Mahigit isang buwan na ang Corona impeachment trial sa Senado. Magkahalong inip, buryong at agam-agam ang narandaman ng tao sa teknikalidad, "rules of court" at pangingibabaw ng “rule of law.” Bagamat tanggap ng ilang kasapi ng prosekusyon na "poorly crafted" daw yung Articles of Impeachment, naging mainit at kapana-panabik ang simula ng drama. (Larawan: Corona safe from being midnight appointee, courtesy ; quierosaber.wordpress.com)
Ganun pa man. naniniwala ang marami na ang paglilitis kay Corona sa kasong "betrayal of public trust "ay mas nakapatungkol sa patronage politics, "moral ascendancy at delicadeza." Inaasahang lalabas ang katotohanan sa isinasagawang paglilitis at mai-impeached o dili kaya'y maitutulak na magresigned si CJ Corona.
Naging bahagi ng estratehiya ng magkabilang panig ang labanan sa public opinyon, media at paglulunsad ng mga rallies at demo. Sa kabila nito, marami ang nagsasabing itigil na ang impeachment trial at masyado ng nasasakripisyo ang gawaing lehislatura.
Bagamat karaniwan na ang diversionary tactics, bantang "mistrial - TRO" at "tiradang hearsay," walang dudang tumagilid ang depensa sa mga natuklasang tagong yaman (dollar at peso bank accts) na di tugma sa idiniklarang SALN (statements of assets and net worth) ni Corona, kahit sabihing sa "maling paraan" daw nakalap ito ng prosekusyon, kahit hindi kilalanin ni Sen Enrile't ilang Senate judges at kahit gustong ibasura ng depensa't Supreme Court ang ebidensya.
Habang dumadalas ang caucus sa loob ng Senado, lalong nadidiin ang prosekusyon. Sa kabila ng paniniwalang “tanging ang Senate court lamang ang may jurisdiction sa paglilitis,” kinatigan pa rin ni Sen Enrile at mga kaalyado nitong mga Senator Judges ang "yumuko sa kontrobersyal na TRO - SC decision patungkol sa Bank Secrecy, ang pagkwestyon sa naging papel ng AMLC (anti-money laundering council) at Bangko Sentral."
Sa 13 – 10 senate votes pabor kay Corona, hindi maitatangging nalagay sa alanganin ang “rules of court” na karaniwang bukang bibig ng depensa at political opposition. Mas lumalaki ang posibilidad na mauwi nga sa politika at impluwensya ng mga makapangyarihan ang kahinatnan at agam-agam na magtutuloy-tuloy sa acquittal ni Corona ang scenario ng paglilitis.
Patuloy na naninindigan si CJ Corona na ang Hacienda Luisita raw ang nasa likod ng kanyang pagkakadiskaril. Habang ang iba ay sinasabing "pagpapatuloy lamang ito sa umiigting na tunggaliang politikal ng mga Arroyo at Aquino." Sa kabilang banda, patuloy na iginigiit ng administrasyon ni PNoy na ito’y bahagi ng sinumpaang “reform agenda; accountability, transparency at pagpapalakas ng mga (demokratikong) institusyon sa ating bansa.”
Sinasabi rin na ang “2010 vice presidential election protest ni Sec Mar Roxas daw at ang nalalapit na 2013 midterm election ang dahilan.” Bagamat itinanggi ng palasyo, may mga espekulasyon na “ang susunod na poproyektuhin daw ng Malakanyang pag-napalitan at makontrol nito ang Chief Justice at Supreme Court ay ang ilang mga senador na may nakaabang na kaso at kakaiba ang kulay." (Larawan: Corona impeachment trial, courtesy of pinoywatchdog.com)
Tinatantyang may mahigit 15 senator judges na ang may sari-sarili ng kapasyahan (acquittal at conviction), hindi dahil sa “rules of court o rule of law," bagkus, batay sa kanya-kanyang biases at sabwatan ng mga pampulitikang interest. Kung hindi maa-agapan, ang political alliances na naitayo matapos ang 2010 election (LP at PDP-Laban) ay maagang mapupurnada ng wala sa panahon (2013), ang dating kaaway ay magkaututang dila na at ang dating magka-alyado ay galit-galit muna.
Bagamat naniniwala ang marami na seryoso nga sa "reform agenda" si PNoy at nanatiling mataas pa rin ang satisfaction rating, mukhang ipapasa ang sariling version sa napapanahong batas na Freedom of Information (FOI) sa kongreso, mga rekisito't pagbabago ng SALN, bank secrecy at anti-money laundering laws. Kaya lang, hindi maiiwasan ang pangamba ng ilang grupong politikal kung “garantiya nga ba sa demokratisasyon ng lipunang Pilipino at pagpapalakas ng hustisyang panlipunan ang Corona impeachment?"