Monday, July 27, 2009

SONA ni GMA, “paghahamon ng gulo at away"


- Doy Cinc
o

Inaakala ng marami na ang usapin ng term extension at pagpapalit ng sistema ng paggugubyerno (Cha cha at Con – As) ang siyang magiging pampinale't buod ng state of the nation address (SONA) ni GMA na siya namang inaasahang magpapakalma sa umiinit sa kalagayang pulitikal ng bansa. Inaantabayanan ng marami ang categorically statement mula sa bibig at hayagang sasabihing “wala akong planong magtagal sa kapangyarihan, walang katotohanan ang Martial Law, haka-haka lamang ang No-El at Transition Revolutionary Government.” Ang maiinit na isyung nabanggit at pagiging matapat ang itinuturing na makasaysayan at bukud tanging legacy at kabayanihang ireregalo ni GMA sa sambayanang Pilipino. (Larawan sa baba: PGMA sa "huling SONA", 1.bp.blogspot.com/.../s640/GMA+SONA+2008.jpg)

Sa kanyang SONA kanina, bukud sa pagmamayabang ng kanya raw economic achievements, parang pangutyang naghamon ito ng basagan ng mukha at parang sinasabing, “away kung away, laban kung laban, gulo kung gulo at nakahanda ako.” Mukhang isang gera patani, rambulan at political battle ng mga elite ang ating aasahan sa darating na mga linggo at buwan.

Nakapatungkol sa mga kaaway sa pulitika ang kanyang banat, pangunahin kay Sen Mar Roxas, ang masugit na kritiko ng administrasyong Arroyo, ang dating Pres. Estrada at kay FVR-JdV tandem. Ang dating nakagisnang kalaban ng estado na nagsusulong ng insureksyon at rebelyon, ang CPP-NPA, MILF, ASG at mga kriminal na Drug Lords, Weteng Lord at KURAKOT ng bayan ay mukhang nakahinga ng malalim at hindi pinuntirya.

Normally, ang isang presidenteng malapit ng matapos ang panunungkulan at kapangyarihan ay pakikipagbati, pagpapakumbaba at paghingi ng tawad ang karaniwang linya at kung ganito sana ang nagyaring pamumustura't pahayag kanina, tiyakang makakakabig ng simpatya sa hanay ng middle class at masang Pilipino. Pero baligtad si GMA, hindi na nga nilinaw ang plano’t balak nito sa 2010, nakalutang sa ere at walang malinaw na posisyon sa kahihinatnan ng Cha Cha / Con-As at term extension, taray, pagmamalaki, paghahamon, pagmamayabang at personal na kinastigo’t inupakan ang mga kritiko ng palasyo. Ika nga, "pikon talo," sa kasabihan ng mga Pilipino. (Larawan: Sen Mar Roxas, proponent of cheap Med ...frjessie.files.wordpress...)

Nakakalungkot isipin na mukhang wala na tayong maasahang katahimikan o political stability sa darating na mga panahon. Sa malulutong at matapang na pinahayag ni GMA sa SONA, parang kulang na lang sabihin na ang mga kritiko’t kaaway sa pulitika ang siyang may kasalanan at ugat ng kahirapan ng lahat, ang “demonyo, kupal ng bayan at dapat ng mamatay sa mundong ibabaw.”

Aasahang magpapatuloy ang political uncertainty, magiging tensyunado at mukhang nalalapit na ang pampulitikang sagupaan, sa pagitan ng naghahangad ng pagbabago at sa kabilang banda, ang lameduck na pangulong kapit tuko sa kapangyarihan.

Hindi mahirap paniwalaang na ang unang magpapaputuk, magdedestabilized, magsasagawa ng terorismo at asassinasyon ay malamang manggaling sa panig ng nakalukluk at makapangyarihan. Si GMA na sinasabing isang unpopular na pangulo sa kasaysayan ng pulitika ay pinaghihinalaang may hangaring magtagal sa poder sa ano mang kaparaanan, sa ‘di marangal at sa immoral na pamamaraan, labag man ito sa batas, labag sa diyos at labag sa Konstitusyon.


Tuesday, July 21, 2009

"Farewell sa huling" SONA

- Doy Cinco

Kung magkakatotoo ang hinala ng marami, isa sa mainit na papalakpakan ng mga palaka (partidong Lakas-Kampi) at alipores ni GMA sa State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ay ang ngiting asong "ipangangalandakan nitong matutuloy ang 2010 election. Ibibida rin ang automated election na kapani-paniwala raw, credible at malinis."

Aasahang total denial at ipagmamayabang nito na "wala ng Con-As, walang emergency rule, walang martial law,  hindi totoo ang transition government,  haka-haka lamang ang NO-EL senaryo at higit sa lahat, anunsyong lilisanin niya ang kanyang poder sa Hunyo, 2010, ayon sa itinatadhana ng batas."

Lakas loob din na ipapahayag ni GMA na magiging matatag, kaalyado at kabalahibo nito ang mananaig sa 2010 presidentiable election. Sa katunayan, ipinoporma na ng PALAKA si Vice President Noli de Castro, ang pinakamalapit at kaututang dila ng pamilyang Arroyo at isa sa mga llamado sa mga lumalabas sa survey. Aasahang papakalmahin ang buong barkada’t organisasyon na magpapatuloy ang programang sinimulan nito may siyam na taon na ang nakalipas, walang mababago, status quo kung baga, walang patakarang maaring maisagawa laban sa pamilyang Arroyo at tuloy ang maliligayang araw ng Malakanyang at mga alipores nito sa Kongreso.

Karugtong na ipagwawagwagan ni GMA ang panawagang “all out war” o pagwawasiwas ng kamay na bakal sa mga kaaway ng estado. Tulad ng mga naunang SONA, paulit-ulit na mangangakong dudurugin nito ang terorismo, ang Abu Sayyaf Group, Jemaah Islamiya, CPP-NPA, ang drug lord-narco politics, mga kaaway ng estado’t gubyerno.

At dahil naka-adres kay Uncle Sam, kay President Obama, sa mga mamumuhunan at sa mga dayuhan ang SONA ni GMA, sisiguruhin nitong mapoproteksyunan, mapapalakas at maisusustina ang katatagan at istableng pampulitikang kalagayan ng bansa. Sisiguraduhin nitong magpapatuloy ang kanyang legacy na mapabilang ang Pilipinas sa "second world at  strong republic" at sisimulan ang mga naudlot na reporma sa pulitika at eleksyon. Ibibidang tatalunin nito ang mga kaaway sa pulitika bago ang 2010 presidential election.

Kasunod na ipagmamayabang ni GMA ang mga achievement sa inprastruktura at ekonomiya na para sa kanya, hindi raw umapekto sa Pilipinas ang resesyong tumama sa mundo bagkus tumaas pa raw ang gross national product (GNP growth rate) ng bansa. Malamang sabihin din nito na naging matatag ang demokrasya sa ilalim ng kanyang panunungkulan, tumalima at rumespeto sa karapatang pangtao at pagsawata ng katiwalian sa gubyerno.

Kaya lang, para sa marami, ano man ang matatamis na laman ng kanyang SONA, tulad ng mga naunang mga (8x) SONA, pawang mga retorika, propaganda at pagmamayabang, walang dudang lameduck na at tiyakang wala ng maniniwala sa administrasyong Arroyo.


Tuesday, July 14, 2009

CBCP, “mula sa Pasibo tungo sa pagiging Aktibo ? ”

- Doy Cinco

Sino man ang italagang pangulo ng CBCP, mananatili at hindi magbabago ang mahalagang papel ng simbahan, na ayon kay Bishop Lagdameo, ang "magkaroon ng pagbabago (social change)" sa lipunang Pilipino. Ano mang panggagapang, suhol at pabor na maaring tangkain ng Malakanyang, tiyakang mabibigo lamang ito. Para sa mga Obispo, isang "malakas, nagkakaisa, nagsasarili at may pananalig na mananatiling indiependente" ang CBCP sa ano mang institusyong nais kumubabaw at mang-impluwensya, tulad na lamang ng administrasyong Arroyo.

Sa katatapos na retreat at ibinabang pastoral letter, mula sa pagiging "pasibo sa mga nakalipas na labanan, nanawagan itong maging aktibo at magpartisipa sa pulitika," lalo na ang nalalapit na 2010 election. Mula sa dati at atrasadong mga panawagan, nanawagan itong maging mapagmatyag at “prinsipyadong magpapartisano sa pulitika ('principled partisan politics'),” meaning, mula sa nakagawiang “election watchdog at voter’s education,” tataya, guguhit, direktang may ikakampanya at may ipapanalong kandidato sa 2010 election ang CBCP.

Tiniyak din ng mga Obispo na kanilang tututulan ang Con-As / Charter Change na isinusulong sa mababang kapulungan upang imintina’t manatili sa poder ang kasalukuyang nanunungkulan sa Malakanyang. Gayun din ang No-El at imposisyon ng emergency rule at martial law.

Mukhang isa na itong malaking pagbabago sa pamumustura at political engagement ng CBCP. Sa kanyang konteksto, Isa na itong progresibo, radical shift o drastic change mula sa dating lalamya- lamyang posisyon, paninindigan at pagiging pasibo. Kung may "unpopular position" ang CBCP tulad ng Reproductive Health Bill, sinasabing nananatiling matibay ang paninindigan nito sa maraming usapin. Kahit paano, "may agapay, may aasahang suporta’t tulong na matatanggap ang mga reform candidates o mga aktibistang kandidato na may track record at nananawagan ng pagbabago at nahaharap sa bingit alanganin sa 2010 election."

Ang Simbahan ang isa sa mga sentro ng kapangyarihan, maliban sa military, ang negosyo at US State Department na palagiang inaabangan, minamatyagan at minomonitor ng mga kritiko kung saan ang direksyon, ano ang galaw, paninindigan at posisyon. Sa ilang dekada ng pampulitikang labanan, nasa tatlong ito kung baga ang SWING ng pampulitikang timbangan.

Para sa iba, bakit lagi na lamang CBCP o ang simbahan ang kinakatakutan at kinukunsidera ng isang gubyernong gigiray-giray, bakit hindi naha-harnessed, napapakinabangan, napapakilos at nagagamit ang kapangyarihan ng kilusang pulitikal, ang mga pulitiko, ang kongreso’t senado at ang pagiging "strong republic" ng isang estado. Maaring resulta na ito ng deka-dekadang kawalang pagtitiwala ng mamamayan sa mga pulitiko, ang binoto raw ng tao, ang kinatawan at representatibo raw ng mamamayan.

Dagdag na obserbasyon, nasaan ang sama-samang pagkilos ng mamamayan, nasaan ang kapangyarihan ng mamamayan, ng kilusang mamamayan at progresibong kilusan?


Tuesday, July 07, 2009

Game plan ng Malakanyang

-Doy Cinco

Sinasabi ng AFP na mahigit apat napung (40x) pambobomba na raw ang isinagawa ng MILF. Bagamat itinatanggi ng MILF ang limang pagpapasabog na naganap sa lunsod ng Cotobato, Jolo, Iligan at sa Umbudsman, binalingan nito ang ilang paksyon ng AFP/PNP na siyang utak at may kagagawan sa serye ng mga pambobomba.

Bagamat walang malinaw na ibedensya, buong pagmamalaking inanunsyo ng AFP na " mahigit isang libo (1,000) na raw ang kanilang napapatay na mandirigmang Moro (MILF) sa labanang nagaganap ngayon sa Mindanao. Sa kabilang banda, ayon sa MILF, may mahigit isang daan naman ang kanilang napapatay na sundalo (AFP). Sinasabi rin na sa loob ng anim na taon ng administrasyong Arroyo, parang fertilizer na nagmultiply ng ilang beses ang dami ng pwersang MILF."

Habang sinasabing “safe na ang bansa, wala ng banta ng terorismo, mahina na, tatapusin na ng military ang MILF, JI at Abu Sayyaf at normal lang ang pambobomba, taun-taon ito sa tuwing nalalapit ang state of the nation address (SONA) ng Pangulong Arroyo,” may kaba ang marami, tumitindi ang kalagayan ng mga mamamayan sa mga evacuation centers, nadiskaril ang food ration ng United Nation dahil sa pinapairal ang “food blockade at patakarang censorship” sa hanay ng media at sa katunayan, mahigit dalawampung media correspondence na kumocover ng gera sa Gitnang Mindanao ang "pinigil at inaresto" ng military.

Ang isang katanungan, bakit nalulusutan ng mga salarin at mismo sa tungki ng ilong o sa poblacion nangyayari ang mga pambobomba? Sa kabila ng bilyong pisong intel funds, nagmimistulang inutil, mahina ang intelligence work ng military. Maaaring totoo ang suspetsa ng marami, ang sinasabi ni Sgt Doble ng ISAFP, ng Green Base exposay ng Magdalo, ang Lamitan siege, ang tinatawag na collateral damage ni Sec Raul Gonzales at ang Oplan August Moon - Game of the Generals?”

Ayon kay Sen Kiko Pangilinan, sa kabila ng kawalang malinaw na ebidensya, "bakit agad-agad kumokokak, kara-karakang itinuturo agad ng AFP sa MILF at JI ang may kagagawan ng pagpapasabog sa Mindanao.” Sa ngayon, ang malinaw, ang serye ng mga pagpapasabog ay walang dudang may layuning idiskaril ang nalalapit na 2010 presidential election. (Larawan: Police and military investigators probe the aftermath of a bombing near the Port of Iligan City, the second attack on Tuesday, where six people figured as fatalities, and more than 40 others were among those injured. AFP Photo / http://www.manilatimes.net/)


Sino ang mas kapani-paniwala at may kredibilidad, ang Administrasyong Arroyo, kanyang mga alipores at utak pulburang mga Heneral sa military o ang MILF na kamakailan lang ay patuloy na umaani ng pagtitiwala sa hanay ng international diplomatic community, ang partisipasyon at recognition nito sa Organization of Islamic Conference (OIC). Isang sampal sa pagmumukha ng Malakanyang ang pagbisita ni Ambasador Kenney ng US, ng Hapon at European Union sa Kampo ng MILF.

Sino ba ang makikinabang sa kaliwa’t kanang pambobomba? Kung iisa-isahin natin; imposibleng ibintang ito sa hanay ng simbahan. Explicitly, ayaw na ayaw ng Simbahan at academic community na idiskaril ang 2010 election. Hindi ring kapani-paniwalang pagbintangan ang Negosyo. Ang grupo ng Negosyo (PCCI at MBC) ay tutol na tutol sa Con-As at pagpapahinto ng eleksyon, sapagkat magdudulot lamang ito ng political uncertainty at walang dudang damay ang ekonomiya at katatagan ng bansa. Alangan ding pagsuspetsahan ang hanay ng civil society, political society o ang political opposition, sapagkat ilang buwan na lamang ay halalan na at magwawakas na ang kapangyarihan ng Administrasyong Arroyo sa June 2010. Parang alangan ding pagbintangan ang CPP-NPA sapagkat, ano ang ganasyang politikal ang mapapala nito?

Malabo ring pagbintangan sa ngayon ang US State Department sapagkat paulit-ulit nitong pinapahayag ang kahalagahan ng "demokrasya" at ang 2010 election. Ang problema, patuloy na nilalagay sa bingit alanganin ng administrasyong Arroyo ang bansa, ang Cha Cha - Con As, ang No-El senaryo at patuloy na "opensibang militar" sa Mindanao. Sa katunayan, inanunsyo ni US Ambassador Kenney na hindi sila makapapayag na hindi matuloy ang 2010 election.

Dadalaw sa Pilipinas ang isa sa pinakamataas na puno ng Central Intelligence Agency (CIA) na si Leon Panette upang kausapin ang pangulo at ilang matataas na opisyal ng seguridad ng bansa. Mukhang seryoso, mukhang concerns o mataas ang malasakit ng US sa Pilipinas, lalo na ang nalalapit na 2010 election. (Larawan: CIA Director Leon Panetta)

Walang ibang makikinabang sa destabilization at terorismo kundi ang Malakanyang. Kung titindi ang pambobomba, asasinasyon ng ilang kilalang personalidad at marami ang mamamatay, mairarationalized ng Malakanyang ang pagdidiklara ng emergency rule at martial law. Tulad ni Marcos, walang dudang kasunod na ididiskaril ang 2010 election at pagratsada ng Con-as. Dito maisasakatuparan ang extension ng kapangyarihan ng administrasyong Arroyo.


Saturday, July 04, 2009

2010 Election OPERATOR

-Doy Cinco 

Masalimuot ang ating election.  "Manual man ito o  automated, mananatiling hindi parehas at madaya ang election.  Mananatiling elitist, patronage, personality, clan oriented at magastos ang eleksyon.  Manual man ito o automated, mananatiling magulo,  patayan at ‘di kapani-paniwala sa marami ang eleksyon at manual man o hindi,  mananatili ang mahalagang papel ng mga Operador sa eleksyon."  

Nagsisimula mula sa pre-campaign hanggang post-election activity,  ibig sabihin hanggang canvassing at proklamasyon ang dayaan sa eleksyon.   Mula sa pangangalap ng pondo at resources na kadalasa’y hindi sa mabuting paraan ang pinanggalingan,  mula sa pagse-set-up ng pampulitikang makinarya – entrench war,   media-air war at image-name recall o packaging ng image ng kandidato,   pamimitas ng mga lider at gate keepers at bilihan ng kaluluwa sa baba, talamak na ang gulangan at dayaan.   Hindi pa kasama rito  ang araw ng bisperas,  botohan,  bilangan  hanggang canvassing  kung saan minamaniobra ang dayaan.  Ito’y kapansin-pansin sa mga lugar kung saan mahigpitan ang labanan at maliliit ang winning margin. 

Sa ganitong paraan at kasalimuot, nakita ang kahalagahan ng mga election operator sa ating bansa.  Mataas ang kasanayan (skills) at kaalaman sa election laws and procedures ang mga OPERADOR.   Mahaba at malalim ang karanasan at track record ng mga operador.     Kabisado nila  ang punu’t dulo ng halalan,  mula preperasyon hanggang proklamasyon.   Ang bodegang election DATA (data-based), sanlaksang networks sa loob at laban ng gubyerno at Election Officer ang ALAS ng mga operador.    Malalim ang pagkakakilala ng mga Operador sa mga Election Officer sa nasyunal, probinsya at mga lunsod.  Nakikipagnegosasyon sila sa mga susi at responsableng tao na kayang ideliver o imanipula ng hindi halata,  hindi garapal ang resulta ng halalan. (Larawan:  campaign operator? theglenblog.blogspot.com)

Sa ilalim ng Omnibus Election Code (OEC),  implementing rules at guidelines at  sa bawat mga yugto,  artikulo at seksyon ng batas, napapariwara ang kasagraduhan at nabubutasan ang naturang mga batas.

Tinatawag din PARTISAN OPERATOR,  ELECTORAL CADRE at mersenaryong  mga Organisador sa larangan ng election ang mga OPERATOR.   Sila ang mga "service provider" sa larangan ng eleksyon, handang bayaran ang kanilang serbisyo sa ano mang paraan ninanais at kagustuhan ng pulitiko.  Para silang mga abugado,  duktor o mga accountant na ang propesyon ay ginagamit upang ayusin,  gamutin at paglingkuran ang kanilang kliente sa ano mang paraan,   proteksyon at talunin ang kalaban sa ano mang paraan.   Ang mga OPERADOR ang kadalasa’y tumitimon nag-oorchestrate ng campaign operation,  marangal man o di marangal,  sa malawakang pandaraya  o special operation para ipanalo ang isang kandidato.

Mga propesyunal,  mga dating aktibista, nagtatrabaho sa mga NGOs, sa mga ahensya ng gubyerno, staff at consultants ng ilang mga Senador,   Kongresman at local executive officers ang mga Operador.  Maaring iclassify sa tatlong uri ang OPERADOR;   operador sa lokal  (LGUs) at operador sa Party-list at pangnasyunal (party list,  Senador at president).    May operador na ang kasanayan ay sa “pagbasa ng kalagayan o  political mapping – election survey,  operador sa larangan ng conversion at protection,  resource mobilization at machinery building at may operador na ang kasanayan ay nasa larangan ng gawaing “special operation.”

Sa darating na 2010 national election,  mula sa presidentiables,  senatoriable hanggang congressional,  LGUs ay piyadong nakatanim na ang mga operador. 

Hindi mahirap isipin na maaring makumbinsi na isama sa gawain ng mga operador ang reform agenda sa kanilang mga parukyanong  mga pulitiko.  Maari silang maging tulay sa pag-eedukang pulitikal,  pagmumulat at tumulong sa advocacy ng good governance, political at electoral reform.   Kung ang mga abugado, ang mga accountant at arkitekto ay nagsasama-sama’t organisado,  hindi imposibleng ma-engganyong ma-organisa ang hanay ng mga Operador.     


Wednesday, July 01, 2009

Mar Roxas, tagilid sa manual voting

Doy Cinco / Ika 1 ng Hulyo,  2009

Marami ang nadismaya sa ura-uradang pag-atras o  pag-ayaw ng Total Information Management (TIM) – pag-aaring Filipino, sa katuwang nitong  Smartmatic – isang kumpanyang pag-aari naman ng Dutch-Venezuela.  Sa ating Saligang Batas, 40% at 60% ang dapat na hatian o incorporation ng kontrata sa foreign at local company, at labag sa batas kung kokopongin ito ng banyagang kontratista gaya ng kumpanyang Smartmatic.  (LARAWAN: SMARTMATIC POLL AUTOMATION, ph.news.yahoo.com)

May koneksyon diumano sa mga makapangyarihan tao  ang pag-ayaw ng TIM.   Hinihinalang si FG ang unang ginoo't tanging esposo, Sec Ronnie Puno,  ang dakilang operador at mga Aboitiz ang nandikdik sa TIM na iatras ang laban sa Smartmatic.    In-peranes,  sinasabing ang kawalan nila ng power at control ang pangunahing dahilan kung bakit nagdesisyong umurong sa pakikipag-partner sa Smartmatic ang TIM.  Kung sa bagay,  maaaring may punto ang TIM,  sapagkat kundi sa usaping pagtitiwala, pera-perahan lang ang labanan.   Nakakalungkot isipin na sa hinaba-haba ng prosesong pinagdaanan,  sa kabila ng pagkakapanalo sa kontrata at pipirmahan na lamang ay biglang nabulilyaso pa.

Mahirap paniwalaang simpleng sigalot lamang ito sa loob ng isang korporasyon.    Ang mas kapani-paniwala,  kung maipatutupad ang isang manu-manong halalan,   damay  ang isang malinis, marangal at credible election sa 2010,  talo ang mamamayan at walang dudang mapipinsala ang demokrasya at katatagan ng estado’t mga institusyon.

Kapag bumalik sa manu-mano,  tiyak na magsasaya ang administration candidates,  buhay at lalakas ang TRAPO,  mga peke at nagpapanggap na oposisyon  at higit sa lahat,  ang mga operador kasabwat ang ilang mga lokal na Election officers ng Comelec sa buong kapuluan.

Naniniwala tayo na maiigpawan ng Comelec ang problema at matutuloy ang halalan,  manu-mano man ito o automated.    Kahit sabihing may NO-EL senaryo, multo ng destabilization plot at  banta ng terorismo bago ang 2010,  walang dudang matutuloy ang 2010 election.   Manu-mano man o automated,  mananatili ang dayaan sa eleksyon,  mananatiling magulo at patayan, titindi ang vote buying at pagdududaahan muli ang resulta ng eleksyon.    

Sa manu-mano,  walang dudang malalagay sa alanganin ang mga reform at progressive  candidate,  ang mga kapos sa campaign budget,  ang mga umaasang parehas ang kondukta ng halalan,  ang mga umaasang mangingibabaw ang boses, adhikain at interest ng mamamayan sa nalalapit na eleksyon sa 2010. (Larawan: Official ballot box at manu-manong eleksyon, picasaweb.google.com)

Malapit sa Malakanyang ang maaaring makinabang at magsurvive sa manu-manong halalan; kundi si Chiz Escudero, Noli de Castro  o  kahit paano,  si Manny Villar kung hindi nito bibigyang pansin ang pondong "vote protection."   Sa kabilang banda,  maaring manganib ang tsansang makaungos si Mar Roxas at makangkong ang kanyanag market votes sa 2010 presidential election.