Saturday, March 14, 2009

Ang Komunidad at Kilusan ng Mamamayan

Doy Cinco / Ika 12 ng Marso, 2009

Mula ng maibagsak ang diktadurya at nanungbalik ang ispasyo sa demokrasya, nagbago (above ground) ang arenas ng labanan at nagbigay puwang ang pagsasakapangyarihan at demokratisasyon sa mga pamayanan. Dahil sa iba’tibang konteksto at kadahilanan, ang paghahanap ng kalulugaran at katuturan sa buhay, may malaking bilang ng mga “aktibista at dating aktibista" sa kanayunan at kalunsuran ang naingganyong lumahok at nag-engaged sa lipunang pulitikal o kilusang demokratiko. (Larawan: 1986 Edsa Revolution)

Kagyat man ang resulta o pangmatagalan, sa pamamagitan ng partisipasyon sa lokal na pamamahala at eleksyon, malaki ang nagampanang papel ng komunidad at kilusan sa balanse ng kapangyarihan at mundo ng pultika.

Mahalagang maging mulat ang (aktibong) mamamayan sa balangkas ng partispasyon at galaw ng lokal na pulitika, tulad na lamang halimbawa ng; proseso ng pagdedesisyon at demokratisasyon sa pamamahala, ang dinamismo sa loob at labas ng institusyon, ang pagbalangkas ng planong pangkaunlaran, pagmonitor sa programa at proyekto, ang galaw ng tradisyunal na pulitiko at iba pang isyung direkta at di-direktang nakaka-apekto sa komunidad.

Marami sa mga lumahok, kundi man natalo sa halalan ay nagpatuloy na makipag-engaged sa kilusang pulitikal at tradisyonal na kilusang mamamayan. May malaking bilang ang pumasok sa mundo ng lokal na pulitika at halalan; may nanalo at may naipwesto sa poder, may naging tagapayo (consultant), community organizer (CO), pangangasiwa ng kampanya, organisasyon, edukasyon at propaganda at ang iba’y sinasabing “nalamon ng kabulukan ng sistemang pulitika.”

Sa kalagayang pinag-iiba ang mundo ng pulitika (lokal na pulitika) at mundo ng kilusan ng mamamayan, karaniwang tinitignang “bara o balakid sa pagbabago at banta sa katatagan ng kilusang mamamayan ang mundo ng pulitika.” Sa lipunang ideolohikal, “ang kasagraduhan at rasonableng balangkas ng direktang demokrasya (direct democracy) ay ‘di hamak na mas matimbang kung ikukumpara sa moda ng representatibong demokrasya na sadyang walang katotohanan at pawang huwad na kumakatawan sa mamamayan.” Kung progresibo nga naman ang mailulukluk sa lokal na kapangyarihan, ang existence o reason for being ng kilusan ay mawawalang saysay.

Mahalagang mabalanse ang balangkas ng "direkta at representatibong demokrasya." Kung magkakatulungan, may koordinasyon, ugnayang (lokal na pulitika at kilusang mamamayan) at magkatuwang na ipatutupad ang reporma sa lokal na pamamahala at partisipasyon, malayo ang malamang na marating sa pagbabago, delivery of basic services, demokratisasyon, bagong pulitika at pagpapalakas ng kilusan ng mamamayan.

Ang Komunidad

Bukud sa isa itong sistema, ang komunidad ay ang pagsasama-sama, isang koleksyon o grupo ng mga tao. Maraming dimensyon, pang-teknolohiya, pang-ekonomiya, pampulitika, pang-institusyon, pang-ideolohiya ang komunidad. May iba’t-ibang paniniwala, idea, konsepto, mga pinapahalagahan at modelo ng pakikisalamuha. May mga komunidad na nasa survival mode (matira ang matibay) at nasa humanitarian crisis situation (man made at natural calamity). Kung ikukumpara sa sitwasyon 60s-70s, may malaking ipinagbago ang mga komunidad.

Hindi homogenous at lalong hindi binubuo ng iisang sektor ang komunidad. Ang mga tao ay labas-masok, lumilipat ng tirahan, nananatili at higit sa lahat, patuloy na nagbabago. Ang komunidad ay binubuo ng maraming sektor, paksyon; may makapangyarihan at may kinukubabawan (marginalized), binubuo ng iba’t-ibang uri, may iba’t-ibang antas o dibisyon, kompetisyon at maraming tunggalian at sigalot. Nagpapakita lamang na ang komunidad ay isang kabuuan, o higit pa sa kabuuan ng mga parte ng malawak na pamayanan o kumunidad. (Larawan: Manila's urban poor slums/ www.asia-pacific-action.org/ taxonomy/term/7)

Ang malaking hamon ay kung paano at sino ang makapag-organisa, makaka-pamuno, makapagbibigay serbisyo, makapag-impluwensya't makakapagsakapangyarihan sa mamamayan at komunidad, hindi lang sa panahon ng eleksyon, bagkus sa buong panahon, araw-araw na takbo ng pamumuhay, pulitika at panlipunang kalakaran.

Nagbabagong Konteksto

Totoong nakaapekto ng malaki sa mga grupo ang sitwasyon at arena ng labanan. Bagamat nililinaw nating hindi ito nangahulugang humina at namarginalized ang kabuuang kilusan ng mamamayan sa komunidad. Sa katunayan, maraming nakakalat na mga “bagong kilusan ng mamamayan" ang nag-usbungan at kinilala sa kasalukuyan. Depende na lamang kung may kakaibang pagtinging naliligaw, pagtinging tunay at hindi tunay, pagiging repormista at rebolusyunaryo. Sa daming nagsulputang kilusan, maaaring nagkaka-iba-iba ang hugis ng identidad, porma ng kolektibong pagkilos, interest at tipo ng organisasyon. Maaring sabihing hindi na ito tulad ng tradisyunal na inaasam-asam nating partido, campaign advocacy oriented at kilusang pang-sektoral.

Bagamat may mangilan-ngilang tagumpay sa sektoral na patakaran, hindi ito naisustina bunsod sa kahinaan ng kilusan, ng mga institusyon at batas na gumagabay at inplementasyon. Sa totoo lang, ang tradisyunal na sektoral na paraan ng pagpapakilos ay hindi rin gaanong lubos na nakalikha ng pagbabago sa komunidad at impluwensya. Bukud sa sustainability, magastos at highly subsidized ang kampanya at mobilisasyon, factionalism at watak-watak, mahinang pamunuan at sapilitang inu-ugnay ang sektoral na isyu sa pambansang panawagan at istrukturang nais na baguhin sa lipunan. Mga tradisyunal na isyung muling binubuhay, isinasakay sa isyung sektoral at may layuning patindihin ang tunggalian sa uri at ideolohikal na pampulitikang panawagang ”wasakin at ibagsak ang mapang-api at elitistang estadong hindi naglilingkod sa mamamayang” sa paraang insureksyon at armadong pakikibaka.

Karaniwang ”top/down ang approach” ang mga isyung pinanghawakan ay kadalasa'y niluto, pinangunahan at inisyatiba ng partido o mga katuwang na NGOs. Sa pamamagitan ng mga ”facilitator o mga experto sa larangan ng kampanya,” isinusubo ang nalikhang isyu ng NGOs/partido sa mamamayan na kung tutuusin ay kay hirap ipanalo, lutang at kay bigat unawain, hiwalay pa ang kontrobersyal na usaping ginagamit lamang ang mamamayan upang pagkakitaan at pondohan mula sa international funding agencies.

Dahil top/down ang approach, natural na mauuwi sa pananaw na istruktural na pagbabago (vertical projection) ang lunas at katugunan. Ito marahil ang ilan sa mga kadahilan kung bakit hindi naging mahalaga ang komunidad at hindi na popularisa ang paglahok sa lokal na pulitika at electoral na pakikibaka ng tradisyunal na kilusan mamamayan.

Sa absense ng kilusan ng mamamayan, nagawang humalili, namanipula at naimpluwensyahan ng pulitiko (Trapo), political clan at warlordismo ang maraming komunidad sa buong bansa. Ang dating itinuturing balwarte ng kilusang mamamayan ang siya ngayong pinamumugaran ng elite at traditional na pulitiko. Sinamantala ng mga TRAPO ang kahinaan at pagiging watak-watak ng kilusang nag-aagawan at nagkokompeyensyahan sa isa’t-isa, sa iisa at sa lumiliit na bilang ng sektor sa komunidad.

Hamon

Sa nagbabagong kalagayan ng mga komunidad, ang isang popular na kombinasyong malakas na kilusang demokratiko at baseng elektoral ang makapipigil sa paglaki ng kontrol at paghahari ng tradisyunal na pulitiko sa mga komunidad. "Sinasabing nasa lokal ang labanan at pinanggagalingan ng lahat ng kapangyarihan at dominasyon. Nasa lokal nagsisimula at nagtatapos ang kapangyarihan at pagsasamatala. Nasa lokal mahuhubaran at mailalantad ang patuloy na pamamayagpag ng tradisyunal na pulitiko. Nasa lokal magsisimula ang malakas at sustinidong pagkilos laban sa katiwalian, pang-aabuso at pagsasamantala.. Nasa lokal magmumula ang isang malakas at tunay (genuine) na grassroot movements, isang kilusang malakas, popular, sustinido, nagsasarili at sa sama-samang kumikilos ayos sa basbas at panawagan ng komunidad at mamamayan."

Ang hamon sa ngayon ay hindi na lamang simpleng debate sa tactical na pakikihamok (diversification of areas of engagement), ang usapin ngayon ay kung sino ang may malawak na baseng komunidad at kung sino ang may wasto at epektibong may basa (reading) sa nilulugarang konteksto. Ang hamon sa ngayon ay kung paano kikilalanin ang mas malawak na diskurso sa politika, demokratisasyon, pang-ekonomya't usaping panlipunan.

Hindi na lamang usapin ito ng pagiging “rebolusyunaryo, advocacy for reforms, ang pagiging repormista o isahang pagtingin ng mga bagay-bagay (plurarity at katangiang diverse na kalagayan). Ang isang malaking katanungan ngayon ay kung paano mapapaunlad ang kapasidad ng mamamayan bilang mamamayan (political at civil citizenship), bilang social citizenship at bilang isang komunidad na may imahinasyon, mapanglikha at compassionate!"

2 comments:

Anonymous said...

Sometimes we eat to deflect boredom or aloneness,
or to show the lipoprotein but not the lipoid Constituent nor the cholesterol it contains.

Mr Huhne has pleaded guilty to perverting the course of action of
justness instinctive practice of medicine you've been looking for, as easily as a novel way to loosen. glowering chocolate has shown in recent studies, to portion of red centre 6 ounces contains more than cholesterol than you should eat in an total day.

my web page for cure cholesterol bad natural

Anonymous said...

My home contains trio brothers through blogging whether by doing original reportage or providing
commentary as it is reported in other sources Spoke 2005:
88.

Take a look at my homepage; click here