Thursday, March 05, 2009

Ang dayaan sa 2010 at ang Kilusan ng Mamamayan

Doy Cinco /  Ika 6 ng Marso, 2008

Tulad ng inaasahan ng marami, klarong tuloy na ang 2010 election at dahil sa pagkakapasa ng P11.3 billion supplemental budget ng Poll Automation System,  magkaka-alaman na kung maisusustina ng Comelec ang iba pang sangkap na usaping maggagarantiya sa isang malinis, kapani-paniwala,  tahimik na eleksyon sa 2010.  Sa totoo lang,  halos nagsisimula pa lang ang trabaho ng Comelec, ang layuning  ipanumbalik ang pagtitiwala ng country sa democratic deficit na nagawa nito sa mahabang panahon sinalaula ito ng pwersang nakalukluk sa kapangyarihan.  (Larawan sa itaas: OMR machine)

Bagamat marami ang naniniwalang  sadya lamang mababawasan ang dayaan sa 2010 election  sa araw lamang ng botohan, bilangan at canvassing, dahil sa transparency at accessible electronically sa internet, mananatili sa dating gawi ang talamak na dayaan  sa panahon ng PRE-CAMPAIGN (kasalukuyan),  madugong patayan sa loob ng 60 / 45 DAYS campaign period at bisperas ng botohan, kung saan nagaganap ang malaking bulto ng dayaan sa election.  Ibig sabihin,  bago maisuksuk ng isang botante  ang shaded ballot sa makina.  Electronic ang araw ng VOTING and COUNTING pero mananatiling dating GAWI at madaya ang kabuuang kondukta ng halalan.

Kung may sariling calendaring (election schedule)  na ilalabas ang Comelec,  walang dudang nagsimula na rin ang political battle plan calendaring ng mga major players,  “political parties at mga presidentiables.”  Maaring magsimula na ang pagmonitor ng Comelec,  Advisory Council,  Bantay Election Watchdog at responsableng mamamayan sa maagang pandarayang sinisimulan ng pinatutupad ng mga pulitiko;

Una;  ang paniniyak na excluded ang galamay ng Malakanyang at Mega Pacific pipol sa Bidding process ng makinang gagamitin (vendor).

Pangalawa;  asahang magsisimula ng umarangkada ang gastusin (illegal campaign materials na nagkukubli sa tarpuline), ang malikhain, makabagong paraan ng VOTE BUYING. Kung may paraan kung paano masasawata ang iligal na pondong ihahatag ng Weteng,  Drug Lord,  mga Taipan (Lucio Tan,  Danding Cojuangco,  Henry Sy atbapa) at mga proyektong subsidy na gagamiting pa-pogi points at pamumulitika ng administrasyon Arroyo.

Pangatlo;  sa panahon ng election period, isagawa ang pagdidis-arma sa lahat ng private armies, including para-military units o CAFGU na ang gawaing ay pagsilbihan ang kanilang panginoong mga pulitiko sa lugar.  Ang pagkakaroon ng pansamantalang unilateral ceasefire (60 days-mula Appari hanggang Jolo) sa panig ng AFP/PNP at lahat ng insurgency groups.  Ang mahigpit na pagbabawal ng  iligal na pangongotong o permit to campaign (PTC) finance generation ng iba't-ibang armed groups.  (Larawan: Abra's Private Armies / www.pcij.org)

Pang-apat;  ang pagkakaroon ng GENERAL REGISTRATION at overhauling ng local election officer sa buong bansa.  Hindi lingid sa atin na nagsisimula ng magsiksik ng mga "bagong botante" ang mga incumbent politicians.  Hawak sa leeg, kadalasa’y inaarbor ng mga pulitiko  (Admin candidates) ang mga local Comelec  Director (munisipyo, Lunsod at Kapitolyo) sa buong kapuluan.

Panghuli; ang malawakang popularization ng Voter's Education Campaign at paglulunsad ng "Candidate's Debate" mula presidentiable hanggang local candidates.  Mga paksang may temang;  political at Electoral Reform, Education, Productivity at Industrialization, PEACE and Development,  Good Governance, Environment, Human Rights,  RURAL Developments at iba pa.

Ano mang pagsisikap na purgahin o i-cleased ang over-bloated voter’s poulation (umabot na sa 3.0 milyon) kung patuloy na mamanipulahin ng mga pulitiko ang rehistrasyon ng botante at listahan ng mga botante,  balewala rin.

Ang Kilusang Progresibo

Wala ng dahilan ang mga KILUSANG mamamayan at civil society na hindi magparticipate o hindi mag-engage sa partihang makukuhang kapangyarihang politikal sa 2010.  Ang “political power” ang lola ng mga adbokasiya” ng lahat ng iba’t-ibang klaseng civil society sa Pilipinas.  Ano nga naman ang ibubuga ng parally-rally at kilos protesta kung sila mismo o ang mga kaalyado (reformer) na mismo ang nakalukluk sa kapangyarihan,  nagdedesisyon at may hawak pang budget allocation sa gubyerno. 

Ayaw kong maniwalang “lumiliit ang bilang ng mga kilos protesta sa lansangan resulta ng kawalang pag-asa at partisipasyon,  mga kadahilanang may kahinaan sa estratehiya at taktika, sectoralized at pagiging watak-watak.  Ayaw ko ring paniwalaan ang persepsyong nagsasawa, asiwa na ang tao sa rally,  demonstrasyon o pipol power.”  Ayaw ko ring maniwalang "hindi papatulan ng progresibong hanay ang paghahari at dominasyon ng elite sa grassroot level,  sa mga komunidad kung saan,  malalakas ang organisasyon ng mamamayan."   After all, "ang pampulitikang KAPANGYARIHAN ang punu’t dulo ng mga kaguluhang ito. "

Kung maipagpapatuloy ang tradisyong manatiling naka-sideline,  miron, non-partisan at magkasya na lamang sa nakagawiang campaign advocacy, issue based oriented,  meaning,  patuloy na ikatwirang  “laro lamang ito ng elite, gamitin ang election sa kapakinabangan ng pag-aalsa’t pagbabago ng lipunan,  manatiling mersenaryo,  pinangangambahang political suicide at ISOLATION ang kahihinatnan ng progresibong kilusan sa Pilipinas. 

No comments: