Thursday, April 21, 2011

Boracay, ang "Divisoria-Mall island resort" ng Aklan


Doy Cinco

Matapos ang 2 weeks activity sa Culasi, Antique at South East Asia (Ho Chi Minh, Phom Penh at Siem Reap), naubliga kami ni May na magtour guide sa kamag-anak inc. na nagplanong magbakasyon ng apat na araw sa Boracay. Limang beses na akong nakapunta at inabot natin (80s) ang mala-primitibo, negrito-indigenous people, walang kuryente't bahay kubo at talamak na foreign nudist sa Boracay.

Ang Boracay ang isa sa pinakamagandang tropical beach sa mundo. Kilala bilang paraiso sa halos anim na daang libong lokal (600,000) at dayuhang turistang nagbabakasyon taun-taon. Ang kanyang pino’t maputing buhangin at kristal na tubig-dagat ang nagbigay buhay upang kumita ng mahigit labing-dalawang bilyong piso (P12.0 billion) taon-taon ang may libong negosyong turismo sa isla. Sa laki ng volume ng turista at masikip na lugar, di maiiwasang bansagan siyang "Divisoria-Mall island resort" ng Aklan.

Mabigat sa bulsa (middle class) ang Boracay, ngunit para sa mga turistang nasa kanluraning bansa, Hapon, Koreano at sa mga Intsik, cheap sa ano mang bagay ang Boracay; simula sa transportation, pagkain, inumin, diving, spa, watersport, nightlife at shopping.

Fully booked na ang may 90% ng hotel accommodation at dahil peak season, nadodoble hanggang P2,500 – 20,000 / night ang Boracay. Sa pamamagitan ng on-line booking, nakakuha kami ng P1,200 / night sa beach front Station 3. Umabot ng P3,000 / each ang rountrip on-line plane ticket at dahil walo sila, P24,000 ang unang damage. Pag-arrive sa Kalibo Airport, sasalubong ang mga tryke at sila ang tanging paraan upang makarating sa Ceres bus station sa Kalibo town center dalawang (2 km) kilometro ang layo at P100 / each (walang taxi sa Kalibo!) ang bayad, mas mahal pa sa taxi ng Manila.

May mahigit 100 km ang layo ng Caticlan mula sa Ceres Bus station, P140 / each ang pamasahe. Mas matipid sana kung nakapag-rent ng Van (P1,200) mula Kalibo Airport diretsong Caticlan. Alas quatro (4 pm) ng hapon nung dumating kami sa Caticlan Terminal kung saan naghihintay ang Terminal Fee – P30 / each, Environmental fee- P75 /each at P30 / each na pamasahe sa boat para makarating sa Boracay.

Hindi pa natatapos ang kalbaryo. Pagdating sa isla, sasakay ng multi-cab (monopolyado ng kooperatiba) patungong Station 1, 2 at 3, malayo man o malapit (1 or 2 kilometer), P250 - 300 ang bayad, tinalo ule ang taxi sa Manila. Kung pagod na sa paglalakad at kailangang baybayin ang kahabaan ng isla na ka-parallel sa iskinitang highway (from Station 3 - Station 1), P200 ang bayad. Organisado’t nasa federation ang lahat ng tryke sa isla.

Naglalaro sa P350 – 600 / each ang pagkain at kung gusto mong magtipid, ituro ang kursunadang sea food sa Talipapa at duon ipaluto o sa fastfood kumain at mamili sa groceries, dahil kung hindi, halos doble ang presyo ng bilihin. Sa water sport; P2000 / 15 min ang Jetski; P250 / each sa Banana ride (10 pipol / P2,500); P3000 / 3 hr sa island hoping (boat) + mga entrance fee sa mga papasukang cave.

Overdeveloped and mismanaged

Pag-aari ng pribadong korporasyon ang mahigit kalahati ng 1,032 hektarya ng isla at ang 20% (200 hectares) nito nakapwesto ang 3 dambuhalang Fairway and Blue Water Resort, Boracay Eco Village at Shangrila. Ang alam ng marami, 61% ng kabuuang lupain sa isla (alienable and disposable land) ay pag-aari ng gubyerno (DENR).

Mukhang mas malaki pa ang kinikita ng Boracay kaysa sa 2 probinsya ng Capiz at Antique combined, maging sa konsumo ng tubig at elektrisidad. Sa kabila ng sampung bilyong pisong kita ng island resort at LGUs taun-taon, "nananatiling mailap ang delivery of basic services at talamak ang karalitaan sa mga Boracaynon sa isla."

Nanatiling banta ang kalusugan at environmental concern bunsod ng masisibang (profit oriented) mga kapitalista kasapakat ang mga pulitiko at lokal na gubyerno ng Aklan. "Lagpas na sa carrying capacity na magdudulot ng environmental waste land (disposal, zoning, building code at environmental compliance) ang Boracay. Kung sakaling mapurnada ang turismo, "walang maliwanag na sustainable devt, industria at integrated livelihood" ang mamamayan.

Mas priority ng mga pulitiko na maglagay ng tulay (ala San Juanico bridge), magreclaimed ng lupa sa pagitan ng mainland Panay at munting isla ng Boracay at mga materyal na maaring pagkakitaan kaysa sa pangangalaga ng karagatan at baybaying dagat, kabutihan at kagalingan ng mga katutubong Buracaynoon sa isla.

Kung ganito ka-buguk ang mga namumuno, ka-mahal at kasalaula ng Boracay, walang dudang pag-iiwanan na tayo ng ating mga kalapit bansa sa south-east asia.

Thursday, February 17, 2011

Postpone ARMM election in the name of “DEMOCRACY”

Doy Cinco

Tulad ng barangay, ang ARMM election (Autonomous Region for Muslim Mindanao) ay palagiang pinupulutan ng ruling elite na nagpapanggap na tuwid ang landasin. Sa ngalan awtonomiya, ipagpapaliban na naman ang nakatakdang nalalapit na ARMM election sa Agosto, 2011 alang-alang daw sa "reporma, good governance-pananalapi at demokrasya?"

Palagiang isinasangkalan ang "krisis at kabiguan ng ARMM (experiment)," pero ito'y nagbubulag-bulagan sa tunay na salarin; ang ilang dekadang pananalaula ng institusyon, kabulukan ng pulitika, Manila centric at baluktot na pamumuno ng mga nagdaang nailulukluk sa Malakanyang at tila magpahanggang ngayong pamunuan.

Bunsod ng kawalan at winable na mamanuking kandidato, postpone muna ang nakikitang solusyon
at sa ngalan ng panggagapang at maniubrang pulitikal sa kongreso, kinukundisyon ang bansa na"kagustuhan raw ito ng mayorya ng mga tongresmen at kilusan ng mamamayan sa Mindanao? "

Layon ng pagpapaliban ang pangangailangang maisakatuparan daw muna ang
"reporma" at ito raw ay maisasagawa ng Officer In Charge (OIC) na maitatalagang pansamantala hanggang May 2013 syncronized election. Kung magtatagumpay ang nasa likod ng panawagang pagpapaliban at pagtatalaga ng OIC, tuluyan na ngang maaring sabihing “weather-weather lang, kung kayo (Arroyo) noon ang predatory, kami naman ngayon (Pnoy administration).”

Kaya lang, bukud sa lantay na paglabag sa batas, a
ng democratic legacy at people power na ipinundar ng icon na si Tita Cory at Ninoy Aquino ay pilit na winawasak. Alam ng lahat na ang pagpapaliban sa ARMM Election na ikapitong beses ng nangyari sa kasaysayan ay walang kaduda-dudang "hindi solusyon sa pag-aresto ng warlordismo, dinastiya at talamak na pampulitikang angkan."

Walang dudang may kaugnayan sa mahinang (weak) institusyon, party system at kabulukan ng electoral politics ang konteksto ng ARMM. Ito ang pabrika at lumikha ng maraming Ampatuan sa bansa (Luzon, NCR, Visayas at Mindanao). Mahigit anim (6) na dekada na ang warlordismo at kung magkikipit balikat ang Malakanyang at walang political at electoral reform na maitutulak sa Kongreso't Senado, tiyakang mangyayari muli ang karumal-dumal na labanang pulitikal, massive electoral fraud at terrorism sa 2013 at 2016 presidential election, panahon ng termino ng Pnoy administration.

Maagang napapraning sa kapangyarihan ang mga sipsip na galamay ng administrasyong Aquino lalo na ang mga nasa paligid nitong mga naturingang "tagapayong pulitikal." Mga bagong mukha, ngunit mga "luma at may tunguhing awtoritaryan ang kilos at oryentasyon."

Ang nakakalungkot,
"kung paano tinutulan at kinundina ng mga grupong ito na umastang "kilusang demokratiko," labanan ang administrasyong Macapagal Arroyo sa garapalang pakiki-alam at pangungubabaw sa Muslim Mindanao at ARMM ay siya rin naman ngayon ang gumagawa ng pagdodomina at baluktot na daan kasapakat ang ilang pangunahing operador ng Malakanyang. (larwan:IPAD / Its objective is to call for the postponement of the ARMM Elections and to ...themindanaocurrent.blogspot.com)

Maaring maganda sa paningin ng palasyo ang intensyon (OIC at pagpapaliban), ngunit sa bandang dulo, panigurong masama ang epekto; sa democratization, pagiging role model, kapayapaan, kaunlaran at higit sa lahat, sa tunay na diwa ng awtonomiya, kung saan ang BANGSAMORO mismo ang magpapasya sa kanyang sarili, magdedetermina sa kanyang buhay, kapakanan at kanyang kinabukasan.

Maganda ang layunin, subalit mali ang approached (undemocratic). Bukud sa hindi siya participatory at consultative, lalo lamang ipinapakita ang papel at kapangyarihan ng Malakanyang na manipulahin at kontrolin ang ARMM. Kung patronage politics ang dahilan ng pagpapaliban, parang sinasabing ipagpaliban na rin natin ang midterm 2013 at 2016 presidential election.

Walang dahilan upang ipagpaliban ang ARMM election sa darating na Agosto, 2011 at kung may political will, kailangang palakasin ng Pnoy administration ang institusyunalisasyon ng ARMM sa pamamagitan ng "lakas at partisipasyon ng mamamayan ng BangsaMoro." Dito lamang ganap na masasaluduhan tayo ng mundo, mawawala sa listahan ng mga tiwaling bansa, uunlad ang buhay at antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Saturday, November 27, 2010

Students Protest Movement, lalakas at lalawak?

Doy Cinco

Halos ilang linggo ng umiinit, nagbi-build-up at bumubuwelo ang kilusang protesta sa hanay ng kilusang kabataang-estudyante. Hindi malayong paniwalaang muling sasambulat ang kilusang protesta di lamang sa Kamaynilaan bagkus sa buong bansa. Subuk na at mahirap maliitin ang kakayahan ng student power lalo na't wasto ang linya at pakikibaka. Ang malungkot, kinukutya at parang hindi pinapansin (Malakanyang at Kongreso't Senado). Imbis na harapin, parang umi-iwas, nagpapalusot at nagtuturuan.

Kung walang malinaw na kasagutan at hindi magbabago ang postura ng palasyo, kung kakabig ng malawak na suporta (broad alliance) at simpatya ang kilusang protesta, partikular sa hanay ng academic community at mapapanatiling
"peaceful at non-violence" ang laban, hindi malayong paniwalaang sasambulat ang kilos protesta ng kabataang-estudyante, kahalintulad ng malakihang pagkilos nung first quarter storm (FQS) sa panahon ng diktadurya at dekada otchenta (80s), ang radical shift sa kilusang pulitikal at binhi ng people power revolution na nagpabagsak sa diktaduryang Marcos.

Panigurong hindi lamang usapin ng
"budget cut" sa state university and colleges (SUCs) ang isyu, bagkus ang "usapin at ugat ng bulok na sistema ng edukasyon," ang kinamumuhiang patakarang "pagsasapribado" (privatization) at nauusong "austerity program" ng administrasyon.

May ilang dekada ng nasa ICU o nasa malubhang krisis ang edukasyon; nabubuluk na facilities at laboratories, iskul bukul, mababang pasahod, exudus ng mga faculty at mga graduates (brain drain) sa ibayong dagat. In terms of quality education, research and development at science and technology, napag-iwanan na ang Pilipinas ng mga kalapit na bansang kaanib sa South-East Asia, China, Japan, Taiwan, Korea, India at Pakistan sa Asia.

Ang kilalang pamantasan ng Pilipinas at lima pang mga state and private universities and colleges sa bansa ay patuloy na nangangamote sa mga labanan at kulelat sa mga RANKING sa Asia. Ang malungkot, may nararandaman ang sector na mukhang magpapapatuloy ang kabulukan, kawalang pagpapahalaga (non-priority) at kalakaran ng buluk na sistema ng edukasyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni PNoy.

Sa panahong bumibilis ang pag-unlad ng teknolohiya at modernisasyon, nagiging mapagpasya ang papel ng “knowledge society.” "Ang potensyal ng edukasyon at inpormasyon sa paglakas ng produksyon ay itinuturing na ngayon na mas mahalaga’t estratehiko kaysa sa lakas-paggawa at kapital." Marami ang naniniwala na ang "pamumuhunan sa human capital" ay mabisang pang-laban sa rumaragasang globalisasyon at mapagpasya sa pandaigdigang competitiveness ng mga bansang tulad ng Pilipinas.

Walang dudang nakasalalay sa isang matatag at mataas na kalidad na edukasyon ang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Kung baga, hindi maaabot ang inaasam-asam na Millenium Development Goals (MDGs) at maiibsan ang karalitaan kung iilan lamang ang edukadong mamamayan sa lipunan.

Wasto ang panawagan ng kabaataang-estudyante; Ang mga katanungang
bakit sa basic education lamang ang popokusan ng administrasyon, bakit hindi kompletuhin at lubus-lubusin hanggang tertiary level? Sa bawat 100 pumapasok sa elementary, kakarampot ang nakaka-abot sa kolehiyo at kung maka-abot man, bilang sa daliri ang nakakagraduate.

Dagdag pa,
bakit ibabaling sa mga school administrators ang pananagutan at accountability ng BUDGET CUT? Parang sinasabing kumikita sa paraang Income Generating Projects (IGP) ang lahat ng SUCs na siya namang winawaldas ng huli? Ang nakakapanglupaypay, imbis na ayudahan, tinatratong pabigat at walang silbi ang mga SUCs sa mga Rehiyon at gusto pa atang pagbubuwagin at ibenta? Wala na bang karapatang makapag-aral ang mga taga-kanayunan sa SUCs? Panghuli, bakit parang umiiwas ang Malakanyang na harapin ang isyu at palagiang ikinakatwiran ang lumulobong budget deficit? Ang nakakabahala, mukhang pahihintulutan ng palasyo ang 100% tuition fee increase ng mga SUCs sa susunod na taon.

Hindi na ito bago, isyu na'to noong panahon ng diktadurya at lumala hanggang sa administration ni Gloria Macapagal Arroyo. Maliwanag ang advocacy ng kabataang-estudyante, bilang bahagi ng tinatawag na
“budget reforms, unahin at itaas ang kalidad ng edukasyon" at maisasakatuparan lamang ito sa pagbabasura ng pork barrel - PDAP ng mga pulitiko, pansamantalang pagtigil sa pagbabayad ng utang-panlabas na di napakinabangan, pagre-alligned ng dambuhalang pondong dole out ng Conditional Cash Transfer (CCT) at seryosong pagsawata ng pangungurakot sa gubyerno.

Nasa kamay ng Malakanyang at wala sa mga school administrator at CHED ang buhay at kinabukasan ng mga SUCs. Ang paulit-ulit na usaping political will, diyalogo at consultation, patakaran at desisyon mula sa ehekutibo at lehislatura ang tangi at isang paraan upang maresolba ang isyu.

Tuesday, October 26, 2010

Barangay Eleksyon, dinaig ang Bagyong Juan

Doy Cinco

OVERHAUL COMELEC
Biktima rin ako sa kaguluhan ng barangay election kahapon. Sa akalang maayos at may kaluwagan (2:00 pm), anarkiya’t over-crowded, daming nadismaya’t umuwing luhaan at ‘di nakabotong mamamayan. (Larawan: si Pnoy sa Tarlac, http://www.mb.com.ph/)
Mula sa Diliman republic, Kalakhang Manila (NCR) hanggang sa Kanayunan, naging dilubyo ang katatapos na barangay eleksyon, hindi lamang sa araw ng botohan, maging sa kabuuang yugto ng eleksyon; mula sa pre-campaign, campaign hanggang sa voting at counting period. Ang malungkot, naging inutil ang COMELEC.(A police officer escorts a teacher as she protects a ballot box during canvassing of votes at the Manuel A. Roxas High School the other night. BERNARDO BATUIGAS, http://www.philstar.com/)
Kung may 26 ang patay, may P7.0 bilyon ang nasirang pananim at inprastruktura, may 200,000 ang naapektuhang bahay sa Bagyong Juan, sa barangay eleksyon, may 39 ang patay, P4.5 bilyon ang nawala, may no-election sa 2,400 barangay. Ang mas nakakahiya, may mahigit 2,000 over-extended na Kapitan ng barangay ang napabayaang mamayagpag at magpartisipa sa eleksyon.

Maliban sa naunsyaming mga barangay, may 1,700 barangay ang nadelay sa election. Sa Bicol lamang, may 1,836 barangay ang No-El at delay. Apektado rin ang kalapit
na probinsya ng rehiyong Central Luzon at Southern Tagalog (Zambales, Cavite), mga lugar na nasa tungki ng ilong ng Comelec. Pumalpak ang mga kinontratang forwarder, sumablay ang pag-iimprenta ng balota at pare-pareho ang serial number.

Sa kaguluhan at pagiging dis-oganized, mababa ang voter's turn out, nagkaligaw-ligaw at madaming nawalan ng pangalan sa Computerized Voter’s List. Talamak ang flying voters (hakot), violation sa pagtatakda ng “common poster areas at iligal na laki ng poster at tarpuline.” Talamak ang vote buying, pananakot at karahasan. Kung naglalaro sa P500 / botante ang bilihan noong May Automated election, may mahigit P500 hanggang P1,000 – 3,000 / botante ang bilihan sa barangay. Sinasabing, “mas pinakamagastos daw ang barangay election kung ikukumpara sa pambansang election.”

May kalakihan ang extent ng damage (kung ikukumpara sa natural na kalamidad na Bagyong Juan); ang "pananabotahe o dili kaya’y pagpapabaya ng Comelec." Kung walang mananagot, tuluyan ng mawawala ang pagtitiwala ng mamamayan sa political process. Sapagkat nakasalalay ang kasagraduhan ng demokratikong proseso at institusyon, mas mabigat ang pinsalang idinulot ng Barangay eleksyon kung ikukumpara sa bagyong Juan.
Ayon sa Local Government Code 1991, ang Barangay na isang basic political unit ng gubyerno ay salamin ng demokrasya, partisipasyon at daluyan ng programa't delivery of basic services. Sa dalawang dekadang operationalization ng batas, nananatiling kontrolado ng padrino’t pulitiko (mayor, Kongresman, gobernador) ang barangay.

Malaki ang nakataya sa barangay, maliban sa kapangyarihang taglay nito, papalapit na ang mid-term 2013 election. Ang barangay ang inaasahang magiging larangan ng pakikibaka ng iba't-ibang pampulitikang pwersa kung papalaring maitutuloy ang Cha Cha, ang pagbabago ng sistema ng paggugubyerno sa loob ng anim na taong termino ng administrasyon ni PNOY.

Halos, mag-iisang daan taon na ang Comelec (100 years) sa pangangasiwa ng eleksyon. Una tayo sa Asia pagdating sa regular na paglulunsad ng eleksyon. Kung baga, hindi na ito bagong sistema, masasabing sanay at beterano na ang Pilipinas pagdating sa “demokrasya at representasyon.” Ang nakakapanglupaypay at malaking tanong, bakit hindi natututo, palagiang sablay, madugo't trahedya, hindi pinagkakatiwalaan ang Comelec at kondukta ng eleksyon?


Sa layuning i-strengthen ang institusyon, napapanahon ng i-overhaul ang Comelec. Tama lamang ang naging panukala ni PNOY na magkaroon ng masinsinang imbestigasyon sa katatapos na palpak na Barangay Election. Mayroon ibang reaksyon na nagsasabing muling repasuhin ang Local Government Code (LGC), buwagin na ang barangay at ito na raw ang
“huling barangay eleksyon.” May nagsasabi na ang kapangyarihan ng alkalde at asembleya ng mamamayan na lamang ang magtalaga sa mga punong barangay.

Sunday, October 17, 2010

Conditional Cash Transfer will dis-empower informal sector


Doy Cinco

Habang hinahagupit ng Bagyong Juan ang Northern Luzon at minomobilisa ang Disaster’s Preparedness-zero casualty ng mga lokal na gubyerno, sa Kongreso, naging mainit ang labanan sa budget hearing lalong lalo na ang kontrabersyal na Conditional Cash Transfer (CCT) ng DSWD – Sec Dinky Soliman. (Larawan: dswd_2a.81154754.JPG)

Depende kung saan ang bias mo. Kung bahagi ka sa implementasyon at kaalyado ka ng bagong administrasyon, walang dudang pabor ka sa programa ng CCT. Kung ikaw ay malayo sa pansitan, isang oposisyon (Lakas-KAMPI) at nakapakat sa dating Administrasyon, "tutol kunwari." Kung ikaw ay isang Kaliwa na di naambunan ng ganansya at kung ika’y consistent at naniniwala sa popular na kasabihan ng mga Tsinong, “give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and you feed him for a lifetime at para sa mga Pinoy, “kumayod, magtrabaho at magsumikap, definitely tutol ka sa CCT.

Ang World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB) na tumulong, nagpautang at pangunahing taga-pamandila’t promotor ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) – CCT ay hindi nababanggit at nawawala sa eksena. Ang WB na nalalagay sa zero credibility ay isang institusyong pananalapi na kontrolado ng pinaka
makapangyarihang emperyo ng mundo, ang Estados Unidos, habang kontrolado naman ng bansang Hapon ang ADB.

Sa bawat programa’t mga proyektong may kinalaman sa kaunlaran at komunidad, ang karaniwang itinatanong ay kung may "democratic process at consultation" na isinagawa ang programa. May partisipasyon ba ang mamamayan, tunay nga bang makikinabang at magbebenepisyo ang mga maralita o informal sectors? At nililinaw kung solusyon ba ang CCT sa pagsugpo ng ilang dekadang karalitaan o isa lamang itong band-aid, palyatibo't pa-pogi points?

Mga dayuhan, "matatalino at raketerong" local elite ang utak at punu’t dulo ng CCT. Maganda man ang intensyon, idahilang "stop-gap measure" man ito, sa bandang dulo, inaasahang may negatibong epekto, sasablay at patuloy na "magiging pala-asa, tamad at kalabit pengeng" kultura ang mga maralita. Sabihin man ni Sec Dinky Soliman na "pangunahing maralita ang makikinabang, mas kapani-paniwalang mas kakabig at interest ng DSWD-Malakanyang ang pakay ng programa." Sa akalang "tunay na nanglilingkod, ang totoo'y isa itong dis-empowerment, sagka sa kaunlaran ng komunidad at demokratisasyon ng lipunang Pilipino."

Kung sana’y kinunsulta ang mga informal sector, walang dudang imumungkahi nito ang “pangangailangang pa-trabaho para sa reforestation (proteksyon ng Marikina watershed), paglilinis ng kanal at pagtanggal ng mga bara sa drainage system. Pa-trabaho para sa bilyong pisong proyektong inprastraktura (local at national), housing (medium rise bldg) program at pautang para sa kabuhayan o mga micro-livelihood project.

Para sa mga maralita ng kanayunan, ang pangangailangang pagpapaunlad ng ani't produksyon, subsidyo ng mga binhing palay, abono, mga suportang agapay sa magsasaka’t mangingisda (sustainable integrated resource management),
rehabilitation ng mga irigasyon at malawakang reforestation program. (larawan: Sustainable Agricultural Technologies / f0048‑01.gif)

Kung papipiliin lang ang mga taga Isla Puting Bato sa Baseco-Tondo at Agham rd sa harap ng Pisay, Barangay Payatas, Commonwealth, Holy Spirit at Batasan sa QC, training at kasanayan mula sa TESDA ang tiyakang gugustuhin (vocational at technical training) ng maraming istambay.

Masalimuot na proseso ang pagsasakapangyarihan (empowerment) o pag-iinstitusyunalisa ng people power. Komplikado't structural ang pag-iistrategized ng “poverty eradication at social protection program” at ano man ang laman nito, ang prinsipyo't prosesong “kayo ang boss ko at kukunsultahin ko” ay hindi dapat maisakripisyo.

Ayon sa mga academics at people's empowerment practitioners ,
"kung hindi kasali ang mamamayan sa pagdedesisyon, pagpaplano at patuloy ang kalakarang Top / Down approach," mauuwi lamang sa wala ang P20.0 bilyong pondo ng DSWD at ang inaasam-asam na pagbabago't kaunlaran sa ilalim ng administrasyon ni PNOY ay nanganganib na mauwi sa bangungot kahalintulad ng mga nakaraang buluk na administrasyon nagdaan.


Saturday, September 11, 2010

PNOY, Bus Tragedy at ang Padrino


Doy Cinco

Sa mga kaaway sa pulitika’t kritiko, ang nangyaring trahedya’t mishandling ng August 23 hostage crisis ay "repleksyon lamang na weak ang leadership" ng administrasyon ni PNOY. May political motives man ang pahayag o wala, sabihin man nagsisimula (first 100 days) pa lamang sa paggugubyerno, "malinaw na unti-unti ng lumalabas ang tunay na kulay at direksyon ng bagong administrasyon; na wala ring pinagkaiba sa pera-pera, padri-padrino, trapo at copy cat ng buluk na administrasyong Arroyo."

Kung hindi maitutuwid ang landas, pinaniniwalaang maagang madidiskaril ang naistablished na "honeymoon" sa pagitan ng mamamayan, iba’t-ibang demokratikong kilusan (civil society) sa administrasyong PNOY. Mula sa panawagang magresign ang puno ng sablay, pinuntirya ang ilang personalidad sa communication group at DILG Secretary Jess Robredo bilang may “command responsibility daw sa trahedya.” (Larawan: International outrage over the hostage tragedy directed at Noynoy’s Incompetence. http://antipinoy.com/should-i-stay-or-should-i-go/)

Walang dudang nawindang si PNOY sa trahedyang kinasapitan ng walong dayuhang turistang biktima ng
"collateral damage" ng mga tauhan ng buluk na kagawaran ng NCRPO - PNP. Imbes na magpakatatag at magpakita ng lakas ang PNOY, tila parang kuting na pusa na nanikluhod sa mga dayuhan (Hongkong-China), protektahan ang daang libung domestic helpers (OFW), yakapin ang kin
ang ng dolyar sa turismo at katigan ang grupong malalapit sa kanya, habang inilalaglag ang matitino, may conviction at partidista sa hanay.

Tulad ng inaasahan, sinamantala agad ng oposisyon sa Lakas-KAMPI ang trahedya upang makabawi’t upakan si PNOY. Mga kilalang pusakal, mga alagad ng dating administrasyong Arroyo (GMA); si Cong Villafuerte, Lagman, Magsaysay at
may 2016 presidential ambition na si Sen Escudero, na sibakin na si Robredo. Nagbanta rin “hindi makukumpirma" sa Commission on Appointments (CA) sa Kongreso si Robredo. Ang malungkot, nagkaroon din ng pagkakataong makapagmaniubra ang Cojuangco faction (makapangyarihan at maimpluwensyang Lopez, Bayaw inc., Peping Cojuangco, Ex Sec Paquito Ochoa) sa loob ng administrasyong PNOY na sibakin na si Robredo at ipalit ang PNP chief Verzosa, ang kasalukuyang puno ng PNP na magreretiro sa Setyembre taong kasalukuyan.

Kung matatandaan, nakuryente si PNOY sa prangkahang pahayag na binitiwan nito sa kaso ni Robredo na hindi na siya aabot sa kapaskuhan, hindi siya kabilang sa listahang ii-endorso sa CA-Tongreso. Nung matunugan ni Noynoy na malaki ang implikasyon kung sisibakin si Robredo, bigla itong kumambiyo at sinabing "mataas ang kwalipikasyon ni Robredo sa posisyon at hindi naman talaga siya direktang sangkot sa hostage incident."

Tila nakalimutan ni PNOY na “hindi buong-buo" ang ibinigay niyang trabaho kay Robredo sa DILG, "ang usapang si Usec Puno ang hahawak sa Interior -PNP habang sa local government si Robredo." Manok ng Iglesia ni Kristo (INK) si Usec Puno, kapalit kabayaran sa 2 milyong command votes na idiniliver ng huli sa kandidatura ni Noynoy nuong 2010 election.

Ang tanong ng mga Bikulano, bakit pinagtutulungang ng mga galamay ni GMA at Cojuangco/Aquino faction na tanggalin sa pwesto si Robredo sa DILG? Dahil ba sa kaseryosohan nito sa anti-corruption drive, anti-weteng, repormang isusulong sa local government units, Bicol politics o selos na natanggap na award nito sa prestiyosong Ramon Magsaysay?

Hindi malayong paniwalaang tali ang dalawang kamay ni PNOY sa grupong mayroon siyang "pampulitikang pinagkakautangan," malalapit at may personal attachment sa kanya. Sa katunayan, malaking bahagi ng kanyang gabinete ay inindorso ng PADRINO bilang kapalit sa "bilyung pisong pondong tulong" sa kampanya. Totoong "malawak o kaliwa't kanan" ang political spectrum ng kanyang administrasyon; may TRAPO, hindi kilala at popular, may kredibilidad at handang makipagtagisan at diskurso (struggle of interpretation and ideas) sa loob at labas, para sa pagbabago.

Ang alyansa sa pagitan ng Liberal Party (LP), ilang maka-kaliwang grupo, progresibo't aktibista na nagbigay kredibilidad sa Noynoy-Mar presidential tandem bago magsimula ang 2010 election campaign ay tila nasa minorya at nalalagay sa alanganin. Ang tanong ng marami, paano mai-strengthen ang ESTADO't mga institusyon na sinalaula ng nakaraang administrasyon kung patuloy na nangingibabaw ang sistemang padrino? Paano palalakasin ang mga demokratikong institusyon at maisusulong ang reform agenda, kung patuloy na pinahihina at nilulumpo ang partido pulitikal at organisasyon?