Thursday, June 30, 2011

365 days, “PASANG-AWA”


Doy Cinco


Bagamat bumababa ang satisfaction rating, marami pa rin ang naniniwala na mukhang seryoso nga ang Pnoy administrasyon sa kampanyang tigpasin ang mga buwaya't buwitre sa bansa. Maaring sabihing "katarungan sa bayan" ang nasimulang arangkada na may "intensyong ituwid ang landas sa gawaing paggugubyerno."

Ang usapin na lang ay kung mararandaman ng mga tao ang positibong epekto ng pagpupurga't paglilinis sa mga institusyon at ahensya ng gubyerno; Ombudsman, NFA, DPWH. Comelec, AFP, GSIS, LTO, Bureau of Customs, pork barrel, LGUs at GOCC: PCSO-Pagcor, LWUA, PNCC, BCDA at higit sa lahat sa mga maanomalyang daang bilyung pisong foreign contracts - flagship programs o mga mega projects na kinangkong nung nakaraan tiwaling administrasyon.

Naging tradisyon na sa araw-araw na takbo ng buhay ng mga Pilipino ang kurakot. Sumibol bago pa ang ikalawang digmaang pandaigdig (WWII), lumala sa panahon ni Marcos at naging salot na sa panahon ng Arroyo administration. Sa kabuuang national budget, may palagiang 25% ang nakukurakot, 30% ang ibinabayad sa utang (IMF-WB) at ang natitirang 45% lamang ang tunay na napapakinabangan ng bayan (bangkarote!).

Hindi kapani-paniwalang sabihing nagkaroon na ng "transformation sa pag-uugali” ang mga tao, batay sa delivery speeched ni Nonoy Aquino sa "Ulat sa Bayan" sa Ultra, Pasig. Nananatiling malaking hamon ang realidad na "basura at mabantot ang environment" sa kalakarang pulitika at paggugubyerno sa bansa.

Sa mga academics, ang kurakot ay "isa lamang consequences, epekto ng istrukturang sistema ng padrino't angkang pulitikal" (patronage politics).
Totoong may pagkukulang at sinayang na oportunidad si Pnoy kung sana'y nagawa nitong nailatag agad ang patakarang unti-unting sasawata sa katiwalian at kabulukan ng pulitika, makapagbalangkas ng estratehiya at direksyon tungo sa kaunlaran at industrialization sa unang taon ng kanyang panunungkulan.

Maliban sa isyu ng katiwalian, sa ilang dekadang "mode of development" na ipinatupad ng mga nagdaang pangulo ng bansa mula kay Quirino, Magsaysay, Macapagal, Marcos, (GMA) Arroyo at tila hanggang sa kasalukuyang Pnoy administrasyon (50 years), marami na ang kumukwestiyon kung "tunay nga bang nakatulong sa kaunlaran at demokratisasyon ang dekadang patakarang sa pangungutang, pag-eengganyo sa dayuhang capital, pagtalima sa dikta ng dayuhang capital, lalong-lalo na ang pangongopya ng development approach (CCT-DSWD) mula sa mauunlad na bansang Mexico at Brazil?"

May mga pag-aaral na imbis na umangat ang buhay ng mga Pilipino, nakasama at naka-disempower (bansot) ang pala-asa't nakasuso sa mga banyaga, sa bansang makapangyarihan (mendicancy). Mula sa "2nd place na economic ranking sa Asia nung 1950s," napag-iwanan tayo at ito'y sa kabila ng "walang katapusang pangungutang at halos ituring panginoon ang dayuhang kapital at pahunan (direct foreign investment sa USA, EU, China at Japan). Parang sinasabing, "walang pag-unlad kung walang foreign investor??"

Mas nananaig na diskurso sa mundo ngayon ang pagpapriyoridad ng sariling panloob na resources (existing apportunities), inuuna ang sariling kakayahan, sariling kayod ng sariling mamamayan (success stories) bago kaharapin ang hamon at oryentasyong papalabas, entertainin ang papel ng taga-labas at "tulong ayuda" ng mga taga-labas.

Ano ba ang gusto at pagbabagong minimithi ng mamamayan Pilipino? Ano ang mayroon na tayo, paano magagamit at mamaximized ang mga ito tungo sa kaunlaran at pagbabago? Higit sa lahat, ano ba talaga ang tunay na sitwasyon ng bayan? Mula rito, paano ilalapat ang tatlong basihang ito upang makagawa ng PATAKARANG daang matuwid at estratehiya para sa pagbabago?

Marami ang bitin at nagsasabing kailangang magpakita ng tunay na pagbabago ang administrasyong Pnoy, pagiging role model, sakripisyo at punuan ang kakulangan. Ang malaking tanong sa ngayon ay kung kaya ba nitong isustina ang kampanya laban sa katiwalian at mga kawatan? (Larawan: Sustained Neo-liberalism in Action:2340469685_8902702f02.jp)

Saan dadalhin at saan direksyon patungo sa matuwid na landas ang Pnoy administration? Maliban sa kampanyang anti-kurakot, tila walang pagbabago't status quo sa patakarang pang-ekonomiyang landasin?
Kung tatasahin at igagrado ang achievements ng kasalukuyang administration, tulad ng marami, “pasang-awa.”

Friday, June 10, 2011

Looming Crisis, Ochoa and ARMM no-el



Sa loob ng ilang Linggo lamang, tila windang ang kasalukuyang administasyon sa sunud-sunod na buhawing-gawang tao ang tumama sa ating bansa. Kung sa iba ay ayaw ng patulan ang perennial isyu ng economic crisis at “bangkaroteng kalagayan ng gubyerno,” sa marami, nakakabahala ang bagyong pambabraso ng China, ang nasalaulang hustisya (exGov Leviste), ang freedom of information (Tabuk incidence), resignation ng DOTC Sec Ping de Jesus, kaso ni Virginia Torres of LTO, smuggling, kabulukan ng edukasyon at trahedya ng ating mga lawa’t pangisdaan (fish kill). (larawan; 320 280 - Elementary and high school students scrambled to find textbooks, .. courtesy of 20060605_classroom1.jpg)

Sa loob ng isang taon, parang ang hirap paniwalaang "lameduck" o nagpapakitang pinangingibabawan siya ng kanyang mga nasa paligid at kung ano man ang isubo ng mga sentrong tumitimon ng mga factions, kahit labag sa "PEOPLE POWER principles" ng kanyang mga magulang, parang tupang masunurin ang abang presidente ng Pilipinas. Walang dudang babagsak pa ng ilang porsiento ang satisfaction rating ni Noynoy Aquino habang papalapit ang SONA (state of the nation address) sa Hulyo taong kasalukuyan.

Dalawang isyu ang dumagok sa kredibilidad ng political leadership ng Malakanyang, ang ARMM no election (NO-EL) at muling pangingibabaw ng controversial at classmate nitong si executive secretary Paquito Ochoa, ang insidenteng pagtiguk sa chief of staff at pagtalaga kay Mar Roxas sa mapanganib na gawain sa DoTC.

Hindi pa nagkasya sa pagtiguk ng ARMM election (no-el), tatangkain pang hawakan sa leeg ang itatalagang OIC na magfa-facilitate sa pagbubuwag daw ng warlordism at command votes sa loob ng dalawang taon?” Sa NO-EL at OIC, pinaniniwalaang walang ibang hangad ang palasyo kundi ang "agawin ang command votes mula sa mga kaaway sa pulitika, kontrolin ang bilyong pisong budget taun-taon ng ARMM, siguraduhin ang 2013 midterm election, palakasin ang makinarya at maghanda sa 2016 presidential election."

Sa paniwalang nabugbog sarado at nanghihina na, mabilis na nakabawi ang grupo ni Ochoa at tila na-outsmart pa nito ang grupo ng mga partidista at "advocates ng reform agenda." Kung sa bagay, iba na rin ang usapan kung ika’y malapit sa kusina, pangunahing nakapag-ambag ng bilyung pisong pondong pangkampanya (2010 presidential election) at personal na kaututang dila ni Noynoy Aquino. (larawan: 220 154 - MANILA, Philippines - Executive Sec Ochoa and Mar Roxas / gobonggo.com)

Sino ang maniniwalang magiging unfair sa sarili (administrative order - AO) at hahayaang lumakas ang mahigpit nitong katunggali sa kapangyarihan sa katauhan ni Mar Roxas, na bubura sa kanyang pagkatao bilang "little president."? Kung babalikan, bago pumutok ang isyu ng "chief of staff," nauna ng idinisenyo ni Ochoa sa basbas ni Pnoy ang Executive Order 43 kung saan muling binuhay nito ang sistemang "clustering" sa mga (5) ahensya ng gubyerno. Ang "clustering ang tumiguk sa chief of staff" ni Mar at Liberal Party.

Nakakapanghinayang ang mga pagkakataong sinayang ni Pnoy na maisustini't maisapraktika ang tahaking "tuwid na landas" at slogan na “kayo ang boss ko,” maipakitang kaya nitong makapagbalangkas ng isang direksyon at patakarang aaresto't reresolba sa dekadang karalitaan at suliranin ng bansa. Ang katawa-tawa, "nangongopya na nga lang ng direksyon at patutunguhan," ang mga personal na malalapit, classmate, mga ka-shooting buddies at mga pinagkakautangan pa niya ang lumalabas na tunay na mga "boss" na tinutukoy.

Sa akalang nagtataguod ng reporma at pagbabago, ang totoo’y pinananatili ng kasalukuyang administrasyon ang kalakaran sa buluk na pulitika, Manila centric, factionalism at sistemang padrino (mga ugat at pabrika ng kurakot).
Ganun pa man, sa kabila ng lumalalang krisis pangkabuhayan, unemployment, patuloy na pagtaas ng bilihin at bumabagsak na kalidad ng pamumuhay ng marami, mukhang kimi, kaya pang tiisin at umaasang may mararating pang pagbabago at liwanag sa dulo ng lungga ang administrasyon. Umasa ka pa?