Doy Cinco
Tulad ng barangay, ang ARMM election (Autonomous Region for Muslim Mindanao) ay palagiang pinupulutan ng ruling elite na nagpapanggap na tuwid ang landasin. Sa ngalan awtonomiya, ipagpapaliban na naman ang nakatakdang nalalapit na ARMM election sa Agosto, 2011 alang-alang daw sa "reporma, good governance-pananalapi at demokrasya?"
Palagiang isinasangkalan ang "krisis at kabiguan ng ARMM (experiment)," pero ito'y nagbubulag-bulagan sa tunay na salarin; ang ilang dekadang pananalaula ng institusyon, kabulukan ng pulitika, Manila centric at baluktot na pamumuno ng mga nagdaang nailulukluk sa Malakanyang at tila magpahanggang ngayong pamunuan.
Bunsod ng kawalan at winable na mamanuking kandidato, postpone muna ang nakikitang solusyon at sa ngalan ng panggagapang at maniubrang pulitikal sa kongreso, kinukundisyon ang bansa na"kagustuhan raw ito ng mayorya ng mga tongresmen at kilusan ng mamamayan sa Mindanao? "
Layon ng pagpapaliban ang pangangailangang maisakatuparan daw muna ang "reporma" at ito raw ay maisasagawa ng Officer In Charge (OIC) na maitatalagang pansamantala hanggang May 2013 syncronized election. Kung magtatagumpay ang nasa likod ng panawagang pagpapaliban at pagtatalaga ng OIC, tuluyan na ngang maaring sabihing “weather-weather lang, kung kayo (Arroyo) noon ang predatory, kami naman ngayon (Pnoy administration).”
Kaya lang, bukud sa lantay na paglabag sa batas, ang democratic legacy at people power na ipinundar ng icon na si Tita Cory at Ninoy Aquino ay pilit na winawasak. Alam ng lahat na ang pagpapaliban sa ARMM Election na ikapitong beses ng nangyari sa kasaysayan ay walang kaduda-dudang "hindi solusyon sa pag-aresto ng warlordismo, dinastiya at talamak na pampulitikang angkan."
Walang dudang may kaugnayan sa mahinang (weak) institusyon, party system at kabulukan ng electoral politics ang konteksto ng ARMM. Ito ang pabrika at lumikha ng maraming Ampatuan sa bansa (Luzon, NCR, Visayas at Mindanao). Mahigit anim (6) na dekada na ang warlordismo at kung magkikipit balikat ang Malakanyang at walang political at electoral reform na maitutulak sa Kongreso't Senado, tiyakang mangyayari muli ang karumal-dumal na labanang pulitikal, massive electoral fraud at terrorism sa 2013 at 2016 presidential election, panahon ng termino ng Pnoy administration.
Maagang napapraning sa kapangyarihan ang mga sipsip na galamay ng administrasyong Aquino lalo na ang mga nasa paligid nitong mga naturingang "tagapayong pulitikal." Mga bagong mukha, ngunit mga "luma at may tunguhing awtoritaryan ang kilos at oryentasyon."
Ang nakakalungkot, "kung paano tinutulan at kinundina ng mga grupong ito na umastang "kilusang demokratiko," labanan ang administrasyong Macapagal Arroyo sa garapalang pakiki-alam at pangungubabaw sa Muslim Mindanao at ARMM ay siya rin naman ngayon ang gumagawa ng pagdodomina at baluktot na daan kasapakat ang ilang pangunahing operador ng Malakanyang. (larwan:IPAD / Its objective is to call for the postponement of the ARMM Elections and to ...themindanaocurrent.blogspot.com)
Maaring maganda sa paningin ng palasyo ang intensyon (OIC at pagpapaliban), ngunit sa bandang dulo, panigurong masama ang epekto; sa democratization, pagiging role model, kapayapaan, kaunlaran at higit sa lahat, sa tunay na diwa ng awtonomiya, kung saan ang BANGSAMORO mismo ang magpapasya sa kanyang sarili, magdedetermina sa kanyang buhay, kapakanan at kanyang kinabukasan.
Maganda ang layunin, subalit mali ang approached (undemocratic). Bukud sa hindi siya participatory at consultative, lalo lamang ipinapakita ang papel at kapangyarihan ng Malakanyang na manipulahin at kontrolin ang ARMM. Kung patronage politics ang dahilan ng pagpapaliban, parang sinasabing ipagpaliban na rin natin ang midterm 2013 at 2016 presidential election.
Walang dahilan upang ipagpaliban ang ARMM election sa darating na Agosto, 2011 at kung may political will, kailangang palakasin ng Pnoy administration ang institusyunalisasyon ng ARMM sa pamamagitan ng "lakas at partisipasyon ng mamamayan ng BangsaMoro." Dito lamang ganap na masasaluduhan tayo ng mundo, mawawala sa listahan ng mga tiwaling bansa, uunlad ang buhay at antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Maganda ang layunin, subalit mali ang approached (undemocratic). Bukud sa hindi siya participatory at consultative, lalo lamang ipinapakita ang papel at kapangyarihan ng Malakanyang na manipulahin at kontrolin ang ARMM. Kung patronage politics ang dahilan ng pagpapaliban, parang sinasabing ipagpaliban na rin natin ang midterm 2013 at 2016 presidential election.