Thursday, April 21, 2011

Boracay, ang "Divisoria-Mall island resort" ng Aklan


Doy Cinco

Matapos ang 2 weeks activity sa Culasi, Antique at South East Asia (Ho Chi Minh, Phom Penh at Siem Reap), naubliga kami ni May na magtour guide sa kamag-anak inc. na nagplanong magbakasyon ng apat na araw sa Boracay. Limang beses na akong nakapunta at inabot natin (80s) ang mala-primitibo, negrito-indigenous people, walang kuryente't bahay kubo at talamak na foreign nudist sa Boracay.

Ang Boracay ang isa sa pinakamagandang tropical beach sa mundo. Kilala bilang paraiso sa halos anim na daang libong lokal (600,000) at dayuhang turistang nagbabakasyon taun-taon. Ang kanyang pino’t maputing buhangin at kristal na tubig-dagat ang nagbigay buhay upang kumita ng mahigit labing-dalawang bilyong piso (P12.0 billion) taon-taon ang may libong negosyong turismo sa isla. Sa laki ng volume ng turista at masikip na lugar, di maiiwasang bansagan siyang "Divisoria-Mall island resort" ng Aklan.

Mabigat sa bulsa (middle class) ang Boracay, ngunit para sa mga turistang nasa kanluraning bansa, Hapon, Koreano at sa mga Intsik, cheap sa ano mang bagay ang Boracay; simula sa transportation, pagkain, inumin, diving, spa, watersport, nightlife at shopping.

Fully booked na ang may 90% ng hotel accommodation at dahil peak season, nadodoble hanggang P2,500 – 20,000 / night ang Boracay. Sa pamamagitan ng on-line booking, nakakuha kami ng P1,200 / night sa beach front Station 3. Umabot ng P3,000 / each ang rountrip on-line plane ticket at dahil walo sila, P24,000 ang unang damage. Pag-arrive sa Kalibo Airport, sasalubong ang mga tryke at sila ang tanging paraan upang makarating sa Ceres bus station sa Kalibo town center dalawang (2 km) kilometro ang layo at P100 / each (walang taxi sa Kalibo!) ang bayad, mas mahal pa sa taxi ng Manila.

May mahigit 100 km ang layo ng Caticlan mula sa Ceres Bus station, P140 / each ang pamasahe. Mas matipid sana kung nakapag-rent ng Van (P1,200) mula Kalibo Airport diretsong Caticlan. Alas quatro (4 pm) ng hapon nung dumating kami sa Caticlan Terminal kung saan naghihintay ang Terminal Fee – P30 / each, Environmental fee- P75 /each at P30 / each na pamasahe sa boat para makarating sa Boracay.

Hindi pa natatapos ang kalbaryo. Pagdating sa isla, sasakay ng multi-cab (monopolyado ng kooperatiba) patungong Station 1, 2 at 3, malayo man o malapit (1 or 2 kilometer), P250 - 300 ang bayad, tinalo ule ang taxi sa Manila. Kung pagod na sa paglalakad at kailangang baybayin ang kahabaan ng isla na ka-parallel sa iskinitang highway (from Station 3 - Station 1), P200 ang bayad. Organisado’t nasa federation ang lahat ng tryke sa isla.

Naglalaro sa P350 – 600 / each ang pagkain at kung gusto mong magtipid, ituro ang kursunadang sea food sa Talipapa at duon ipaluto o sa fastfood kumain at mamili sa groceries, dahil kung hindi, halos doble ang presyo ng bilihin. Sa water sport; P2000 / 15 min ang Jetski; P250 / each sa Banana ride (10 pipol / P2,500); P3000 / 3 hr sa island hoping (boat) + mga entrance fee sa mga papasukang cave.

Overdeveloped and mismanaged

Pag-aari ng pribadong korporasyon ang mahigit kalahati ng 1,032 hektarya ng isla at ang 20% (200 hectares) nito nakapwesto ang 3 dambuhalang Fairway and Blue Water Resort, Boracay Eco Village at Shangrila. Ang alam ng marami, 61% ng kabuuang lupain sa isla (alienable and disposable land) ay pag-aari ng gubyerno (DENR).

Mukhang mas malaki pa ang kinikita ng Boracay kaysa sa 2 probinsya ng Capiz at Antique combined, maging sa konsumo ng tubig at elektrisidad. Sa kabila ng sampung bilyong pisong kita ng island resort at LGUs taun-taon, "nananatiling mailap ang delivery of basic services at talamak ang karalitaan sa mga Boracaynon sa isla."

Nanatiling banta ang kalusugan at environmental concern bunsod ng masisibang (profit oriented) mga kapitalista kasapakat ang mga pulitiko at lokal na gubyerno ng Aklan. "Lagpas na sa carrying capacity na magdudulot ng environmental waste land (disposal, zoning, building code at environmental compliance) ang Boracay. Kung sakaling mapurnada ang turismo, "walang maliwanag na sustainable devt, industria at integrated livelihood" ang mamamayan.

Mas priority ng mga pulitiko na maglagay ng tulay (ala San Juanico bridge), magreclaimed ng lupa sa pagitan ng mainland Panay at munting isla ng Boracay at mga materyal na maaring pagkakitaan kaysa sa pangangalaga ng karagatan at baybaying dagat, kabutihan at kagalingan ng mga katutubong Buracaynoon sa isla.

Kung ganito ka-buguk ang mga namumuno, ka-mahal at kasalaula ng Boracay, walang dudang pag-iiwanan na tayo ng ating mga kalapit bansa sa south-east asia.