Doy Cinco / ika 29 ng Mayo 2009
Bukud sa pagpapakita ng lakas, layon ni Ate Glo na pagkaisahin ang nagkakawatak-watak, nagkakagulo at maminimized ang patayan (election violence) na karaniwang nagaganap sa local election sa pagitan ng partidong kaanib ng Lakas-Kampi at CMD. Bukud sa paghahabol ng panahon, ang sinasabing sanib pwersa ng Lakas at Kampi ay pagpapakitang tuloy na nga daw ang 2010 election.
Pinagmalaki ni GMA na ang pag-usbong at pag-aasawa raw ng Lakas-Kampi-CMD ay mabuting indikasyon at sandata upang tiyaking magpapatuloy at magiging matagumpay ang kasalukuyang administrasyong Arroyo sa hinaharap. Humirit pa si GMA na “isang solido, palaban at may isang kumpas ang dalawang (2) partido na makakapili ito ng isang matatag, mahusay at qualified na lider ng bansa sa nalalapit na 2010 election."
(Lumang larawan: President Gloria Macapagal-Arroyo shares a light moment with Lakas Party president and House Speaker Prospero Nograles before the start of the Lakas expanded executive committee meeting Thursday (Jan. 29) at the Mimosa Leisure Estate, Clark Freeport Zone in Pampanga. (OPS-NIB Photo; www.sunstar.com.ph/
Sa mga kritiko ng palasyo, "walang laman o ampaw ang pinagyayabang party transformation ng Malakanyang, sapagkat likas na hunyango, oportunista at dorobo ang kalakhang bumubuo ng Lakas at Kampi." Ayon sa dating presidenteng si FVR, ang merger ng ruling parties na Lakas-Kampi ay kinamada sa paraang “undue haste” and “by dictation, not by consultation.” Dagdag pa, “I don’t know why it’s the tendency or culture of administration bigwigs to put up things in a hurry … Puro (All) instant ang nangyayari (is what happens), puro madalian (all in haste).” At ayon sa chair emeritus ng old Lakas, partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ang binubuo ng administrasyong Arroyo at tulad ni Marcos, sasabog, magkakawatak-watak at maililibing din sa kasaysayan.
Saan ka nakakita ng organisasyong kung saan ang mga outsider, hindi miembro o hindi card bearing members ng partido ay siyang mamanukin at maghahari sa partido at manonomina sa pagka-presidente at Bise presidente (Noli at Gibo)? Bangkang papel ang Lakas-Kampi-CMD. Isa itong partidong nabubuhay lamang sa panahon ng eleksyon, walang malinaw na plataporma’t ideolohiya at hindi kakikitaang buo at may prinsipyong suinusunod na pang-organisayon at pulitika. Ang litaw at sigurado ay ang pag-aabang at pag-aagawan sa butong (pondong) ihahatag ng panginoong nakaluklok sa Malakanyang. (Larawan: DND Sec Gilbert Teodoro, :www.daylife.com/
Mas malapit sa katotohanang "magkanya-kanyang bitbit sa presidentiable at senatoriable candidates ang mga galamay ng administrasyon, meaning, gera sa ilalim (local election) at political survival sa taas." Dagdag pa, kung patuloy na bibitinin ni Ate Glo ang pondong pangkampanya at proyekto, hindi tayo magtataka na ang malaking bilang ng mga lokal na kandidato na kaanib sa Lakas-Kampi ay naghihintay na lang ng tiempo na mag-alsa balutan at maglundagan na sa kabilang bakod (NP, LP at NPC). (Larawan:Will GMA choose Noli or Teodoro? Journal Online )
Sa haba ng karanasan at kasaysayan ng pulitika sa bansa, suntuk sa buwang magsasanib ang mababangis na leon, buwitre at buwaya (Lakas-Kampi at CMD) sa kagubatan ng Africa kung saan ang rules of the games ay ang “matira ang matibay.” Parang sinasabi ni Ate Glo na ang lipunang politikal (political society) na kinabibilangan nito ay magsasareporma at umaasang magkakaroon ng political transformation. Meaning, parang sinasabi na ang mga "leon, buwaya’t buwitre ay hindi na manlalapa, hindi na mambibiktina at sila’y magbabagong anyo, mula sa pagiging carnivorous tungo sa pagiging vegetarian, kakain na ng gulay at magsasa-anyong mga tupa at rabbit." Magkakabalahibo at iisang pisa ang pinanggalingan ng traditional politicians (trapos) na kinakatawan ng Lakas-Kampi at CMD at iba pang mga partido pulitikal sa Pilipinas.
Ipinapakita lamang na “walang buhay at hindi gumagana ang mga partido sa Pilipinas.” Pinatutunayan lamang na “peke at mahina ang mga POLITICAL PARTY sa Pilipinas.” Kung sino ang makapangyarihan, maimpluwensya, kung sino ang sikat, ang may pera't may pondo at kung sino ang paksyong may malalaking pamilya’t political clan, siya ang nagde-decide, ang tumitimon at siya ang nasusunod, siya ang PADRINO at siya ang dinoDIYOS.
Weak ang democratic institution ipinapakita ng sistema ng partido pulitikal at eleksyon na Pilipnas." Ito ang mga dahilan kung bakit tayo atrasado, lulugulugong ESTADO at napag-iiwanan in terms of political maturity, economic development, prosperity at pagkakawatak-watak ng lipunang Pilipino. Ang tanong ng marami, paano palalakasin ang partido at pahihinain ang personality oriented, TRAPO, patronage oriented at buluk na political party system sa bansa?"