Dahil sa tragic incidence sa Basilan at Zamboanga Sibugay, "bad word sa marami ngayon ang peace process at peace talks." Ikinukumpara pa ngayon ang naging aksyon ni Erap na siyang dumurog daw sa MILF at sa mga pinagkukutaan nito sa desisyon ni Pnoy na isa-isang tabi ang mungkahing "all out war" sa muslim Mindanao.
Pumapangalawa sa buong mundo sa pinakamatagal na internal conflict ang muslim Mindanao; sinasabing "mayroong tatlong all out war na ang naisagawa ng gubyerno mula sa panahon ni Marcos hanggang kay Erap at makatatlong beses na rin daw na kahalintulad na trahedyang kinasapitan ng tropang militar sa kamay ng rebeldeng Moro sa Al-Barkah, Basilan." (left photo: 500000 internal refugees from the conflict courtesy of midfield.wordpress.com / waiting‑for‑peace‑montage.jpg)
Sa isang command conference kahapon, imbis na kunsintihin, nalagay sa alanganin ang ilang matataas na opisyal ng Phil Army-SF na-involved sa palpak na "test mission," lapses, utak pulbura at military adventurism. Ginamit pa ng grupo nila Chiz Escudero, Lacson, Bongbong Marcos, GMA loyalist at ni Vice President Binay ang isyu kasabwat ang mainstream MEDIA para upakan ang peace process ni Pnoy at makaporma sa 2013-2016 election.
Kung sakaling maipatupad ang all out war, mukhang hindi kakayanin, hindi napapanahon, mataas ang human cost at wala itong kapana-panalo. Apat na probinsya sa ARMM ang posibleng maging sentro ng madugong labanan, aasahan ang mahigit libong civilian at ilang bilang ng mga combatant sa magkabilang panig ang posibleng casualties. “Humanitarian crisis" muli ang ating masasaksihan, mas singlupit sa bagyong Ondoy at Pedring. Aasahan ang senaryong may isang milyon mamamayan (internal refugees) ang madi-displaced, di mabilang na mga paaralan, kabahayan at Mosque ang maa-abo bilang mga collateral damages. Aasahan din na parehong magmamayabang na sila'y nananalo at walang aaming natatalo sa labanan.
Walang dudang mai-interntionalized ang all out war, meaning pupulutanin ito ng Al Jazeera, BBC at CNN. Maliban sa International Red Cross, muling eeksena ang European Commision (EU), United Nation, organization of Islamic Conference (OIC) at iba't-ibang local at international NGOs sa humanitarian catasthrope na ibubunga nito. Kung may dalawang-daang milyon piso kada araw (P200.0 milyon / araw x 60 days) ang gastos sa limited military operation, aabot sa labing-dalawang billyon piso (P12.0 billion) ang mawawaldas na salapi't resources ng gubyerno.
Mula sa positional at conventional warfare, nagshift sa guerrilla warfare ang MILF. Malawak ang kalupaan na maiikutan na maaring magsilbing maniubrahan sa atakeng militar, kontra-depensa at atrasan. May 2.0 milyong muslim (ilang doble ang laki ng bilang kaysa sa Palestino sa Gaza Strip at West Bank) ang maaring languyan at handang prumotekta sa sonang guerilla ng rebeldeng Moro.
Hindi maiiwasang lumabag sa protocol ng Geneva Convention at karapatang pantao ang military. Hindi na uubra ang “Low Intensity Conflict at devide and rule tactics” ng AFP (para-military unit/Cafgu) sapagkat halos lahat ng mga tao sa komunidad, kundi man kamag-anak ay malapit sa pananampalatayang muslim. Ito ang kasaysayaan kung bakit hindi nagupo ng Kolonyalistang Kastila at Amerika ang insureksyong Moro may ilang siglo na ang nakalipas.
Ano ang nasa likud at tunay na pakay kung bakit paulit-ulit (cycle of violence) at hindi natututo’t walang kapaguran sa gera ang ilan sa ating mga kasundaluhan? Ito ba'y para protektahan ang Constitution, ng bawat pulgada (inches) ng ating teritoryo o proteksyunan ang mga angking iligal na yaman ng mga maimpluwensya't makapangyarihan. Ito ba'y para sa kabayanihan, para sa mabilisang promosyong militar o isang lantay na "military madness at adventurism?" ("Military Madness" - anti-Vietnam War popular hit song ng Crosby Still Nash & Young - CNS & Y at "Wala ng tao sa Sta Filomena" ni Joey Ayala nung dekada 80s sa Mindanao)
Ganito ang assessment at sinasabi ngayon ng British at US army officers sa iligal na panloloob sa Afghanistan at Iraq. “Walang kapana-panalo ang gera at habang lumalaon, lalo lamang lumalakas at nag-iintensify ang mapanlabang diwa ng mapagpalayang pwersang muslim. Hindi na makakayanan ang isang military solution, kailangang daanin sa peaceful nego at political solution.” (Photo: si Pnoy at Murad sa Tokyo Japan)
Tama si Pnoy sa kanyang paninindigang ituloy ang peace process at tigil putukan. Anya, "walang kahihinatnan ang all out war, “wala itong magandang maidudulot, walang nananalo, talunan lahat, lalo lamang makapagpapa-alab ng damdamin at sigalot ang gera. Sa kabila ng masidhing krisis sa pananalapi, lalo lamang malulugmuk sa kumunoy ng kahirapan ang bansa.” Kung baga, "hearths and minds” ang susi sa labanan at kung sino ang makakapag-provide ng tunay na awtonomiya, self-governance at pagpapasya sa sarili, siya ang panalo.