Doy Cinco Tiyak na ang panalo ni Noynoy Aquino. Halos apat (4) na araw na lang ang nalalabi at eleksyon na, may isang Linggo ang natitira, ipoproklamang presidente na ang standard bearer ng Liberal Party na si Noynoy Aquino, ang kauna-unahang binatang (bachelor) presidente sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang isyung pinagtatalunan na lang ay kung gaano kalaki ang kanyang magiging kalamangan; 10%, 15% o hihigit sa 20% at sinu-sino ang posibleng kakatawanin ng kanyang administrasyong (cabinet secretaries) may tendensiyang "center-left at liberal democratic formation." Ang sigurado, nakikinita na ang isang landslide victory for president para kay Noynoy Aquino.(Larawan: Noynoy Aquino http://cache.daylife.com/imageserve/0bx95FJ4c69AT/610x.jpg) Matapos pumanaw ang democracy icon ng bansa na si Tita Cory at nakitaan ng simpatya ng sambayanang Pilipino, naitulak sa presidentiable bet si Noynoy matapos bumaba sa Vice Presidentiable race si Mar Roxas. Popular na presidentiable candidate sa kasaysayan ng bansa si Noynoy Aquino. Mukhang siya na lang ang tanging presidentiable bet na may kakayahang pagkaisahin at tumugon sa ilang dekadang democratic deficit (political reform agenda) ng lipunang Pilipino. Kung mababa sa 70% ang voter's turn out (35.0 million -TO), ang 40% ni Noynoy ay katumbas ng botong 14.0 milyon, habang parehong naglalaro lamang sa 7.0 milyon boto o bahaging 20% si Manny Villar ng Nacionalista Party (NP) at Erap Estrada ng Partido ng Masang Pilipino (PMP). Sa kalamangang 19% sa sumisigundang kalaban at may kartang 39% ng kabuuang bilang ng botanteng Pilipino, lumalabas na mahigit 7.0 milyon ang inaasahang kalamangan ni Noynoy Aquino sa kanyang sumisegundang kalaban. Kung magkataon, tinatantyang hihigitan pa nito ang kinahinatnang panalo ni Pres Estrada nuong 1998 presidential election kung saan umani ito ng mahigit kumulang na 40% boto sa kabuuan. Isang himala at suntok sa buwang makakahabol pa ang pinaghihinalaang manok ng pamilyang Arroyo na si Manny Villar at ang nahatulan at na pardon sa kasong pandarambong na si dating Presidenteng si Erap Estrada. Apat (4:10) sa sampung botanteng Pinoy ang solidong Noynoy Aquino at panigurong hindi na matitinag hanggang sa araw ng botohan. Mula sa 44% nuong Disyembre, 2009, sumadsad si Noynoy sa 36% nuong kalagitnaan ng Enero, 2010 at sa kasalukuyan nasa 39%. Naniniwala ang marami na muling babalik at aakyat sa 44 – 50% si Noynoy Aquino matapos ang bilangan. Malayong pumapangalawa (2nd place) ang dating Presidenteng si Erap Estrada at dikit na tersera (3rd) na si Villar. Ipagpalagay na nating magkakatotoo ang argumento ng Defense Sec Norberto Gonzales na magkakaroon raw ng "failure of election," talamak ang dayaan, bilihan ng boto sa hanay ng lokal na election officers at magiging magulo ang kauna-unahang poll automated election sa bansa. Ang tanong ng marami, sino ang may kakayahan, may resources at may capabilities na mandaya sa eleksyon? Ang tanging kasagutan at persepsyon ng marami, "ang bantay salakay, ang malakanyang." Ipinagmamayabang ng Lakas-KAMPI ang 5-10% vote delivery ng kanyang lokal na makinarya na malamang maiswing vote sa sino mang paboritong manok ng pamilyang Arroyo. Ang masaklap, mas uunahing isalba nito ang kani-kanilang mga sariling kandidatura kaysa habulin ang mahigit 15% kalamangan ni Noynoy Aquino. Ang insidente ng pagmalfunction ng mga PCOS machine sa maraming lugar, kasama ang Metro Manila sa isinasagawang Testing and Sealing kahapon ay maaring isang simpleng teknikal na usapin na kayang resolbahin ng Smartmatic at Comelec. Sa malilikut ang isipan, tinitignang posibleng pananabotahe, politically motivated, bahagi ng isang iskimang guluhin ang democratic process at idiskaril ang peaceful transition ng kapangyarihan. Kaya lang, sa ayaw man natin o sa gusto, automated man ito o parallel manual counting, dumadagundong ang panawagang ituloy ang eleksyon sa Lunes, May 10, 2010. Katawa-tawa at mas kahiya-hiya tayo sa mundo, sa mata ng mamamayang Pilipino kung madidelay, papalpak o madidiskaril ang kauna-unahang poll automation sa bansa. Dalawa ang posibleng scenarios; Una, "kung sa failure of election o partial failure of election, walang dudang nakatuon sa pagsasawata sa napipintong landslide victory ni Noynoy Aquino, ang kalabang mortal sa pulitika ng pamilyang Arroyo at itinuturing ng Kaliwa na "tuta na raw ng Imperyalistang Estados Unidos." Ang tanging hangarin at makikinabang sa ganitong scenarios ay ang pwersang gustong manatili sa kapangyarihan, ang praning sa patung-patong na kasong pandarambong na dili't iba ang administrasyong Arroyo. Karugtong nito ang layuning itayo ang isang interim transition government o isang military junta." Ang pangalawa; "sa failure of eleksyon, marami ang naniniwala na ang dulong Kaliwa ang walang dudang makikinabang at aani ng mga labanan at sitwasyon. Katuwang ang ilang kandidato sa nasyunal, ang failure of election ay makapagki-create ng isang revolutionary situation, political uncertainty, anarchy at hindi mahirap paniwalaang sasakyan ito ng mga extremista tungo sa down fall ng ating demokratikong institusyon at estado. Walang dudang kasunod na ang pagtatayo ng isang diktaduryang sistema ng paggugubyerno, kahalintulad ng Burma at North Korea." |
Tuesday, May 04, 2010
Noynoy's landslide Victory and "Failure of Election"
Monday, May 03, 2010
Villaroyo at ang bangungot ng Local Machineries
Noynoy-Mar, namumuro
Halos tatlong linggo na lamang ang nalalabi bago ang paghuhusga. Sa takbo ng mga pangyayari, may saisenta porsiento (60%) ng labanan sa presidentiable ay tukoy na't namumuro na ang Noynoy-Mar tandem. Kung walang abirya sa kondukta't tutupdin ng Comelec ang kanyang mandato, kung mamiminimized ang pinangangambahan fraud and terrorism, partial failure of election at kung maimimintina ang double digit (+ 15%) na kalamangan ni Noynoy Aquino at ni Mar Roxas hanggang sa huling linggo ng April, peaceful transition, may bagong gubyernong astig at palabang presidenteng mapoproklama sa Hunyo, taong kasalukuyan.
Mula sa may 10 bilyong pisong winaldas sa air war at kampanya ng apat na presidentiable, magsi-shift na ang istratehiya patungo sa pinakadelikading na huling yugto ng labanan, ang pinakamagastos na pakikipag-negosasyon sa mga stakeholders (special Ops), vote protection at vote delivery operation. Ayon sa mga beteranong operador, isang-katlo (1/3) ng kabuuang gastos ng isang kandidato ay inilalaan sa “vote delivery at vote protection operation, meaning, ibinubuhos ang pondo sa bisperas, sa araw ng election, bilangan, canvassing hanggang proklamasyon.”
Sa panimulang pagtatasa, sinasabing “kung sino man ang maipo-project at pupusturang political activist, malinis,” maliban sa makinarya at resources ay siyang magtatagumpay sa lababan. Naging mapagpasya sa labanan ang air war o propagandang dala na "Villarroyo alliance," ang alegasyong sikretong lantad na manok ng pamilyang Arroyo na si Manny Villar. Marahil, bunsod na rin ng malamyang campaign message o pag-iwas laban sa kabulukan ng administrasyong Arroyo, ang pasibong mensaheng "sipag at tiaga," pagmamaramut ng campaign funds at turncoatism ng dominant party.
Sa loob lamang ng ilang buwan, halos lahat ng incumbent local candidates ng Lakas-KAMPI CMD candidates mula sa Northern Luzon pababa sa Mindanao, mula sa gubernatorial, congressional district at mayoralty, "kahit may pahabol na pork barrel-SARO mula sa Malakanyang ay nagsipaglundagan at tumaya na kay Manny Villar. Sa mga lugar na nabanggit, hindi tumaas ng 8% voter's preference ni Gibo Teodoro habang nasa mahigit 20-30% ang puntos na nakukuha ni Manny Villar."
Totoong nagtalunan na ang halos lahat ng Lakas-KAMPI local candidates kay Manny Villar. Kaya lang, ang malaking problema, imbis na makadagdag boto, mukhang nakabawas pa ito sa kanyang kredibilidad (Villar) at pagpapa-totoo ng Villarroyo alliance. Sapagkat, kung 'di man mga kilalang pusakal, mga high profile elite - trapo at halos limang taong humalik sa tumbong ni GMA ang siya ngayong nakapakat kay Villar; ang ilan dito ay sina; Chabit Singson-Ilocos Sur (Photo), angkang DY-Isabela, Mike Defensor-QC, Lilia Pineda-Pampanga, Armando Sanchez-Batangas, ang mag-amang si Pabling at Gwen Garcia-Cebu, ang anak ni Ex Sec Eduardo Ermita-Batangas, Zubiri-Bukidnon, ang mag-amang si L-ray at Louie Villafuerte-Cam Sur at Romualdez-Leyte, Jocjoc Bolante-Capiz, ex-Speaker Nograles-Davao at iba pa.
Pangalawa; hinggil sa usapin ng local machinery, walang garantiyang nagsasabing may malaking papel ang mga local candidates sa vote delivery para sa national candidates. Bukud sa poll automated system, mukhang mahihirapan ng maulit ang nakakahiyang trahedya sa ARMM, partikular sa mga Ampatuan ng Maguindanao, kung saan na-zero sa boto si FPJ noong 2004 presidential election. Napatunayan na sa maraming labanan at kasaysayan na naglalaro na lamang sa mahigit kumulang na 5% ang kapasidad ng vote delivery ng mga local candidates. Sa presidential race, ang "market votes" ang siya pa ring magdadala ng labanan.
Pangatlo; ang critical na scenarion ng partial failure of election na tinatantyang nasa 15-30% o katumbas ng 3 - 5 milyong botong maaring mapasakamay sa sino mang manok ng administrasyong Arroyo.
Panghuli; kung pagsasamahin ang vote delivery capacity (5%) at partial failure ng election, mauuwi sa closed fight ang labanan. Kaya lang, tulad nuong 1998 Erap landslide victory, ang bangungot na pinagyayabang alas na local machineries ng Lakas-KAMPI ay mabubulilyaso at kakapusin. Mas malapit sa katotohanang mas uunahin pa nitong isalba ang sariling kandidatura kaysa sa paki-alamanan pa at ipanalo ang manok sa national candidate ayon sa dikta ng Malakanyang o partido.
Sa Pilipinas, “mapagpasyang nasa apat (4) na key players" ang isina-sa-alang-alang sa presidential election; Una, ang suporta ng simbahan. Pangalawa; ang suporta ng malalaking negosyo. Pangatlo; ang suporta ng PNP-AFP at Panghuli; ang suporta ng Estados Unidos. Kung may 3 ka dito, panalo kana. Ang malungkot na tanong, nasaan ang kilusan ng mamamayan at masang Pilipino sa apat?