Saturday, November 19, 2011

Damaged INSTITUTION


Sa loob lamang ng dalawa't kalahating dekada (2 1/2 decade), 3 tiwaling pangulo na (diktadurang Marcos, Erap Estrada at GMA) ang naibabagsak sa poder ng kapangyarihan. Kung susumahin, ang tanong ng marami, ganap na bang matatag ang sistema ng hustisya at demokratikong institusyon sa bansa? Ano man ang opinyon ng iba't-ibang grupo, ang realidad, nananatiling mailap pa rin ang katarungang panlipunan sa isang bansang kung turingan ay mahirap pa sa daga.

Alam na natin ang kabuuang itinakbo ng mga pangyayari; mula sa TRO, St Lukes Gen Hospital, flight booking, arrest warrant hanggang nai-booked at nag-piano sa detensyon ang dating Pangulo at kasalukuyang Kinatawan ng 2nd district Pampanga na si Gloria Macapagal Arroyo. Dahil sa kasong electoral sabotage, ang Pilipinas ay nakaligtas daw sa isang Constitutional Crisis. (Editorial caricature, courtesy of http://www.abante-tonite.com/issue/nov2011/editorial.htm)

Sa halos apat na araw (last week) na mga kaganapang politikal, ayon kay Atty Topacio, isa sa mga legal counsel ng mga Arroyo, "kung baga sa labanang Pacquiao– Marquez, nakuha namin ang early part ng rounds, subalit, sa dulo na-TKO kami."

Ang kulang sa GMA camp, wala siyang suporta na nagmumula sa grassroot, mga political movements, mga aktibista at malaking bilang ng civil society na dekada ng nananawagan ng pagbabago at hustisya. "Mob rule" ang tingin ni GMA sa kilusan ng mamamayan at people power. Maliban sa halos mayorya ng mga mahistrado sa Korte Suprema, ang political base ni GMA ay nagconcentrate lamang sa ilang traditional na pulitiko, dati niyang gabinete, ilang Generals sa AFP, mainstream media at bishop na di naman gaanong nakaporma sa kasagsagan ng labanang politikal nung nakaraang Linggo. Marami sa kanila ay dumistansya at nanahimik na lamang.

Ang bigat ng suliranin ngayon ni SC Chief Justice Corona. Ang mamamayan at ang mundo ay nagmomonitor sa bawat galaw ng Supreme Court. Paano nila muling maibabalik ang pagtitiwala at credibility ng Korte Suprema, kung saan may 8 appointee si GMA at siya mismo ngayon ay nakaditini't naiipit sa kasong PANANABOTAHE (pananalaula ng demokrasya) sa HALALAN?

Dahil sa TRO at iba pang kontrobersyal na mga desisyon, "nabahiran ng putik ang SC, the damage is done ika nga at mukhang first time ito sa kasaysayan ng SC sa Pilipinas."

Una, pwedeng i-gag order o tanggalin na sa pwesto bilang spokeperson ng SC si Midas Marquez, "sakripisyong mag-bitiw" bilang Chief Justice si Corona o magresigned en-massed ang mga tukoy na 7 Arroyo loyalist na justices at maghalal ng bagong Chief Justice? Pangalawa, imintina't walang pagbabago sa katangian at composition ng mga mahistrado sa SC o status quo at ituloy ang pakikipag-komprontasyon sa Pnoy administrasyon?

Kung sa pangalawa at mukhang ito ang scenario, delikading at mapanganib, sapagkat ang public opinion ng populasyon ay wala sa kanila at malakas ang sintiemento ng mamamayan laban sa korupsyon, katiwalian at mahirap makipag-away sa isang administrasyon na may mataas ang credibility at satisfaction rating, mga datos na inilalabas kamakailan lang ng Pulse Asia at SWS.

Hindi maitatangging nabahiran ng kulay ang 1 (Chief Justice Corona) at 7 iba pang mahistrado ng SC, ang mapanganib at ang TRAHEDYA ay kung mababahiran ang buong INSTITUTION, damay ang katatagan ng estado, ang sistema ng hustisya at ang 2 pang sangay ng gubyerno (Legislative at Executive).