Monday, July 28, 2014

SONA 2014 ni PNOY, Pasang – awa na naman


"Tinimbang ka ngunit Kulang"


Emosyunal, tulo ang luha at naging madrama ang huling pananalita ni Noynoy Aquino (Pnoy) sa ika-limang state of the nation address (SONA) nito kanina. Kung baga,  culturatic frame ang handling na may layuning i-captured ang damdamin maawain ng malawak na masa.  Parang gustong ipahiwatig ang pagsusumamo, pang-unawa at patuloy na pagtitiwala sa nalalabi pang dalawang taon sa Malakanyang. (Photo courtesy of; 28-Jul-14, 8:27 PM | Lira Dalangin-Fernandez, InterAksyon.com)

Magkaka-iba ang reaksyon ng tao depende sa kung sino, saang nangmumula, pinanggagalingan ang mga tirada at diskurso.    Sa kanyang ika-apat na taon sa kapangyarihan,  ang sigurado, may mga nagawa,  may napabayaan, may positibo at negatibo, may nasa labas at nasa loob ng kusina,  may nakinabang,  maraming na-marginalized  at may walang paki-alam.

Sa mga kaalyado, sasabihing  totoong tao at seryoso si Pnoy.  Sa mga kritiko, kulang-kulang,  isang gimmick, isang telenobela at teleseryeng napapanood gabi-gabi sa telebisyon ang SONA.   Naging kapana-panabik sa mga suportador,  walang substansyal, fashion show at nakakaburyong  naman sa mga kritiko.  Tulad ng dati,  retorika,  recycled at propaganda ng mga nasa kapangyarihan ang mga pahayag at panawagan.  Sa kabuuan, “kulang sa timbang” ang SONA ni Pnoy.

Ang masamang epekto ng pamumulitika at ang katayuang “sick man of Asia” ang siyang naging panimulang entrada ni Pnoy.  Bagamat  binalikan ang nakaraang mga  isyu, mababaw na pinagbasihan ito kung ano talaga, saan patungo ang nalalabing panahon ng kanyang administrasyon?  Hindi gaanong natumbok nito ang ugat kung bakit parang cancer ang sakit ng pulitika at ekonomiya ng bansa.  

Kasunod ng kapasyahan ng Korte Suprema at silakbo ng damdamin ng mamamayan laban sa katiwalian,  naubligang ibasura ni Pnoy ang pork barrel - PDAF habang kampante at kasunod na nakabalangkas ang instrumentong magpapabilis daw ng proseso ng kanyang programang pangkaunlaran, ang Disbursement Acceleration Program (DAP).    Hindi matanggap ni Pnoy ang naging hatol na unconstitutional  ang DAP.   Para sa kanya, in "good faith" at  malaki ang naitulong ng programa sa paglago raw ng ekonomiya,  na pinabulaanan naman agad ng mga kritiko at kaaway sa pulitika.  

Malaki ang paniwala ng marami na ang DAP ang magbibigay assurance o kasiguraduhan upang mailatag ang total victory ng kanyang kaalyado at sariling manok sa papalapit na 2016 presidential election. (Photo: courtesy of: :http://www.philstar.com/opinion/2014/07/04/1342213/editorial-better-system)

Dahil sa kontrobersya ng DAP,  nakahanap tuloy ng puwang ang kanyang kaaway upang  pabulaanan ang kampanyang  slogan “tuwid na daan at kung walang kurap walang mahirap."   Mas lalong nakumplika at nalagay sa depensiba si Pnoy ng kasuhan siya ng magkakasunod na demanda't impeachment complaint kahalintulad ng mga naunang mga tiwaling rehimen. 

Mukhang pangangatawanan ni Pnoy ang kampanyang  “tuwid na daan,”  ang pamanang  iiwan (legacy) sa mamamayang Pilipino.  Patunay ang apat (4) na mga kilalang political personalities;   isang dating president,  isang SC chief justice, tatlong senador,  mga operator at iba pang mga isusunod na pulitiko sa hanay ng oposisyon at administrasyon.   

Kung tutuusin,  kulang pa at nanghihinayan ang ilan.   Mas mai-institusyunalisa sana ang labang "kung walang corrupt walang mahirap,"  kung  may freedom of information (FOI),  kung malalakas ang political parties at may demokratic representation ang mamamayan o anti-dynasty.      Maganda ang  6 – 7 % GNP growth rate at pag-angat ng credit rating,  kaya lang, hindi siya sustainable at hindi  randam sa mga komunidad.  Kung nakinabang at pinahanga ni Pnoy ang mundo ng negosyo,   “inclusive growth” ang nagkakaisang naging tugon na kakulangan.  
    
Ipinagmayabang ang mga pagbabago sa edukasyon (K-12) at  paglaki ng collection sa buwis.    Kaya lang,  hindi  nabanggit ang lugmok na kalagayan ng agrikultura,  mabagal na programa sa relief and rehab sa tuwing delubyo at krisis na kinakarap sa enerhiya.   Ang pangamba ng marami,  mawawalan ng katuturan ang inaasam na pag-unlad ng ekonomiya kung  bigong  mareresolba ang krisis sa enerhiya  (Photo: courtesy of: http://www.philstar.com/opinion/2013/12/12/1267130/editorial-power-crisis)

Marami ang natuwa ng kilalanin at panagutan ng estado ang mga biktima ng kalupitan ng diktadura at ikasa ang compensation o bayad damyos sa mga biktima.  May naaaninag na liwanag sa dulo para sa pangkapayapaang proseso hindi lang sa Mindanao at bangsa moro bagkus,  sa iba pang  grupong pulitikal na hangad pabagsakin ang estado sa paraang rebelyon at insureksyon.

Crucial ang nalalabing dalawang taon upang maihanda at maipagpatuloy ang  bunga ng kanyang pagsisikap  lagpas sa 2016 presidential election.  Bagamat hindi tinukoy kung sino ang magiging kahalili, nai-set niya ang pamantayang dapat taglayin ng  kanyang mamanukin na magsusustina ng kanyang legacy.

Sa maluha-luhang pananalita,   muling sinariwa ni Pnoy ang  “worth dying and fighting for”  na sinimulan ng kanyang magulang.  Hindi raw ito nasayang (Ninoy at Tita Cory) at magpapatuloy.    Sabi nga ni Butch Abad,  tao lang si Pnoy, liberal,  nagkakamali at hindi perpekto.