Labag man o hindi sa Omnibus Election Code (90 days campaign period), nagsisimula na ang pamumulitika, gapangan at kampanyahan (election campaign for major cities at provinces - vote rich areas) para sa 2013 midterm election. Ika nga ng mga “election operator, kung seryoso kang kandidato, one year before 2013 election ang tamang panahon sa pagsisimula't paghahanda ng labanan."
Maagang naiporma ang United Nationalist Alliance (UNA - Estrada-Binay coalition). Kasunod ang kaliwa’t kanang propaganda; ang “david and goliath” at “sleeping giant” daw ni Enrile; ang pahayag na, “wala naman daw dapat ikabahala'' ni Erin Tanada; ang sabi ng mga ilang kritiko na,''opportunist at intrigang nakikipaglandian na sa mga alyado ng dating tiwaling presidenteng Arroyo (Lakas-KAMPI) ang grupo nila Binay at Erap at ang labanang UNA vs LP na raw sa 2013." (Photo, courtesy of philippinesmay2010 electionpost.blogspot.com)
Litaw at banner headline ang sunod-sunod na labas ng survey (SWS, Pulse Asia) at tulad ng inaasahan; name recall, mga luma, recycled, mga kilala at ANGKAN pulitiko (political clan) ang mga nasa unahan. Tago at sikreto sa madla ang mga "negosasyon-exploratory talks, political mapping, party building, budget sourcing at higit sa lahat, pangangalap ng mga battle tested, dating aktibista’t mahusay na campaign manager, consultant at operators."
Habang nalilibang ang marami sa laro ng national politics, umiinit din ang sitwasyon sa lokal. Kaya lang, ano mang pokus sa national, kung walang gulugud at ampaw sa baba, mababalewala at hindi rin maisusustina. Nakasalalay sa lokal ang kahihinatnan ng national campaign ng isang partido at kung sino ang may tangan ng "local machinery, vote delivery at protection," siya ang panalo sa 2013. Totoong "non-partisan" ang karamihan sa lokal, subalit kung sino ang makatutulong at makakapag-deliver ng social services, infrastructure, devt projects, allocation at dispersal ng internal revenue, siya ang llamado sa 2013.
Hindi maisasa-isang tabi ang “lumalakas na panawagan para sa pagbabago at REPORMA (pulitika).” Sila ang lumalaki't umuusbong (emerging movements) na pwersang politikal sa hanay ng kilusang mamamayan; ang civil society, media at social networks (facebook, bloggers atbp) o mga estratehiko't makabagong media na kahit paano, mga sangkap na mapagpasya o determining factors sa 2013.
Asahang magiging mainit na isyu ang pork barrel-katiwalian, good and democratic governance, pagpapalakas ng mga demokratikong institution (justice at electoral system), kabuhayan at kaunlaran (road map). Hindi maiiwasan maningil ang mamamayan sa kinahinatnan ng impeachment trial kay CJ Corona, mga pulitikong nakipagsabwatan at nag-atubiling papanagutin ang mga nagkasala't may utang na dugo sa taumbayan.
Maliban sa electoral coalition, sabayang maitatayo ang iba’t-ibang mga coalition for clean, honest at peaceful 2013 election (anti-fraud and anti-private armies), coalition for voter’s education, coalition for people’s agenda at iba pa. Bagamat sa unang tingin ay “non-partisan,” maaring makipagtuwang ang malalaking political party at kasalukuyang administrasyon at lumahok sa mga dabate't diskurso ng mga “isyu ng bayan”. (Photo courtesy of iper.org.ph)

Ang local politics ang "magdedetermina at magdadala ng labanan di lamang sa senatoriable race, maging sa congressional na labanan para sa 2013.” Kung sino ang may kakayahan at may kapabilidad na makapagdomina at makapag-inpluwensya sa lokal na pulitika at labanan, siya rin ang walang dudang mananaig sa 2013 at malamang sa hindi, kayang mai-sustina ang kapangyarihan hanggang o lagpas ng 2016.