec Ronnie Puno bilang bise presidente, ang mersenaryo at hari ng mga operador sa bansa.

Lakas-loob na ipinagmayabang ng administrasyon Arroyo na bukud sa ilang bilyong pisong resources o warchest ng Malakanyang, mayroon pa raw silang matibay na “lokal na makinarya,” ang mga incumbent re-electionistang mga LGU officials. Pinagyabang hawak raw nila ang maraming TONGRESMEN, Liga ng mga Gobernador at Mayor, Liga ng mga Kagawad at Liga ng mga Kapitan ng Barangay sa Pilipinas. Sila raw ang pundador, ang alas at magtatakda ng kasiguruhan magtatagumpay ang kasalukuyang administrasyon sa 2010 eleksyon.

Sa kanilang teorya, "ang lokal na makinarya ang magtitiyak raw ng boto, ang magdedeliver at magseseguro ng boto" tungo sa tagumpay. Ang problema, kung ang dahilan ng iyong pananagumpay ay dulot ng 4G (guns gold, goons at garbage), KBL (kasal binyag libing), warlords, casique o LUMANG PULITIKO, sira pa rin. May naturingang lokal na makinarya kung hindi naman ito epektibo, pleksible at aktibo, wala rin.

Kahit sabihing matino, perpekto at may sapat na pondo at lohisitika ang makinarya, kung pagmumulan naman ito ng girian, inggitan at away sa loob ng partido, wala rin. Ang pinakamasaklap na senaryo, kung hindi TANGGAP ng mamamayan ang Teodoro-Puno at administrasyong Arroyo, kung talunan, walang kapana-panalo at may credibility problem, talo pa rin.

Batay sa karanasan at kasaysayan, "hindi awtomatik o walang kasiguruhang kayang ipanalo o makapag-deliver ng boto ang lokal na makinarya patungo sa nasyunal. Sa totoo lang, may isang libong beses na kapani-paniwalang mas aasikasuhin ng lokal ang kani-kanilang mga sarili, ang kani-kanilang political survival kaysa intindihin o pagka-abalahan ang nasyunal na labanan."

May sariling dinamismo ang lokal. Lubhang magka-iba ang mundo ng lokal, sa mundo ng nasyunal na pulitika. Inaasahang mas ipapriority ng lokal na talunin ang kanilang kalaban at manalo kaysa isalba't ipanalo ang kandidato ng PALAKA sa nasyunal. Strategically, "mas ipopokus ng lokal ang sariling kampanya, meaning ang sariling bakod, bago paki-alamanan ang GIBO-PUNO tandem at senatoriable candidates sa nasyunal."

Totoong mahalaga ang electoral machineries sa lokal o ang tulong ng command votes na maaaring maglaro sa limang porsiento (5.0%) ng winning margin. Kaya lang, sa liit nito, hindi dapat umasa at magtiwala. Alalahaning kapwa mahalaga ang MARKET VOTES at SWING VOTES na bumubuo ng halos otchenta porsiento (80.0%) ng kabuuang botante sa Pilipinas. Ito ang mga kadahilanan kung bakit nagiba na parang kastilyong buhangin ang senatoriable slate ng administrasyong Arroyo nuong 2007 election, ang phenomenon ni Sen Trillanes at ng mga Pineda at Lapid sa Pampanga.

Sa madali't sabi, kung makadadagdag boto si Noynoy Aquino o si Manny Villar sa lokal, makakatulong sa kanyang pagpapanalo, duon siya tataya at lulugar. Ganito ang kasaysayan, karanasan, kasalimuot at KABULUK ng pulitika at halalan sa Pilipinas.


Tuesday, September 01, 2009

Liberal Party, seryoso at handa na


Doy Cinco

"Alang-alang sa pagbabago't reporma, pagkakaisa at alang-alang sa bayan," nagpasyang isakripisyo ni Sen Mar Roxas ang laban at ibinigay kay Noynoy Aquino ang baton sa labanang pulitika sa 2010. Ayon kay Mar, “matapos ang masalimuot na usapan, pagtataya at pagtatasang pulitikal," umatras siya bunsod sa nakikitang trahedyang kakaharapin ng partido sa 2010 presidential election.

Mabigat ang suliranin ng LP, ang pagiging watak-watak na karaniwang sanhi ng kabulukan ng pulitika sa ating bansa. May grupong maka-GMA, may gustong pairalin ang demokratikong proseso, may aktibista at may simpleng oportunista at TRAPO. (Larawan: PARA SA BAYAN. Si Sen. Mar Roxas na nag-Laban sign habang inaanunsyo ang kanyang pagsuporta at pagbibigay-daan kay Sen. Noynoy Aquino bilang presidential bet ng Liberal Party (LP). (Jhay Jalbuna) http://www.abante.com.ph/issue/sep0209/default.htm)

Matapos pumanaw si Tita Cory at milyong Pilipino ang nagdalamhati, muling naipakitang buhay pa at lumalakas ang diwang makabayan, anti-diktadura, people power at kilusan para sa pagbabago. Sa pag-usbong ng panawagang Noynoy Aquino for President movement, mukhang mauulit ang kasaysayan may dalawang dekada na ang lumipas. Muling tumitingkad ang panawagang labanan ang pwersa ng makaluma at tradisyunal na pulitika (trapo). Magkakasunod na nag-uusbungan (emerging movements) ang mga kilusang nananawagan para sa pagbabago ng pulitika at reporma.

Umarangkada ang Moral Force Movement (MFM), isang kilusang nananawagan ng moral transformation bilang solusyon sa lumalalang kalagayang pulitikal at immoralidad. Hangad nila ang patuloy na paghahanap at pagluklok ng tamang lider, pagbabago 'di lang sa bawat indibidwal, maging sa mga institusyon at sa bayan.

Naunang itinatag ang Movement for Good Governance (MGG) na kinabibilangan ng sektor sa akademya, simbahan, media, negosyo at good governance advocates. Kasunod na sumambulat ang grupong Kaya Natin na binubuo ng ilang mga aktibistang gobernador at mayor, ilang sektor ng akademya at NGOs. Hindi pa kasali rito ang mga malalaking oganisasyong tulad ng PPCRV-CBCP, Kilos Botante, Consortium on Electoral Reform (CER) na maaga ng nakakasang magbantay, magmonitor at kabataang handang maggugol (Patroller) ng panahon alang-alang sa panawagan maging malinis, tahimik, kapani-paniwala ang darating na 2010 election.

Nuong isang araw, nabuo ang tinatawag na "panunumpa" ng mga tatakbong presidente, bise presidente, senador at iba pang libu-libong nagmamalasakit na mamamayan at nanawagan na “maging malinis, makatotohanan at itakwil ang apat na Gs (4Gs – guns, gold, goons at garbage) sa nalalapit na kampanyang eleksyon.”

Mukhang nagbago at magbabago ang latag ng political campaign, re-allignment ng pwersa, estratehiya at latag ng politika sa 2010. Ang pag-atras ni Mar Roxas at mga kaganapang pulitikal ay hindi hiwalay sa lumalakas na kilusang nananawagan ng pagbabago na maaaring maka-impluwensya sa kahihinatnan ng 2010 election. Sa puntong ito, maaaring sabihing nakalalamang na't makakabwelo ang LP kung ikukumpara sa iba. (Larawan; local private armies sa Northern Luzon, www.pcij.org)

Kaya lang, di hamak na magkaiba ang mundo ng pulitika sa lokal at sa nasyunal. Kung may pagbabago at positibong aspeto ng pulitika sa antas nasyunal at Kalakhang Manila, sa LOKAL na pulitika at sa kanayunan (local politics) kung saan nakabaon ng ilang henerasyon ang lokal na kaharian (clan politics), mga malalayong lugar ng Mindanao, Bikol, Visaya, Central at Northern Luzon, walang dudang "mananatiling trapo, patronahe, casique, warlordismo (4 Gs) at buluk ang latag ng political landscape at halalan sa 2010."