Tuesday, April 21, 2009

Ang Trahedya ng PARTY-LIST SYSTEM

Doy Cinco / ika 20 ng Abril, 2009

May mga natuwa, marami ang nangamba at mayroong nagdududa sa kautusan kahapon ng Korte Suprema na kompletuhin ang 20% ng kabuuang bilang ng Party-List sa Kongreso. Ito’y matapos ideklarang iligal at mali ang naunang desisyon patungkol sa distribusyon ng mga kinatawan sa party-list.

Mula sa 238, tinatayang may 32 mga kongresista ang maidadagdag mula sa dating 23. Mapupunan na ng maximum na 55 na bilang ng mambabatas mula sa party-list at aabot na sa mahigit 270 ang magiging kabuuang bilang sa Kamara de Representante. Sa halagang P350,000 kada buwan na gugugulin ng bawat isa sa kanila, ang Priority Development Assistance Fund o ang pork barrel at mga gastusin kakaharapin sa kani-kanilang tanggapan, inaasahang lolobo ang budget at tinatantyang may bilyong piso ang mawawaldas sa kabang yaman ng bayan.

Nangangamba rin ang marami sa tayming ng desisyon kung saan umiinit ang talakayan, maniubrahan at banta ng pagpapanumbalik ng Cha Cha, con-as, GMA forever Constitution. Sapagkat, lingid sa kaalaman ng lahat, kalakhang ng mabibiyayaan sa kautusan ng Korte Suprema ay pawang mga alanganin at malalapit sa Malakanyang. Ang ilan sa papasok ay ang retired General Jovito Palparan, ang Bayan Muna at Buhay na may tig-tatatlo, habang tigda-dalawa naman ang Citizens Battle Against Corruption (Cibac), Gabriela, Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC), A-Teacher, Akbayan, Alagad, Coop-Natco, Butil, Batas, ARC, Anakpawis, Abono, Amin, Agap, at An Waray.

Kung babalikan ang batas sa party-list, sinasabing “ito na raw ang hinihintay na reporma sa pulitika, madedemokratisa, mae-empower ang mamamayan partikular ang mga marginalized at underrepresented na sektor na magpartisipa sa mga desisyon, pag-ugit ng batas, patakaran at kahihinatnan ng sambayanang Pilipino.”

Ang malaking tanong, sa 10 taong pananalagi ng sistemang party-list, nademokratisa ba ang pulitika ng bansa at totoo bang nabura ang marginalization at underrepresentation ng pulitika? Narandaman ba nating humina ang pampulitikang dinastiya at angkan (political clan) sa buong kapuluan at naparalisa ba ang kani-kanilang mga kaharian sa probinsya, sa rehiyon, sa mga munisipalidad hanggang sa barangay ng dahil sa party-list (PL) ? Nagkaroon ba ng boses at partisipasyon ang mamamayan ? Humina ba ang traditional politicians (trapo), ang pampulitikang makinarya at na-weakened ba ang KAMPI, LAKAS-CMD, NPC at 2 iba pang malalaking pampuitikang partido sa bansa? Nabawasan ba ang guns gold at goons (3Gs), ang Kasal Binyag Libing (KBL), ang electoral violence at ang dayaan sa halalan dahil sa Party-List?

Sa maliit na bilang na 23 at kung saka-sakali ay 55, wala pa sa kalahati rito ay progresibo, nananawagan ng reporma’t pagbabago. Anong ibubuga nito sa kulang-kulang na 200 bilang ng TRAPO sa tongreso? Ang malungkot, kalakhan pa ng mga party-list ay mga pakawala at front ng mga ahensya ng gubyerno. Marami sa kanila ay nahawa na rin sa tradisyunal na pulitiko (trapo) kung mangurakot. Sa kalagayang weak ang Comelec, tuwing eleksyon, sadyang pinupuno ng mga traditional na pulitiko ang bilang ng bagong party-list na lumalahok sa eleksyon upang ma-margenalized ang mga progresibong party-list na makakuha ng sapat na porsiento upang maka-upo sa Kongreso. Dahil sa kalagayang minorya, ang tanong, may pagkakataong bang nangibabaw o nakaungos ang mga party-list sa pakikipagbali-taktakan sa TRAPO, sa Lakas, NPC at Kampi sa Kongreso? Masakit man tanggapin na nagmistulang mga display lamang, isang palamuti na pakunwaring may pagkilala ang estado sa mga maliliit, api at mahihirap na grupong kabilang sa party-list.

Ang trahedya, parang nalansi ang kilusan ng mamamayan sa akalang may repormang dala-dala ng party-list. Ang katotohanan, dahil sa party-list, nalulong ang kilusan at mga party-list nito na mag-advocate ng pagbabago sa national issue, magsagawa ng walang sawang rally at demonstrasyon at talikdan ang napakahalagang papel na mag-engaged sa LOCAL POLITICS, sumawsaw sa kilusang pulitika at kilusang demokratiko, lumahok at magpanalo sa halalan sa lokal.

Nagmumula ang lakas ng kapangyarihan ng trapo sa mahigpit na ugnayan at relasyon nito sa LOKAL na PULITIKA sa buong kapuluan. Sing-tibay ng epoxy ang koneksyon at makinarya nito sa probinsya, sa rehiyon at munisipalidad hanggang barangay. Isang matibay na pader na nakaugat ng ilang henerasyon ang paghahari at dominasyon ng dinastiyang pulitika’t angkan (political clan) sa lokal na pulitika sa buong bansa.

Ang trahedya, hindi ito prinayoridad, pinagtuunan ng pansin at prinoyekto ng progresibong kilusan, kasama ng kani-kanilang party-list, na tapatan, head-to-head na i-engage ang traditional politicians (trapo) sa lokal. Dahil sa default ng kilusan at party-list na hawak nito, nagawang ma-SOLO at mamanipula ng traditional na pulitiko ang pulitika sa lokal. Mukhang hindi na makasasapat ang labanang pulitika sa antas pambansa, mahalaga ang pagpapalapad at pag-iipon ng lakas, mahalaga na sa ngayon ang labanan sa LOKAL na PULITIKA.

Kung walang matibay na grass root political BASE ang mga trapo, ang elite, tiyak, parang kastilyong buhanging guguho ang kahariang ng elitistang pulitika sa bansa.

Tuesday, April 14, 2009

Somalia, Failed State, nuclear waste at piracy

Doy Cinco / April 14, 2009

May ilang libo ng mga kababayan nating mga seaman ang malamang nabiktima na ng pamimirata o krimen pandagat sa Gulf of Aden malapit sa baybayin ng Somalia. (Larawan: Toxic waste behind Somali piracyaxisoflogic.com)

Tulad ng Pilipinas, ang Somalia ay dumaranas ng matinding karalitaan, matinding gutom, digmaan at malalang kriminalidad. Simula pa noong 1991, matapos pabagsakin ng mga warlords o mga siga-sigang malalaking politikong angkan ang diktador na si Mohamed Siad Barre, wala ng tumatayo’t gumaganang gubyerno sa Somalia. Kaya lang, kung ang Pilipinas ay nasa weak state, ang Somalia ay nasa kategorya na ng failed state, kung baga nakaungos lang ng ilang taon ang Somalia sa Pilipinas.

May dalawang taon na ang nakalipas, sa gitna ng matinding kahirapan, may kulang-kulang na sampung libong (10,000) sibilyan ang namatay sa gera ng magka-alyadong pwersang Somali at Ethiopian at mga rebeldeng Islamista. Dahil sa civil war, may mahigit isang milyon ang nabulabog na mamamayan at nagsilikas.

Dahil sa paglala ng sitwasyong panseguridad, ultimo ang mga tulong at ayudang pagkain mula sa United Nation ay hirap makarating at nababalahuba. Ayon sa think tank na International Crisis Group (ICG), nasaksihan na raw ng mundo ngayon ang “gradual takeover sa isang estado ng mga kriminal gang" sa Somalia.

Kaya lang, ayon sa ilang sources, sabihin man nating walang gubyernong umaandar sa Somalia, maaaring may katwiran ang mga mamamayan (Somali) nito kung bakit kinakalaboso o ini-infound nito ang mga barkong iligal na naglalaglag ng toxic materials sa kanilang baybayin. Ayon sa UN envoy na nakatalaga sa Somalia at kinumpirma ng Al Jazeera, ginagawang PAYATAS dumping site o tapunan ng basura at nuclear waste ng mga malalaking kumpanya mula sa mayayamang bansa sa Europa at Asia ang baybayin ng Somalia.

Kung baga, “gutom at mahirap ka na nga, unti-unti ka pang nilalason at niyuyurakan.” Kaya ganun na lang katindi ang reaksyon ng mga grupong Somali sa "pamimiratang" isinasagawa at magdemand ng ransom bilang pantubos sa damyos na inilikha sa baybayin dagat ng mauunlad na bansa sa Somalia. Sa kanila, ang kabayaran ay kung tutusin ay barya lamang o balewala lamang kung ikukumpara sa mahigit dalawang dekadang tuloy-tuloy na pagkalason ng kanilang karagatan o environmetal destruction na tinamasa ng mamamayang Somalia sa kamay ng walang puso, ganid, dorobong mga malalaking kumpanya ng mundo.

Sinamantala ng mga malalaking kumpanyang ito ang pagiging failed state ng Somalia, ang kawalan ng gubyernong umiiral resulta ng dalawang dekadang digmaang sibil na kung tutuusin ay sanhi rin ng panggagatong ng mayayamang bansa sa Europa at Amerika. Sa pamamagitan ng mga sindikatong MAFIA, nagawang mai-facilitate nito sa mga warlords ng Somalia ang deal sa pagtatapon ng toxic at nuclear waste ng malalaking kumpanya ng mundo. (Larawan: ...dumping waste in Somali waters.dittologica.net)

Nakamenos ng gastusin sa waste disposal system ang malaking kumpanya. Sa mahigit $1,000.00 kada toneladang toxic waste disposal material, mga $2.50 / tonelada na lamang ang naging bayarin ng mga kumpanya kung ito'y itatapon na lamng sa baybayin dagat ng Somalia.

Ang malungkot, inililihim at kasabwat pa ang ilang malalaki at kilalang broadcast at print media ng mundo (CNN, BBC at iba pa) sa katotohanan at pinalalabas na isang anyo ng pamimirata ang hakbanging ginagawa ng ilang grupong armadong Somali sa karagataan ng Aden.

Hilong talilong ang mga lokal na awtoridad kung paano mareresola ang krisis ng piracy lalo na’t wala itong kakayahan na suportahan at protektahan ang mga Pilipinong marino. Hindi rin naman uubra kung magpapatutupad ng “deployment ban ng mga seaman na dadaan sa pirate-prone areas o magpanukalang ibagbawal na ang pagbagtas sa baybayin ng mga Plipino seaman. Sabi nga ni Chip ng Hongkong, isa lamang tayong ALILA ng mundo.” At kung ika’y alila, walang magagawa ang isang alilang bansa na protektahan ang kanyang mga anak na namamasukang katulong ng mundo.”

May mahigit $2.2. bilyon ang ipinadala ng Pilipinong marino noong 2007 at ayon sa Pangulong Arroyo, ang marino raw ang pinakalaking sektor ng kabuuang OFW ang siyang may pinakamalaking nag-aambag ng ekonomiya ng Pilipinas.

Kahalintulad sa kautusang ipinagbawal ang deployment sa Iraq, Nigeria at Lebanon kung saan ni isa mang PIlipno ang hindi tumupad sa nasabing panawagan. Sapagkat isang major arteries sa mundo ang karagatang sa pagitan ng Yemen at Somalia kung saan mahigit 20,000 mga barko ang dumadaan kada taon. Ang hindi alam ng DFA, mahigit 30% ng mga marino sa mundo o 350,000 (1 : 3, isa sa tatlong marino ng mundo) ay mga Pilipino. Kung sinasabing “super maid tayo ng mundo, ganun din sa pagiging marino, tayo na ngayon ang marino’t pahinante ng mga barko ng mundo.”

Nasaan ang mga bayani sa kalikasan ng mundo, ang GREENPEACE at WWF?


Friday, April 10, 2009

Defend free speech — oppose net censorship plan

Cass Ilia /

http://www.greenleft.org.au/2009/790/40670
4 April 2009

“I’m a huge supporter of the civil society and the internet is the Wild West at the moment”, federal communications minister Stephen Conroy told SBS’s Insight on March 31. Conroy and the Labor Party remain determined to fence the internet in, joining a short list of countries that attempt to censor it.

Conroy has come under intense fire for the plan, which was a little-publicised, little-clarified part of the ALP’s federal election platform in 2007. The party has promised to clean up the net, filtering out images of child abuse and other illegal material through software mandated on internet service providers (ISPs). So far the plan has been condemned by civil libertarians, and just about everyone who works with the internet, as unworkable and infringing on civil liberties.

The uproar has already had some effect. On Insight, Conroy retreated on some of the worst, and more insane, aspects of the plan. He said the government will supplement the mandatory filter with an optional filter for parents, “if we can make the tech work”.

Rather than attempting to censor all offending material, the mandatory filter will block a blacklist of sites. The blacklist will be “mostly” material that has been rated RC (refused classification), and will be compiled on the basis of complaints from the public.

A secret blacklist

It is still unclear what the government considers it has the right to block. The guidelines for what is refused classification varies by material type.

Films are to be refused classification if they deal “with matters of sex, drug misuse or addiction, crime, cruelty, violence or revolting or abhorrent phenomena in such a way that they offend against the standards of morality, decency and propriety generally accepted by reasonable adults”, according to the National Classification Code, or if they “promote, incite or instruct in matters of crime or violence”. Conroy implied that suicide instructions might be blocked.

The government already has a blacklist of sites, maintained by the Australian Communications and Media Authority (ACMA), and provided to the makers of commercial PC-based filtering software such as Net Nanny. As well as RC material, X-rated sites and sites that have R-rated content with no warning are eligible for inclusion.

The leak of the ACMA blacklist on the WikiLeaks site in mid-March, however, revealed that sites meeting none of these criteria had been listed, including sites promoting euthanasia, a dentist and a pet-care specialist.

Like the ACMA list, any new list created for the mandatory filter will be secret. Website owners will not be informed that they are being blocked. This government, and any future government, will be able to add sites without public scrutiny, and there is no appeal process. It will set up the infrastructure to enable widespread blocking of the internet.

A technical nightmare

The most likely reason for the government’s retreat to a blacklist is the technical nightmare associated with analysis-based filters. Every time someone clicks a web link, a request is sent from their computer to their ISP, and from there eventually to where the website is stored.

With a filter, every time the ISP receives a request for a link, it will have to check it against a filter. A blacklist of a few thousand will be easier, and hence faster, to check than an analysis-based filter that has to interrogate each site users visit.

Analysis-based filters also trade accuracy for speed. Less accurate filters either don’t block much at all or block an enormous number of innocuous sites. The optional parental filter is quite likely never to make it out of a trial, given the testing results so far. However, even a blacklist filter is likely to have a noticeable slowing effect on internet services, a prospect that has the nation’s IT geeks frothing at the mouth.

The geeks understand how useless the filter is. Any use of a virtual private network will circumvent it. Many Australians use VPNs already, either to access firewalled intranets from home, or to view material not otherwise available, such as US TV shows.

While Conroy bleats about needing to trust the technology will get better, the geeks know the real truth: that while Big Brother’s technology does get better, the hackers get better faster, and he’ll never catch up.

The government remains committed to trialling both the optional and the mandatory filter in several rounds. However, so far no major ISP is involved in the first phase of the trials.

While the government has claimed they may be in subsequent rounds, ISPs have claimed that the trial will not give accurate results, given that, among other things, it will only be carried out by customers who agree to participate, and will only be applied to very fast connections. IiNet, one of the most prominent ISPs opposing the trial, offered to carry it out on a blind participation basis, but this was rejected, and iiNet subsequently withdrew from the trial.

If the government moves to implement the filter, the Coalition claims it will need legislation. With the Greens, the Coalition and Senator Nick Xenophon opposed, it will be unlikely to pass the Senate.

Protecting children

The amount of time children and teenagers spend on the internet daily has skyrocketed in recent years. The promise of a “safe” internet, no matter how unrealistic, is attractive to many.

It is important to get the problem into perspective. Undoubtedly, there is a wealth of frightening material on the internet: images of child sexual abuse; fake and real snuff films; footage of attacks on the young and the vulnerable.

However, while this material is not hard to find when you go looking, it is not easy to stumble upon either. There is no evidence that children are accessing this material in greater numbers than a few years ago.

The most effective strategy to stop this material is to stop the crimes in the first place. Adequate resourcing and international collaboration aimed at shutting down child abusers and murderers would do far more to protect children than censorship will.

Most offensive material is not transmitted via web pages at all. More than half of internet traffic is via peer-to-peer networks, which the filter won’t touch. Email, file-sharing sites and chat software won’t even be on the filter’s radar. Yet it is these technologies young people use the most: talking to friends; sharing videos; playing games.

A study by the Internet Safety Technical Taskforce released on December 31 indicated that the problems that teens face online are the same as those offline: particularly bullying.

Like the real world, the internet world is a complex place. It has sexism and racism, violence and abuse, bullying and anger, as well of solidarity and equality, friendship and love, support and understanding. It is no easier to make it safe than it is to make the world safe.

But bridges, not fences, are the places to start.