Saturday, March 31, 2007

Ang buluk na sistema, ang pabrika ng karalitaan at kahirapan – NOBEL winner

Ayon sa Nobel peace laureate Muhammad Yunus, “pag-isipan ang maling sistema at economimic theories na ginagamit ng isang bansa na siyang pangunahing sanhi ng KARALITAAN sa mundo. Idinagdag pa nito na "Poverty is not created by poor people. It is not their fault that they are poor.” Ito'y resulta ng ilang dekadang kabulukan sistema ng pulitika at ekonomya ng isang gubyernong tulad ng Pilipinas.
(Kuha sa: http://www.abc.net.au/reslib/200610/r111041_346994.jpg)
"Ang KARALITAAN ay idinulot ng mga patakaran at desisyon na ginawa ng mga gubyerno, ang Framework, ang Theory (mode of development theory) na ginamit at ang pagyakap sa mga depinisyong pangkalakalan at negosyo."


source: "Nobel laureate urges rethink of systems that keep people poor"
-
Associated Press
Link:http://www.iht.com/articles/ap/2007/03/30/europe/EU-GEN-Norway-Corporate-Responsibility.php

Doy Cinco / IPD
April 1, 2007

Henyo ka man, doctorate (PHD) o masteral (MA), kung TRAPO'T BUGUK ka naman, balewala rin!

Isang aktibista ang kailangan natin sa panahon ngayon. Aktibistang naggugubyernong kahalintulad ng mga nagaganap na pagbabalikwas ng mga bansa sa Latin America. Ito ang walang kaduda-dudang kailangan natin sa mga panahong nasa hinog na ang kalagayan, nasa crossroad o nasa yugto na tayo kung saan dalawa na lamang ang pagpipilian; ang pagmimintina ng status quo, ang kabulukan o ang pagbabago ng sistema ng pulitika at paggugubyerno.

Nababaliw na si Sen Miriam 'Brenda' Santiago. Ang kanyang kaalaman, henerasyon at konteksto ay mukhang nasa panahon pa ng "kadiliman,” panahong may limang daang siglo na ang nakalipas (15th century).

Simple lamang ang masasabi natin, ang kasagutan sa diskursong “henyo ang kailangan sa senado” ng siraulong si Brenda sa Senado;

“Dean's List Student ka pa sa Georgetown University sa Washington, D.C at Doctor of Economics ka pa, Harvard, UP o isang henyo, bode-bodega ang iyong mga certificates, kung ikaw nama'y isang pusakal na TRAPO, makasarili, oportunista, manloloko at kurakot, balewala rin.


Henyo ka man kung ikaw nama'y sarado sa pagbabago, hindi naniniwala sa proseso ng pagbabago, wala rin. Henyo ka man kung ikaw ay isang taong walang malasakit, hindi marunong makinig, umintindi, walang kaalaman at pag-unawa sa kalagayan ng naghihingalong country, hiwalay sa takbo sa pang-araw-araw na buhay at takbo ng isang kumunidad, ng lipunan at galaw ng mundong ibabaw, balewala rin.

Henyo ka nga kung ika'y sectarian, walang paggalang at respeto, hindi marunong magpakumbaba, all knowing at manipulador, balewala rin. Henyo ka nga kung ika'y walang pakiramdam, walang sensitivity at hindi marunong umibig, wala rin. Henyo ka nga, kung ikaw naman ay walang ideolohiya, walang vision, walang paninindigan, walang sense ng mission at walang tinutungtungang panglokal at pandaigdigang pananaw, useless ka rin.

Henyo ka man, mataas ang ping-aralan, englisero/ra ang gamit na salita (english carabao) at sa pagsusulat, kung 'di ka naman naiintindihan ng masa, kung 'di ayos ang iyong pakikitungo at hindi marunong makisalamuha sa masa, buguk ka pa rin. Henyo ka nga kung bulag ka naman sa nangyayari sa kapaligiran, hindi ka naman nagpapakadalubhasa sa realidad, bobo at tanga ka pa rin.

Ang problema kay Brenda (brain damage), habang naggugumiit ito na magkaroon tayo ng maraming henyo, ginigipit naman nito, binalasubas at inipit nito ang budget ng UP, dahil lamang sa personal na galit at sa isang ISKUL BUKUL na anak nitong nagpatiwakal.

Link: "Diploma doesn't make a good leader" - Villar
http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-03-31&sec=4&aid=13886

Doy Cinco
March 31, 2007

Tuesday, March 27, 2007

"Local Machinery ang magpapasya sa Mayo?”

Dahil sa pagka-asiwa sa resulta ng mga electoral survey, lakas loob na pinangangalandakan ng administration na babawi ito sa local politics at local machinery sa Mayo. Ayon sa Malakanyang, “ang kampanyahan sa LOKAL ang magdadala't bibitbit sa administration candidates, di lamang sa Senatoriable Team Unity ticket, maging sa District Representative race.” Sa totoo lang, "90% ng local machinery ng kabuuang LGUs, mula Aparri hanaggang Jolo ay kontrolado ng Malakanyang.”

Maaring seryoso ang palasyo sa kanyang electoral forecast. Bago magsimila ang kampanyahan, hayagang inanunsyo ng Malakanyang na matsutsugi ng kanyang “SUPER MACHINERY” ang opposition sa Congressional district, local at Senatoriable candidates. Sa isang midterm election na ang nakataya ay ang ULO, ang political survival ni Ate Glo, tulad nuong 2004 election, walang dudang ipapanalo nito ang kanyang mga alipores sa Kongreso't LGUs sa pamamagitan ng kanyang PARALLEL machinery o sapin-saping makinaryang naka-ugat sa barangay;

1. Ang makinarya para sa Partido (Team Unity: 5 dominant party) na posibleng hawakan ni Sec Gabby Claudio.
2. Ang makinarya sa Government Agency (kasama ang AFP-PNP) na posibleng hawakan ni Sec Ed Ermita.
3. Ang makinarya sa civil society, simbahan at higit sa lahat,
4. Ang makinarya sa mobilization
5. Ang makinarya sa super regions, sa barangay (grassroot) hanggang sityo at
6. Ang makinarya sa SPECIAL OPERATION, ang dirty tricks department na posibleng hawakan ni Sec Norberto 'saging' Gonzales.

Ang suma total, tinatantyang may hanggang anim na "war rooms" o mga makinarya na naka-parallel at may closed coordination mula kay Ate Glo, ang tumatayong Over-all Campaign Manager at ang kanyang esposong si Mike Arroyo, ang tumatayong Finance Officer.

Ayon kay Sec Gabby Claudio, dahil sa inaasahang maayos na vote delivery sa baba, special operation at lakas ng makinarya, "9 : 3 sa panig ng administrasyon." Bukud sa pondo, makikinabang ang administrasyon sa kabulukan ng sistemang pulitika at election; ang sistemang padrino, political clan, political negotiation, personality at TRAPO politics (5 Gs: guns, goons, golds, garci at girls). Para sa kanya at posibleng totoo, "nasa MAKINARYA ang susi, ang magpapasya sa halalan at hindi ang botanteng Pinoy" at ito na ang malungkot na nangyayari ngayon sa baba.

Kaya lang, ayon sa sunud-sunud na inalalabas ng SWS at Pulse Asia electoral survey, naglalaro sa 7 : 5, 8 : 4 , hanggang 9 : 3 sa panig ng opposition. Anumang klase ng makinarya, pandaraya't panggugulang, ayon sa oposisyon, tatlo lamang ang papasok sa administrasyon, 9 : 3. Dagdag pa nito, "ang tao pa rin ang magpapasya."

“Local Machinery”
Totoong malawak, malalim, matibay at subuk na ang local machinery ng administrasyon. Pinatunayan ito nuong 2004 presidential election, ang nabulilyasong pagpapapirma (8.0 milyon), pagsusulong ng People's Initiative at Cha Cha ng Sigaw ng Bayan, Union of Local Authorities (ULAP) at Liga ng mga Probinsya, Lunsod at Municipalities. Kaya lang, kung 'di maayos na
mapanghahawakan, baka ito rin ang maging dahilan upang ikatalo't magkawatak-watak gaya ng nangyayari sa sigalot ng KAMPI at Lakas.

May anim na partido sa ilalim ng ruling coalition; Lakas, KAMPI, Nationalist People's Coalition (NPC), Liberal Party (Atienza wing), Nacionalista Party, at Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP). Ang nakakatawa rito, halos karamihan sa mga partidong ito ay naggugulangan, nagpanglaban sa isa't-isa at nagtalaga ng sari-sariling kandidato't manok laban sa incumbent, kamag-anak incorporated at mga incumbent local officials.

Dahil sa kasakiman sa kapangyarihan, hindi nakayanan ng itinayong “arbitration committee” ang sigalot, nauwi sa “free zone ang kalakhang mga balwarte” at ang ilan dito'y nakangkong ng oposisyon. Ang inaasahang balwarte't suportang paniguro ng administrasyon sa lokal (machinery) para sa kanyang Senatoriable tiket ay mukhang nauwi sa wala, mauunsyami, sasabog at magkakalabo-labo.

Bagamat nagtagumpay sa pagpapa-atras ng ilang kandidato, tulad ng retiradong Heneral na si Arturo Lumibao sa planong pagsagupa nito kay Cong Joe De Venecia at Atty Kit Belmonte laban sa incumbent Cong Annie Susano ng 2nd District, Quezon City, bigo naman ito sa pagtakbo ng dating kaalyado ng administrasyong si Mayor Benjie Lim ng Dagupan City, dating presidente ng Duty Free Philippines at malapit kay FVR. Lumipat sa PDP-Laban si Mayor Benjie Lim at siya na ang babangga sa pundador ng Lakas-NUCD na si Cong Joe de Venecia.

Ganito rin ang sitwasyon sa Nueva Ecija, sa Kamaynilaan at sa iba pang malalaking probinsya. Sa kasalukuyan, may 120 KAMPI candidates ang ilalaban sa local na malamang bumangga sa partidong Lakas, NP at NPC at upang hindi mauwi sa labu-labo, idiniklarang “Free Zone” ng administrasyon.

Vote delivery ng Local machinery?
Dalawa lamang ang posibleng senaryo't pakinabang sa local machinery ng administrasyon;

Una, walang kasiguruhang may Vote delivery ng local machinery na maihahatag sa national senatoriable candidates. Survival instinct angkadalasa'y iniisip ng isang local candidates. Nakasalalay at prioridad nito ang sariling survival. Wala siyang paki kung anong Partido ang dadalhin at lalong wala siyang pakialam kung ito ma'y opposition o administation candidates. Para sa kanila, ang mahalaga, makakapaghatag ng pondo sa kanyang kampanya, may malalim na relasyon namamagitan sa isang kandidato o dili kaya'y sundin nito ang preferencial vote ng maiimpluwensyang tao sa kanyang lugar (INK, other religious groups, middle forces at iba pa).

Walang gagong senatoriable candidates ang lubus-lubusang magtitiwala, magdedepende't aasa sa isang Mayor, Governador at barangay Captain para lamang makapag-gather ng boto para sa kanila. Dapat din tandaan na ang "opposition ang kadalasa'y nananalo sa tuwing may midterm election sa Senado. "

Mahigit sa kalahati ng campaign funds (billion of pesos) ng mga senatoriable candidates ang iniasa sa TV spots, sa mga political campaign Ads sa print at broadcast (radio at TV), sa kanilang votes generation. Isa na itong sinyales na may pagdududa nga ang mga nasa national candidates sa pinagyayabang na vote delivery ng local machinery.

Pangalawa; kung mumudmuran ng sapat na lohistika't resources, walang dudang may kakayahang magVote delivery ang local machinery. Kailangang makatuklas si Sec Gabby Claudio ng mga bagong pamamaraan, monitoring tools at teknolohiya upang mabago ang electoral history, ang katusuhan at kalokohan ng local candidates at local machinery.

Ayon sa ilang mga experto ng electoral politics, more than 2/3 ng boto (75%) sa local election ang maaring paglabanan sa national senatoriable race. Sa pag-eestimate at kung titilad-tilarin; mga 5 % ang command votes ng mga nagtutunggaliang kandidato sa lokal (2-4 corner fights) = 15-20%; 40-60% ang undecided-market votes (walang pinapanigan) at 10-20% swing votes.

Maaring makasiguro't seryosohin ng Malakanyang ang vote delivery ng local machinery patungo sa national, kaya lang mas pangunahing sesentruhan nito ang laban sa congressional district at local election. Bagamat mahalaga ang gagampanang papel ng local machinery, nananatiling MARKET VOTES ang magpapasya sa senotariable election at hindi ang machine politics. Sa kalagayang rural ang setting o ang terrain at sagad-saring TRAPO politics ang kalakaran, mas epektibo ang local machinery sa local election.

Ang tanong ng taumbayan, kung electoral machinery (machine politics) ang susi sa electoral politics, "nasaan ang mamamayan, nasaan na ang papel ng botante, nasaan ang DEMOKRASYA at ipinagmamalaking representative democracy, kailan magiging patas at FAIR ang election sa Pilipinas? Kung ganap na mawawala ang kapangyarihan ng tao sa halalan at pawang pagmamanipula ng ng MAKINARYA ang kalakaran, hindi natin masisisi ang maraming kababayan, lalo na ang OFW na seryosohin ang pagboto sa Mayo.

Doy Cinco / IPD
March 27, 2007

Sunday, March 25, 2007

Arroyo regime, mas malupit, mas malala pa sa diktadurang Marcos?

Sa isinagawang Permanent People's Tribunal (PPT) sa The Hague, the Netherland kamakailan lamang, nahatulang guilty of gross violations of human rights, economic and social rights and transgression of the national sovereignty ng sambayanang Pilipino ang rehimeng ni Ate GLO. Batay sa investigation, natuklasan ng anim na JURY na bumuo ng PPT na pinamunuan ng Presidenteng si Francois Houtart, "halos magkakambal, magkapareho ang sitwasyon sa kasalukuyang gubyerno ni ate Glo at nuong panahon ng paghahari ng diktadurang Marcos."

Ayon kay President Houtart, “dahil sa inposisyon ng martial law nuong panahon ni Marcos, maliwanag sa mundo na may diktadurya at may malawakang paglabag ng karapatang pantao, sa ngayon, may total denial sa bahagi ng estado, itinatangging may diktadurya habang walang dudang halos magkatulad ni Marcos na nilalabag ang karapatan ng mamamayang Pilipino.”

Dumating na sa yugto na kung saan ang BUONG MUNDO na ang bubusisi sa pang-aapi't pang-aalipusta ng isang gubyerno (isang independent, soberanyang bansa) sa kanyang sariling mamamayan. Parang "kaparallel" na natin ang Somalia, Sudan, Bosnia, Sierra Leone, Afghanistan, Iraq at Burma, mga bansang pinanghimasukan at nilalamutak ng mundo, mga lugar kung saan mahina't bagsak ang estado (weak at failed state), lalo na sa larangan ng human rights.

Kung ating babalikan, walang nangyari sa "Task Force Usig" at Melo Commission na itinatag ni Ate Glo mismo, pumasok sa eksena ang Amnesty International na nakabase sa London, sumaklolo na ang United Nation special envoy-rapporteur Philip Alston, pumasok sa eksena ang International Parliamentary Union (IPU) na nakabase sa Geneva, nagpatuloy ang political killings. Nanghimasok si Uncle Sam, kung saan ang US Senate (Foreign Relation) na ang nag-investigate, nanghimasok, nakialam sa investigation, nagpapatuloy ang political killings. Ang nakakalungkot, walang paki-alam, dedma, patay malisya at hindi kontrolado, wala sa kontrol ni Ate Glo at Malakanyang ang sitwayon.

Inaasahang mag-iiscalate ang pagkilos at preassure ng mamamayan ng mundo, kasama ang mamamayang Amerikano laban sa GMA government na maaring humantong sa panawagang itigil na ang US military Aid sa Pilipinas at magkaroon ng sanction mula sa iba't-ibang multilateral funding agency ng mundo sa gubyerno ni Ate Glo. Wala na tayong pinagkaiba sa North Korea, sa kanila ang isyu ng nuclear power, sa Pilipinas, ang pagiging berdugo sa sariling mamamayan.


Masyado ng kahiya-kahiya ang estado poder ni Ate Glo. Dumating na sa yugto kung saan, nawalan na ng pangangatwiran at rasyunal, nawalan na ng moral ascendancy ang gubyernong inagaw lamang nito sa pamamagitan ng malawakang pandaraya't pananakot nuong 2004 presidential election. Dahil sa lumalaking bilang ng populasyon ang disgusto't walang naniniwala sa kanyang sistema ng paggugubyerno, upang masawata ang malawakang protesta, gumagamit ng dahas, panunupil at pananakot .

Ang TANONG ngayon, sino ang mas may kredibilidad, pagtitiwalaan ng mamamayang PIlipino? Si Ate Glo, "Saging Gonzales, si siRaulo Gonzales, ang Malakanyang o ang mga bansang nag-aantabay at nagmomonitor (Permanent People's Tribunal, UN Human Rights Commission, Amnesty International -AI), US Senate hearing-investigation o ang mundong nagmamalasakit sa lumalalang kalagayan pampulitika't pang-ekonomya ng bansa?

Aasahang total denial uli ang Malakanyang sa kaliwa't kanang inbistigasyong isinasagawa ng pandaigdigang mga tribunal. Ang mas malupit pa rito, muling paparatangang isang "kanggaro court, walang representasyon sa bahagi ng gubyerno, ginagawa na ng gubyerno sa pamamagitan ng mga task forces ang problema ng extra-judicial killings, sasabihin pang natural at inaasahan ang verdict laban sa pangulo dahil mga Kaliwa't militante lamang ang siyang bumubuo ng Permanent People's Tribunal sa Europe."


Tulad ni Marcos, dahil sa political uncertainty, tanging ang mga security forces, ang militar at kapulisan na lamang ang tanging bumubuhay, sumasalba't nagbibigay “katatagan” sa kanyang gubyerno at kung mawawala ang suporta ng mga 'to, walang dudang tataob ang bangka, tanggal na, bagsak na, na-overthrow na si Ate Glo sa poder ng Malakanyang.


Source:
‘Arroyo regime worse than Marcos era’
BY LOUI GALICIA / ABS-CBN Europe News Bureau

Link: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=71394

Doy Cinco / IPD
March 25, 2007

ELECTORAL SURVEY

Kamakailan lamang, naging kontrobersyal at usap-usapan ang mga inilalabas ng dalawang malalakng Survey firm sa bansa, ang SWS at ang Pulse Asia. Tulad ng inaasahan, natural lamang na magtampo't magduda ang mga kandidato na malalayo sa ranking at mga nasa bingit at alanganin sa magic 12. Natural lang na busisiin ng magkabilang kampo kung anong pamamaraan, magkano ang budget at kung sino ang nagkomisyon ng survey.

Kung hindi maipapanatili ang kasagraduhan at maimimintina ang kredibilidad ng mga ito, totoong makakalasap ito ng kung anu-anong akusasyong bahagi ito ng isang malakihang iskima ng pandarayang "trending" kung saan ikinukundisyon ang kaisipan ng mamamayan na ito na ang magwawagi sa nalalapit na May midterm election. Ito ang isang kasong kinaharap ng SWS nung 2004 presidentiable race. Sa kabilang banda, maaring tignang positibo't nakakatulong ang survey; Una, isang paraan ito upang masawata ang anumang garapalang pandaraya at manipulasyon ng isang partido't kandidato. Pangalawa, anuman ang resulta, isang challenge ito upang magpunyagi't magsipag ang mga kandidato.

Sa huling survey sa top 15 senatoriable race, nananatiling walo (8) sa Genuine Opposition (GO), dalawa sa Independent at apat naman ang nasa hanay ng Team Unity administration candidate.

Kung seryoso ang isang kandidato o ang isang partido sa Party List man, sa Senatoriable race o sa local electoral combat na manalo sa isang halalan, ang survey ay isa sa mga sangkap upang makapagsagawa ng isang estratehiya sa electoral campaign. Isang paraan din ito upang mavalidate ang kalakasan at kahinaan ng isang realidad ang electoral terrain sa kampanya. Napakahalaga ng isang electoral survey, kaya nga't parang mga kabuting nagsulputan ang maraming mga nagpapasurvey na ahensya.

Sa ayaw man natin at sa gusto, isa na itong hanapbuhay, negosyo/ consultancy firm. Sa totoo lang, dinadaan sa isang pagsubuk o isang survey ang anumang prudukto (komersyal man o kalakal) bago ito lapatan ng panibagong pag-aaral at ibenta sa madla. Sa isang electoral campaign, isa na ang survey sa pinaghandaan at pinaglalaanan ng pondo't pansin ng isang seryosong kandidato upang makatiyak sa panalo.

Isang siyensya, hindi haka-haka o patsambatsamba ang halalan. Kailangang napanghahawakan at nababasa nito ang kalagayang panlipunan at pampulitikang kabihasnan o terrain ng labanan. Kahit sa isang GERA, napakahalagang alam mo ang sitwasyon, ang electoral terrain,
makilala ang kakayahan ng sarili at maging ang ating mga katunggali, iba't-ibang prupong pampulitika at ang isa sa makakatulong dito ay ang pagsasagawa ng electoral survey. Layunin din nito na matukoy sa paraang siyentipikong ang voter's demographic ng isang lugar, inaalam ang kasaysayan at tradisyon ng halalan sa lugar. Maliban sa survey, maaring mabasa rin ang political terrain, mapping ng isang lugar sa paraang pagpapatawag ng isang electoral conference-political mapping na binubuo ng halos mga political players, leaders sa isang teritoryo.

Para bagang, kung gusto mong malaman ang lasa ng isang buong drum ng kape, sa iisang kutsara lamang, alam muna ang kabuuang lasa ng isang drum ng kape ng hindi na kinakailangang nilalaklak mo, iniinum ang isang drum ng kape. Ito ang siyensya at esensya ng electoral survey at ginagamit ang paraan ito ng halos nasa akademya at sosyolohiya.

Maging maingat sa pagsasagawa ng survey. Kapag biased ang pagpapatupad nito, biased din ang kalalabasan. Kung kaya't mahihirapan ng makabawi ang isang institusyong nagsasagawa ng survey kung ito'y nabahiran na ng pag-aalinglangan. Sa kasalukuyan, dadalawa ang kinikilala sa larangan ng pagsusurvey; ang Pulse Asia at ang SWS. Bagamat may ilang mga sablay (may kalakihan ang margin of error) na naisagawa ang SWS nuong nakaraang 2004 Presidential Election, nakabawi naman ito sa ilang mga isinagawa nitong mga survey. Hindi nagkakalayo sa accuracy ng survey ang SWS at ang Pulse Asia.

Ano ang layunin ng electoral (random) survey?

Sinusukat nito kung gaano kakilala ang isang kandidato at sino ang iboboto at pipiliin ng tao. Tinutukoy nito kung saan ang malalakas at mahihinang lugar para sa mga magkatunggali. Nalalaman ng survey kung anong isyu ang maaaring dalhin ng kandidato at kung ano ang magiging pagkakakilala sa kanya sa takbo ng kampanya.

Normally, dalawang hanggang tatlong survey ang kadalasa'y kailangan sa halalan. Sa unang survey, mas awareness at name recall level ang sinusukat sa isang kandidato. Sa pangalawang survey, inaalam kung sino na ang kanilang iboboto at kung kaya paba itong mabago (Conversion factors). Ang kalalabasang pagsusuma nito ay magagamit sa pagbubuo ng isang estratehiya at pagpaplano sa kampanya.

Upang makatulong sa ilang kaalyado na manalo sa lokal, may ilang beses rin nagsagawa ang IPD sa ilang lugar sa Pilipinas na libre, hindi kinakalakal. At ang sinusunod na nakagawaiang +/-3.0 % margin of error ay matagumpay na naisasakatuparan.

Source: ECMT MANUAL (Electoral Campaign Management Training)
Produce by OUTREACH Comuunication Department /
1998 - 2002 Institute for Popular Democracy (IPD)

Doy Cinco / IPD
March 25, 207

Friday, March 23, 2007

Pinoy migrante-OFW sa Sabah, Malaysia, parang hayop na itinataboy at hinuhuli

Matagal ng balita ang isyung ito. Kung matatandaan, may ilang dekada ng may ganitong mapait na larawan sa Sabah at sa Mindanao. Mas lumala lamang ito may anim taon na ang nakalipas, sa ilalim ng termino't iligal na nangungupahang pangulo sa Malakanyang. Ayon sa ating Philippine Ambassador to Malaysia Victoriano Lecaros nuong nakaraang Huwebes, may 200 OFW- Migrante ang nalalagay sa alanganin sa Sabah, Malaysia at sapilitang pinababalik sa Pilipinas. Sa totoo lang libu-libo, barko-barko, parang sardinas na inilalagak, hinuhuli, pinababalik sa Zamboanga na parang hayop, kung minamalas-malas, ginagahasa ang ilang sa mga kababaihan.

Tayo na nga ba talaga ang pinakamaralita, busabos at palaboy sa Asia? May mahigit kumulang na kalahating milyon (500,000) 'iligal' na Pinoy ang naninirahan sa Sabah, Malaysia. Tumakas sa Pilipinas upang makipagsapalaran, makapag- trabaho, guminhawa ang buhay at higit sa lahat umiwas sa kaguluhan at digmaan na ang pangunahing promotor ay ang gubyernong militarista sa Malakanyang, gubyernong tumatalima sa kagustuhang ng bansang mahilig mag-inbento ng GERA, "ang Global war on terrorism" ni Uncle Sam - BUSH.

Ang Sabah, na kini-clain magpahanggang ngayon bilang parte ng Muslim Mindanao, ang lugar kung saan malapit sa Tawi-Tawi, Mindanao.
Fifty-Twenty five years ago (50-25 years), kung ating babalikan, ang lugar ng Sabah, Malaysia, maliban sa atrasado ang pamumuhay kung ikukumpara sa Mindanao ay pasyalan lamang ng mga Pilipinong komersyante't mangangalakal. Wala sa guni-guni ng bawat Pilipino na hahantong sa kahiya-hiyang sitwasyon na sila'y maituturing na mga REFUGEES sa bansang dati-rati'y sila ang mas dominante't nakakaangat.

Kung noon ay mas maunlad pa ang Pilipinas kung ikukumpara sa bansang Malaysia, bumaligtad ang sitwasyon ngayon. Dahil sa deka-dekadang pagpapabaya sa Mindanao, pangungurakot, katiwalian, mga pagtataksil at pagtatraydor sa bayan, maling patakarang pang-ekonomya ng mga namumunong elitista't mga Amboy na Pilipino, nalagay ang Pilipinas sa KULELAT sa lahat ng larangan sa Asia.


Ang isyu ng migration at OFW ay ginagamit ng Malakanyang bilang SALBABIDA sa nagkokolapsong ekonomya ng bansa. Pinag-uusapan pa lamang natin ang Sabah, Malaysia at hindi pa natin isinasama ang paboritong paglagakan, takbuhan ng mga Pinoy middle class sa mga bansang tulad ng Canada, US, Australia, New ZEALAND, Europa at Middle East. Ang nakaka-intriga rito, may OFW at may migranteng Pinoy sa halos lahat ng bansa sa mundo (United Nation). Ultimong mga pinakamahihirap na bansa sa Africa tulad ng Nigeria, Senegal, Angola, Kenya, Somalia ay may OFW.

Kung totoong walang naghihirap at nagugutom, kung totoong sagana ang buhay sa Pilipinas, kung totoong may magandang bukas sa atin, kung totoong maliit ang un-employment o may hanapbuhay na mapaglalagakan ang ating mga graduate, ang ating mga kababayan, kung totoong gumaganda ang ekonomiya ng Pilipinas, bakit libu-libo araw-araw ang lumilikas-iniiwan at tumatakas patungong ibayong dagat. Kahit “iligal,” nakikipagsalaran ang ating mga kababayan, huwag lamang mamatay ng 'dilat ang mata' dito sa PILIPINAS na PINAMUMUNUAN ng mga tiwaling pangulo, Tongresman at mga pulitiko.

Ito ang tamang panahon upang magtaray si Ate Glo sa bansang Malaysia, matulungang ang mga Pinoy na nasasalaula sa Sabah at mahanapan ng kagyat na trabaho na kanyang ipinagmamalaki. Kung gagawin ni Ate Glo ito, pogi points ito sa Muslim Mindanao.

Sources: With Agence France-Presse
Link: http://globalnation.inquirer.net/news/breakingnews/view_article.php?article_id=56424

Doy Cinco / IPD
March 23, 2007

Wednesday, March 21, 2007

DATO Macapagal Arroyo, larawan ng kabulukan ng sistemang Pulitika

Si Diosdado 'Dato' Macapagal Arroyo na mas kilalang Dato ang sikat, pinupulutan at usap-usapan ngayon hindi lamang sa Bicol maging sa buong bansa. Si Dato na napabilitang tatakbo sa 1st District ng Camarines Sur na “walang kalaban” ang siya ngayon kongretong ehemplo ng kabulukan, elitist-personality oriented at TRAPO (traditional Politicians) politics sa bansa.

Sa isang mapanuri at ordinaryong taga-bicol, paano maipapaliwanag ni Dato at ni Ate Glo na kanyang ina, na siya'y kumakatawan sa isang lugar may apat na raan kilometro (400 km) ang layo mula sa kanyang lugar na sinilangan at tinirikan? Paano mairerepresenta ang tunay na damdamin, kalagayan, adhikain ng mga Bicolano kung ika'y hindi naman talaga tubong Bicolano o ika'y isang peke at nagpupumilit na taga-Bicol. Batid ng mundo na si Dato'y isang Kapangpangan, Visaya, taga-QC at anak ng pinakamkapangyarihang pulitiko ng bansa. Kung sa bagay, kung "tanggap, welcome" si Dato, ampunin siya ng mga taga-Bicol bilang adopted son ay hindi malayong mangyari na magkaganito ang sitwasyon.

“Aksidenteng” napadpad si Dato Arroyo sa Bicol dahil sa pagiging ISKUL BUKUL, mahina sa klase at nakapangasawa ng Bicolana. Hindi nito pinagkakaila na hindi ito pumasa, hindi nito naabot ang rekisitong academic standard ng Ateneo de Manila sa QC, at bigyan siya ng chance na mag-enroll, magtransfer sa ibang Ateneo School, sa Ateneo de Naga sa Lunsod ng Naga, Camarines Sur. Maaring isang planado, pinag-aralan at pinag-isipan ng pamilyang Arroyo ang proyekto para kay Dato. Dahil kung planado ito, maaring tatlong lugar lamang ang landingan ng political career path ni Dato; Quezon City, Pampanga o sa Negros Occidental.

Una, walang dudang lumaki sa La Vista Village, Barangay Pansol, malapit sa UP at Ateneo de Manila, QC si Dato Arroyo, ang official na addrress ni Ate Glo. Ang Barangay Pansol ay pumapailalim sa 3rd District ng QC na hawak ng Defensor Clan. Hindi papayag ang mga Defensor na panghimasukan sila ng mga Arroyo sapagkat teritoryo ito ng mahigit ilang dekada ang 3rd District.

Pangalawa, kung sa Pampanga, hindi rin pupwede sapagkat hindi pa natatapos ang termino ng kanyang nakababatang kapatid na si (2nd term) Mikee sa 2nd District. Maliban na lamang kung magdadagdag ng isang distrito sa probinsya alang-alang lamang kay Dato. Dahil sa aapat lamang ang distrito sa Pampanga, napakasikip para sa mga angkan, sa mga anak na makapwesto sa probinsya.

Pangatlo, lalong hindi rin uubra kung makikisingit pa si Dato sa Negros Occ sapagkat kailangan munang tapusin ng kanyang Tyuhing si Cong Iggi ang termino nito at tulad ng Pampanga, masikip din sa pwestuhan ng malalaking angkan sa probinsya.

Tulad ni Mikee at Iggi, libreng makatutungton sa Kongreso ng walang pag-aalinglangan, walang kaduda-duda at walang kahirap-hirap si Dato. Ilan buwan na lamang, sa pagpasok ng unang sesyon ng 14th Congress. tatawagin na siyang "honorable at gentleman from Camarines Sur." Siya, kanyang kapatid, kanyang Uncle at ang partidong KAMPI at Lakas-NUCD ang sasawata sa pinaplanong ikatlong pagsasalang ng impeachment laban kay Ate Glo sa Kongreso.

Produkto ng PADRINO, political machinery, political clan, political negotiation, pambayad utang na iniluwal ng kabulukan ng pulitika at election sa bansa si Dato Arroyo. Ang nabakanteng distrito ang lumalabas na kabayaran at regalo ng Andaya Clan kay Ate glo kapalit ng pwestong pinanghahawakan nito ngayon sa Malakanyang bilang Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) at dating chair ng Appropriation Committee sa Kongreso.

Maliban sa kawalan ng track record, kanino siya accountable at sino ang kanyang pagsisilbihan? Hindi siyempre sa mamamayan ng District 2, bagkus sa mga Andaya, Villafuerte Clan at sa kanyang magulang nag-iisquat sa Malakanyang.

Isang yagit, matapang at malakas ang loob na pulitiko si Mayor Sabas Mabulo ng San Fernando, ang napabalitang tatapat sa higanteng pulitikong si Dato. College gradute ng Ateneo de Naga University si Mabulo. Kahit isang pulitiko, hindi ito naging balakid kay Mabulos upang maging aktibo ito sa Church-based Caceres Social Action Center. Bagong nag-involve sa local politics si Mabulos, kabilang siya sa isang NGO na nag-aadvocate ng kagalingan ng mga taga-Bicol. Dahil sa kahusayan, performance at tunay na paglilingkod ng walang pag-iimbot, natapos nito ang tatlong termino (9 years) bilang Mayor at dalawang taon bilang councilor ng San Fernando, Camarines Sur.

Pinutol ni Mabulo ang tulay na nag-uugnay sa kanila bilang alyado ng mga malalaking kahariang pulitikal sa probinsya, tulad ng Andaya Clan, siyam (9) na incumbent mayor at Villafuerte clan, mga kinikilalang dominant political clan sa Bicol. Ang pinagsamang makinarya ng Villafuerte at Andaya political clan, dagdagan pa ng Arroyo clan (Dato), masyado ng over kill at lubhang higante kung ikukumpara sa kuto at abang si Mabulo.

Walang malinaw na permamenteng partidong dinala si Mayor Mabulo. Ang bukud tanging alyado nito sa pulitika ay yaong mga taong nag-aadvocate at naniniwala ng prinsipyong “Transparency for good governance.”

Isang liblib na lugar ang bayan ng San Fernando na may mahigit 30 kilometro ang layo mula sa National highway
kung saan matatagpuan ang bayan ng Libmanan, ang address na tinukoy, natagpuan at kunwaring umampon daw kay Dato. May sakop na 22 barangay at may kabuuang 14,200 botante na halos kasingdami ng isang barangay sa Metro Manila. Samantalang ang Bayan ng Libmanan na may 75 na bilang ng barangay, 41,000 botante, pinakamalaki sa District 2.

Kung experiences, track record ang pag-uusapan, panalo si Mabulo. Kung sa pababaan ng gastos sa electoral campaign (P50,000/election), panalo si Mabulo, kung sa plataporma, paglilingkod, dedication at prinsipyo, walang dudang panalo si Mabulo, kung parehas lamang, walang dayaan at demokratiko ang election, panalo si Mabulo. Kung dadaanin sa personality, LOHISTIKA'T MAKINARYA at TRAPO politics, walang dudang TALO si Mabulo.

Doy Cinco / IPD
March 21, 2007

Monday, March 19, 2007

Dahil sa pagyurak kay Satur, Bayan Muna lumalakas, sigurado na sa Mayo

Sa huling electoral survey ng Pulse Asia, SWS at sa mga naunang mga survey nito, numero uno, NAMUMURO, lalong tumatatag at namamayagpag ang Bayan Muna (BM) na muling manalo sa nalalapit na Party List election sa Mayo. Ito'y hindi pa sa husay ng mga electoral cadre, sa husay at galing ng strategy and tactics ng mga operator ng BM, hindi pa sa dahilang naniniwala ang mga tao sa Kaliwa, hindi sa dami ng command votes, sa husay ng mensahe (propaganda), projection at imaheng ipinapakita nito, hindi pa sa dami ng suportador, hindi pa sa husay ng organisasyon at electoral na makinaryang taglay-taglay nito at higit sa lahat hindi pa sa laki at paldo-paldong pondo at lohistikang pinangtutustos sa kampanya, kundi dahil pa sa KATANGAHAN, sa KAGAGUHAN at sa kabobohan ng mga anti-kumunistang nakaupo sa gubyerno, tulad ni Secretary of Justice siRaulo Gonzales, National Security Adviser Norberto “saging” Gonzales, Interior Secretary (DILG) Ronaldo Puno, Ex Sec Ermita at DND Sec Ebdane at Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon.

Napanood ng milyung-milyong Pilipino't ng buong mundo (TV, Radio, Internet at pahayagan) kung paano ginago, trinato, inalipusta, paratangan, tiniris-tiris, kinaladkad, pinasista't inapi ng gubyerno ni Ate Glo si Cong Satur Ocampo. Mababa na nga ang pagtingin ng Pinoy sa gubyerno, lalo pang winawarat ni Ate Glo ang sarili sa epekto ng sunud-sunud na kaliwa't kanang atake laban sa kanya, ang weak governance, ang epekto ng ng Melo Commission, Amnesty International, ng United Nation Human Rights watch, ng US Senate investigation, ng Hong Kong-based Political and Economic Risk Consultancy (PERC) na nailagay sa valedictorian ng pangungurakot ang Pinas sa Asia at panghuli, ang lumabas na survey na lumalaganap ng mabilis ang kagutuman sa Pilipinas.

Silang lima (5), ang sa totoo lang ang tunay na nag-aasist, kumakalinga, nagmamalakasakit, kampanyador, recruiter at nagmamahal sa Bayan Muna at sa mga kumunista, sosyalista't anarkista. Sa akalang mabubura ang Bayan Muna at iba pang maka-Kaliwang partido sa Party List, sa akalang hihina at manlulupaypay ang Bayan Muna, sa maling akalang kakakagatin ng mamamayang Pilipino ang propagandang anti-kumunista at sa pag-aabolished ng sistemang Party List, lalo lamang pinalalakas nito ang naturang mga kalaban sa pulitika. Ang matinding pang-aapi't panggigipit kay Satur ay walang kaduda-dudang magbuboomerang sa pagmumukha ni Ate Glo sa Malakanyang.

Dahil sa awa kay Satur, kahit saan tignan, walang dudang ang "hearts and mind" ng mga Pilipino ay lubhang nakaapekto't wala na sa Malakanyang! Dahil sa iligal, ilihitimong pangulo-weak governance, sandamukal na pangungurakot, panunupil at katiwalian, anim (6) na taong krisis pang-ekonomya't anti-Pilipinong patakaran ni Ate Glo, mayorya ng mamamayan (65-70%) ang gusto ng ibagsak at lansagin ang gubyerno ni Ate Glo sa anumang kaparaanan (impeachment, KUDETA, insureksyon o Electoral), kundi man tumitingin, pumapaling sa kabilang bakod at nagsisimpatya sa sinumang oposisyon at katunggali nito sa pulitika.

Tulad ng kaso ni Cong Allan Peter Cayetano, dahil sa panggigipit, harashment at pang-aapi, sari-saring dirty tricks tactics na ginamit;
1. ang pagpapatanggal bilang Congressman
2. ang kapangalan nitong si Cayetano sa bogus na partidong KBL,
3. na kesyo isang dayuhan si Allan Peter Cayetano at kung anu-ano pang mga kaparaanan

Ito'y maliwanag na nanggagaling sa utus ng isang tirador ng palasyo, kay Unang Ginoo at Tanging Esposong si Mike Arroyo. Dahil sa panggugulang at harashments, nagiging bayani, mas nagiging popular sa masa si Cong Allan Peter Cayetno. Mas lalo lamang naipupwesto sa matibay na posisyon sa ikatlo hanggang sa ikalimang (3rd-5th) posisyon sa mga electoral survey sa Senatoriable race at dahil dito, naniniguro't panatag na si Sen Allan Peter sa Senado, pasalamat siya sa katangahan at kabobohan ng mga operador Mike Arroyo sa Malakanyang.


Dahil sa kaso kay Satur, dapat magpasalamat ang Bayan Muna sa mga buguk, gago at siraulong adviser ni Ate Glo sa Malakanyang.

Doy Cinco / IPD
March 20, 2007

Sunday, March 18, 2007

KAMPI ang MAGHAHARI sa pulitika, babawi sa Impeachment ang Lakas at NPC?

Kung TRAPO ang Lakas, mas pusakal na TRAPO, trapo ng gambling lord (Gov Sanchez- Batangas at Pineda ng Pampanga), drug lords at mas TUTA"T garapata ng Malakanyang ang partidong KAMPI. Ang KAMPI ay kilalang partidong hawak ng pamilyang Macapagal Arroyo at dahil dito, bago ka makatiyak na maambunan ng pondo para sa kampanya, hahalik ka sa tumbong ni Ate Glo, dadaan ang lahat ng kandidato, ikaw ma'y Lakas, LP-Atienza, LDP o NPC sa butas ng karayom, sa hari ng mga hari, si Unang Ginoo tanging Esposong si Mike Arroyo, ang finance officer ni Ate Glo.

Masyado ng ginagawang gago, tanga, ng KAMPI ang partidong Lakas at ibang partidong malapit sa administrasyon. Dahil sa PONDO at LOHISTIKA, nagugulangan, ginagapang, nakakahoy, nagbabaligtaran ang mga tigasing Lakas at NPC patungo sa KAMPI. Sa kasalukuyan, mas nakalamang na ang ilang kandidatong KAMPI kung ikukumpara sa kandidatong Lakas na halos may sampung taong (10 years) ng namamayagpag sa lugar. May mahigit kumulang na walumpong (80) congressional candidates at ilang daang LGUs ng administrasyon ang bumaligtad at nakangkong na ng KAMPI.

Ang pinakamalungkot, mas binubusog, paldo-paldo (daang milyon kada isa) ang pondo at lohistika ang mga kandidatong KAMPI lalo na sa ilang malalakas at estratehikong mga probinsya kung saan naagaw nito mula sa LAKAS ang kontrol sa Panggasinan, Isabela, ang Southern Tagalog - Batangas, ang Central Luzon – Pampanga, Kabiculan, Cebu at Mindanao.

Hindi nasunod sa halos lahat ng probinsya't distrito mula Aparri hanggang Jolo ang “equity of the incumbent” na unang naging kaisahan, binagsakang patakaran ng Malakanyang. Mas naloko nito ang marami sa Lakas ng pakunwaring idiniklara raw na “zona libre” sa halos karamihan na tinatawag na “magugulong” lugar, mga administration candidate ang naglalaban-laban.

Dahil mawawala na sa mayorya ang partidong Lakas, walang dudang matatanggal sa pwesto bilang “speaker of the house” si Cong Joe de Venecia” at KAMPI stalwart na ang maghahari sa bansa, tulad nung nangyari sa partidong Kilusan ng Bagong Lipunan (KBL) noong panahon ng Martial Law (70s) at diktadurang Marcos, kung saan ang mayorya ng partido ay kontrolado ng KBL.

Hindi mapapatawad ang kataksilan, ang kalapastanganan, ang panggugulang at kasakiman sa kapangyarihang ginawa ng KAMPI, Unang Ginoong Tanging esposong si Mike Arroyo, Tong Villafuerte, Sec Puno at ibang pusakal, gangster na pulitiko lalo na sa nalalapit na May Midtern election. Wala ng ibang dapat gawin ang pamunuan ng Lakas-NUCD, NPC at LP kundi pag-isipan, pag-aralan kung paano mababalanse, kung paano makakabawi, makakaganti, makakakurot man lang sa KAMPI.

Ang isang paraan, sumama na sa opposition sa panawagang muling pagsasalang ng impeachment proceeding, ang pam-finale, ang lola ng pagbabalikwas laban sa elihitimo, iligal, imoral, ang peke at anti-Pilipinong pangulong si Ate Glo. Sa ganitong kabayanihan, sa ganitong paraan lamang tunay na mapapatawad sila ng taumbayan.

Doy Cinco / IPD
March 18, 2007

Thursday, March 15, 2007

Si Uncle Sam, mga dayuhan na ang bumubusisi sa Pilipinas

Dumating na sa yugto na kung saan mga dayuhan na ang bubusisi sa pang-aapi't pang-aalipusta ng isang gubyerno (isang independent, soberanyang bansa) sa kanyang sariling mamamayan. Parang "kaparallel" na natin ang Somalia, Sudan, Bosnia, Sierra Leone, Afghanistan, Iraq at Burma, mga bansang pinanghimasukan at nilalamutak ng mundo, mga lugar kung saan mahina't bagsak ang estado (weak at failed state), lalo na sa larangan ng human rights.

Wala ng karapatan ang isang soberanyang bansa, lalo na kung ika'y isang muchacho-super maid na bansa, na magsabing, “wag kayong maki-alam”, “panloob na usapin ito, huwag kayong manghimasok.” Kung baga, hindi na lamang mga Pinoy, mamamayan ng mundo (global citizen-non government) na ang kalaban ni Ate Glo sa isyu ng Human Rights, sa isyu ng political killings. Iba pang usapin ang papel ng US na kung saan, may malaking interest ito sa Pilipinas, bilang ROBOcup, tagapamandila ng "global war on terrorism" ng mundo at bilang neo-colony ng Estados Unidos.

Kung atin babalikan, hindi umubra kay Ate Glo ang Task Force Usig, ang itinagong report ng Melo Commission na naatasang magsagawa ng investigation. Nagpatuloy ang political killings at political persecution sa kabila ng kalat-kalat, maiingay na propaganda't maliitang pagkilos. Bagamat napahiya, hindi rin umubra ang Amnesty International (AI) na nakabase sa United Kingdom, nagpatuloy ang killings. Nagkipit balikat, dinedma at itinanggi rin ni Ate Glo ang astig na report ng United Nation special rapporteur Alston. Nagpatuloy ang political killings.

Pumasok sa eksena ang International Parliamentary Union (IPU) na nakabase sa Geneva. Walang dudang tatarayan din ni Ate Glo ang IPU. Ang malaking tanong, kung si Uncle Sam na, kung ang US Senate (Foreign Relation) na ang papasok, manghihimasok, ang makikialam sa investigation, tarayan din kaya ito ni Ate Glo? Inaasahang mag-iiscalate ang pagkilos at preassure ng mamamayang Amerikano laban sa GMA government na maaring humantong sa panawagang itigil na ang US military Aid sa Pilipinas.

Kinikilala pa ring ng US bilang closest ally ang Pilipinas, bilang dating kolonya-neo-colony at puppet nito. Ang tanong, umalma kaya si Ate Glo sa US Senate kung saka-sakaling lumabas sa investigasyon ang totoong salarin ay siya mismo bilang Commander in Chief, meaning pumanig sa mga kalaban niya, sa mga Kaliwa ang US?

What is happening to our country General, Ate Glo? Bakit humantong sa ganitong sitwasyon ang ating bansa? Numero una na nga tayo sa pangungurakot sa Asia, numero una pa rin bilang berdugo at paglabag sa karapatang pang-tao sa Asia.

Kung ang gubyerno ni Ate Glo ay lubhang nalagay sa depensiba, nanghihina sa kaliwa't kanang ateke ng mga kaaway sa pulitika, walang dudang nanghina rin ang kilusang Kaliwa sa patuloy na panloob na krisis at panlabas na atakeng pasista ng Estado, lalo na sa isyu ng malawakang PURGAHAN nuong dekada 70s-80s. Kahit LAOS na,
hindi bumibitaw sa makaluma, ”old school, MaCartyism, anti-kumunistang pananaw” ang mga Generals, Norberto "saging" Gonzales, si Ate Glo at kanyang gubyerno. Nagpapatuloy ang katangahan, “sa ngalan daw ng demokrasya, sa ngalan ng anti-isurgency, ipagtatanggol ni Ate Glo ang sariling kaligtasan, idedepensa ang karapatan ng Malakanyang at ituturing demonyo ang mga kumunista.”

Tanggapin man natin o hindi, hindi pa nakakabawi ang Kaliwa at Kilusang Masa sa antas na inabot nito nuong dekada 70s hanggang 80s. Wala tayong nakikitang malawakang mobilisasyon kahalintulad nuong panahong napaka-popular ng Kaliwa laban sa diktadurang Marcos. Matumal ang mga kilos protesta, bagsak ang mga sectoral movements, walang malakihang pipol power, kaya lang lumalakas naman, nagiging llamado, nagiging popular sa tao, nagpapakadalubhasa at nakakabawi naman sa ELECTORAL POLITICS- Party List election, sa Local Governance at ibang arenas of struggle ang mga Kaliwa.

Doy Cinco / IPD
March 15, 2007

Wednesday, March 14, 2007

Numero uno sa Asia sa Kurakot, hindi na balita 'yan....

Hindi na balita ang iniulat at ginawang pananaliksik ng Hong Kong-based Political and Economic Risk Consultancy (PERC). Ang balita, ang broadcast-headline ay kung NAWALA na ang Pilipinas sa listahan sa pagiging valedictorian sa PANGUNGURAKOT sa buong Asia, tiwali at bastardong ekonomya sa Asia, yan ang headline, 'yan ang balita.

Sa totoo lang, dahil sa tindi ng pangungurakot sa gubyerno (LGUs – National), na-overtekan na tayo ng mga dating mahihirap at abang mga bansa sa ASIA. May ilan dekada ng kulelat ang Pilipinas sa larangan ng pag-eengganyo o pang-hihikayat ng mamumuhunan (foreign direct Investment) sa bansa at mas naging matumal, lumala pa ito sa loob ng anim na taong nasa poder at panunungkulan ni Ate Glo. Habang daan-daan-daang bilyong dolyar na dayuhang puhunan naman ang pumapasok sa Vietnam, sa China, Malaysia, Indonesia, India at iba pa, barya-barya lamang (single digit-$2.0 bilyon) ang pumapasok na puhunan sa Pilipinas. Dinaig pa tayo ng Bangladesh at Cambodia!

Hindi na natin ilalahad ang mga karaniwang alam na nating mga insidente ng pangungurakot sa gubyerno. Sentruhan natin ang campaign budget ng Malakanyang para sa kanyang kandidato sa nalalapit na May midterm election na aabot sa estimate ng mga political operators na P12.0 bilyon. Isa ito sa pinakamalinaw na ehemplo at walang dudang panggagalingan ng PANGUNGURAKOT sa gubyerno. Sa layuning maisalba (political survival) ang pangulo hanggang 2010, kailangan nitong ipanalo “at all cost” ang administration ticket sa Congressional at Senatoriable race.

Alam ng lahat na ang pulitikang PADRINO, na kinabibilang ng mga Taipan-Chinoy (Lucio Tan, Gaisano, Gocongwei at iba pa), Gambiling Lords (Bong Pineda ect...), Drug Lords, Contractor at Supplier na pangunahing financier, campaign donor at mga suportador ng Administrasyon at ilang sa oposisyon ang siyang nagpapagalaw at impluwensya ng pulitika sa realidad. Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang pinagmumulan ng KURAKOT at anomalya sa gubyerno ay ang political patronage. Ito ang mga kadahilanang kung bakit mahina ang Estado (weak state) at lupaypay ang mga political institution sa bansa.

Sariwa pa sa ala-ala yung nangyari nuong nakaraang taon, yung ilang bilyong pisong (P2- 6.0 bilyon) ginastos ng Sigaw ng Bayan (suhol sa pagpapapirma at propaganda war) na inaming nagmula sa Malakanyang. Ang mga suhol tulad ng SARO, pork barrel ng Malakanyang na bumaha nuong impeachment proceeding sa Kongreso. Yung over priced na P1.3 bilyong Mega Pacific SCAM ng Comelec na hindi napakinabangan, nabubulok sa bodega, may P800.0 milyong piso na ang panimulang ibinayad ng gubyerno. Yung anomalya ng P3.3 bilyong PIATCO Scam kung saan binalikat na ng gubyerno ang bilyung dolyar na katangahan, irregularidad at kotong. Ang nakakalungkot, "para sa kanila, normal procedure, normal na kalakaran, taas nuo pang ipinagmamalaki na hindi raw ito kurakot kundi public service."

Pagbabayaran ni Ate Glo ang anim na taong krimeng pandarambong, katiwalian na ginawa nito sa gubyerno. Hindi mabilang na pangungurakot ; ang P27.0 bilyong nakaw na yaman ng mga Marcos na dapat sana'y sa mga biktima ng human rights napunta ay walang awang kinurakot, kinupit pa ng PCGG sa utus ng Malakanyang at ginamit sa pulitika nuong 2004 election, 2006 anti-impeachment at magpahanggang ngayon.

Maka-ilan ulit, sirang plakang propaganda ni Ate Glo sa tuwing may SONA, na “susugpuin nito ang pangungurakot sa gubyerno,” “within 365 days, mawawala na ang WETENG sa Pilipinas.” Ilang ulit ding isinisisi ni Ate Glo ang paghina ng ekonomiya at pangungurakot sa kanyang mga kaaway sa pulitika.

Ang nakakalungkot pa rito, isang linya lamang ang bukang bibig ng UMBUDSMAN, “walang over pricing, walang irregularidad, LEGAL, malinis, walang anomalya at above board ang transaksyon.” Sinalaula ni Ate Glo ang mga tinaguriang “Independent Constitutional Body” at mga “democric Institution ng bansa.” Nawalan ng kredibilidad at pagtitiwala ang taumbayaan sa Umbudsman, Comelec, sa Kongreso, AFP, ang LGUs at ang burakrasya. Pilit ipinapaniwala ni Ate Glo na “strong republic” daw ang bansa, kahit alam ng marami na mahina, walang buto sa gulugud at tau-taauhan na lamang siya sa palasyo.

Doy Cinco / IPD
March 14, 2007

Monday, March 12, 2007

"Imbistigahan ang Sabwatang CIA-DND-AFP-PNP-Abu Sayaff"

Concerned Artists of the Philippines
39 Scout Bayoran St., Barangay South Triangle, Quezon City, Metro Manila * Tel. 927-9260 * Email: concerned_artists_ phil@yahoo. com

PRESS RELEASE
8 March 2007
Reference: Joel Garduce, Spokesperson, Tel. 927-9260 (ofc), 0917-9792365

Samahan ng mga alagad ng sining, nanawagan ng pag-imbestiga sa “sabwatang CIA-DND-AFP- PNP-Abu Sayyaf”, pag-atras ng Anti-Terrorism Act

Nanawagan ngayong araw ang isang samahan ng mga alagad ng sining at kulturang Pilipino para sa isang independyente’t walang-binabarang imbestigasyon sa mga malalang alegasyon ng matagalang pagsasabwatan ng Abu Sayyaf at ng mga gubyerno ng U.S. at Pilipinas, sabay sa agarang pag-atras ng umano’y batas kontra terorismo na binuo nang walang benepisyo ng masusing pag-iimbestigang ito.

Ginawa ng Concerned Artists of the Philippines (CAP) ang panawagang ito nang inihayag nito ang paglabas ng isang bagong web page na naka-link sa http://srv.ezinedir ector.net/ ?n=1616362& s=11546124 na isang timeline mula 1986 hanggang 2007 taglay ang maraming ebidensya na nilikha, minanipula at inudyok kapwa ng U.S. Central Intelligence Agency (CIA) at establisimyentong militar ng Pilipinas ang bandidong grupong Abu Sayyaf.

Kumuha ang timeline ng impormasyon mula sa samut saring publikasyon, gaya ng Time Magazine, Washington Post, New York Times, Financial Times, British Broadcasting Company, Guardian, Associated Press, Der Spiegel, South China Morning Post, at mga lokal na publikasyon gaya ng Philippine Daily Inquirer, Manila Times, Mindanews.com, and Philippine Star. Binuo ang timeline—na bagong-labas lamang—ni Paul Thompson, may-akda ng bestseller na librong “Terror Timeline” at nagpapatakbo sa Center for Cooperative Research, na mauugnyan online sa website na www.cooperativerese arch.org.

"Itinatambad ng di-mapasusubaling ebidensyang nakolekta ng mahusay na online research ni Thompson ang kasinungalingan sa likod ng pagbuo ng Anti-Terror Act," ani Joel Garduce, tagapagsalita ng CAP.

Sinabi ni Garduce na ang kawalan ng buong pagsusuri ng tinawag nyang "ugnayang CIA-DND-AFP- PNP-Abu Sayyaf" na nilantad ng timeline "ay nagkakait ng katotohanan sa kung ano talaga ang kailangan para labanan ang terorismong inihahasik sa masang Pilipino."
"Dahil hindi nakinabang ang bagong Anti-Terrorism Act sa ganitong masusing pagsusuri, walang ngipin ito sa pag-ugat sa mga tunay na panginoon ng terorismo sa ating panahon. Ang malala pa, kukunsintihin lang nito ang lihim na aksyon at terrorismo ng estado na subersibo sa konstitusyon, pag-iral ng batas at sa kalayaan," ani Garduce.

Ayon kay Garduce, "Napakaimportante ng usapin ng terorismong udyok-ng-estado para isingil sa administrasyong Arroyo sa kasalukuyang kampanyang elektoral. Ang malawakang pagkondena sa panlalansing kriminal na ito ang magtutulak sa lahat ng Pilipinong nagmamahal sa kalayaan mula sa samut saring bahagi ng lipunan---kasama na ang mga sundalong Pilipino na kapwa niloko nang todo dito---na sama-samang kumilos ayon sa kanilang konsensya sa darating na eleksyon at labas dito."
-30-


English Version:

Cause-oriented artists' group calls for inquiry into “CIA-DND-AFP- PNP-Abu Sayyaf collusion”,
withdrawal of newly-signed Anti-Terrorism Act

A cause-oriented group of Filipino artists and cultural workers today called for a no-holds-barred independent inquiry into serious allegations of a longstanding collusion among the Philippine and United States governments and the Abu Sayyaf, as it batted for the withdrawal of a newly signed anti-terror law formed without the benefit of such an exhaustive inquiry.

The Concerned Artists of the Philippines (CAP) made the call as it bared the presence of a new web page with link at http://srv.ezinedir ector.net/ ?n=1616362& s=11546124 bearing a 1986 to 2007 timeline detailing multifarious evidence that both the U.S. Central Intelligence Agency (CIA) and the Philippine military establishment created, manipulated and abetted the Abu Sayyaf bandit group.

The timeline draws from information culled from diverse news, documentary and published sources, including Time Magazine, the Washington Post, New York Times, Financial Times, British Broadcasting Company, Guardian, Associated Press, Der Spiegel, South China Morning Post, and local sources as the Philippine Daily Inquirer, Manila Times, Mindanews.com, and Philippine Star. The timeline, which was just put up, has been culled by Western-based Internet researcher Paul Thompson, author of the bestseller “Terror Timeline” and who maintains the online-based Center for Cooperative Research (website at www.cooperativerese arch.org) .

"The compelling evidence gathered by Thompson’s impeccable online research unmasks the rationale of the Anti-Terror Act as an outrageous lie," said Joel Garduce, CAP spokesperson.
Garduce noted that the absence of a full acounting of what he calls the "CIA-DND-AFP- PNP-Abu Sayyaf nexus" exposed by the timeline "denies everyone the truth of what it really takes to fight terrorism being unleashed on the Filipino masses."

"As the new Anti-Terrorism Act did not benefit from such an exhaustive investigation, it is simply toothless in rooting out the real masters of terrorism in our midst. Worse, it will only abet state-sponsored terrorism and covert action subversive of the constitution, the rule of law and freedom," stressed Garduce.

"This matter of state-abetted terrorism may well be a defining issue to hold the Arroyo administration accountable during the current electoral campaign," said Garduce. "Widescale outrage over this criminal deceit can only compel freedom-loving Filipinos from all walks of life---including the rank-and-file Filipino soldiers equally duped bigtime---to take concerted action in conscience this coming elections and beyond."
-30-

Cesar 'Buboy' Montano, naloko ni Gabby at ni GMA

Ang sarap-sarap ng buhay, nananahimik, kumikita ng milyong piso kada buwan sa TV-Ad commercials, pelikula, sa mga dambuhalang tarpuline na nakabalagbag sa kahabaan ng Edsa, isang araw habang nagshu-shooting sa isang pelikula, simple ang kasuutan, naka T-shirt, biglang pasok sa eksena si Political Affair Sec Gabby Claudio, ang masugit na alalay ni Ate Glo at tumitimon ng “super machinery,” biglang anyayang “sama ka sa Team Unity, sagot na ni Ate Glo ang gastusin mo sa kampanya na nagkakahalagang P200.0 milyon with maching Pol Ad sa TV spot at iba pa,” sabay kaladkad kay Buboy at iprinisinta kay Tainga de Venecia sa harap ng sankatutak na media, napasumpa sa Partidong Lakas-NUCD at agad isinama sa 12 senatoriable ticket ng administrasyon. Mula nun, nagulo na ang buhay ni Buboy.

Humarangkada ang kampanyahan., mga sorties sa Cebu, Pampanga. Lumipas ang ilang Linggo, naghihintay ng pondo, ng logistic si Buboy, nagsumbong at naghugas kamay si kay Ate Glo at itinuro si Gabby. Mukhang nakahalata na ang mag-asawa (Sunshine Cruz) na nagkakadenggoyan na. Napansin ni Buboy na parang may kulang sa kampanya, "nasaan ang mga Provincial coordinator , nasaan ang mga posters, bakit hindi ako kasali sa mga TV spot-Pol Ads? " Bakit parang “nagagamit ako sa mga rallies at sorties,” ang papel ko lang ba sa Team Unity ay bilang “crowd drawer?"

Ayon kay Ace Durano at Gabby Gladio, mga campaign manager at political officer ng Team Unity, “sikat at kilala na si Buboy, 'di na kailangan ang awareness campaign, panalo ka na?” “Magtyaga, maghintay-hintay muna si Buboy at ilang Linggo na lamang ay lalarga na ang kampanya sa Lokal, ipakikilala siya sa mga pulitiko, naghahanap pa ng pondo, easy-easy ka lang."

Lumipas ang mga araw, bumulaga ang dalawang magkasunod na Electoral Survey ng Pulse at SWS. Maraming 'di naniwala na kulelat si Buboy at namasaker ang administrasyon. Ng ilabas ng Malakanyang ang sarili nitong Survey na kinumisyon nito mismo, lumabas ang katotohanan, wala sa magic 12, kulelat nga si Buboy. NALOKO si BUBOY, Nayanig ang mag-asawa.

May nagsasabing ang Governatorial race ang fallback position ni Buboy, kaya lang, tulad ni Pacquiao, baka mateknikal si Buboy. Marami ang nakaka-alam na sa Sta Mesa, Manila siya nakarehistro at hindi sa Bohol. Ang huling balita, nagdadalawang isip na umatras na sa Unity Ticket Senatoriable race si Buboy

Kung ating babalikan, mga huling quarto ng 2006, umugong ang pangalang Cesar Montano na tatakbo bilang Vice Mayor ng Manila at mukhang katandem pa ng oposisyong si Sen Ping Lacson, pantapat raw kay Pacquiao na katandem naman ni Ali Atienza, ang anak ni Mayor Atienza.

Bagito, madaling mauto, walang kamuang-muang si Buboy sa electoral politics. Ang akala niya, ganun kadali, mas matino ang pulitika kung ikukumpara sa showbiz. Ang akala niya, komo showbiz, sikat at kilala, sasapat na, automatic na ang panalo, tulad ng karanasan ni Sen Lito Lapid, Bong Revilla at Tito Sotto. Ang 'di niya alam, bago pumasok sa pulitika ang tatlo, naghanda at nagprepara ang mga ito; tiniyak ang pondo at lohistika, may sariling itinayong makinarya at hindi umasa sa Partido.

Napakahalaga ang may sariling estratehiya't taktika at PARALLEL MACHINERY sa electoral politics. Sa pulitika, lalo na't nasa bingit na pangwalo (8-16) sa standing, kanya-kanya ang labanan. Aasahang magkakapartido ay maggugulangan at magtatrayduran (junking). Ang isang lesson na dapat tandaan ni Buboy,”Wag na 'wag AASA sa PARTIDO.''

Ang pangalawang lesson ni Buboy dito, sa uli-ulitin, kung pangangakuan ng isang tao, hindi naman sa 'di nagtitiwala, MONEY DOWN, KALIWAAN, HATAG PERA bago pumayag.

Doy Cinco / IPD
March 13, 2007

Propa at Electoral Survey sa QC, minamanipula ni Taddy Palma at Susano

Alam ng marami kung gaano karumi lumaro ang pusakal na operador ni Susano na si Taddy Palma, ang madalas bumiyahe sa abroad-Amerika, ang siga-siga, ang maton, ang “gate keeper kuno,” ang “old school” na tacticians sa electoral politics ng QC. Ang KAPERAHAN, ang TRAPO politics na pamumudmud ng salapi at salapi lamang ang solusyon sa pananagumpay na alam na teknolohiyang electoral ni Tandang Palma." Para bagang ang lahat ng labanan ay madadaan sa pera, ang lahat ng kaluluwa ng tao ay kayang bilhin at ikalakal. Ganito ang laro ni Taddy Palma noon may ilan dekada na ang lumipas at magpahanggang ngayon.

Sa kanyang ipinagayayabang at ipinagmumudmurang SURVEY noong pang Enero ng taong kasalukuyan, ginamit ito upang "lokohin, pahinain ang loob" ng mga pulitiko, ng mga Kapitan ng Barangay sa 2nd District. Ayon raw sa resulta ng “Survey,” may 35% raw ang performance rating ni Tongreswoman Susano sa Kongreso at 75% naman ang kay Mayor Belmonte? Ang isang tanong ng marami, bakit hindi pumarehas sa RATING si Susano Kay Mayor SB. Ipinapakita lamang na may problema at mababang- mababa ang pagtingin ng tao kay Susano. Ganito rin mismo ang pagdududa ng Malakanyang sa mga lumalabas na survey firm sa senatoriable race.

Granted na tama si Taddy Palma at survey, ano ang ginamit na metodolohiya, paano minadyik at nangyari ito? Pangalawa, maaga pa (january survey) ang laban upang magdiwang at magsalita ng patapos. Mas may katotohanan ang survey kung ito'y isinagawa sa panahon ng campaign period o limg araw bago ang election day.

Alam ng marami na nangitlog, nagbutas ng bangko lamang si Susano sa Kongreso at ang pinaka- nakakahiya, ipinasubo nito ang 2nd District sa pagkatuta nito sa inilakong Cha Cha, People Initiative ng Sigaw ng Bayan, DILG at administrasyon ng wala man lamang pakikipagkonsultasyon sa mamamayan ng QC na nasasakupan nito. Alam ng mga tao na pawang infra-horizontal projects na produkto ng PORK BARREL ang inatupag ni Susano at sa totoo lang, walang dudang kumita pa nga ito sa anyo ng komisyon at kurakot.


Hindi nakasisigurado si Taddy Palma at Susano na komo ino-ohan sila na mga pulitiko, mga Kapitan ng Barangay ay equivalent o equals “CONVERSION” na boto agad ito sa mamamayan sa darating na halalan sa Mayo. Mas kapani-paniwala pang kinukwartahan lamang sila at sa pag talikod ng mga ito'y minumura sila at babaling na ibang kandidato.

Nababaliw na, nagkakamali't praning na si Tady Palma, kung noon (60s-90s), may ilang dekadang umubra ang maayos at conversion factor ng mga Kapitan-LGUs sa baba. "Hindi na awtomatikong maasahan sa delivery votes ang mga pulitiko (LGUs)." Ayon sa ilangkaransan at pag-aaral na isinagawa ng mga electoral tacticians at operator nuong dekada 90, mukhang nagbago at ptuloy na nagbabago ang terrain at botante lalo na sa kalunsuran.

Sa ilang findings, mas mataas na ang lima hanggang sampung porsiento (5-10%) ang conversion- factor-delivery votes ng mga opisyal ng gubyerno sa baba na ihahatag na boto papataas, meaning botong ibabato nila sa Kongressman at Senado (National). Ang isang dahilan, ang karanasang paulit-ulit silang nagogoyo't napapako ang mga pangako ng mga pulitiko at ang kanilang kahabag-habag na kalagayan. Kaya't walang dudang ang marami sa kanila ay “nag-iisip na, may pansariling disposisyon na, hindi na umaasa at higit sa lahat, nagsusuri at matatalino na ang mga botante."


May ilan ding mga kadahilanan kung bakit nagbabago ang pagtingin ng mga botante sa electoral politics. Una, ang epekto ng krisis na tinamasa ng mamamayan, bumaba ang kredibilidad at pagtitiwala sa mga pulitiko dahil sa korapsyon at katiwalian, ito ma'y kapitan ng Barangay, Councilors, Mayor hanggang Gobernador. Ang mga tao for the past 5 years ay naunsyami, nanglupaypay at nawalan na ng AMOR sa mga pulitiko na nagpanggap na representante.

Pangalawa, "may certain level ng awareness" na tumaas ang pananaw ng mga botante na binaboy, sinalaula ng mga pulitiko ang institusyong Kongreso, lalo na nung dalawang beses itong nagkagulo sa impeachment proceedings. Sa kanila, ito ang punut dulo, at sumira sa kanilang pagtitiwala lalo na sa inaasam-asam na kaunlaran at kaginhawaan bilang maralita.


Doy Cinco / IPD
March 12, 2007

Sunday, March 11, 2007

"SABOTAHE," sunog sa Comelec

Hindi pa nga nakakabawi sa negative-zero credibility perception ng mamamayan Pilipino sa Comelec, may panibagong alingasngas na naman itong isinagawa. Ayon kay Commissioner Borja, "ito na raw ang pinakamababang pagtanaw at pagtitiwala ng mamamayan sa ahensya sa buong kasaysayan nito."

Batay sa mga ulat-pahayagan, ilan sa mga naabo sa sunog ay ang mga importanteng dokumento, mga vital evidence na lubhang kailangan sa kasong kinakaharap na irregularidad ng Comele, ang mga nakapending na kaso ng pekeng kaapilyidong Cayetano ni Allan Peter, isang un-identified na Aquino ni Noynoy Aquino, mga contentious cases, mga election cases noong 1995-2004 election (transcript at stenographic notes), Supreme Court cases pertaining sa mga naganap na '87 - 2005 election. at iba pa.

Ayon sa initial na ulat ng mga Bumbero (fire marshall), "walang dudang PANANABOTAHE ang nasabing sunog." Nakakatawang isiping may ilang metro lamang ang layo ng Comelec (kapitbahay) sa istasyon ng Bumbero, at sa panahon bago (madaling araw) masunog ang Comelec, ang mga Marines na naatasang magbantay sa Comelec ay nawala sa pwesto. Isa ring maaring anggulo, malinaw na may kaugnayan sa SUNOG at ang SUMA TOTAL ay ang walang katapusang isyu ng P1.3 bilyong Automative Counting Machine (SCM) ng Mega Pacific SCAM, ang poll modernization projects, ang procurements ng mga supplies na isinagawa at kailangan sa 2007 election at ang mga dokumento't ebidensya ng malawakang dagdag-bawas, anomalya ng 2004 presidential election.

Maaring isang mensahe, sinyales ng panununog ay “gusto pa rin, may pagtatangka pa ring ipatigil ng Malakanyang ang May midterm election bunsod sa inaasahan nitong pagkatalo sa nalalapit na election sa Mayo." Halos kasunod ng insidente ay ang resulta ng SWS, Pulse Asia at sariling kinomisyong nitong mga Survey kung saan lubhang nalagay sa kulelat, mababang rating-performance ng kanyang senatoriable-administration Unity Ticket.

May panahon pa (less than 2 months) upang maibalik kahit paano ang pagtitiwala ng mamamayan sa halalan at Comelec, dalawa lamang ang maaring itugon ng Administrasyon sa minimum, agad i-overhaul, pagresignin ang lahat ng commissioners sa Comelec, pansamantalang palitan ng impartial, independent at kilalang mga huwaran, subuk na mga sibiko't mga non governmental organization pipol na may matagal ng may advocacy-pagsusulong ng political at electoral reform sa bansa. Pangalawa, magkaroon ng mabilisang inbistigasyon sa katiwalian at ipakulong ang lahat ng mga salarin sa ahensya.


Doy Cinco / IPD
March 12, 2007

Politicizing the Purges, Forgetting the Victims - PATH

Victim-centered and reform-oriented justice. This is the continued clamor of Peace Advocates towards Truth, Justice and Healing (PATH) in light of reports that a warrant of arrest has been issued against Rep. Satur Ocampo for his participation in the CPP-NPA Purges.

While the victims of the purges have long sought a just resolution to the issue and accountability from the perpetrators, the timing and manner of the government's brand of "justice" are inappropriate. Its politically- biased intent itself may compromise the legitimacy of the purge victims' cause. We fear that the hate and paranoia that drive the government and its agencies to go against the leadership of CPP-NPA and Bayan Muna is of the same variety as the hate and paranoia that we have suffered from in the past and continue to rally against to this day.

The issue of the purges is one of paramount importance not only to us but to any democratic society that values human rights. To reduce it to a "card" to be brandished in games of political survival and one-upmanship is to devalue its lessons and recreate the culture of violence that precisely allowed the killings of the past to take place.

This is in no way to absolve the perpetrators of any liability. However, the victims deserve a credible ruling -- one that has been reached through a process devoid of any other agenda but the truth.

We call for due process for the accused, but continue to stand firm in our quest for justice and accountability.

Rogel Gil M. Navarro, Chairman
Lan Mercado-Carreon, Vice-Chairperson
Robert Francis B. Garcia, Secretary General
Atty. Jae de la Cruz, Member, PATH Legal Team
The Council of Leaders

PEACE ADVOCATES FOR TRUTH, HEALING AND JUSTICE (PATH)
09 March, 2007

Friday, March 09, 2007

Pro-GMA at TRAPO ang magdodomina ng Congressional race sa Kamaynilaan (Part II)

Walang gaanong mababago ng mga political personality at nakakalungkot na pawang mga alipores ni GMA ang siya ring magdodomina sa May midterm election.

Manila
Seriosong four (4) corner fight ang mayoralty position; ang anak ni Mayor Atienza na si Ali Atienza, Sen Lim (opposition), Cong Joey Hizon (NP) at Cong Bacani (LP-Drilon wing). Kung sa congressional race, mukhang mamamasaker ng admin candidates ang oposisyon sa anim na distrito. Kung desidido si Sen Lim sa position (balik sa Senado kung talo), kailangang niyang balikan ang makinarya sa baba at makalikom ng sapat na pondo para sa kampanya.

1st District:
Sigurado na ang old family ties ni Mayor Atienza na si Marlon Isidro (pro-GMA). Mahihirapan lamang at dalawang showbiz na LP-Drilon candidates; ang councilor Lou Veloso at Cita Astals.

2nd District:
Walang dudang ang incumbent Cong na si Jaime Lopez (pro-GMA-Lakas) ang llamado't malamang na mananalo. Bagamat dikit lamang siya nuong nakaraang 2004 election, susubukan muli ni Marlon Lacson na makatsamba.

3rd District:
Mahigpitan ang labanan sa tatlong magkakatunggali; ang incumbent Miles Roces (pro-GMA at LP-Atienza wing), Zenaida Amping, ang asawa ng dating Cong Amping nananalo nuong 2004 at nadisqualified at si Felgoso.

4rt District
Posibleng masilat muli ng mga Bacani (asawa ng graduated na Cong Bacani) ang posisyon.

5th District
Matindi ang labanan sa pagitan ni Lita Hizon (ang asawa ni Cong Joey Hizon, graduated at malamang tumakbo sa mayoralty position) at Mark Jimenez, ang bilyunaryong galit sa pera at dating Congressman.

6th District
Llamado ang incumbent Cong Bienvenido Avante. Magiging katapat niya ang dating Cong Sandy Ocampo at oposisyong si Ping Fernandez.

Taguig-Pateros (lone district): Wala ng talo si Lani Cayetano (GO at NP), asawa ni Cong Allan Peter Cayetano na nasa senate race.

Las Pinas (lone): Sigurado na rin si Cynthia Villar (NP), ang may bahay ni Sen Villar.

Antipolo (Rizal)
Llamado ang dalawang kandidato ng administrasyon, si Ronnie Puno (KAMPI) sa 1st District at Sumulong clan (NPC) sa 2nd District, graduate na si Victor Sumulong.

2007 electoral team
Institute for Popular Democracy
March 8, 2007

Thursday, March 08, 2007

Part I: Pro-GMA at TRAPO ang magdodomina ng Congressional race sa Kamaynilaan

(Part I)
Hindi hiwalay ang Metro Manila sa kabulukan, TRAPO, perahan-machine politics, personality oriented na labanan electoral sa buong bansa. Mukhang nahihirapan ang administrasyon na resolbahin ang gusot at swapangan sa kapangyarihan ng kapangyarihang dulot ng iba't-ibang kahariang pulitikal na nakatanim sa mga lugar sa LOCAL.


Hindi umubra ang arbitration committee ng Malakanyang at upang makaiwas na mapusoy, ididiklarang “free zones” ang mga lugar. Kung may nagaganap na girian at tunggalian ng mga pekeng partidong Lakas, Kampi at NPC sa halos kalahati ng probinsya sa bansa. Ilan sa kilala; Batangas, Pampanga, Laguna, Ifugao, Camarines Sur, Island of Mindoro, Cordillera Region, Pangasinan, La Union at iba pa, hindi ligtas at halos ganun din ang sitwasyon sa Kamaynilaan. Ang malungkot, mukhang makokopong, madodomina ni Ate Glo't administrasyon ang Metro Manila congressional election. Sa initial na pagsusuri;

Caloocan City
Posibleng apat ang maglalabanan sa mayoralty election; Incumbent Mayor Echiveri, si Cong Baby Asistion, graduated sa 2nd District, babalik ang mga dating mga Mayor na si Malonzo at ex mayor Boy Asitio. Kung may labanan ng mgRecto, may labanan din ng mga Asistio sa Caloocan.
1st District:
Bagamat nakakaungos ang TRAPO at incumbent candidate na si Oscar Malapitan (Lakas), babangga ito sa isang bagitong anak ni Mayor Recom Echiveri na si RJ Echiveri na isa ring pro-administration ticket sa 1st District. Si Oscar Malapitan na dating PMP, ang partido ni Erap ay lumundag sa Lakas ng malamang hindi na makakabawi't bagsak na ang kampo ni Erap at FPJ.

Kung magagawi kayo sa bahay ni Malapitan, araw-araw sa ginawa ng diyos, parang may nasunugan o may kalamidad sa lugar, ang haba ng pila ng mga tao na nanghihingi ng abuloy. Mula sa solicitation letter ng kung anu-ano, reseta ng gamot o health services, humihingi ng tulong, mga pautang at iba pang serbisyong ala-DSWD.

Kaya't kung bukas na ang election, walang dudang si Malapitan na ang panalo. Batay sa kasaysayan ng pulitika't election ng Caloocan , may pattern na mahihirapan maipanalo ang may dalawang entity o magkasabay na labanan sa Mayoralty at congressional district. Ito ang mapait na karanasan ni Mayor Malonzo nuong 2004 election. Kung aayusin at bubuwelo, may adjustment sa kampanya ang Echiveri, posibleng magiging mahigpitan ang labanan.
2nd District
Dahil binakte na ni Cong Boy Asistio, babalik ang talunan at dating kinatawang si Edgar Erice (LP-pakpak ni Drilon). Babanggain nito ang anak ni exMayor Boy Asistio na si Maca Asistio. Nakapaghanda't nakapag-ipon na ng malaking salapi si Erice para sa 2007 election dahil sa WETENG operation. Ang problema, siya ngayon ang puntirya ng grupong Simbahan at moralista ng Caloocan. Magiging mahigpitan ang labanan dito.

Quezon City
1st District:
Dahil sa mahina ang mga kalaban, siguradong panalo ang incumbent Congressman na si Vincent Crisologo, nag-abstain nuong impeachmwent proceeding, kaalyado ni Mayor Sonny Belmonte at isang kaibigan ng dating Presidenteng si Erap.
2nd District:
Inaasahang ididiklarang “free zone” ng administrasyon at magiging kapana-panabik ang apat (4) na maglalaban-laban. Maliban sa incumbent na si Cong Annie Susano (Lakas), kalahok ang paboritong pamankin ni Mayor SB na si KIT Belmonte, ang manok ng LP-Drilon, ang dating Abugado ng Magdalo, ang may malawak na network sa UP at Alpha Sigma Frat. Babalik ang ex Cong Chuck Mathay at ang graduating councilor, anak ng weteng lord na si Allan Francisco. Kung bibitbitin ni Mayor SB (walang kalaban) si KIT, siguradong panalo na ito at mukhang ganito ang senaryo. Lalabas na si KIT at Chuck Mathay ang mahigpit na maglalaban. Nakasakay sa makinarya ni Mayor SB si Allan Francisco at Cong Susano na napabalitang tatakbo na lamang sa pagkaVice Mayor.
3rd District:
Sigurado ng panalo ang incumbent Cong Matias Defensor, ang ama ni Mike na tumatakbo sa Senatoriable race. Hawak ng angkang Defensor ang 3rd District, unang hinawakan ito ni Mike at sinundan ng ng kanyang kapatid na babae. Si Franz Pumaren na dati ng tinalo ni Mike Defensor at ang Councilor na si Jun Banal ang nakahanay na lalahok sa labanan.
4rt District:
Walang dudang panalo na ang incumbent na si Cong Nannete Daza (Lakas), ang manok at super kaalyado ni Mayor SB. Muling pupulutin sa kangkungan si Bong Suntay at kung saka-sakali ang anak ni Cong Edcel Lagman (tatakbo sa Albay) na si Edcel Lagman jr.

Valenzuela
Sigurado na ang panalo ni Bobbit Carlos (Lakas) sa 1st District.parehong pro-Admin candidate sa 2nd District, ang dating kinatawang si Magtanggol Gunigundo at Gatchalian, ang milyhunaryong “plastic man” at ang tinalo ng nasirang Cong Serapio nuong 2004 election. Nakalalamg ng kaunti si Gunigundo.

Malabon-Navotas (Lone District)
Dahil graduate na si Cong Sandoval (spice boys ni GMA), ang kanyang kapatid na mayamang si Federico Sandoval (Lakas) ang hahalili sa kanya. Dahil mahihina ang magiging kalaban, mukhang nakalalamang at itutuloy ng Sandoval clan ang kapangyarihang pulitika sa lugar.

San Juan (Lone District): Walang mababago't ang incumbent Cong Ronaldo Zamora ang paniguradong mananalo.

Pasig (Lone District)
Magpopokus at naniniguro na si Cong Dudut Jaworski sa mayoralty position. Ang kanyang makakaharap ay ang anak ni Mayor Eusebio. Three corner fight ang Pasig, ang llamadong si Mayor Enteng Eusebio (graduated), si Roman Romulo (pro-GMA) at Noel Carino, pro-GMA at dating KNP, ang tinalo ni Dudot nuong 2004 election. Dahil sa malalim ang Political clan ng Eusebio sa Pasig, pusibleng manalo ang matandang Eusebio.

Paranaque
1st District: Walang mababago sa dalawang distrito. Sigurado na ang incumbent Cong Eduardo Zialcita (Lakas- pro-admin). Ang kanyang katunggali ay isa ring pro-admin na si Jun Banaag. Walang dudang mananalo ang incumbent Cong Roilo Golez (GO) sa 2nd District maski pa't bumalik sa pulitika ang dating senador na si Freddie Webb (pro-GMA).

Makati
Halos walang kalaban sa 1st District ang incumbent Cong Teddy Locsin jr. Kaalyado siya ni Mayor Binay at isa sa mga speech writers ni Ate Glo. Mahigpitan ang labanan sa 2nd District. Ang anak ni Binay na si Abegail Binay at Erwin Genuino, ang nagtatapon ng pera at anak ng PAGCOR chair na si G. Genuino. Inaasahang babaha ng pera't iba't-ibang campaign gimmick sa Makati.

Marikina (lone district): Sigurado na ang incumbent Cong Del de Guzman (pro-GMA). Deputy floor leader sa Congress at isang mahigpit na kaalyado ni Bayani Fernando.

Mandaluyong (lone district): Nagpapalitan lang ng pwesto ang magka-alyadong si Ben Hur Abalos at Neptali Gonzales jr. Parehong astig at anak ng makapangyrihang pulitiko.

Muntinglupa (lone): Apat na serious candidates ang mahigpit na maglalabanan; Ang incumbent na si Ruffy Biazon (GO), Ignacio Bunye (pro-GMA), Fresnedi (pro-GMA) at Dong Puno (Abs-Cbn exec, kapatid ng DILG Sec Puno at dating Press Sec nuong panahon ni Erap). Kung magtutuloy ang 3 pro-GMA contenders, mabibiyak ang boto ng administrasyon at masosolo naman ni Cong. Biazon.


2007 electoral team
Institute for Popular Democracy
March 8, 2007

Sunday, March 04, 2007

PADRINO (Chinoy-Taipan), pangunahing gumagastos sa May election

Tinatantyang may mahigit kumulang na P200.0 milyon/each ang inaasahan campaign budget (90 days) ng mga senatoriable candidates na nakapakat sa administrasyon-Unity Ticket. Walang dudang may ganito rin ilang kandidato ng Genuine Opposition (GO). Ayon kay Pichay, "dahil sa archipelagic condition ng bansa, 70% ng kabuuang budget nito ay kanyang ilalaan sa political Ads. " Kaya naman valedictorian sa gastusan ng lahat sa senatoriable candidates si Pichay, P35.0 milyon sa unang dalawang linggo (first wave) ng kampanyahan. Katumbas na ito ng mahigit 10,000 scholarship, deserving at matatalinong mga bata, sa kolehiyo! May P250.0 milyon na sa kabuuan ang nawawaldas ng mga kasama ni Pichay sa kampanya, sumunod si Villar at pumangatlo si Recto at may natitira pang walong (8) Linggo sa electoral campaign.

Ang tanong, magkano ang ibinigay na contribution ng mga Padrino (campaign donors), ng Partido (Malakanyang) at ng sariling bulsa? (estimate: padrino-80%, partido- 18%, sariling bulsa- 2% respectively)

Ayon kay Mike Defensor, "hindi makatarungan ang 120 minutes Pol Ad limitation sa kabuuan o sa panlahatan TV-Radio ayon sa isinasaad ng "Fair election Act." "Dapat sa iisang network lamang ito ipatupad, paano ang maliliit na Istasyon?" Ayon sa kanya, "nakokopong lamang ng malalaki at dambuhalang Media network (GMA 7 at ABS-CBN) ang nasabing Pol Ad ng mga senatoriable candidates na may kakayahang (may mga donors at supporters) gumastos. Ibig sabihin, kung papayag ang Comelec, handang gumastos at may kakayahan pang magwaldas ng mahigit anim na raang milyong piso (P600.0 milyon/each) sa Pol Ad si Ninyo Mike at iba pang mga nasa tiket ng administrasyon at oposisyon. Sa totoo lang, hindi nila pinoproblema ang gastusin sa Pol Ad, sapagkat ito'y inaako't sinsagot ng mga PADRINONG Chinoy-Taipan at ilang mga supporters na campaign DONOR.

Tulad ng inaasahan, kalat na ang balita na mga Chinoy- TAIPAN ang pangunahing mga PATRON na gumagastos sa May election. Umuugong ang balitang nagbigay na ng P300-450.0 milyon ang tatlong Taipan; si Lucio Tan ng PAL, Gokonwei ng Cebu Pacific at Gaisano (Gaisano Mall) kay Cong Pichay na walang dudang hindi makalulusot sa 'magic 12'. Lumalabas na P100-150.0 milyon ang bawat isa sa kanila, hindi pa kasali rito ang pangongotong nito sa AFP at ang text book controvercy. Wala pang konpirmasyon kung magkano ang ibinigay ni Henry Sy ng SM at si Boss Danding ng SMC.

Sigurista ang mga Padrino, tumataya ito sa magkabilang bakod, meaning kung nagbigay ito kay Pichay, walang dahilan upang hindi pagbigyan ang limang (5) senatoriable candidates na may winning chance sa Unity Ticket. Wala ring dahilan upang hindi ito mag-abot sa 10 oppositon (GO) na nasa magic 12 (may winning chance). Kung titilad-tilarin, sa 16 senatoriable candidates na binigyan ni Lucio Tan, imultiply natin 16 x P100.0 million/each, ang suma total, P1.6 bilyon sa kabuuan, hindi pa kasali rito ang apat na Taipans.

Sa mga padrinong Chinoy-Taipan pa lang ang ating pinag-uusapan. Magkano naman ang parte ng padrinong mga GAMBLING-weteng Lords, ng Drug Lords at Prosti Lords? Tinatantyang may tatlo hanggang Limang bilyong piso (P3-6.0 billion) ang kayang idonate nito. Walang dudang tutumbasan nito ang halagang hinahatag ng mga Taipans.

Kung sa Local Political race; kadalasa'y mga SUPPLIERs at Kontratista ang mga CAMPAIGN DONOR sa congressional, governatorial at city mayoralty position. Malaki rin ang papel ng Weteng at Drug Lord bilang mga PADRINO sa LOCAL POLITICS. Normally, pumapalo ito ng P20-50.0 milyon kada mga DONORs kada kandidato na my winning chance at habang maliit ng kaunti (P5-10.0 milyon) sa alanganin o sa talunang kandidato. Kung may 2 seryosong naglalaban at ang iba'y saling-pusa, lahat sila aabutan at bibigyan.

Kung ang mg Padrino ang sumasagot sa budget ng isang kandidato, baligtad naman ang kaso ng Iglesia. Nasa ktegoryang SWING VOTE, meaning may solitidong ilang milyong "command votes" ang Iglesia ni Kristo (INK). Kung ang mga business interest at mga Lords ang nagbibigay, sila naman ang tumatabo, tumataggap at nakikinabang sa tuwing may election, kapalit ng pag-endorso. Kaya lang, sinisigurado nito na winnable ang isang kandidato at ang isang paraan upang makatiyak, tulad ng SWS at Pulse, nag-eelectoral susurvey rin ito.

Ano ang inaasahang kapalit ng mga PADRINONG tumataya bilang mga campaign donors? “Wag nitong lokohin ang taumbayan na isang pagkukusang loob (“good samritan”) ang bilyung-bilyong pisong inihahatag nito sa mga kandidato. Ang nakakatakot dito, sa bawat pisong donasyon mula sa Padrino, walang kaduda-dudang limang (P5.0) piso ang ganasya't kapalit nito sa anyo ng PAVOR, CONCESSIONs at Kontrata o sa madaling sabi, ang walang katapusang PANGUNGURAKOT.

Ano ang epekto ng PATRONAGE POLITICS (ang utang na loob-grattitude), mababang koleksyon ng buwis (lalaganap ang tax evation), tataas ang singil ng serbisyo publiko, kuryente, tubig, matumal at mababang kalidad na INFRA projects, walang maipatayo o kung mayroon man kulang at mababang kalidad na mga gusaling Hospital, kulang at walang gamot at duktor, paaralan na walang mga guro, aklat, mabahong toilet at kulang na facilities, mga pulpol na kagamitan ng AFP, bumabagsak na helicopters, mahinang serbisyo sa mga magbubukid sa kanayunan at marami pang ibang karumal-dumal na katiwalian sa country.

Mahalagang matalaky at maipasa sa 14th Congress ang inaamag na BILL na nakapatungkol sa "Campaign Finance, strengthening of political party " sa ilalim na isinusulong na political at electoral reform, sapagkat ang taumbayan ang kawawa, bilyun-bilyong piso ang naitatapon na salapi sa walang kapararakang adhikain, mga pekeng kinatawan-pulitiko, elitista, mayayaman lamang ang nananalo at nahihikayat sumali sa buluk at undemocratic na election.

Kung hindi masasawata ang ganito karumi, kaburikak na klaseng laro ng PATRONAGE POLITICS na taglay-taglay ng buluk (unreformed) na sistema ng pulitika at election, wala ng nga tayong pag-asang umunlad pa.


Doy Cinco / IPD
March 4, 2007